bc

Little Devil

book_age16+
3.1K
FOLLOW
5.0K
READ
revenge
killer
dark
arrogant
mafia
evil
witty
male lead
realistic earth
school
like
intro-logo
Blurb

Supremacy Series 02

"Ang liit liit pero napakamaldita"

"Tingnan mo pre... ang ganda talaga ni Ivolyn mukhang manika."

Napairap na lang ang dalaga sa sarisaring naririnig niya sa bibig ng mga kaschoolmate niya.

"Ang aga aga chismisan ng chismisan matuto kaya muna silang mag tooth brush... hanggang dito amoy na amoy ang mabahong hininga nila."pagpaparinig na dalaga na mas lalong kinalakas ng bulungan ng mga estudyanteng nadadaanan niya.

"Ivolyn Rivas!go to my office now!"napangiwi ang dalaga ng hindi pa nakakatapak sa loob classroom nagsalita na ang speaker sa gilid ng pinto.

"Arghh!ano nanaman ba paupuin niyo muna ako pwede ba?!"bulyaw ng dalaga na parang magsasalita ang speaker bago padabog na pumihit pabalik para pumunta sa guidance office.

--

Nang makarating sa harap ng opisina ang dalaga walang kaano anong binuksan niya ang pinto at pabalyang sinara.

"Ano nanaman ate?!"bulyaw ng dalaga habang nakatingin sa dalagang nasa swilve chair.

"Wala ka pa ding respeto Ivolyn kaya hindi na ta--."

"Hindi mo naman siguro ako pinatawag dito para sermonan lang diba?"pagtataray ni Ivolyn sa nakakatandang kapatid.

"You should know how to respect Ivolyn bakit ba ganyan ang ug--."

"Look ate wala akong panahon para sa mga sermon mo na parang may pake talaga kayo sakin."putol ng dalaga bago tumalikod.

Lalabas na sana ito ng bigla na lang bumukas ang pinto at--.

"WTH!anong ginagawa mo dito?!"Ani ng dalaga habang nakatingin sa napakagwapong binatang may berdeng mga mata at may hawak na itim na pusa.

"Ganyan ka ba bumati sa uncle mo...My Little Devil."nakangising sambit ng binata na kinagimbal ng dalaga.

chap-preview
Free preview
01
Chapter 1 3rd Person's POV; "Hello, may tao ba diyan?"ani ng batang nasa walong taong gulang habang nililibot ang paningin sa attic ng may marinig siyang bagsakan. "Hello."ulit ng bata pero ng makitang walang tao lalabas na ito ng hindi sinasadyang matapakan niya ang nakausling pako kung saan may ilang malalaking box ang nakapatong. "Ahhh!"tili ng bata ng makita niyang babagsakan siya ng mga box. "Bata!"ani ng batang lalaki ng makitang madadaganan ito kaya mabilis niyang niyakap ang bata na dahilan para sakanya lahat bumagsak ang mga box at mahulog ang ilang gamit. "Shit."mahinang mura ng batang lalaki ng makaramdam siya ng sakit sa bandang likod niya. "Ayos ka lang?"tanong ng batang babae na kinatingin ng batang lalaki na may berdeng mga mata na kinatulala ng batang babae. "Ang ganda."komento ng batang babae hahawakan ng bata ang mata ng batang lalaki ng mabilis itong tumayo at lumayo. "Delikado ang lugar na ito para sa tulad mo."ani ng batang lalaki habang nakatingin sa pulang buhok ng batang babae. "Anong ginagawa mo dito sa attic ni lola?"tanong ng batang babae bago pagpagan ang suot nitong pink na palda. "Umalis kana bata delikado ka dito."ani ng batang lalaki na kinanguso ng batang babae. "Attic kayo ito ng lola ko... samin ito bakit mo ako pinaalis?"pagmamaktol ng batang babae ng makitang may tatamaan nanaman ang batang babae hinila siya ng batang lalaki palapit sakanya at tumingin sa itaas. "Mag iingat ka ngang bata ka tambakan ito pag may matamaan ka nanaman pareho tayong madudurog dito."ani ng batang lalaki bago ituro yung mga gamit sa taas na kinalaki ng mata ng batang babae ng may makita siyang ilang appliances sa taas. "Ngayon lang kita nakita dito anong ginagawa mo dito?"tanong ng batang lalaki sa babae. "Ihhh diba dapat ako magtanong nan sayo?anong ginagawa mo sa attic ng lola ko?...nagbabakasyon lang kami nina mama dito."sagot ng batang babae. "Anong pangalan mo?"dagdag na na tanong ng batang babae. "Jedal." --- "Gabing gabi na Jedal."napatingin ang binata sa lalaking pababa ng hagdan na tanging pajama lang ang suot at may hawak na tray na may lamang mga baso. "Hindi ka din makatulog?gusto mo ding timplahan kita ng gatas?"parang nangaasar pa na sambit ng lalaki na kina ismid ng binata. "Pwede ba kuya hindi na ako bata."ani ng binata bago inumin ang alak na nasa kopita at bahagyang paluwangin ang suot nitong necktie. "Ngayon kana nga lang ulit dumalaw dito nagsusungit ka pa binibiro lang kita."natatawang sambit ng binata bago pumasok ng kusina dala ang tray. "Nanaginip ka nanaman ba?"tanong ng lalaki na kinahilot ng sintido ng binata. "Walang gabi na hindi ko siya napanaginipan kuya."sagot ng binata bago sumandal sa sofang kinauupuan nito at pumikit ng mariin. "Hanggang ngayon sinisisi mo pa din ang sarili mo...wala kang kasalanan sa nangyari."ani ng lalaki habang binubuksan ang ref. "Pero Kuy--." "Nalulungkot din ako sa nangyari Jedal...kaisa isa kong kapatid yun...at isang himala pang nanganak pa si mama... blessing si Alex...pero mukhang hindi talaga siya para satin...tanggapin mo na Jedal wala na siya...at wala kang kasalanan."putol ng lalaki sa binata bago tingnan ang kapatid na nakatingin sa pwesto niya. "Pinahihirapan mo lang ang sarili mo Jedal."dagdag pa ng lalaki bago lumabas ng kusina at umupo sa kaharap na sofa. "Masaya na si Alex."ani pa ng binata bago magsalin ng wine na kinabuga ng hangin ng binata at tumingin sa kisame.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
31.7K
bc

Dangerous Spy

read
297.4K
bc

EASY MONEY

read
174.0K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.4K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
12.1K
bc

YOU'RE MINE

read
893.1K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
195.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook