KABANATA 4 - Confused

2460 Words
Lumihis ako sa kabilang parte ng kama at nakita ko ang lalaking nagmamay-ari nito, nakatayo ito sa gilid, nakapamewang habang nakataas ang isang kilay sakin. Tumalikod ako at pumikit ulit. "For Christ’s sake Cinth, get up. May mga estudyanteng naghihintay sa'yo." "Nah. They're good." Humikab ako at mas niyakap pa ang malaking unan na nasa gilid ko. Amoy na amoy pa doon ang pabango ni Deon. I forgot to call him and report what happened back at San Joaquin, kaya sinundo niya ako kahapon sa school pagkatapos ng klase. Dumiretso kami rito sa condo niya to discuss it, I told him everything except the part where I saw a man who seemed to be watching me. Nagkaroon ako ng ideya kung bakit ako pinagmamatygan o sinundan ng taong 'yon, pero 'yan ay kung ako nga talaga ang pakay niya. Pwedeng si Hendrix ang ipinunta niya roon, Hendrix being the son of Senator De Varga and the brother of the most prominent businessman in the island, he's a good target for people who envy or detest their family. But either of us, I can't tell it to Deon, not yet. Ipagpipilitan na naman niyang tumigil na ako sa ginagawa kapag sinabi ko 'yon, or worse baka isumbong niya na ako kay papa nang hindi ko nalalaman. "Tumayo ka na dyan. Ihahatid na kita sa school." Tinanggal niya ang kumot mula sa pagkakabalot sa buo kong katawan. Hinila niya ang dalawa kong kamay para pilitin akong tumayo. "Piss off, Deon. Inaantok pa ako." "You've got enough sleep. Now get up!" Nakipaglaban ito sakin ng hilahan. I just felt really tired that time. At isa pa, naghahanda na lang naman ang mga estudyante ko para sa graduation nila kaya hindi na ako ganoong kailangan sa school. My co-teachers could look after them while I’m not around. Kung hindi pa tumunog ang cellphone ko ay hindi pa ako susuko sa paghila niya. Doon lang ako nagmulat ng mata ulit, doon ko lang din napansing nakabihis na pala siya. He's now in his usual suit and tie. I looked at the digital clock beside his bed, it's 8:30 in the morning. Obviously, I’m already late and obviously I don't give a damn. I don't do that. "I already got you your uniform. Maligo ka na. I'll wait outside for breakfast." Ginulo pa muna nito ang buhok ko bago tumungo sa pinto. Tiningnan ko ang sofa at nakita doon ang uniform ko. A blouse and a pencil skirt with a touch of aqua blue. Napahagikgik ako nang makita ang magkapares na kulay puti na bra at panty sa gilid nito. "Got a problem with that?" Lumingon ito at nakita ko ang malokong ngisi niya sa labi. "Ulol,” asik ko sa kaniya at binato siya ng unan. Isang halakhak ang narinig ko bago sumunod ang pagsarado niya sa pinto. Lagi akong natutulog dito especially during weekdays. Mas malapit kasi rito ang eskwelahang pinagtatrabahuhan ko. Gabi na rin ako kadalasang natatapos sa school and since I've always hated dealing with traffic, instead of going home I stay here over night. Kaya kahit dito sa condo niya ay may mga nakatambak na akong mga damit. At hindi na bago para sa amin ang mga ganitong klaseng bagay—matulog sa iisang kama, pakialaman ang damit o mga gamit ng isa't isa, we don't mind, we agreed to be just mere best friends over the past year. Nag-inat pa muna ako ng mga braso at binti saka hinawi ang makapal na kurtinang kumukubli sa napakalaking bintana. Sumalubong agad sakin ang nakakasilaw na liwanag. The weather is nice today, the city traffic was in a good view from here too. Ang pinakagusto kong tanawin mula rito ay ang mga bundok na nasa malayo. It can't almost be seen, nagkukulay asul ito mula sa kinaroroonan ko, tinatakpan ng kaulapan pero gustong-gusto ko pa ring tingnan 'yon. My phone beeped again. That's when I decided to go for it. May dalawang messages doon, isa mula sa co-teacher ko at ang kakarating lang ay galing kay Hendrix. Mabilis kong binuksan ang panghuli. From: Hendrix He'll be at San Joaquin by noon. He has a hidden compound there, set to be a hiding place for his business. Here's the address ******** Sa ilalim nito ay may isang picture na hula ko ay ang lugar na tinutukoy ng address . Wala akong nakitang bahay. Sa tabi ng highway ay isang makitid na daan. Napapalibutan ito ng mga nagtataasang puno, marahil ay nasa loob pa ng kakahuyan ang sinasabi niyang hidden compound. I looked at the digital clock again, it displayed 8:45 AM. Malakas kong sinapo ang noo ko dahil sa pagkakainis sa sarili. Halos apat na oras pa ang aabutin bago makarating doon, baka hindi ko na maaabutan ang demonyong iyon doon. Habang pinapakiramdaman ang malamig na tubig mula sa shower, nagtalo pa ang utak ko kung pupunta pa ba ako o hindi. Kasi kung hindi ko siya maaabutan doon sa labasan ng lugar, wala rin akong mapapala dahil alam ko sa sarili kong ang tanging magagawa ko lang ay kuhanan siya ng larawan na pumapasok doon dahil hindi ako makakapasok doon mismo. Who knows what's waiting there. I’m only doing these bullsh*ts for the sole purpose of blackmailing that son of a retarded *sshole. I can't lose my life yet, hihigitin at tataliin ko pa sa leeg ang demonyong 'yon at ipapagawa sa kanya ang gusto ko. At the end, I found myself running right after putting on my uniform. Hindi pa halos naaayos ang scarf ng uniporme ko at tumutulo ba ang basang-basa kong buhok. Wala na akong ibang naisip ng mga oras na iyon kundi ang maunahan si Calix na makarating doon. Dumaan ako sa kusina at nakita si Deon na kahuhubad lang ng apron. Nakahanda na ang mesa, may bacon, hotdog, itlog, kanin at mga kubyertos na malinis nang nakapwesto sa ibabaw nito. Gusto kong sabayan siya dahil nagugutom na rin ako o kahit para lang hindi masayang ang niluto niya, pero kailangan ko na talagang umalis. "Cinth! Where are you going?" he called when I was about to grab the doorknob. "Kanina lang parang ayaw mong bumangon tapos ngayon ito ka." Nag-umpisa na itong maglakad palapit sakin. "It's really urgent. Hindi na kita masasabayan—" "You didn't even comb that hair." Nang marating nito ang tapat ko ay sinuklay niya ang basa kong buhok gamit ang mga daliri niya. His eyes then fell on my collar. "At least fix your scarf before going for a run." Kinalas niya ang pagkakatali nito at inulit, he did it really gently and tidy. "It's about that De varga, isn't it?" Napakunot ang noo ko. I expected him to make a fuss about it again, hinintay kong pangaralan na naman ako nito, but he didn't. He was unusually calm and mellow with his words today. "I'll see you later." He rubbed his thumb against my cheek and smiled. Saglit akong natunganga, tinitigan siya at tinaasan ng kilay. It was only when he turned his back to me that I decided to let it pass. Siguro nakukuha na niya at naiintindihan kung bakit ko ito ginagawa. Maybe now he decided to just support me rather than keep on insisting that I should stop. Sa huli ay napangiti na lamang ako. "Thanks!" sigaw ko at humarurot na sa pagtakbo paalis ng condo niya. Tumagal pa ako ng tatlumpong minuto bago nakasakay sa sarili kong sasakyan. Kinailangan ko pang pumunta muna ng school para kunin ito roon, sinundo kasi ako ni Deon kahapon kaya naiwan ito roon. Habang naghihintay na magberde ang ilaw sa traffic light, doon lang ako nagkaroon ng oras para suklayin ang buhok ko, tuyo na ito. Naamoy ko naman agad ang matapang na amoy ng shampoo ni Deon mula rito. All of a sudden, I smiled. Simula nang mawala si Lucas, si Deon na ang laging nandyan para sakin. He listened, he sympathized, he understood, he stayed and then back to the top again, it became a cycle. Paulit-ulit yung pagiyak ko at paulit-ulit din ang rason ko kung bakit ako umiiyak. But he never got tired of those, of me. He stood for me and was the only one left supportive after everyone else gave up on Lucas. I really can't say we got along that good when Lucas was still alive. Laging si Lucas lang ang nakakasama ko noong mga panahanong 'yon at nagkikita lang kami ni Deon tuwing hinihingan siya ng pabor ni Lucas na ihatid o sunduin ako, minsan din siyang isinasama ni Lucas kapag may party kami na pinupuntahan. It was only when Lucas died that we became closer. And he helped me so much to cope up with my loss and depression. Deon has been so patient to me over the past year and to be honest, right now I don't know if I've ever paid him back with that so much kindness. The light turned green. Nagpapasalamat ako at hindi pa ganoon kalala ang traffic, posible pang makarating ako roon bago siya. Eksaktong alas dose nang makarating ako sa address na binigay ni Hendrix. I didn't arrive early but I was hoping he still hadn't got in. Akala ko kahapon ang bahay na ni Nanay Lucia ang pinakadulong parte ng San Joaquin pero hindi pa pala. This place is farther, in fact, the farthest. Nasa mataas na lugar ito, napansin ko iyon kanina dahil papaakyat ang daanan papunta rito. It was entirely surrounded by tall trees. Ang pinakanagpapagabag sakin ay ang kawalan ng tao rito, kahit na mga kabahayan ay wala talagang makikita. It was sort of an secluded place, kaya hindi na ako magtataka kung bakit dito sila nagtayo ng hideout. Tinago ko ang sasakyan sa kakahuyan kalahating kilomentrong layo mula roon. If they happen to see any cars nearby, they might get suspicious and come over. Nilakad ko na lang ang isang kilometrong distansiyang layo, hawak-hawak ang telepono sa isang kamay at nagtatago sa likod ng mga naglalakihang punong nadadaanan ko. Naghintay ako sa eksaktong tapat ng daang papasok sa loob. The tree I was standing by was wide enough to cover me. Medyo madilim din doon dulot ng mga mayayabong na mga puno kaya sigurado akong hindi ako mapapansin dito. It wasn't that long until I saw a black SUV coming. I took a deep breath, bigla na lang akong kinabahan. Naisip ko na naman ang sinabi niya sakin noong huli naming pagkikita. Nabagabag ako ng kaisipan na paano kung makita niya ako rito, paano kung mahuli nila ako ngayon at dalhin sa loob. I couldn't think more of what will happen to me if I'd be brought inside. But it didn't happen. The car just slowly passed in front of me. Bukas ang bintana nito sa passenger's seat kung saan nakita kong nakaupo si Calix. Napatigil ako nito at napatitig sa kanya. He was leaning his head at the side of the open window, staring blankly at the sky. Nagulat lang ako, kasi malayong-malayo ito sa itsura niya noon sa party. Last time, he was all smiles, in fact that's the usual face he pulls when he is in front of everybody. Pero ngayon, he looked deeply depressed, hindi ko alam, he just looks so sad. I quickly shrugged the thought off. I got my phone and took a picture of his car getting inside the secluded area. I don't care whatever that devil is going through, I don't give a damn to whatever that's bothering him. All I want and need is proofs that I can use against him. Iyon ang dapat na itatak ko sa isip ko. Hindi dapat ako makaramdam ng awa o simpatya sa kanya dahil walang lugar iyon dito, hindi iyon nababagay sa kanya. Bumalik ako sa kotse ko nang walang nangyayaring masama, nang walang nakahuli o nakakita man lang sakin. Mabilis na akong umalis doon. I drove faster than I did before. Mahigpit ang hawak ng isa kong kamay sa manibela habang nakatukod naman ang kabilang siko ko sa bintana. Hinihilot ko ang sentido ko, hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nakaramdam ng inis. Parang bigla na lang akong naiirita sa bawat sasakyang madadaanan ko o mauuna sakin sa lane. I kept on banging my horn, I kept on stepping on the gas harder. I remembered 'that' face again, mas lalo akong nainis. "F*ck!" I shouted as I slapped the steering wheel. Pinarada ko ang sasakyan sa gilid at marahas na ibinagsak ang sarili sa sandigan ng upuan. It's not because of the way he looked that I’m being pissed off, it's the fact that I am starting to realize that bit by bit I’m becoming the person I’m not because of this f*cking plan. I’m not heartless not to give a damn about everyone regardless of who or what they are. Isa akong guro kaya dapat kong iniintindi at kino-consider lahat ng mga sitwasyon ng mga taong nasa paligid ko. Obligasyon ko ring maging bukas para sa kanila, na huwag maging makasarili at tanggapin ang kahit na sinoman, na hindi iniisip ang estado nila bilang tao, na hindi huhusgahan ang isang tao nang hindi man lang siya kinikilala. But right now, this isn't me, this shouldn't be the way I’m supposed to be. Hindi ako ganito na wala nang pakialam sa nararamdaman o pinagdadaanan ng ibang tao, hindi na ako ito na makukuhang gamitin ang ibang tao para sa sariling benipisyo. This is what I fear about being too in love with Lucas 'cause I know it would only make me desperate. Too desperate that I might lose track of my own life and keep on running after something. Baka bigla na lang isang araw paggising ko, ako mismo hindi na makilala ang sarili, na baka mawala na lang lahat ng tao sa paligid ko dahil dito. Pero ano bang magagawa ko? Even if I don’t want this, even if I'd hate myself for being like this, hindi ko naman mapipigilan 'to. Mahal na mahal ko yung tao eh, mahal na mahal ko si Lucas kahit wala na siya. I really love him that I'd be okay losing myself. I just want a peace of mind. At makukuha ko lang iyon kapag nalaman ko na kung sino ang nasa likod ng pagkamatay niya. I just need that justice, that peace, and after that, I’ll be okay. Nagsimula ako ulit sa pagpapatakbo ng sasakyan, sa pagkakataong ito matulin na. Pilit kong inalis sa isip ang mukhang iyon ni Calix. The more I think about how sad, soulless, and gloomy his eyes were, the more I’m hating myself. Hindi ako pwedeng gumawa ng bagay na makakasagabal sa plano ko. I can be the worst if that's what this plan wants me to be.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD