DEINA Nangangatog na ang aking paa sa kakatayo at kakasalo ng bigat nitong dalawang ulupong. Ilang minuto na ba akong nakatayo at nagtitiis? Hindi ko na alam. Hindi man lang ako makakilos nang maayos, nangangalay na ang kamay at leeg ko. "Tangina niyong dalawa. Kayo chill na natutulog tapos ako nagdudusa?! Ano kayo gold?!" inis kong bulalas. Kahit na halos murahin ko nang murahin 'tong mga mokong na ito, hindi naman ako masamang tao. Sinisiguro kong hindi mahuhulog iyong ulo ni Lucifer na nakapatong sa aking balikat. Ito namang si Yuri, bwesit... siya na nga ang chansing, niyayakap ko pa siya dahil baka sumubsob sa sahig ang kaniyang mukha kapag binitiwan ko. Inaantok na rin ako ngunit kailangan kong magtiis hangga't hindi lumalabas si Ace para ihatid si Lau. Sa kaniya ang magpapatulong