YURI
"Whoa! Bakit ganiyan? Ang aga-aga, magkasalubong 'yang mga kilay mo. Did something happen?" kuryosong tanong ni Chase na lumapit pa sa akin para lang sipatin ang aking mukha. Medyo inatras pa nito ang balikat ko upang makita iyon nang maayos.
"Back off, dude! Masama ang mood ko ngayon, tangina," banta ko. "Nabitin ako at kasalanan ng ex-best friend ni Eirine iyon! Bwesit!" dugtong ko 'saka ibinalibag ang plastic bottle na hawak ko sa sobrang inis.
Nang marinig iyon ni Chase, malakas na tawa ang pinakawalan nito dahilan para mas lalong kumulo ang aking dugo.
"Ginagago mo ba ako?" mariin kong asik.
Itinaas nito ang dalawa niyang kamay, bahagyang lumayo sa takot na baka masuntok ko siya.
"Loko ka talaga, Master! Saan ba kasi kayo pum'westo?" tanong niya.
"Sa classroom. Hindi na kasi ako nakapalag! Lumapit na mismo ang palay sa akin kaya tatanggihan ko pa ba ang grasya?" mabilis kong depensa.
"Hahahaha! Right timing, wrong place kayo, Master! Edi mamaya after uwian pwede mo namang ipagpatuloy pa iyon."
Nandidiri akong umiling. Ano siya? Anong akala niya sa akin? Hindi ako 'yong tipo ng lalaki na kapag may babaeng nagpakita ng kaluluwa sa aking harap, susunggaban ko kaagad? Ngayon lang ako nagising, pinagsisihan kong nakipaghalikan ako sa babaeng 'yon kanina.
"Di na, oy! Ano ako, cheap?" asik ko animo'y nandidiri.
"Ikaw rin, sayang 'yon. Ay, s**t, nandyan na si Lei," wika nito tapos taranta siyang umupo sa couch dahil pumasok sa loob si Kristoffer.
Natawa ako dahil noong iangat nito ang ulo, hindi pala siya ang kinakatakutan namin.
"Si Ace 'yan! Boplaks ka talaga! Aatakihin ako sa puso sa iyo!" bulalas ko bago sapukin sa ulo si Chase. Nakasuot kasi ng ball cap si Ace kaya hindi namin kaagad nakita ang mukha nito. Inakala naming si Lei dahil parehas sila ng tangkad at tayo.
"Anong ginagawa niyong dalawa dito? Don't tell me--" Hindi na nito ipinagpatuloy ang sasabihin ngunit tiningnan niya kami taas-baba, salitan saamin ni Chase habang nakayakap sa katawan.
"Gusto mong makatikim ng suntok, Ace? Kung anong pumapasok sa isip mong buang ka! By the way nasaan si Leinard? Bakit hindi mo siya kasama?" pag-iiba ko ng tanong.
"Nandito na, ayan nga."
Hindi na kailangan pang pumasok ni Lei para lang takutin ang aming mga kaluluwa. Tindig pa lang nito sa may pinto at titig, sapat na iyon para kilabutan kami.
"Anong balak niyo? Tatambay na lang dito?"
"Eto na nga, tatayo na po," pangunguna ni Chase. Sinukbit na nito ang kanyang bag at sumunod na rin ako.
"Hahaha! Gigil niyo si Lei, mga dude. Kanina niya pa kayo hinahanap nandito lang pala kayong dalawa, nagso-solo mode," wika ni Ace. "Shut up. Takte ka, pag 'yan nagalit lalo, kala mo makakaligtas ka? Ulol, asa! Kahit pa ikaw ang best friend niyan, damay-damay tayo sa galit ni Lei!" bulalas ni Chase at nagpalitan na sila ng sumbat pagkatapos niyon.
Hinayaan ko lang silang magtalo habang ako'y nakakubli sa likod ni Lei.
Simula noong malaman namin na tatlong buwang suspended si Eirine, doon na nagsimulang mapadalas ang pagiging iritable ni Lei. Halos araw-araw, nakakunot ang noo nito, at hindi rin siya nagsasalita, maliban kung kinakailangan talaga.
"Di pa rin ba siya nakaka-move on sa pagkaka-dethroned ng ex niya?" curious na tanong ni Chase. "Siguro? Tanong mo si Ace," sagot ko.
"Huh? Oo, halata naman. Kahit ako, hirap makipag-communicate kay Lei dahil sa nangyari. Masyado niyang mahal si Eirine. At saka first love niya 'yon. Lilipas din naman ang regla niya. For the meantime, iwasan na lang muna natin na inisin siya lalo dahil hindi natin alam ang mangyayari sa ating lahat," tatawa-tawa nitong tugon.
Sabay-sabay kaming nakaramdam ng lungkot at paniguradong kanya-kanyang nag-isip ng mga posibleng mangyari kapag nga napuno ang Hari ng SEA. Pati siguro ang tatay niya, hindi siya mapipigil kapag nagwala siya rito sa school.
Napukaw ang atensyon naming lahat noong marinig ang malakas na tilian ng mga kababaihan na kanina pa pala sumusunod sa amin. Dahil masyadong ukupado ang utak ko, hindi ko na sila napansin.
"Ngumiti ka naman, Master. Maawa ka sa fans mong kanina ka pa kinukuhaan ng litrato," bulong ni Chase. Umiling ako tapos binalingan nang mabilis na tingin 'yong babae sa aking gilid.
Binigyan ko siya nang maiksing ngiti, sapat na iyon para himatayin ang biktima.
"Ooww! One down! That's our Master! Dapat ka nang kabahan, Lei! Mukhang may aagaw na ng trono mo!" tatawa-tawang bulalas ni Ace, sabay tapik sa balikat nito.
Hindi siya kumibo as usual. Lumingon ako para tingnan kung okay lang 'yong hinimatay. Mukha naman siyang may mga kasama dahil pinagtutulungan na nila itong akayin. To be honest, hindi ko naman masisisi 'yong mga nagkakandarapa sa amin dahil ano pa bang hihilingin nila sa aming apat?
Gwapo
Magaling sa sports
Mayaman
Mabango
Sa'n ka pa?
Pero syempre, kahit na pantay-pantay ang aming kagwapuhan, talagang sumasapaw itong si Lei lagi. Minsan nga iniisip ko, hindi kaya nagmumukha kaming body guard niya dahil lagi kaming naglalakad after him tapos siya pa itong solid at nakakatakot ang awra lagi?
Hindi ako inggit, at never akong nakaramdam noon. Walang kaso sa akin kung siya ang pinakasikat sa TM4 dahil deserve niya iyon. Kahit ako, aliw na aliw titigan ang mukha niya. To the point na napapamura na lang ako dahil may nilalang pala ang maykapal na sobrang gwapo.
Hanep, sana lahat ay pinagpala.
Dahil sa angkin niyang kagwapuhan na pinartneran pa ng misteryoso at cold personality nito, dinala siya no'n sa tuktok ng ranking ng pinaka-sikat na mag-aaral sa buong SEA. At hindi lang iyon, pumapangalawa rin siya sa popularity ranking ng limang elite schools dito sa buong Manila.
Ganoon kalakas ang charisma at kagwapuhan ng isang Kristoffer Leinard Cruz ng St. Emilion Academy.
"Tabi," cold na utos ni Lei sa isang babae. I guess she's a grade 11 student. May hawak-hawak kasi itong box of chocolate at pilit na iniaabot iyon kay Lei.
"Miss, tumabi ka na lang para hindi ka mas--"
"I said get your f*****g ass out of my sight!" nagngangalit na sigaw nito.
Damn! Ang lutong at lalim!
Nanahimik ang lahat. Biglang nabalot ng katahimikan ang paligid, taob 'yong tilian ng mga kababaihan kanina dahil sa lakas ng sigaw ni Lei.
'Yong babaeng nakaharang kanina ay nanlulumong gumilid. Hindi pa siya tinantanan ni Lei dahil tinapunan pa siya nito nang matalim na titig kaya naman halos mangiyak-ngiyak nitong niyakap ang box na nais niyang ibigay sana rito.
"That's okay, miss. Pagpaensyahan mo na, mainit lang ang ulo no'n," pa-cool kong bulong doon sa babae, sabay kindat. Nagbabakasakaling kiligin siya at maibsan ang lungkot na nadarama nito.
Hindi pumalya ang plano ko dahil muling sumilay ang ngiti sa kanyang mukha. Bago namin siya lagpasan, kinuha ko
'yong chocolate box na hawak niya tapos bumalik na sa linya.
"Pabida ka na naman, Master! Sarap mo ring kotongan minsan, no? Ninakaw mo pa talaga 'yong regalo na para kay Lei, langhiya!" asik ni Ace. Ngumisi lang ako sa kanya dahil ano bang pake niya? Bago ko habulin si Lei, binatukan ko muna sa bumbunan si Ace dahil daming dadak, manghihingi rin naman siya ng chocolate mamaya.
"Dito na kami, mga pare! Kitakits na lang mamaya!" sigaw ko noong marating na namin ang tapat ng aming classroom.
Tumango lang si Ace pero si Lei, dedma lang. Nagpatuloy sila sa paglalakad, dahil nasa unahan po 'yong sa kanila.
"Hey bro, look? Hindi ba't siya 'yon? 'Yong nerd na laging kasama ni Eirine? At 'yong umistorbo sa pagsasaya mo kanina?" sabi ni Chase sabay turo doon sa babae sa likod.
Dumating na ang terror teacher namin at hindi na ito nagpatumpik-tumpik pa dahil nag-discuss kaagad siya. Habang boring na boring 'yong mga kaklase ko, busy ako sa pag-iisip ng pwedeng gawin bilang ganti kay Deina.
Kita ko na nakabaon patagilid ang ulo nito, wari'y nakatingin lamang sa bintana. Naghintay ako ng ilang segundo, tinitigan ko lang siya hangga't sa makumpirma ang aking hinala. Hinihintay kong gumalaw ang ulo niya pero hindi iyon
nangyari na isa lang ang ibig sabihin.
'It's payback time...' bulong ko sa likod ng aking isip sabay evil smile.
I raise my hand.
"Yes, Mr. Maxwell?" tanong ni Ms. Lapid.
"May natutulog po sa klase niyo ma'am. Unfair naman po 'yon sa amin na nagtya-tiyagang makinig sa inyo tapos siya natutulog lang," sagot ko tapos umakto na nagpapaawa.
Kita ko sa aking peripheral vision na natatawa na si Chase, at para pigilan iyon dahil babatukan ko siya kapag sinira niya ang plano ko, sinisiko niya ang aking braso.
"Bwesit ka, Chase, sige tawa!" mahina kong asik habang nakatingin pa rin kay Ms. Lapid.
Palibhasa ay matanda na, halos magsalubong ang kilay nitong tinatoo na lang sa kanyang balat. Nagsitawanan ang lahat noong mabilis na naglakad patungo sa likod si Ms. Lapid.
"Ms. Reyes!" malakas na sigaw ni Lola.
Nang walang response si Deina, lumapit pa ito't sumigaw mismo sa tenga nito.
"Deina Autumn!"
"Hala, may sunog! May sunog!" aligagang bulalas ni Deina kaya mas lalong lumakas ang tawanan ng lahat.
Halos mahulog ako sa upuan noong makita ko ang nakakatawa nitong itsura.
Para siyang tanga na ewan....
"If you'll just sleep in my class you better go now! I don't need a student like you!" nanggigigil na sermon ni Lola. Napalamukos na lang sa mukha 'yong babae dahil sa kahihiyan na natamo.
Buti nga sa'yo! Hahahahaha!
"I'm sorry ma'am," mahinang bulong nito.
"I'll let you pass today Ms. Reyes. But next time na mahuli pa kita, I'll send you in D.O!" banta nito.
Magkasalubong pa rin ang kilay ni tanda. Hindi ako satisfied sa ginawa niyang aksyon. "Kay aga-aga, aatakihin ako sa inyo!" dugtong nito bago isinukbit ang kanyang bag. Aalis na ba siya agad? Nice kung gano'n nga!
"Get your long coupon bond! Discuss the three branches of Politics! Submit it before the class ends and cursive writing is mandatory!" pahabol nitong sigaw bago lisanin ang room.
"Ay, gago..." mahinang bulong ni Chase. Lahat ay nagreklamo at naglabas ng hinaing noong makalabas na ng pinto si tanda.
Lumingon ako sa likod 'saka kinausap 'yong nerd na aming kaklase. "Baka naman," panimula ko sabay kindat doon. Hindi nakaligtas sa akin ang pamumula ng kanyang pisngi kahit pa mabilis nitong iniyuko ang kanyang ulo. Tanging tango lang ang kanyang naging tugon, siguro sa sobrang kilig, umurong ang kanyang dila.
Pagkabigay namin ng papel sa kanya, tumayo na kami ni Chase at naglakad. Bago pa namin marating ang pinto, nakita kong pinaglalaruan ni Deina ang kanyang ballpen habang problemadong pinagmamasdan ang kanyang papel.
Noong bigla nitong iniangat ang kanyang ulo at magtama ang aming mga mata, sa hindi maipaliwanag na dahilan, kumalabog ang dibdib ko.
Dahil siguro sa magandang lighting, messy hair, isama pa na kagat-kagat ng labi niya ang ballpen na nagpadagdag sa pagiging--
Bullshit...
"Master?" tawag ni Chase na nagpabalik sa aking kaluluwa. "Sinong tinitingnan mo?" usyosong tanong nito. "Wala. Tara na," aya ko tapos lumabas na ng room.
'What was that?' bulong ko at the back of my mind habang sinasariwa ang larawan ni Deina sa aking utak.
Hanep, sa mga segundong iyon, inisip ko na ang hot pala niya.
Anong iniisip ko?
"Master? May puno!" bulalas ni Chase. Hinila nito ang aking kamay kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Ano bang nangayari sa iyo? Babangga ka na kanina pa kita tinatawag," ani ya. Tiningnan ko 'yong tinutukoy niyang puno at tama nga siya.
"Huh? Wala gutom na ata ako," palusot ko, sabay bawi ng kamay tapos nauna nang maglakad sa kanya.
"Osu! Master! Chase!" Lumingon ako dahil narinig ko 'yong boses ni Ace.
"Bilis niyo naman. Walang teacher?" tanong ni Chase.
"Wala. Nasa Hospital dahil inatake sa puso. And guess who kung sino ang salarin? Ang bespren ko lang namang si Lei!" pagmamayabang nito.
Speaking of the devil, naglalakad ito papalapit sa amin habang masama ang tingin.
"Move," malamig nitong utos dahil nakaharang kami sa kanyang daan.
"Hoy Lolo, ano bang problema mo't ang sungit mo? Kulang na lang maging isa 'yang kilay mo," lakas loob kong tanong. Hindi na kasi ako makapagtimpi, kanina pa siya ganyan. Ako ang natatakot sa kanya.
"Hindi mo alam? Hindi niyo alam? Seryoso? May gagantihan ako ngayong araw at nag-iisip ako ng magandang parusa."
Woah! Tama ba ang naririnig ko? Sinagot niya 'yong tanong ko? Haha! Nice!
Paniguradong si Deina ang tinutukoy niya. Hindi na nasundan pa ang usapan na iyon dahil nakarating na kami sa canteen.
"Anong order niyo? Ako ang naka-toka ngayon, right?" tanong ko.
"Yuri, hintayin niyo lang ako rito," wika ni Lei. Hindi siya nagpaliwanag kung bakit at ni hindi man lang nito tinanong ang order namin. Hindi kami pumalag dahil 'yong ngiti niya alam naming may kahulugan. Para siyang kontrabida sa isang pelikula.
Hinabol pa rin namin siya ng tingin dahil nagaalala kami at hindi kami makapaniwala na nag-initiate itong umorder ng pagkain namin.
'Ano na naman ang balak mo, Kristoffer? ' bulong ko.
"Uy, Master tama ba ang nakikita ko? Si Tope? Umo-order ng pagkain? Anong ginawa mo at nautusan mo ang Hari ng Emilion?" hindi makapaniwalang tanong ni Ace. Nagkibit-balikat lang ako dahil hindi ko rin alam kung anong klaseng mabuting espiritu ang sumapi ngayon kay Lei.
Siya na ang susunod sa pila pero hindi ito tumuloy. Tiningnan niya 'yong babaeng may dalang tray tapos sinadyang banggain iyon. Hindi pasimpleng bangga ang ginawa niya dahil sinalubong niya talaga. Dahil sa ginawa niya, natapon ang soup at spaghetti na order nito at saktong sa mukha pa no'ng babae iyon lumanding.
Nagtawanan ang lahat. Nagulat ako dahil hindi ko inaasahang gagawin 'yon ni Lei. Anong atraso no'ng babae sa kanya para ipahiya niya?
Tatawa-tawa itong bumalik sa amin. Inapiran niya pa si Chase habang ibinabalandra ang kanyang proud na ngiti.
"Loko ka bro!" bulalas ni Chase.
Tiningnan kong muli 'yong babae. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakaharang ang buhok nito. May mga babaeng lumapit sa kanya, akala ko tutulungan nila ito pero mas lalo pa nilang pinalala ang sitwasyon. Idinikdik nila ang mukha nito sa sahig kung saan nagkalat ang pagkain.
Nakaramdam ako ng awa kaya balak kong lapitan 'yong babae. Ang kaso, natigilan din ako kaagad noong hawiin nito ang kanyang buhok.
Deina?
"Yuri," malalim na tawag ni Lei. Nilingon ko ito at muling lumapit sa kanila.
"Anong nangyari dito? Sinong may gawa nito!" galit na sigaw ni Aariyah. Napanatag ang loob ko noong makita ito. Kaagad siyang rumespunda at inalalayan si Deina.
Takte, bakit ako nakaramdam ng ginhawa? Bakit ako natuwa noong makatanggap ng saklolo ang babaeng 'yon?
Bumaling ang tingin ni Aariyah sa grupo namin dahil sina Chase at Ace, ayon, hindi mapigilan ang tawa.
"Not us Aariyah... Don't stare like that," lakas loob na sagot ni Chase.
"Let's go," malamig na aya ni Lei tapos nauna nang maglakad palayo. Pinagmasdan ko si Deina dahil titingnan ko kung ano na ang kalagayan niya. Tangan-tangan na siya ngayon ni Aariyah at ng iba pang myembro ng SESS.
Nagulat ako saglit at parang aatakihin noong magtama ang aming mga mata.
'Takte, marunong pala siyang gumawa ng ganyang titig?' bulong ko bago iiwas ang tingin.
Umiling na lang ako at isinawalang bahala ang nakita at tumakbo na papunta sa aking grupo.
Just who the heck are you, Deina Autumn Reyes...