Nang sumunod na umaga ay naging panauhin ni Lucas sa kanyang opisina ang ninong niyang si Ronniel. Matapos ng naging pasya ng kanyang ina at tiyuhin na si Vincent ay tinawagan niya ang matalik na kaibigan ng kanyang ama upang humingi dito ng pabor. Buo na ang plano nila na dalhin sa ibang bansa ang kanyang ama. Bilang siya ang panganay na anak ay siya ang numero unong nag-aasikaso ngayon ng mga responsibilidad sa kanilang pamilya. Sasama siya sa pagdala kay Jake sa ibang bansa. Of course, his mother will come with him. Hindi ito makapapayag na hindi maasikaso ang asawa nito. Sina Vincent at Ysabella naman ay nagbabalak na sumunod sa kanila oras na matapos ayusin ang lahat ng kailangan gawin sa Rancho Olvidares. Balak ng mga itong umuwi muna ng San Sebastian at asikasuhin ang mga nabinbin