Hinanap ko na kung saan ang mga kaibigan ko. They were still there at the place where I left them, nakatayo sa paligid ng isang matangkad na bilugang mesa. They were just enjoying their own company, kakauwi lang ni Isabel and I'm sure she had a lot of stories to share kaya hindi na sila nag-abala pang makihalubilo sa iba.
Isabel is the daughter of the city mayor. Ang ina niya ay kasosyo ni mama sa clothing line niya kaya kami naging malapit na magkaibigan. Isa siyang travel vlogger kaya madalas ay hindi siya namin nakakasama at minsan lang kung lumagi rito sa bansa.
Maybe that's why she didn't know that much about the De Vargas kasi madalas ay nasa ibang bansa siya at abala sa paglilibot. And maybe the reason why she doesn't like the De Vargas too is because of her family being close to mine. At isang mabuting mayor din ang ama niya, which concludes na ayaw rin nito sa masasamang politiko kagaya na lang ni Senator.
I saw both of them waved when I was only meters away.
Leiah, on the other hand, is also a daughter of a senator. Kaya marahil marami itong alam tungkol sa mga De Varga dahil na rin anak siya ng isang politiko, which by all means is interested with other political families too. For marriage, fame, power, making their names bigger. Hindi interesado si Leiah sa politika noon, lalong-lalo na sa pangangasawa ng politiko o anak ng isang politiko. But now, she is, that's after knowing that De Varga son.
"Saan ka galing, Cinth?" Luminga-linga si Leiah. "And where's Deon?"
"Umuwi na. Pissed his pants by just the thought of big crowd like this." Nagsihagikgikan kami dahil doon.
Deon has always been in between an introverted and extroverted man. He is a businessman too, used to public talking and had mastered how to convince and create good relationship with his business associates. Pero pagdating sa mga ganitong event o lugar, pumupunta lang siya kapag kasama ako. He doesn't like crowded and noisy places just like this one.
Nakilala ko siya dahil kay Lucas. They're both Buenavides, magpinsan sila. Sina Isabel at Leiah naman ay nakilala ko noong college, I was an education student while they're under the mass communication department. Nagkakilala lang kami dahil sa university publication where Leiah and I were both writers and Isabel was a photographer.
Isabel continued sharing about his out of the country trips. Nagpanggap lamang akong nakikinig dahil ang totoo ay nasa iba ang atensyon ko. I saw him talking to a different group of business people. Marami pang lumalapit upang sumali sa pag-uusap nila. That's just how famous he is, ganyan lang din siya kung gustuhing lapitan at kaibiganin ng mga tao. Of course, si Calix Alexander De Varga 'yan, if you want a sure success, dapat lang na kumapit ka sa mga kagaya niya.
His smiles never left his lips, kaya siguro mabilis din itong makagawa ng mga kaibigan bukod sa angking yaman at kasikatan niya. He looks so friendly and approachable when he pulls his lips from ear to ear. Hindi siya yung intimidating tingnan, yung kakabahan ka at manliliit sa sarili kapag nakaharap mo siya. His presence was very welcoming and indulging, yung tipong magbibigay sa'yo ng kumportableng atmosphere at magpapalagay sa'yo. Hindi mo talaga mahahalatang may tinatago itong ganoong klaseng sikreto. His gentleman gestures and handsome appearance conceals the devil inside him.
Kamuntik ko nang mabitawan ang hawak na wineg lass nang tumama sa mga mata ko ang tingin niya. My plan was to get his attention pero hindi ko alam kung bakit ngayong nakuha ko ulit ito bigla na lamang akong kinabahan. Hindi naman ito ang naramdaman ko noong una niya akong tiningnan kanina. Maybe it is because of the pressure that the conversation I had with Deon caused. Dahil sa mga napagtanto ko kanina, bigla ko ring natanto sa sarili kung gaano pala talaga kadelikado at nakakatakot itong ginagawa ko.
Umiwas ako ng tingin.
"Cinth, I heard from mom na preggy daw si Tita?" sabi ni Isabel. I thanked her for that, medyo na-distract din ako mula sa kabang namumuo sa loob ng dibidb ko.
"Ah, yes. Sana nga this time, lalaki naman."
"Pangparami ng lahi, ganorn?" tudyo ni Leiah. "You should have searched for s*x positions to have a baby boy kung ganoon. Tapos i-suggest mo sa kanila." Kapwa kaming natawa sa dinugtong niya.
"Ikaw kaya gumawa niyan, tutal ikaw naman ang atat nang magkapamilya sa ating tatlo," sabi ni Isabel.
Gusto ko pa sanang dagdagan ang pambabara nito kay Leiah ngunit nahagip ko na naman ang pamilyar na pares ng mga mata. Nakaalis na ito sa kaninang kasamang grupo. Isang matandang lalaki na lamang ang kausap nito na mukhang hindi niya naman talagang pinagtutuonan ng atensyon dahil sa akin ito nakatingin. He raised his glass of wine gesturing for a drink or maybe a greetings, hindi na ako sigurado. But in the end, I managed to pull a sweet smile.
Kailangan kong ayusin ang sarili ko. I won't accomplish anything if this continues. That De Varga won't need a shy or anxious woman, he wants a slut, a b*tch, someone he could hit on easily. That's the image I have to give him kung gusto kong makuha ang atensyon niya at makalapit.
Inubos ko ang laman ng aking inumin para makahugot ng lakas ng loob. Pagkatapos ay tiningnan ko siya ulit. He is still staring. I gave him the smile that I know he would love, nakita ko agad ang pagtaas ng gilid ng labi niya. I felt uncomfortable doing that, but my personal feelings has no room in here. Dapat kalimutan ko muna ang totoong ako, I have to portray the image that he would be caught up with.
"Parang naiinitan ako, magpapahangin lang muna ako," wika ko.
"Oh. You want us to come with you?"
"No need. Mabilis lang ako."
Nginitian ko sila at sumunod ang pagbigay ko naman ng makahulugang ngiti sa kanya. Tumalikod ako, sinadya ko na naman iyon para ipakita ang likod ko. I looked for the nearest elevator, nang makahanap ay tumungo na ako agad doon. Mabagal akong naglakad, that's to give him a good show on how I'm going to make this marble floor my runway.
Nakita ko agad ang paglihis ng tingin ng mga taong nadadaanan ko papunta sa aking likuran. That's when I knew that he is following me. Napangisi ako nito. As I thought, he wanted a b*tch.
Bumukas ang walang lamang elevator sa harap ko. Pumasok ako at nang humarap na ako sa daang pinanggalingan ko, I saw him standing just a few meters away, locking stares with me. Pinindot ko ang numerong '2' going to the second floor, at nakita ko ang pag-angat ng tingin niya, looking at the top of the elevator's door.
He smirked, bigla na lang akong kinabahan dahil hindi na iyon kagaya ng kanina, it gave shivers down my spine. Habang nagsasarado ang pinto, hindi siya humiwalay ng titig. I just did the same, hoping it could ease the heavy feeling that's lingering inside me. Sinanay ko ang sarili ko sa titig niyang iyon para sa oras na muli kong makaharap ang taong ito, hindi na ako maninibago.
Nang mawala na siya sa paningin ko, nagpakawala ako ng hangin, para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Hindi ko namalayang pinipigilan ko na pala pati ang paghinga. Nararamdaman ko na ang panlalamig ng mga palad ko at halos marinig ko na rin ang sariling kabog ng puso.
My subconscious kept on screaming if I can really do it. Kahit ilang beses ko kasing paulit-ulit na sabihin sa sarili kong kaya ko 'to, na hindi ako matatakot, I still can't help but feel the opposite. Kasi paano kung hindi gumana ang plano ko? Paano kung nagkakamali ako sa mga naiisip kong magiging kalalabasan nitong gagawin ko?
He is the great Calix Alexander De Varga. Hindi niya mararating ang kinalalagyan niya ngayon dahil lang sa natural na yaman ng pamilya niya. He reached the very top because of something, he is where he is now because he is 'something'.
Bumukas na ang elevator at bumungad sakin ang malaking bulwagang nagdadala sa isang veranda sa palapag na ito. Walang tao rito maliban sa dalawang babaeng nasa front desk. Sa halip na matuwa ay mas lalo akong kinabahan dahil kapag may gawin ngang masama sakin ang lalaking 'yon, walang makakatulong sakin kahit na sumigaw pa ako.
Pero nandito na ako, ngayon pa ba ako aatras?
Bumunot ako ng malalim na hininga. My way into the veranda felt like hell. Habang papalapit ako roon, papabigat naman ang mga hakbang ko. I was hoping for his presence and at the same time not. Hindi ko alam kung paano aakto gayong kaming dalawa na lang. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, kung anong ikukuwento ko to keep his interest in me. Hindi ko alam kung paano ko itatago ang kaba ko nang hindi niya napapansin.
The cold breeze of the night immediately enveloped me. Bahagyang madilim sa veranda, the lights were dim and few. Hindi rin tumutulong ang buwan kaya hindi ganoon kaliwanag. Tumungo ako sa dulong parte, sa may barandilya. And as soon as I stopped walking, I heard the glass door opened.
He's here.
"F*ck," I whispered to myself.
Ilang segundo pa ang lumipas nang walang umiimik. I was waiting for him to initiate the talk. Dahil ako mismo, hindi alam kung paano iyon sisimulan. Hindi ko aakalaing magagalit ako nang ganito sa katahimikan. The silence made it more unbearable for me. Nakakailang, mas lalong nakakakaba.
"You're sexy, you're smart and you're beautiful. That's what I like about you."
Nagulat ako sa panimula niya, hindi dahil sa biglaang pagpuri niya kundi dahil ang paraan ng pananalita nito ay tila nagsasabing kilala niya ako. But more than that, his voice is unnerving. This is the first time I heard his voice, sa telebisyon at mga videos sa internet ko lang dati ito naririnig. It is hoarse and very deep but in the same time inviting, 'yung parang maiintimidate ka but in the same time gugustuhin mo ring kausapin.
Umalingawngaw ang mga yabag nito, papalapit sa akin. I heaved for an air and released it, sa halip na gumaan ang pakiramdam ay tila mas bumigat pa ito. Mas bumilis ang takbo ng puso ko sa kadahilanang papalapit na siya sakin.
"But do you know what I hate about you?" Kumunot ang aking noo. Why does he talk like he really knows me? Mas lalo akong kinakabahan.
"It's the fact that you're the daughter of my father's enemy."
Natigalgal na lamang ako sa kinatatayuan. It was as if the wind stopped blowing, hindi ko na maramdaman ang ihip nito. I became unsure too if I was still standing or already on my knees, parang hindi ko na kasi maramdaman pati ang katawan ko. This is what I despise about fear, it makes you numb and will leave you dumbfounded, hindi ka makakapag-isip nang maayos, hindi mo malalaman ang dapat na gawin mo. And I hate to admit that that's just how exactly I feel right now.
Nakakainis.
He already knows me, right from the start he knew me. F*ck. Kaya nakuha ko ang atensyon niya, kaya kanina niya pa ako tinititigan, kaya siya ngayon nandito at sinundan ako, hindi ito dahil interesado siya sakin kundi dahil alam niyang ako ang anak ni Clementine Salvoza, isa sa mga kaaway ng kaniyang ama.
"It's nice to finally meet you."
I, then, heard a familiar sound that abruptly sent shivers down my spine. Isa iyong napakapamilyar na tunog dahil madalas ko iyong naririnig. Isa iyong tunog na kung hindi ako nagkakamali ay nanggaling sa pagkakasa ng baril.
"Hyacinth Salvoza." I can imagine him smirking. Napamura na naman ako sa isip.
He even knows my name, which simply means that he must have done a research about me before—being his father's enemy. My eyes shifted from side to side, trying to find an escape. Pero sinong niloloko ko? If he already knows me, what's the point of even trying to get away from him gayong alam naman na niya kung saan ako hahanapin?
Stupid. That's the right term to describe me. Ito ang nakaligtaan kong isipin bago ko pa man pinag-isipan ang plano ko. Hindi na sumagi sa isip ko ang ideyang maaaring kilala niya na rin ako dahil anak ako ng kaaway nila. But the hell I care about that before or now? Kaya nga ang unang-una sa plano ko ay ang kunin ang loob niya, that's to make him believe that my intention is good, that I'm harmless, even if I'm their enemy's daughter.
Ang kailangan ko na lang gawin ngayon ay ang paniwalain siyang ganoon nga ako. Na kahit isa akong Salvoza, mapagkakatiwalaan niya pa rin ako.
Dahan-dahan akong umikot paharap sa kanya. The tip of his pistol welcomed me, it was pointed right into my forehead. But I tried hard not to flinch. Nagpakawala ako ng hangin bago sinalubong ang mga mata niya.
He left me at awe. Kahit na madilim naging malinaw para sakin ang kayumangging mga mata nito. It was, again, my first time seeing him this close. Nakatingala ako dahil sa tangkad niya, at dahil sa laki niya ay halos matabunan ako ng kanyang anino. His body was concealing the luminescence from behind, mas lalo lang nitong nadepina ang buong estruktura ng katawan at mukha niya. For a moment, I marvelled at his flawless face.
"I am not here to cause any harm to you or to your family. Nandito ako para—"
"To fool me and use me afterwards," he cut me off.
Hindi nagagalit ang tono niya, in fact walang pinagbago sa tono niya magmula umpisa. He's been calm and showing no evident of anger. But what the f*ck? Did he hear us talking a while ago? Napaawang ang bibig ko at muling napakunot ang noo.
"Whatever you and your boyfriend is planning, cut it out. 'Cause whoever that f*cking Lucas is? I don't f*cking care and I won't f*cking let you use me."
Tila may biglang pumitik sa bunbunan ko dahil sa sinabi niya. 'F*cking Lucas'? Is that how this mannerless *ssh*le address a dead person? Mas lalo niya lang pinatunayan na wala nga siyang pinagkaiba sa ama niya.
And Deon's not my boyfriend, damn him!
"I'm giving you the chance to run now."
"Why? Are you scared that my father's gonna destroy you and your family if he finds out that you killed me?" Doon ko lang nakitaan ng pagbabago sa ekspresyon ng mukha niya, mukha na itong naiinis.
"I just don't want my suit to get dirtied tonight." He smirked, "Go and hide. But once I find you again, I won't let you escape anymore."
Nakipagsukatan ito ng tingin sakin at hindi ko ito inurungan. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang nawala ang kabang nararamdaman ko magmula kanina. Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ba iyon o hindi. Kasi ito, ang pagiging palaban ko, baka dalhin lang ako nito lalo sa kapahamakan. If I keep being like this, I might piss him off for good and make him pull the trigger.
Ngayon hindi na ako sigurado sa iaakto. Kung magpapakabait pa ako, wala na ring papapuntahan iyon. Alam niya na ang pakay ko, maaaring siya 'yung narinig naming kaluskos kanina sa hardin, na ang ibig sabihin lang ay kahit na magsinungaling pa ako at linisin ang pangalan ko, hindi pa rin siya maniniwala dahil maliban sa isa akong Salvoza, alam niyang ang pakay ko lang ay gamitin siya para mahanap ang pumatay kay Lucas.
I thought it'd be easy to tame a De Varga but now, he proved me wrong. They say to tame a devil, you should become one first. It's not as simple as that. To tame a devil, you should also know how to play his game.
Kung hindi ko siya makukuha ngayong gabi, I still have tomorrow and the following days. I still have more to go in my plan. If he's making it hard for me then I'll make it harder for him.
Basta, hindi ako susuko, hindi ako pwedeng sumuko. He's my last and only shot, I can't let him go that easily. Kung hindi siya, hindi ko na alam kung sino pa ang makakatulong sakin.
I smiled sweetly at him at nakita ko ang pagkagulumihan sa kanyang mga mata.
"Have a good night, Mr. De Varga," huling sabi ko bago siya nilampasan at hindi na ako nangahas pang lingunin siya muli.
~*~
Mabigat ang mga yapak ko habang nagmamartsa papasok ng bahay. Deon was worried when I arrived at his car raging in anger but I didn't speak a word to him, hanggang sa maihatid niya ako sa bahay hindi ako nagsalita.
Nagagalit ako. Nagagalit ako sa hindi ko maintindihang rason.
"Hyacinth, anak." Agad kong binura ang pagkakakunot ng noo ko nang marinig ang boses ni papa.
He was on the telephone at mukhang kabababa niya lang nito. I'm surprised to see him still awake, it's already past one in the morning.
"Pa, ba't gising ka pa?"
"I was waiting for you to come home and Isabel called, nagtanong kung nakauwi ka na. Hindi ka na raw kasi bumalik. Where have you been?"
Oo nga pala, nakalimutan ko nang bumalik pa sa kanila. Dahil sa inis ko, dumirekta agad ako palabas papunta sa kotse ni Deon.
"Nauna lang naman akong umuwi, pa. Hindi na ako nakapagpaalam," I lied.
Tumango naman ito nang walang bahid ng pagdududa. I heaved a sigh of relief. Hindi maaaring malaman ni papa ang nangyari, hindi niya pwedeng malaman ang mga plano ko, lalong-lalo nang hindi niya dapat malaman na lumapit ako sa isang De Varga.
Ang pagiging sikat na abogado ni papa ay hindi buhat ng pagiging sikat lang din ng clothing line ni mama. He became this big because of his own capabilities. Dahil sa galing niya, maraming malalaking pangalan sa industriya ng politika ang kumukuha sa kanya, at halos lahat ng pinagtatrabahuhan niya ay mga malalaking kaso. And how he made his way into the list of the De Varga's enemies is because of him being greedy for truth and justice. Hindi niya ipinapanalo ang mga kasong nahahawakan niya nang dahil lang sa gusto niya itong mapanalo, nagagawa niya iyon dahil gusto niyang manaig ang katotohanan at hustisiya.
That's why he never left the De Varga's murder case even if it's been nine years since it happened. He won't stop until he obtains the justice, he will keep digging the past until he proves the truth that Senator Alejandro De Varga is the one responsible for the death of his wife Mary Cecilia De Varga.
"Go ahead ang change. Matulog ka na pagkatapos." Tumango ako at humalik sa pisngi niya.
"Good night, pa," I said with an apology at the back of my mind.
And now, I had to betray my father for the sake of Lucas. I had to pursue his enemy for Lucas. I love Lucas too much that I have to be the worst daughter of this family. And for that, I will forever apologize to everyone especially to my dad.
After changing and cleaning myself, I went to the lounge on our second floor. Sinadya kong hindi buksan ang ilaw at tahimik lamang na maupo roon habang pinapanood ang pagliligpit ng mga gamit ni papa sa kanyang opisina. Naghintay ako hanggang sa umalis siya roon, hanggang sa patayin niya ang lahat ng ilaw sa buong palapag at pumanhik sa kanilang kwarto. He didn't even notice that I was there, watching all along.
Hindi naging mahirap sakin ang pumuslit sa opisina niya. There are huge glass windows around the house, sapat lang iyon para makapasok ang ilaw na nagmumula sa labas. Nakayapak lang ako kaya hindi ako nakakagawa ng ingay. It didn't become a hassle too, opening the door into his office dahil hindi niya naman iyon ni-lo-lock.
The office is not that large. Tanging ang mesa, swivel chair, isang sofa at ang mga nakatayo na mga book shelves sa bawat dingding lang ang laman nito. Ngunit ang kanyang mesa lang naman ang ipinunta ko rito, ang secret drawer niya lang dito ang pakay ko.
Doon nakatago ang lahat ng mga confidential cases na nahahawakan niya at sigurado akong nandoon din ang tungkol sa De Varga murder case. May pinapaikot na bakal sa gitna ng drawer na siyang nakalaan para sa passcode nito. I knew what the passcode is, hindi iyon sinesikreto ni papa sa aming pamilya and it's just the same with the other passcodes he usually use in other stuff.
Mahina akong napamura nang tumunog iyon nang magbukas. Agad akong tumingin sa labas gamit ang salamin sa pinto, napahinga ako nang maluwag nang makitang walang tao doon.
Nang ibalik kong muli ang tingin sa loob ng drawer, nagulat ako dahil iisang folder lang ang naririto. I knew for sure that it is what I'm looking for, the name 'De Varga' is already printed on top of it.
I grinned at the sudden excitement that circled inside my chest. Para akong nasasabik na kinakabahan, nasa pagitan. Ang sigurado ko lang nang mga sandaling iyon ay pagkalabas na pagkalabas ko ng opisinang ito, tataas na ang posibilidad na mapapapayag ko ang demonyong De Varga na 'yon sa gusto ko. With me having lots of information to hold against him and his family, he will have no choice but to conspire with me. If blackmailing will be the best option, then I'll go with it.
Tumambad agad sakin ang larawan ni Senator De Varga nang buksan ko na ito. All the basic information about him is written on that page. Sa sumunod na mga pahina ay mga impormasyon naman tungkol sa yumaong asawa nito at sa dalawa niyang mga anak.
Why I know so much about them is because of my father. Noon pa lamang ay binabalaan na niya kaming umiwas kay Senator De Varga at sa panganay nitong anak na si Calix. When we asked why, he told us every bad thing about them. The murder case, the mafia, and just how the De Vargas are. And after what happened to my sister, Athena, before, the irrevocable tension between our families ignited.
Alam ko na rin halos lahat ng laman ng folder na ito, lagi akong nagpapakuwento noon kay papa tungkol dito. Na hindi magawang matapos-tapos at maipanalo ni papa ang kaso dahil sa kawalan ng witnesses. Ang kapatid ni Mary Cecilia, si Lucia, ang natatanging nakakaalam ng pangyayari at siya ring unang lumapit kay papa upang humingi ng tulong. Pero hindi tumatanggap ang korte ng ganoon, without proper and enough evidences, they will never compromise for that, lalong-lalo na't isang senador ang naaakusahan, marami pang trabaho ang kakailanganin para maiakyat ang kaso.
Nakalagay rin doon ang mga pahayag ni Lucia na makapagpapatunay na si Senator nga ang pumatay sa kapatid niya. But again, the court won't compromise for just mere statements, especially from the woman who wasn't even there when the murder happened. They need strong proofs, they need solid evidences. Although the court had refused any more trials for the De Varga murder case, the case is still ongoing—for my dad at least and Senator De Varga's youngest son.
Senator De Varga had always been the man that everyone looks up to. Sa edad niya, napakagwapo nitong tingnan kaya marami ring nahuhumaling sa kanya. Bukod pa doon, napakarami nang proyekto itong nagagawa na naging malaking tulong sa karamihan kaya kahit nasasangkot siya sa ganoong kakontrobersyal na mga kaso ay marami pa rin ang sumusuporta at naniniwalang mabuti siyang tao. He has this habit of hiding behind a clean mask, and people, had learned this habit to look only outside that mask.
Ilang beses nang napagtangkaan ang buhay ni papa at ng aming buong pamilya dahil dito, sa pagkalaban niya kay Senator. We were lucky enough at hindi siya nagtatagumpay. That's because we have received a lot of support and protection from the people that dad had worked with. Napapalibutan din ng CCTV ang loob at labas ng bahay, we also have motion sensors at home na naaactivate lang kapag may intruder na papasok.
Tumigil ako sa pahina kung saan napapaloob ang mga impormasyon tungkol kay Lucia. Kung bakit ko hinahalungkat ang mga impormasyong ito ay hindi para gamitin laban kay Calix ang kasong kinasasangkutan ng ama niya. In fact, it has nothing to do with my plan.
The page about Lucia says that she took over the guardianship of the youngest son of Senator after his foster parents died. Napangisi ako nang matagpuan na ang hinahanap ko, lalong-lalo na nang mabasa rito ang pangalan ng taong alam kong mas makakatulong sakin para maiusad ang plano. Binunot ko ang cellphone mula sa bulsa at kinuhanan ng litrato ang address niya.
I've got so much to ask from him.
"Hendrix, huh?" I scoffed reading the familiar name—Senator De Varga's youngest son.