Nagising si Lucas nang sumunod na araw dahil sa aroma ng kung ano mang niluluto sa kusina ng condo unit niya. Nang bahagya niyang iangat ang kanyang katawan mula sa pagkakahiga at sumulyap sa direksyon ng pintuan ay nakita niyang hindi nakapinid pasara ang pinto. Dahilan iyon para umabot sa silid ang amoy ng kung ano mang niluluto sa kusina. At hindi na niya kailangan pang hulaan na ang kanyang asawa ang nasa kusina. Silang dalawa lang ang nakatira sa unit na iyon, idagdag pa na wala na ito ngayon sa kanyang tabi pagkagising niya. Muli niyang inihiga ang kanyang katawan sa kama. Napatingin pa siya sa bahagi kung saan natulog si Janel. Last night was the first time that he slept with her, literally. Matapos ng pag-angkin niya dito, hindi man maayos ang naging takbo ng pag-uusap nila, ay