CHAPTER 1: THE CURSED SCHOOL

2331 Words
Whatever. I need to continue dahil nasimulan ko na. Sayang ang tinta ng ballpen kung hindi ko tatapusin. Kung sakaling may makapulot man ng diary na 'to, tandaan mo ito; ang St. Emilion Academy ay parang kulungan. Tapunan iyon ng mga estudyanteng may masasamang ugali at minsan pa, mga kulang sa katinuan. Mga damulag na kulang sa pansin. Pero hindi lang mga gano'ng klaseng estudyante ang nasa SEA, dahil may lugar din sa paaralan na 'yon ang mga kagaya ko na talunan. Kasama ko sa pinakababa ng pyramid 'yong mga nerd, mga walang maipagmayabang, at hindi biniyayaan ng talino. Ay, shutek! Anong oras na! Inayos ko muna ang gamit ko at mabilis na isinukbit ang bag. Sa isip ko muna isusulat ang continuation ng ilalagay ko sa diary. For now, kailangan ko nang lumayas. "Mama, aalis na po ako. Mag-iingat po kayo sa byahe mamaya. At pakisabi na rin po kay Kuya na iwan na lang yung susi sa may paso. Hindi na rin po ako magpapahatid pa kay manong dahil malapit lang naman na 'yung school dito," mabait kong wika habang sinisipat ang sarili sa salamin. Isa na akong Grade 12, at last year ko na ito bilang High School student. Nakakatuwang isipin dahil isang taon na lang at makakatakas na ako sa paaralang iyon. At sana, katulad ng mga naunang taon ko sa SEA, mamuhay ulit naua ako nang matiwasay. Na-survive ko ang 3 years sa pagiging hangin sa school, kaya gano'n ulit ang gagawin ko. I won't give a damn sa mga bagay-bagay. As much as possible, kapag may gulo, umiwas kaagad. Iyon lang ang tangi kong sikreto. I should include some tips para kung sakaling mawala ang diary ko, mapakinabangan ng magbabasa. Lagi-laging may ganap sa school kaya kung pwede, tumakbo ka nang mabilis para hindi ka mahuli sa crime scene. Dahil kahit wala kang ginawa, basta nasa scene ka, pwede kang madawit. Magugulat ka na lang, magulo na ang reputasyon mo sa school, or worst, mapasama sa dead list nang walang dahilan. Iyon ang pinakamasamang bangungot. Mabagal akong naglalakad, hindi ko naman kasi iniintindi ang oras dahil gaya ng sabi ko, malapit lang ang bahay namin sa SEA. At halos ilang hakbang na lang ay abot-tanaw ko na ang kulay itim na gate nito. Saglit kong itinuon ang aking paningin sa malaking tarangkahan kung saan sa bandang itaas ay makikita mo ang malaking pangalan ng school. 'Be good to me again, St. Emilion Academy,' bulong ko sa isip ko bago ko ihakbang ang aking mga paa papasok sa gate. "Present your I.D ma'am," magalang na wika ng guard. Agad ko namang kinuha ang I.D ko na nasa bulsa ng aking bag at ipinakita agad iyon sa kanya. Kahit pa man maraming nagsasabi na isinumpang lugar itong SEA, walang makapalag kung pagandahan ng school ang usapan. Hindi magpapatalo, at kailanman, hindi nagpatalo ang SEA pagdating sa pabonggahan. Kahit tatlong taon na akong pumapasok dito, everytime na bubungad sa akin 'yong malalaking buildings, sobrang fine na landscapes? Literal na nalalaglag ang aking panga. Syempre lowkey kong ginagawa iyon, nakakahiya naman kung may makakita sa akin na laglag ang panga every morning. At pak na pak din ang bawat pasilyo rito dahil ang nagsisilbing wall sa gilid ay mga puno. Yes to green ang school, pero ang ugali ng mga estudyante, sing-itim ng uling. Dami kong dada, at kung magsalita ako, maangas. Pero hindi talaga ako umiimik, at hindi ako ganito umakto at magsalita sa harap ng mga taong hindi ko kilala, lalo na sa mga estudyante rito. Lowkey lang dapat. Iyon ang sagot para maka-graduate nang buhay sa SEA. Hinigpitan ko ang kapit ko sa aking bag at nagsimula nang maglakad patungo sa bulletin board ng school. 'Hayssss...sana hindi ka na lang umalis, Eirine,' bulong ko habang tinatahak ang malinis at malawak na daanan. Nagpakawala muna ako ng buntonghinga bago ako magpasyang lapitan ang malaking bulletin board. Paano naman kasi, umagang-umaga, nakatambay na kaagad sa gilid 'yong mga basagulerang chicks kasama 'yong kanilang mga partner. Alam niyo kung bakit ako naghe-hesitate ngayon? It's because, 'yong mga katulad ko na iisa lang ang patch sa uniporme ang trip nilang awayin. Well, kung sa ibang school, dami ng butones ang basehan ng respeto. Dito sa SEA, paramihan ng patch ang labanan. Since, I belong to the lowest, iisa lang ang patch ko. Silang mga basagulera at may kakayahang makipagsabayan pisikalan, isang bahagdan ang taas nila sa akin. Kahit na dalawa lang ang patch nila, feeling nila privileged na sila katulad no'ng mga nasa tuktok ng hirarkiya. Dahil, 'yong fact na may nakakababa pa sa kanila ay isang blessing na kung maituturing. May mapagbubuntungan sila ng sama ng loob kapag inapi sila nang mas nakakataas sa kanila. Paano naman kami na walang nasa ibaba? Nakakatawa! Pero walang pwedeng pumalag. Ganito ang patakaran sa SEA. Sabi nga ni Kristoffer Leinard, ang hari ng school, "Kung hindi mo na kayang magpatuloy, magpakamatay ka na." And totoo naman. Gaya nang inaasahan, hindi pa man din ako tuluyang nakakalapit ay inulan na kaagad nila ako ng asar. Kesyo pangit daw ako, weirdo at kung ano-ano pa. Bumabase lang naman sila sa pisikal na anyo at sanay na akong saluhin ang mga ganoong kutya. "Tangina, pre! Pangit talaga ng ex-best friend ng reyna! Kaya talagang nanghihinayang ako kung bakit siya 'yong binigyan ng parusa instead na rito sa walang kwentang nilalang na ito," parinig nong lalaki na may fake earrings sa ilong. Taray! Nahiya pang isigaw. Bumulong ka pa, narinig ko naman ang bawat letra. Shuta ka! Makalait akala mo kung sinong gwapo! Hindi ko nga mawari kung estudyante ba siya o gangster na nagmula sa ilalim ng lupa! "Balita ko inabandona na siya ni Eirine bago pa man ito magpahinga dahil siya ang rason kung bakit natanggal siya sa kanyang trono. Kawawa naman, pustahan tayo at hindi tatagal ng isang buwan, magda-drop out na rin ang isang ito," panggagatong pa ng isa. Tawagin na kaya nila ang pangalan ko nang mag-usap-usap kami harapan? Gano'n din naman. Hindi ko tuloy matukoy kung pamba-backstab 'tong ginagawa nila since nasa gilid ko sila at naririnig ko ang kanilang pag-uusap. Pero imbes na dibdibin, ipinagpatuloy ko na lang ang balak ko. Kailangan ko pa kasing pumunta sa school quadrangle para makinig sa announcement ng Dean patungkol sa mga bagong myembro ng TRC, The Royal Council at sa mga nakapasa sa SESS, St. Emilion Supreme Student. Noong nakita ko na kung saang section ako, naglakad na ako palayo. Nakakairita na rin kasi 'yong tingin nila. Baka matunaw na ako. "Hey Bitch! Lakas ng loob mong magbingi-bingihan. Para sabihin ko sa iyo, wala ng reyna na magliligtas sa'yo rito, kaya kung ako sa iyo maglaho ka na lang!" Abot langit ang tawa nilang tatlo habang nilalaro nila ang nakalugay kong buhok. Naks, mahiyain talaga sila. Alam ko naman na hahablutin nila ang buhok ko anytime. Paano ko nasabi? Tatlong taon na akong nag-aaral dito. At kabisado ko na ang mga ugali ng mga nilalang na nasa itaas ng bahagdan. Ramdam ko na na hihilahin na talaga nila ang buhok ko kaso biglang umalingawngaw ang malakas na tunog ng alarm bell. Senyales iyon na kailangan nang pumunta ng mga mag-aaral sa quadrangle. "Saved by the bell, huh?" may halong panghihinayang sa boses na bulong no'ng bad bitch na amoy cheap na chichirya. Hindi ko man lang sila nilingon dahil baka balikan nila ako't ituloy ang kanilang naudlot na balak. Habang sinusulit ang paglalakad, may nakasalubong akong estudyante. Taray! Tatlo ang patch. Paniguradong kasama sa varsity ang isang 'to. "Miss, nando'n na ang lahat, mapaparusahan ka ng TM4 kapag nakita ka nila dito," babala nito. Ngumiti lang ako dahil bulag ba siya? Papunta na nga ako roon. Baka akala niya baguhan ako? Well, whatever. Buti na lang maayos ang utak niya, hindi kagaya no'ng tatlong buang kanina. Nagmadali ako sa paglalakad, medyo tumatakbo na rin dahil nagsimula ng bumati ang Dean. Namalagi ako sa gilid ng crowd. Medyo sumiksik nang kaunti para safe kapag naisipan kong pumuslit. Nakatayo na sa unahan ang Dean ng school na si Mr. Dante Cruz, sa kaliwa naman nito ay ang SESS President na si Aariyah Mendoza. "Good morning Emilians! Today we will announce the new member of The Royal Council since Ms. Eirine Sanchez has been dethroned for violating section 6 rule 4 of the student guidebook," panimula nito. Sows! Tagal ng issue 'yong kay Eirine, bakit iyon pa ang ginawa niyang introduction para ipakilala ang pumalit? Duh? Charot! Baka mapalakas 'yong pagrereklamo ko sa aking isipan, marinig ng iba, mahirap na. Pero nanggigigil talaga ako dahil napakababaw naman ng rason para tanggalin nila sa pwesto si Eirine. Paniguradong singit lang ang rule na iyon, dahil may kakayahan ang kahit sinong myembro ng Royal Council o SESS na i-edit 'yong section 6 kung saan exclusive ang mga rule doon para sa kanila. Hindi talaga makatarungan na tanggalin nila sa pwesto si Eirine dahil lang sa pagkakaroon ng kaibigan na tulad ko. Akala mo talaga, isang demonyo 'yong kinaibigan no'ng tao. "I am proud to present to all of you, the new set of The Royal Council!" Masigabong palakpakan ang pumuno sa malawak na field. Ang weird lang dahil 'yong mga estudyante sa gilid ko, pumapalakpak ang kanilang mga kamay pero hindi sila natutuwa sa nangyayari. "Xyrille Rasul is the new Queen. Obey her and respect her as to how you respect the other members of TRC," proud na wika ng Dean. Umikot ng 360 degrees ang aking mga mata no'ng makita ko ang malapad na ngiti ni Xyrille. Para sa kasi sa akin, hindi siya nababagay na pumalit kay Eirine dahil napakasama ng ugali niya! Literal iyon at hindi lang mema! Kung itatapat sa bagay, pwede nang itapat sa uling ng kawali ang kaitiman ng kanyang budhi! Dahil kay Xyrille, nawalan na ako ng ganang makinig pa sa sasabihin ng Dean. Nagpasya na akong pumuslit at pupunta na lang sa room para magpahinga. Tutal, mukhang mahaba-haba pa ang chika kaya may pagkakataon pa akong mapag-isa bago makilala kung sino ang mga pakikisamahan ko sa room, mga iiwasan, at rerespetuhin. Dahil maganda ang pwesto ko, mabilis akong nakapuslit. Pasimple akong naglakad palayo, kunwari nakikinig tapos biglang takbo. Pagkarating ko sa loob, pinili kong maupo sa pinakadulong upuan para makaiwas sa gulo. At isa pa, malapit ito sa bintana kaya masarap matulog sa parteng ito . "Sure ka bang walang magagalit kapag pumunta ako sa bahay niyo mamaya?" "Oo naman. Wala sila mommy kaya bwelo tayo." Hindi pa nga ako nakakabawi ng lakas dahil sa pagtakbo, mukhang na-hyped up na naman ang aking dugo dahil sa boses na naririnig. Wala naman sigurong maligno sa classroom na ito? Nanggagaling sa ilalim ng lamesa ang ingay. Out of curiosity, dahan-dahan akong lumapit doon at dahan-dahang sinilip sa gilid kung sino ang tao. Napahawak na lang ako sa aking bunganga noong makita kung sino 'yong nasa ilalim ng lamesa. Gosh, nawala na ba sila sa katinuan para gumawa nang ganyan? At comfortable ba silang gawin 'yan sa kinalalagyan nila ngayon?! Damn! Kabataan talaga ngayon! Napangiwi na lang ako dahil hindi ko pa kasi nae-experience 'yong nakikita kong kalaswaan na ginagawa no'ng dalawa. Kaya sana lahat na lang. Joke! Wala pala akong pake sa kanila at sa kung anong ginagawa nila. Gusto ko lang namang magpahinga nang tahimik sa upuan ko pero bakit ganito? Bakit may pagganito?! "Enough, Yuri..." Tinakpan ko ang tenga ko dahil sunod-sunod na impit na ungol ang pinakawalan no'ng kung sino mang babae. Nakakahiya at the same time nakakatakot. Anong gagawin ko? Alangan namang sitahin ko sila? Dahan-dahan akong naglakad nang patingkayad. Hindi ko na kasi ma-take pa ang ingay na ginagawa nila. Baka ano na rin ang mangyari sa akin kapag nahuli ako. "Fudge! Oh my, Yuri may tao!" tili no'ng babae dahil tumunog 'yong plastic bottle na naapakan ko pala. Tumigil ako sa paggalaw, hindi ako lumingon at talagang pigil-pigil ko ang aking paghinga dahil sa takot. Ayaw kong humarap sa kanila dahil baka kung ano ang makita ko. Naramdaman ko na lang na tumilapon ako sa pader, sakto, una mukha kaya noong lumapat ang pwet ko sa sahig, kaagad kong sinapo ang aking ilong. "Go now, I'll handle this," pa-cool na utos no'ng lalaki. Narinig ko ang pagsara ng pinto, pero hindi ko pa rin minumulat ang mga mata ko dahil ramdam ko na malapit lang sa akin 'yong mukha niya. "Bobo ka ba? Naiintindihan mo ba ang salitang privacy?" nakakatakot na bulalas nito. 'Privacy? Edi sana doon kayo naghalikan sa hotel, di ba? Ako pa ang sasabihan niyang bobo!' Sana nasasabi 'yan ng bibig ko at hindi lang ako puro sa utak lang. Pero keri lang...kung ito lang ang paraan para maging maayos ang lahat, lulunukin ko na lang 'yong gusto kong iluwang maaanghang na salita. "Hoy, kinakausap kita! Pipe ka ba?!" sigaw nito sabay hablot sa aking braso para makita niya nang tuluyan ang aking mukha. Ramdam kong lumipad 'yong bangs ko dahil sa nagngangalit nitong paghinga. Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko at labis ko iyong pinagsisihan dahil hindi nga ako nagkamali, napakalapit nga mukha nito sa akin. Sapat na para maduling ako. "Pasalamat ka dahil babae ka at kabaklaan ang pumatol sa iyo! Pero tandaan mo 'to, kapag nakita ko pa 'yang pagmumukha mo at kumalat ang tungkol sa nakita mo, ha-hunting-in kita hanggang impyerno!" nanggigigil na banta niya, still nagbabaga pa rin ang kanyang mga mata. Mabilis akong tumango at doon niya lang inilayo ang kanyang katawan. Dali-dali nitong kinuha ang kanyang uniporme at padabog na nilisan ang classroom. Noong marinig ko ang malakas na pagkalabog ng pinto, doon lang ako nakahinga nang maluwag. Hinayaan ko ring bumigay ang aking mga binti sa sahig habang sapo-sapo ang kaliwang dibdib. 'What did you just do Deina!?' 'Hay, Si Yuri 'yon! Yuri Maxwell!' 'Paniguradong tepok ako nito! Paano na ang katahimikan ng buhay ko ngayon? Makakatapos pa kaya ako sa paaralang ito? O dapat na siguro akong mag-drop out ngayon pa lang?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD