Dahan-dahan ang ginawang paghakbang ni Janel sa pasilyong iyon ng ospital. Puno ng pag-aalinlangan ang kanyang dibdib habang naglalakad patungo sa isang naturang silid. Ganoon pa man ay patuloy pa rin siya sa kanyang pupuntahan. Pasado alas-dos na ng hapon at dahil sa walang magawa sa condo unit ni Lucas ay nagpasya siyang puntahan ang ospital kung saan naka-confine si Mr. Olvidares. Alam niya na nauna nang sinabi ni Lucas na hindi nito nais na lumapit pa siya kanino man sa mga kapamilya nito. At kung naroon man sa ospital na iyon ang kanyang asawa ay hindi niya alam. Kung makita man siya ni Lucas roon ay alam niyang ikagagalit nito pero bahala na. Napagpasyahan niyang pumunta roon dahil sa iisang rason lamang at iyon ay madalaw ang ama ng kanyang asawa. Wala siyang intensiyong manggulo