DEINA Tsk! HIndi ako makalabas! Hindi ko masira ang pinto kahit na ilang beses ko itong bangga-banggain. Halos tatlumpong minuto na rin akong sumusubok. Nakakapagtaka dahil wala man lang kahit isang nilalang na nakaramdam na nawawala na ako. Kahit sana sina Sam at Lau, taragis na mga iyon! "Soundproof ba ang room na ito at walang nakakarinig sa akin mula sa labas?" tanong ko sa aking sarili habang tinitingnan ang madilim na paligid. "May bintana kaya rito?" Naglakad-lakad ako, sinipat ang bawat dingding, hinawi ang kurtina para maghanap ng bintana. Mayroon akong nahanap ngunit naka-lock ito. At ang bobo dahil hindi sa loob ang lock kung hindi sa labas. "Ang bobo naman! Sino ba ang bumili ng bintanang ito? Kapag may nagtangkang manloob dito makakapasok din kahit naka-lock dahil wala s