KABANATA 3 - Conspiring With His Brother

4182 Words
"Really, Hyacinth? That man almost killed you last night! Hindi mo pa rin ba ititigil ito? Paano nga kung totohanin niya ang sinabi niya sa'yo at tuluyan ka na niya sa susunod na magkita kayo? You're already out of your mind!" Napadiin ang paghilot ko sa aking sentido dahil sa lakas ng boses ni Deon. Halos tatlong oras lang ang naitulog ko dahil maaga pa akong gumising kanina para puntahan siya sa opisina niya. Eventually I told him everything that had happened last night, sinabi ko rin kung anong plano ko na ngayon. And obviously, he's not cool with it. "Pwede ba, hinaan mo 'yang boses mo. Sumasakit lalo ang ulo ko sa'yo." "'Cause you just don't seem to understand! I let you do your plan last night dahil naniniwala akong magagawa mo nga 'yon. But right now, I can't trust you doing any more of that, lalong-lalo na sa De Varga na 'yan. Siya na mismo ang nagsabi, he won't let you escape the next time he'll see you." Mula sa pagkakatukod ng dalawang palad niya sa mesa ay binunot nito ang cellphone mula sa bulsa. "What are you doing?" "I'm going to call your dad," he said as a matter of fact. "Para naman tumigil ka na—" "No, you won't!" sigaw ko at mabilis na inagaw sa kanya ang kanyang telepono. "Give it back to me." Nilahad niya ang palad niya pero hindi ko ito pinansin. I searched for my dad's phone number on the screen and instantly deleted it before giving it back to him. Nakita ko naman ang paghulma ng inis sa mukha niya nang madiskubre ang ginawa ko. Binagsak nito ang telepono at niluwagan ang kurbata bago pabagsak na naupo sa kanyang swivel chair. Pinanood ko lang ito habang pinapakalma niya ang sarili. I was thankful that he's kind enough not to add more fuel to the fire para maiwasang mas mag-away pa kami. He often does that, kapag nagkakaroon kami ng hindi pagkakaunawaan. Ayaw niyang nag-aaway kami kaya sa halip na batuhin pa ako ng mga salitang alam niyang makakapagpagalit lalo sakin ay pinipili na lamang nitong manahimik. He was too forgiving and I am always grateful for that. Nagbuntong-hininga ito, mas kalmado na at wala na ang mga linya sa noo. "But why do you still have to do it? Narinig niya ang usapan natin, he already knows your plan, he hated it, and that's it, end of the story. Hindi tayo matutulungan ng De Varga na 'yon." "That's why I’m going for her brother. Nabasa ko ang tungkol sa kapatid niya sa mga files ni papa, according to it Hendrix is not affiliated to neither of his dad's nor brother's business.” “Hendrix? Isn’t that…” Agad kong nakuha ang ibig niyang sabihin. I smiled weakly. “Yes, siya nga. He is working with my dad on the murder case.” “Does Athena know?” Napaiwas ako ng tingin. Hindi maganda ang nakaraan nilang dalawa, ang nakaraan ng pamilya namin at ni Hendrix. Mabagal akong napailing. “Wala pa rin siyang naaalala.” But I’m sure she’s getting closer to it. Sooner or later, magkikita rin sila. That can’t be avoided lalo na sa malapit na ugnayan ni Papa at Hendrix ngayon. Tumikhim ako bago magpatuloy muli sa sinasabi kanina. “Ang sabi ni Lucia, Hendrix was the one who was with Mary Cecilia when she died and for that he blamed the two for everything. Which means... he is harmless." I could almost see Deon rolling his eyes internally by just the way he looks at me. "What if Calix finds out that you are going after his brother, that you are using his brother?" Napangisi ako. "What do you think?" I wiggled both of my eyebrows Sinundan niya ako ng tingin habang naglalakad ako patungo sa napakalaking salaming bintana sa likuran niya. Nasa pinakatuktok ng building na ito ang kanyang opisina kaya tanaw mula rito ang halos kabuuan ng syudad. Tinitigan ko ang nangingibabaw na gusali doon, it was the largest in the whole island of Panay, at sa tuktok non ay nakalagay ang napakalaking "De Varga Airlines". "Hendrix hates him, although I feel bad for him, I have no choice but to use that hatred he has for his brother. Hindi ako pwedeng harapin siya nang walang dalang kahit ano. Dapat may panghawakan tayo, dapat magkaroon tayo ng isang bagay na magtutulak sa kanya para gawin ang gusto natin. We need something to hold his neck." Nilingon ko siya. "And Hendrix could give us that. I'm going to their hometown to meet up with Lucia and ask her about Hendrix's whereabouts." "How sure are you that he will help us?" I put my hand on his shoulder and gave him an assuring smile. "He will help us." I have known Hendrix since he was a kid after all. "But isn't it just weird? Kung galit siya sa kanila, dapat noon pa lang isiniwalat na niya ang mga sikreto ng pamilya nila. O 'di kaya noon pa lang nakipagtulungan na siya kay Tito para maiusad ang kaso sa pagkamatay ng ina niya." He made a big point at napahinto ako dahil doon. "I'll have it answered for you soon enough." Tumayo ito, kinuha niya ang kamay kong nasa balikat niya at mahigpit itong niyapos ng palad niya. His worried face from last night is no different from today. Sinasabi na naman ng mga mata niyang gusto ako nitong pigilan, na tutol siya sa gagawin ko. "Can I at least go with you?" I smiled, taking back my hand. "Your employees need you here. At isa pa, maraming meetings na naghihintay sayo." Bumalik ako sa inupuan ko kanina para kunin ang bag at cardigan ko. "I'll be fine, no need to worry. And I’m familiar with that place too, we once lived there when we were young, before that tragedy happened to us, kaya hindi ito ang unang beses na makakapunta ako roon." Akala ko mapapanatag na siya sa sinabi ko pero hindi pa rin nagbabago o nababawasan man lang ang pag-aalala sa mukha niya. "Tawagan mo ko. If something happens, call me no matter what." Tumango ako at ngumiti. "Sure." Sabi ko at tuluyan nang lumabas. It is a 4-hour long drive from the city including the traffic. I brought my red Mazda crossover kaya hindi naging mahirap sakin ang pagbiyahe. I don't intend to take much time staying there. Dapat makabalik ako ng tanghali dahil pupunta pa ako ng school, umabsent lang ako ngayong umaga para dito. I teach at a pre-school. Nakakapanggulat para sa iba dahil isang sikat na abogado ang ama ko at may clothing line naman ang ina ko pero pinili ko naman ang pagtuturo. Mahilig kasi ako sa mga bata kaya ito ang propesyon na napili ko. Hindi naman tutol sina mama at papa, katunayan sila pa ang nagtulak sakin para maging guro. It was about 9:30 when I arrived at the two way road, the right heading to Antique and the left to San Joaquin. I went to the left, binuksan ko ang bintana para pahintulutan ang sariwang hangin na pumasok sa loob. Sikat ang lugar na ito dahil sa malinis at mayamang dagat nila. Ang kalsadang dadaanan ay sa mismong gilid lamang nito kung kaya't malamig ang hangin. Tirik ang araw at naging napakaganda ng repleksyon nito sa tubig, nagmukha iyong kumikinang, idagdag mo pa ang kulay asul nitong tubig. Nasa pinakadulong barangay pa ang tirahan ni Lucia. Nadaanan ko na ang aming dating bahay. Nalampasan ko na rin ang kahabaan ng kalsadang matatanaw pa ang tubig. Now I'm just in between the tall trees, madalang na lang ang mga sasakyang nakakasalubong at nakakasabayan ko rito, pakonti na rin ang mga kabahayan at wala na halos akong makitang taong palakad-lakad sa gilid ng kalsada. I stopped when I saw a wooden bungalow. Kawayan ang gate nito pati ang mga bakod na nakapalibot sa buong kalupaan. Maraming tanim ng iba't ibang klaseng gulay sa loob ng bakuran, agaw pansin din ang makukulay na mga bulaklak nilang malinis na nakahilera sa gilid. Nakumpirma kong ito na nga iyon dahil sa matandang babaeng nakita kong nagwawalis sa may bakuran. She is wearing a plain blue duster with her pair of slippers, kitang-kita rin ang halos magputi na nitong buhok kahit sa malayo. I’m sure she is Lucia, she looks exactly the same with the picture in that folder. Bumaba ako ng sasakyan at agad namang napahanga nang makita ang isang pulang Aston Martin Vantage na nakaparada rin sa tapat ng bahay. She must have other visitors other than me, or it could belong to Hendrix. I grinned at the thought, sa yaman nga rin naman ng pamilyang kumupkop sa kaniya, hindi na nakakasorpresa na ganito kamamahalin ang sasakyan niya. I heard that he took over their hospital too. Lucia had seemed to finally notice my presence, huminto ito sa pagwawalis at ngayo'y papalapit na sakin. Malapad ang ngiti nito, she looks very welcoming and nice. Habang papalapit ito nang papalapit, nagkaroon na ako ng pagkakataong mas makita pa ang mukha niya. Makulubot na ito ngunit batid ko pa ring napakaganda nito noong kabataan niya, her cheeks are rosy and even without wearing any lipstick, her lips are naturally pink. "Magandang umaga, iha. Naliligaw ka ba?" bati nito habang binubuksan ang mababang gate. Ngumiti ako at hindi na nag-atubili pang ilahad ang kamay. Ito pa lang ang unang pagkikita namin. Kahit na isa siya sa mga kliyente ni papa hindi ko pa siya kailanman nakitang pumunta sa bahay. "Hyacinth Salvoza po, anak ni Atty. Clementine Salvoza." Saglit na nanghiwaga ang kanyang mukha ngunit 'di nagtagal ay mas lumapad ang kanyang ngiti at mahigpit na tinanggap ang kamay ko. Naging isang linya na lamang kung tingnan ang mga mata niya dahil sa pagngiti. Mas nagiging kamukha nito ang kapatid niya dahil doon. "Naku. Ikinagagalak kong makilala ka, iha. Ano ba iyong kailangan mo at bumiyahe ka pa talaga ng napakalayo? Pinapunta ka ba rito ng papa mo?" "Ah, hindi po. Hindi rin alam ni papa na nandito ako. At kung maaari po sana, huwag niyo na rin pong banggitin sa kanyang pumunta ako dito kapag nagkita kayo." She looked at me confused. I don't know when was the last time they've seen each other, o kung nagkikita pa ba sila hanggang ngayon. Mabuti nang nag-iingat ako. "Pasok ka, iha. Sa loob tayo mag-usap." Iginiya ako nito papasok, hindi niya binitawan ang kamay ko. I didn't mind though. Inside was the complete definition of simplicity. Iyong mararamdaman mo ang kasimplehan lang ng pamumuhay sa probinsiya at ng mga taong nakatira dito. There is no air conditioner nor electric fan, napapalibutan ng bintana ang buong bahay kaya hindi mainit, sariwa at malamig pa rin ang hanging pumapasok. Puro kawayan halos lahat ng mga gamit—ang mesa, upuan, cabinet, dalawang pinto lang din ang nakikita ko rito na hula ko ay ang isa ay kwarto at ang isa nama'y banyo. It wasn't that big but it would already be enough for a family. But another interesting thing that caught my attention was the man sitting outside at the terrace. May malaking bintana sa may terrace kaya kita ang kung anong nasa labas. Tanaw ko mula roon ang kumikinang na tubig dagat sa labas. Doon ko lang napagtanto na ang buong bahay ay nakaharap pala sa may dagat at ang dinaanan namin kanina ay ang likod na ng bahay. "Ma'am," pormal kong tugon. Umalma ito agad. "Nanay Lucing na lang." "Nanay Lucing." She smiled. "Didiretsuhin ko na po kayo." I became hesitant for a short while, iniisip ko kung tama lang ba ang sinasabi ko o nagiging presko na ang dating ko sa pagsasalita. "Pumunta po ako rito dahil gusto ko po sanang makausap si Hendrix." Doon lang unti-unting napawi ang kanyang ngiti. Napalingon ito sa lalaking nakaupo sa barandilya ng terasa, pagkatapos ay tumingin ulit sakin. She looked unsure, parang hindi niya alam ang sasabihin. Naghintay ako hanggang sa makapagsalita siya ulit. I don't want her to feel like I was demanding. "Iha, ano ba iyong gusto mong malaman? Bakit mo siya gustong makausap?" "Po?" "Kung tungkol sa nakaraan, sa nangyari sa ina niya ang gusto mong pag-usapan, maaari bang ako na lamang ang magkwento niyon sa iyo?" Bigla akong nakaramdam ng pagkailang nang makita ko ang biglang paglungkot ng mukha niya. "Hindi naging maganda ang alaalang iyon para kay Hendrix. Kahit hanggang ngayon, kapag pinag-uusapan iyon, nasasaktan pa rin siya at paulit-ulit na nagagalit sa sarili. Ayoko nang makita pa siyang nasasaktan, iha. Kaya kung pwede sana, kung iyon man ang gusto mong malaman, ako nalang muna ang kausapin mo." I looked at the wide back sitting at the terrace. Nanay Lucing already told dad about everything she knows, nakalagay iyon sa folder at nabasa ko na rin lahat 'yon. I don't need to hear it again at mas lalong hindi ko kailangang pabigatin lang lalo ang pakiramdam ni Hendrix sa pagbabalik non. Hindi ako pumunta rito para hukayin pa ang nakaraan niya. Naiintindihan ko kung bakit hanggang ngayon apektado pa rin nito si Hendrix, kung bakit hanggang ngayon ay binabagabag at nasasaktan pa rin siya ng alaalang iyon. I've read it and I could comprehend that it was really a nightmare, especially for him being the son. Mary Cecilia was a waitress when she was a teen and in the club that she had worked with, that's where she met Senator De Varga. Noong panahong iyon, nandoon na si Calix, siya ang anak ni Senator sa una nitong asawa. Magkapatid lamang si Calix at Hendrix sa ama. After Hendrix, they had children again, pero isa iyong babae. And from what Senator believes, that women are just nothing but bags of excesses, he killed his own daughter. Para sa kanya, mga pabigat, sagabal at makakasira lang sa negosyo niya lalong-lalo na sa mafia ang mga babae. That's when I realized that he didn't ever loved Mary Cecilia nor his first wife, ginamit niya lang ang mga ito upang magkaanak, to have a successor for his existing illegal business and political ideals. Nanay Lucing confessed too that she often received calls and messages from her sister. Lagi raw itong umiiyak at nagsusumbong na sinasaktan siya ng asawa, sinabi rin nitong itatakas niya si Hendrix at ang isa pa nitong anak na si Gavin dahil nalaman niya na ang tungkol sa ilegal na trabaho ng senador. Nanay Lucing didn't know where she's gone after that, pinutol ng kapatid niya lahat ng koneksyon sa kanya at hindi na nagkaroon ng kahit anong balita pa tungkol sa kanya. Pagkatapos ng halos isang buwang pag-aalala at paghahanap niya sa mag-ina, isang gabi ay may kumatok sa pinto ng bahay nito. It was Hendrix, covered with blood, shivering in fear and crying. He told her that his mom was already dead, he told her that his dad, Senator De Varga, was the one who killed her mom. I didn't notice that I've been staring at his back for too long that Nanay Lucing had to call for my attention again. "Ang totoo po niyan, hindi naman po iyon ang gusto kong pag-usapan namin. I just have a little favor to ask from him." She was again really hesitant. Siguro ay nag-aalala lang siya at baka may bigla akong mabanggit tungkol sa nakaraan o 'di kaya ay mapaalala ko kay Hendrix ang mga iyon. "Sige, iha. Pero hindi masyadong nagsasalita iyang batang 'yan, kakailanganin mo pa ng mas mahabang pasensiya kaya sana maintindihan mo ang kanyang sitwasyon." Umiling ako at ngumiti para ipakitang ayos lang para sakin 'yon. I thanked her for that and went. Bago pa man ako tuluyang makalayo, nilingon ko siya ulit dahil may bigla akong naalalang itanong. "Nanay Lucing, ang sabi niyo po sa mga nakaraang panayam niyo kay papa na nagagalit at sinisisi ni Hendrix ang kapatid at ama niya dahil sa nangyari." Nakuha ko ang buong atensyon niya dahil doon. "Nagtataka lang po ako, kung bakit hindi siya nagsampa ng kaso noon pa lang? I mean, maimpluwensiya rin po ang pamilyang kumupkop sa kaniya at nandoon siya mismo nang mamatay ang ina niya.” Tumungo ito sa kusina. Pinaandar niya ang gripo at nag-umpisang hugasan ang mga pinggang nakababad sa may palangganang may tubig. She was facing her back at me. "Noong gabing kumatok siya sa pinto ko may isang bagay pa siyang sinabi sakin," she paused, "Mahal na mahal ng kapatid ko ang ama niya kahit ganoon na lang siya kung tratuhin. At ang huling bagay na hiniling ni Cecilia sa kanya bago siya bawian ng buhay ay ang huwag niya kailanman sasaktan ang ama niya, huwag siyang gagawa ng kahit anong makakasira sa ama niya." Pinatay niya ang gripo at humarap sakin. "Kaya ako tumigil sa pakikipagkita at pakikipagtulungan sa papa mo kasi si Hendrix mismo ang humiling sakin na gawin 'yon noon, na huwag nang ituloy ang kaso. Kaya pasensiya na kayo ah kung nakapagdulot man ako ng problema sa papa mo o sa inyong pamilya." Bahagyang kumunot ang noo ko. “Ang totoo po niyan… binuksan pong muli ang kaso.” Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Hindi siguro sinabi sa kaniya ni Hendrix. Hindi na ako nagsalita pa dahil ayaw ko nang pangunahan sila lalo. Kay Hendrix niya dapat na marinig ito at hindi sa akin. Kaya tipid na lamang akong ngumiti bago nagpatuloy patungo sa terasa. Halos mawala sa isip ko ang totoong ipinunta ko rito nang makita ang dagat. Hindi iyon nalalayo sa mismong terasang kanaroroonan namin. Instead of subtle sands, the shore was covered with tiny pebbles. Kumikislap ito tingnan sa malayo. Hindi mo rin mapagsasawalang-bahala kung gaano kasarap ang hangin dito, mabuti na lang at nakatali ang buhok ko kaya hindi ito natatangay. I’m not sure if he's already aware of my presence or not. Nakatitig pa rin ito sa dagat, tahimik, na tila wala nang pakialam sa kung anong nangyayari sa paligid niya. He was only wearing a gray shirt and a denim trousers, he looks really simple—kabaliktaran ng laging kasuotan ni Calix. Kahit nakatalikod, hindi mo pa rin maikakaila ang bumabakat na maskulo nito sa likod, his shirt has short sleeves kung kaya't kita rin kung gaano kamaskulado ang pangangatawan niya. He, somehow, resembles his brother from behind. "Hyacinth Salvoza," wika ko. I got no reply. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Hendrix. I came here to ask you a favor." Still, he didn't reply. Naisip kong tama nga ang sinabi ni Nanay Lucing, hindi nga ito palasalita. "A favor which includes your brother, Calix." Tila roon ko lang nakuha ang atensyon niya, bahagya itong napalingon nang banggitin ko ang pangalan ng kanyang kapatid. I got to see half of his face and I have to admit that he has grown to be a beautiful and mature man. Napangiti ako nang makita ang bandang tenga nito. "Don't you remember me, Hendrix?" He was just a little boy when I have first seen him and a delicate teen when I last saw him. He always had this smile that can infect anyone around him, but there’s no traces of it now. Ibang-iba na siya sa dating Hendrix na nakilala ko, ibang-iba na siya sa Hendrix bago pa man nangyari ang trahedyang iyon sa pagitan ng aming pamilya. "Athena, you still remember her, right?" I asked again. This time, it made him turn to me completely. A glimpse of guilt and desperation crept into his eyes at the mention of my sister’s name. His eyebrows met at the middle, gazing at me. He doesn't look like his brother, not even a bit. But there was one thing I have noticed, his eyes. That’s the only thing that reminded me of Calix. Hindi sila pareho ng korte o estruktura ng mata, ngunit parehong kayumanggi ang mga ito. It was a deep mud brown, exactly like Calix's. "What do you want?" he asked. Their voice was almost alike, it was hoarse and very deep. But unlike Calix, his was not inviting. Kung sa boses ni Calix ay maiinganyo kang makipag-usap, kay Hendrix hindi. Not only that his voice is very intimidating but also his presence, aura and stares. He is really serious, almost mad-looking. "Would you mind if I sit beside you?" Hindi siya sumagot. Pinanood lang ako nitong maupo sa gilid niya, I distanced myself half a meter from him. I saw several used sticks of cigarette below his feet. There were few bottles of alcoholic drinks beside it too. Napansin ko rin ang maliliit na galos sa kanyang kamao, meron doong mga peklat na at ang iba ay sariwa pa. I don't understand but it bothered me. Just what happened to him during all these years? "You know… Athena wouldn’t like it if she knows this. She would really hate you if she sees you smoking and—" “She no longer remembers me,” buo niyang sabi. Tumikhim ako. "I’m sorry… I… I went here…” Nakagat ko ang ibabang labi. Hindi ko alam kung paano sisimulan. “Look. I don’t have bad intentions—" "What is it that you want from me?" he cut me off as if uninterested of hearing what I was about to say. Nagsindi ito ng sigarilyo sa bibig niya. I cleared my throat again, trying hard not to feel annoyed. "So... I had this very special friend, his name was Lucas Buenavides. He died just a year ago and until now his murderer—" "What is it that you want from me?" pag-uulit niya. Napapikit ako nang mariin at kinagat ang ibabang labi, pilit pinapakalma ang sarili. Mabuti na lang at nasa dagat ang tingin niya, hindi niya iyon nakita. He blew the smoke into the air, dahil sa hangin natangay iyon papunta sakin. I almost coughed after inhaling it. "You know, your brother is really famous, he is powerful and has a lot of connections. Naisip ko lang na kung sa taong kagaya ng kapatid mo ako lalapit, mas mapapadali at mapapabilis ang paghahanap ko—" "What do you want from me?" This time he faced me, looking as grim as ever. Pilit kong itinago ang pagkakainis ko sa inaasta niya. Is he really Hendrix? This man in front of me is a complete different person from the Hendrix that I know. "I need you to tell me wherever your brother goes and report to me every transaction he does. I mean, that illegal job he has." Napakunot nito ang noo niya, he shifted his weight and flicked the cigarette off his fingers. "Listen, I don't intend to ruin you, your brother, or your father, neither of your family. I just want to gather strong proofs or whatever that I can hold against Calix—" "You’re going to blackmail him?" "Exactly!" I snapped my fingers. "Give me your phone." "H-Ha?" Sa halip na sumagot ay nilahad lang nito ang palad. Inilagay ko naman ang telepono ko rito. Wala iyong password kaya malaya niyang nabuksan 'yon at nagtipa ng hindi ko alam kung ano. Pagkatapos ay binalik niya iyon sakin at tumayo na. He is now about to leave. "Teka, saan ka pupunta? We're not done yet." "You have my phone number, now we're done," he said without turning. Tiningnan ko ang phone ko at nakita kong nilagay niya nga iyon dito. "Pero hindi mo pa sinasabi sakin ang sagot mo. Pumapayag ka ba o hindi?" Ngunit hindi na ito sumagot at sa halip ay nagpatuloy lang sa paglalakad papasok ng bahay. Napatagilid ang ulo ko habang nakatitig sa likod niya, nagtataka. Binigay niya ang phone number niya sakin, ibig ba sabihin non ay pumapayag na siya? If so, why did he agree that easily? I mean, ni hindi niya man lang nga pinakinggan nang maayos ang dahilan o ang layunin ko sa gagawin kong iyon. I just said what I want him to do for me and then boom, pumayag na siya. I followed him inside. Naabutan ko siyang nakaupo na sa hapag at kumakain ng meryendang inihahanda ni Nanay Lucing. Nanay Lucing invited me to join them, si Hendrix naman ay patuloy lang sa pagkain na parang wala lang ako roon. Nagpaalam na lang ako at sinabing aalis na dahil may trabaho pang naghihintay sakin. Binalingan ko ulit ng tingin si Hendrix bago siya malampasan. When I was about to reach the door, he finally spoke. "I'll send you a message whenever I have an update about him." Napangisi ako. "Thanks!" He was easier than I thought. Mas madali itong kausapin kesa sa kuya niya. It didn't even take me an hour to persuade him. I slid myself into the driver's seat. Pinihit ko ang susi at tinapakan ang gas. I had to pull my car backwards because of the Aston Martin in front of me. Nang tumingin ako sa side mirror, saglit akong napatitig nang makita ang isang lalaking nagtatago sa likod ng isang puno. He was looking at my direction, sigurado ako doon dahil wala nang ibang taong nandoon maliban sakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD