HINDI maka-get over si Malia sa nangyari sa kanila ni Andrew. Paanong tumalsik siya, eh hindi naman siya natisod? Pakiramdam niya ay may tumulak sa kaniya na malakas na hangin. But the most shocking scene was the unexpected kiss. Bigla lang siyang nawala sa wisyo nang maglapat na ang bibig ni Andrew sa kaniya. Naghuhugas siya ng ginamit na kobyertos pero ang isip niya ay na-stuck sa eksena nila ni Andrew. Okay na sa kaniya na magkaroon ulit sila ng ugnayan pero bilang kaibigan. Pero kung ganoong natutukso pa rin sila pareho, ibang usapan na ‘yon. At paanong naisip pa ni Andrew na halikan siya kung wala na itong feelings sa kaniya? Naiinis din siya sa kaniyang sarili dahil ang bilis niyang nadarang. And she realized that Andrew was still had a space in her heart. Posibleng mabibigyan pa n