KABANATA 1 - The Plan

3442 Words
Naglalakad pa lamang ako sa malawak na hagdanang magdadala sa akin sa may bulwagan ay natanaw ko na ang grupo ng mga camera na nag-aabang doon. Kinukuhanan ang bawat bisita, kinikilala kung saang pamilya galing ang bawat isa. I smiled wider, more confident and proud. Nahagip ako ng isa sa kanila at agad akong kinuhanan ng litrato. Ngunit wala nang sumunod. Hindi kagaya sa iba na binabato pa nila ng maraming tanong at sinisilaw ng mga flash ng camera, sakin hindi. Bakit naman sila magiging interesado sa isang guro? They would be more delighted if my parents were the ones who are here tonight. I didn't walk the red carpet, there is no need for me to even do that, lumiko ako at dumaan sa likuran ng press. Nang makalampas ay nawala na ang ingay, all I can see now is just the elegance and wealth of every person I run into. Tinaas ko ang baba at diniretso ang tingin sa harap. Confidence, Hyacinth, that's what you need. I gently swung the hem of my long gown to clear up my way. Artificial red roses clutched on its edge went in the flow of its rhythm. My gown was body hugging and it gave more emphasis to my figure. It has a tube top front and my back was entirely exposed. I saw some of men smiled and gestured their glasses of wine in greetings. May mga lalaki ring nakatitig sakin na tila tinitingnan ang buong katauhan ko. I paid a smile in their recognition and continued on my track into my friends' table. Dahil hindi naman ang pakikipagkilala sa iba't ibang lalaki o paghahanap ng atensyon nila ang ipinunta ko rito. I am here for something more terrible and insane reason. Nang marating ko ang table namin, sa halip na kumustuhan ang maging bungad ng mga kaibigan ko sakin ay naagaw lang ang kanilang atensyon ng lalaking kararating lamang. I grinned, surely knowing who it was, I turned to watch him too. Hindi na ako nasorpresa na makita siya sa ganitong klaseng pagtitipon. Of course, this event is for the elites, for the business prodigies, political families, the heirs and each pride of the well-known families in the town. Kaya dapat lang na nandidito rin siya. "Who is he?" I heard Isabel asked. "Seriously, you don't know him? God, Isabel! Saang lumalop ng mundo ka ba galing?" "Sorry ha! I'm a travel vlogger kasi eh, not men vlogger," sarkastikong sagot nito sabay ikot ng mga mata. "Yes, obviously." Leiah rolled her eyes too." Anyways, he is Calix, the eldest son lang naman of Senator De Varga." "You mean, that controversial senator? Akala ko naman kung sino na, siya lang naman pala." Mapainsultong napairap si Isabel na tila nawalan na ng gana sa kanilang pinag-uusapan. "Grabe ka! He's way different from his father 'no. Siya kaya ang CEO ng De Varga Airlines, which he instituted alone without any help from his father, may mga pagmamay-ari din siyang condominiums and hotels all over the country. And again dear, ang lahat ng iyon, walang kahit anong tulong na nanggaling sa ama niya. Hindi pa kasama ang mga branches niyan sa ibang bansa ha." Pagmamayabang nito na animo'y may inambag sa lahat ng pag-aari ng lalaki. Ngunit hindi naman niyon nakumbinsi si Isabel. "Are you sure? Paano mo naman nasabi? Close ba kayo?" "Hello! He said that in one of the press conferences he had before and I do research kaya. Where he is now is not from the influence of his father. Sariling sikap niya ang lahat ng narating niya ngayon." "So pinaniwalaan mo naman ang mga sinabi niya? Who knows, he's just a one big fat liar like his dad." Isabel rolled her eyes, completely unconvinced of everything Leiah had said. "And... he also has his own army, Isabel. Kaya kung ayaw mong ma-assasinate, keep that noisy mouth shut or he's gonna hear what you're saying," she added. I silently smiled at what she said. Army? Siguro iyon lang ang pagkakaalam nila. I already know everything Leiah had said, in fact I know more about it. Pero hindi na ako nag-abala pang dagdagan ang mga sinabi niya, I don't want to burst her bubbles. Alam kong mag-iiba lang ang tingin niya sa lalaking hinahangaan niya kapag sinabi ko pa ang iba kong nalalaman tungkol sa kanya. I sipped in my glass of champagne as I watch him walk on the red carpet. Ilang metro lang ang layo niya samin kaya malinaw ko siyang nakikita. Nakasunod ang mga nakaitim na gwardiya nito sa likuran na hinaharangan ang press na makalapit sa kanya. They were all going crazy to take pictures of him and ask for an interview. Sa lahat nga naman kasi ng naririto ngayon, siya ang pinaka inaabangan, siya ang pinaka espesyal, siya ang pinaka mayaman, at siya ang pinaka makapangyarihan. Calix has his killer smile plastered on his face. It was the kind of smile that could capture every woman's heart in a second—but not mine. Kaya rin maraming nagkakandarapa rito dahil bukod sa expertise niya sa larangan ng business, may angking 'expertise' din ito sa larangan ng pambababae. Nakakahumaling ang pangangatawan at postura nito pero hindi ako apektado non. Malapad ang balikat, kahit natatakpan ng suot na puting tuxedo ang kanyang mga braso ay bumabakat pa rin ang nagtatagong maskulo nito sa loob. Even his long legs were showing off, his black slacks moulded his perfectly carved muscles beneath. It was exactly the body that women of my age are interested in. Nang muli kong ibalik ang tingin sa mukha niya, I was taken aback when I found him staring at me too. His chiselled jaw said hello to me as he sent me his killer smiles. I smiled back. Just like how I wanted it to be—get his attention, and let him fall into my trap. Sinadya kong iiwas ang tingin sa kanya, I faced my friends giving him the opportunity to have a good view of my naked back. Umarte akong nakikipagusap sa mga kaibigan upang hindi niya mahalatang nagpapasikat o nagpapapansin lang ako sa kanya. I want to look natural as much as possible. Kailangan kong makuha ang atensyon niya kahit na anong mangyari. My grin grew even more when I felt a huge, hard, and rough palm snaked around my waist. "Hi girls. Having a great time?" Ngunit ganoong napawi na lamang ang ngisi ko nang makilala ang boses na iyon. "Hey, Deon! Akala ko hindi ka na pupunta," bati ni Isabel dito. Mariin akong napapikit at kung posible lang talaga siguro na umusok ang ilong at mga tenga ko ay malamang hinahamog na itong buong lugar ngayon. This guy's freaking ruining my plan! Matatadyakan ko talaga 'to nang wala sa oras eh. "'Pag talaga ako nakita si Tito, ipapaalam ko na ang kamatayan mo," pagbabanta ko sa kanya habang pinanlilisikan siya ng mata. Subalit hindi ito natinag, mas lalo niya lamang hinigpitan ang hawak sa bewang ko at mas nilapit pa sa katawan niya. "You will miss me when I'm gone." Akmang sisikuhin ko na ito sa sikmura nang mahagip ko ang mga mata ni Calix na nakatingin sa gawi namin. He was talking with another man, na hula ko ay isa ring beterano sa industriya ng politika, pero pasimple itong nagnanakaw ng tingin sa akin at sa kamay ni Deon na nasa bewang ko. I thought I could still pursue my plan even if this idiot ruined it pero nang sinubukan ko nang alisin ang kamay niya ay mabilis niya rin itong binalik at bumulong sa akin. "I know what you're doing, Hyacinth," seryosong sabi niya. Saglit pa kaming nagsukatan ng tingin bago ko muling inalis ang kamay niya and this time I won. I saw Calix still eyeing us, pero hindi ko na pinansin muna iyon. Hindi ko magagawa ang plano ko kung nandito si Deon, sigurado akong gagawin niya ang lahat para lang mapigilan ako. "Follow me. Sa labas tayo mag-usap," saad ko at nauna nang umalis doon. Narinig ko pa ang mga tanong nina Leiah at Isabel kung ano raw bang nangyayari at saan kami pupunta. I didn't bother explaining it to them dahil wala naman silang kahit anong alam tungkol sa pinaplano ko. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. It was getting crowded at mas lalong lumalakas ang amoy ng wine sa paligid. But it wasn't bad, sa totoo lang gustong-gusto ko ang ganitong amoy. I'm fond of alcoholic drinks kaya hindi na bago ang mga ganito sa akin. Despite of being just a pre-school teacher in this sea of business and political tycoons, hindi na bago sakin ang mga ganitong okasyon. Dahil sa isang sikat at magaling na abogado ang ama ko at may matagumpay na clothing line ang ina ko, kilala rin ang aming pamilya at kadalasang naiimbitahan sa mga ganitong klaseng pagtitipon. But my parents are always busy at nag-aaral pa ang kapatid ko kaya ako ang madalas na dumadalo. They have always been just an ordinary parties for me, but tonight, it will be different. Dahil bukod sa ito ang unang pagkakataong makadalo ako sa pagtitipong imbitado rin ang isang De Varga, ay sigurado akong pagkatapos ng gabing ito, hindi na ulit ako makakapamuhay pa nang tahimik at normal. Naabot ko na ang pinto na nasa likuran lang ng maliit na entablado sa sulok ng malawak na lugar na ito. Papunta ito sa garden ng hotel. Hindi kagaya ng nasa loob, tahimik dito, sariwa at malamig ang hangin, at walang tao. Hindi masyadong maliwanag ang ilaw na nagmumula sa mga poste sa bawat sulok, nagkalat din kasi ang mayayabong na mga tanim at mga baging kaya halos matabunan ng mga ito ang liwanag. Gayunpama'y nakikita ko pa rin ang nasa paligid, lalo na ang lalaking papalapit sakin. "Anong ginagawa mo rito? 'Di ba sabi mo hindi ka pupunta?" asik ko sa kanya. Pumuwesto ito sa eksaktong kalahating metro na layo mula sakin. "Ang sabi ko hindi ako pupunta kasi ang sabi mo rin sakin hindi ka pupunta, 'di ba?" Bahagyang tumaas pa ang isang kilay nito. May binunot itong isang telepono mula sa bulsa niya at ipinakita iyon sakin. "At iniwan mo pa talaga ang cellphone mo? Para ano? Para hindi kita ma-contact? Para hindi ko ma-trace ang location mo? Para walang sasagabal habang ginagawa mo ang plano mo?" Halos magtulay na ang mga kilay nito at nagtatagis na ang bagang. Umiwas ako ng tingin nang matanaw ang namumuong galit sa mukha niya. Deon doesn't always get mad at me. Hindi ako nito sinisigawan o sinasabihan ng kahit anong masasamang salita kahit na nagagawa ko iyon sa kanya. Nagagalit lang ito sa tuwing nilalagay ko sa kapahamakan ang sarili ko. Kagaya ngayon, kaya naiintindihan ko kung bakit siya nagkakaganito. "Isang De Varga pa talaga, Cinth? Sa De Varga pang 'yon talaga?" I bit my lower lip realizing how insane my idea really was. It's been a week since the day we encountered 'that' De Varga in the coffee shop. And it has also been a week since this crazy idea of mine began bugging me. They say, sometimes hope is a dangerous thing—it makes you fight battles you can't win. But isn't hope supposed to make us believe that we can win even the impossible battles? Kaya nga siguro kahit na isang taon na akong naghahanap ng hustisiya, I still couldn't bring myself to lose all the hopes I have because they're the ones giving me the courage to still believe that someday, justice will be served. At kaya na rin siguro naisipan ko ang bagay na ito, kahit imposible, I wanted to give it try, I wanted to risk even though I'm uncertain of its outcome. "You know that we don't have any more resources to find the culprit. Yung mga pulis? Puro pambababae at pagpapalaki ng tyan lang naman ang alam nilang gawin 'di ba. Yung NBI? Matagal na nila tayong sinukuan. Yung mga private investigators na pinaggastusan natin sa isang taon? Saan nauwi? 'Di ba wala rin? Kahit na si Tito, mismong ama ni Lucas, sumuko na. Kahit tayo, sa mga koneksyon at impluwensiya ng pamilya natin, hindi pa rin iyon sapat para mahanap ang taong pumatay kay Lucas." Napatigil ako sa huling sinabi ko, mariin kong kinagat agad ang labi upang pigilan ang nagbabadyang luha. In just a mere thought of it, hindi ko maiwasang umiyak. Kahit mahigit isang taon na rin ang nakalipas, ito pa rin ako at iyak nang iyak sa tuwing naaalala iyon. Isang taon na pero hindi ko pa rin magawang matanggap ang nangyari, hindi ko pa rin matanggap na wala na nga si Lucas. It still feels like it was just yesterday that we were still together, tapos ngayon wala na, hindi ko na siya mahagilap pa. "But why him? Hyacinth we can still find help from other people. Huwag lang sa isang De Varga—" "Hindi mo ba naiintindihan, Deon?!" Napataas na ang boses ko. "Hindi lang basta kung sino ang kalaban natin dito, ang hinahanap natin. For them to do their job that clean, without leaving any evidences or clues, eliminating all the witnesses before we can even find them? Sa tingin mo ba isang pipitsuging tao lang ang may gawa non? We are facing a big time monster here, that's why we also need a big time monster to find him." Napahikbi na ako at isang luha ang nangahas na makalabas. "Kahit 'yong hustisiya na lang sa pagkamatay ni Lucas, kahit iyon na lang maibigay natin sa kanya." Umamo ang mukha nito na tila humihingi ng tawad. Mas lumapit pa siya at inabutan ako ng isang panyo. Walang pag-aalinlangan kong kinuha iyon para pahiran ang mamasa-masa ko nang pisngi. Tinulungan ako nito para hindi masira ang makeup ko. Kung bakit naman kasi napakasuwail ng mga luha ko. "So what exactly is your plan?" I looked at him directly in the eyes, wala nang pagtutol doon at ang tanging nakikita ko na lang ay pag-aalala. "Kukunin ko lang ang loob niya, kukunin ko ang tiwala niya at kapag nangyari 'yon, magiging madali na lang para kumbinsihin siyang tulungan tayo." "Have you ever think of where and what this plan of yours could lead you and your family to?" "I..." I trailed off, trying to search for the right words to say, "Don't know." Bumunot ito ng malalim na hangin at pinakawalan. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at naramdaman ko ang marahang paghagod ng mga hinlalaki nito sa ilalim ng aking mga mata. "Are you willing to pay for what this plan will cost you?" Hindi ako nakasagot at sa halip ay pinantayan lang ang titig niya. Dahil kilala at matagumpay ang lahat ng mga ari-arian nila at dahil na rin sa pagiging senador ng padre de pamilya, ang De Varga ang pinakabigatin at pinaka maimpluwensiyang pamilya sa buong isla ng Panay. With their wealth and power, they can manipulate all the people living in Panay if they want to. Madali lang para sa kanila ang pabagsakin ang mga taong ayaw nila, ang kunin ang mga bagay na gusto nila o ang sirain ang lahat ng magiging balakid sa mga plano nila. Sa maikling salita, they can do whatever they want and no one has to have a say in it. Calix being that powerful, influential, and having a lot of connections, I thought he could be some sort of a key to solve Lucas' murder case. I was sure as hell he could help me find the killer, claim the justice, and finally be at peace. Na kahit maraming tumatakbong mga maaaring negatibong epekto nito sa utak ko ay may isang parte pa ring nagsasabing, ito na ang kasagutan, ito na ang matagal ko nang hinihintay, na si Calix lang ang makakatulong sakin. "Hyacinth, alam mong hindi lang basta isang tanyag na businessman si Calix." Despite of them being a high profiled family, they keep the deepest and darkest out of all secrets there is. At iyon ay ang pagkakaroon nila ng isang ilegal na organisasyon o mas kilala sa tinatawag na 'mafia'. Isang malaking organisasyon na nasasangkot sa lahat ng mga ilegal na gawain sa buong bansa, pag-import at pag-export ng mga droga, pagpapalitan ng mga ilegal na mga armas, at mga pagpatay. And that's why you shouldn't mess with a De Varga. I felt my innards trembled because of that. Remembering it made me want to puke out of fright. Napakatanga ko para isawalang bahala at isantabi iyon. I was too desperate to find Lucas' killer to even ignore about this part of the De Vargas. Kapwa kaming napalingon sa likod ng madadabong na halamanan nang makarinig ng pagkaluskos doon. It was too dark to even see if there's someone in that part of the garden but we we're sure the noise came from there. Pero hindi na namin pinagtuonan pa iyon ng pansin at baka isang pusa lang iyon, masyadong makitid ang espasyo at kung may tao ngang nagtatago roon, sana ay nakita namin ang paglabas niya mula sa malaking pintuang hindi naman nalalayo sa aming kinatatayuan. "That man won't settle to anything that can't be useful to him. Anong mapapala niya sa pagtulong sa'yo?" he continued, "Hyacinth, what I'm trying to point out is that, siguradong may hihingin siyang kapalit sa pagtulong sa'yo. And if you can't comply with that, what will happen to you then? After him knowing that you already know about his secrets, Hyacinth, just what the hell will happen to you after that?!" I've made a really reckless and stupid plan, aminado ako riyan. But of course, I'm not as stupid as my plan. May mga plano na akong naghihintay kung paano ko mapapasunod ang De Varga na 'yon, lalong-lalo na kung paano ko rin siya matatakasan kapag tapos na ang lahat. For now, ang kailangan ko lang gawin ay kunin ang loob niya and everything will follow and go as to what I've planned. I'll do it my way without any interference from Deon. Alam kong mapapahamak ako sa gagawin kong ito kaya hindi ko na dapat na idamay pa rito ang isang napakaimportanteng kaibigan ko. "You hate this kind of party, right? Hindi ka na dapat pumunta pa para hanapin ako. I'll make sure to come home safe and drunk later, kaya mauna ka na." I giggled. Ngunit hindi ito nakitawa. Hindi nilubayan ng pag-aalala ang mukha niya. Ang mga linya sa kanyang noo ay nagpapatunay lamang kung gaano itong nag-aalala para sakin. He didn't speak for a little while. Inaaral nito ang mukha ko na tila inaalam kung ano pa ba ang pwede niyang sabihin o gawin para mabago ang isip ko. He looked like he wanted to say something but just couldn't bring himself to. Kaya ako na mismo ang nagprisintang maunang umalis. "See you tomorrow, Deon." Tinapik ko ang balikat nito bago siya nilampasan. I was halfway the huge doorway when I finally heard him speak. It wasn't that loud pero nagawa kong marinig dahil nga sa kami lang naman ang tao roon at hindi naman kasing ingay ng nasa loob ang buong hardin. "Maghihintay ako sa sasakyan. I'll be at the park, near the swing, under the first lamp post you'll see after the convenience store." Bakas pa rin ang pag-aalala sa boses niya. Alam kong napipilitan na lamang siyang sabihin iyon, ang pumayag sa gusto ko, kasi alam naman na niyang wala na siyang magagawa pa para pigilan ako. And I think, this is just his way to help me at least, kasi alam niya ring hindi ko siya hahayaang tumulong sa pinaplano kong gawin. "Take care," was the last thing he said before I waved my hand without turning to him. Walang katao-tao sa parteng ito, sa likuran ng mini stage. I grabbed the chance to pull my compact mirror from my clutch bag. Tinitigan kong mabuti ang sarili ko sa salamin, mabuti na lang at hindi kumalat ang makeup ko dahil sa pag-iyak kanina. I have to look perfect later when I face that De Varga, dapat wala siyang makitang kapintasan o mumunting dumi sa mukha ko. Napahinto ang pagkakatitig ko sa aking mga mata. Hindi na ito mukhang nabahiran ng luha ngunit bakit parang hindi ako kuntento sa itsura nito? They were anxious, they look really scared. Kumurap ako ng ilang beses para paulit-ulit na burahin doon ang kaba at takot. It has to look dazzling, it has to look sweet and daring. Iyong mga tipo at mapapansin ng isang De Varga. "Kaya mo 'yan, Hyacinth," I said to myself, huminga ako nang malalim at pumikit nang mariin. "Kaya mo 'yan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD