DEINA NAKAKAPUTANGINA ni Eirine! Susmiyo!! Anong klaseng kabobohan iyon?! Alam kong sinadya niyang gawin iyong palabas na iyon at hindi ako magtataka kung marami ang napaniwala niya dahil kahit ako ay muntik na ring madala kung hindi ko lang alam na isa siyang bwakanang hunyango. "Umalis na kayo! Bakit pa kayo nakatingin, ha! Pagdudukutin ko mga mata niyo!" gigil kong sigaw sa mga chismoso't chismosa! Grabe mayayaman na sila, mga dugong bughaw pero ang mga marites! Dito ko napatunayan na wala sa estado ang pagiging chismosa kung hindi nasa genes. "Kalma, kalma. Hayaan mo na lang si Eirine. Karma na ang bahala sa kaniya," mahinahong wika ni Aariyah. Umiling ako, hindi ako naniniwala sa ganoon. "Ako ang karma niya. Hindi ako para maghintay na bagsakan siya ng karma ng langit... ako mi