DEINA "Chikading chikading palipad-lipad, mukha ni Dayday ay namumukadkad. Chikading chikading palipad-lipad--" "Itong basong hawak ko sa iyo'y lilipad! Hindi ka titigil, ah?!" bulyaw ko sa lasing na Laurianne. "Nyang! Nyang! Yamete..." "Bwesit ka! Napaka-landi mo talaga!" gigil kong wika pagkatapos ito hampasin ng tisnelas sa hita. Umakto ba namang pusa tapos dumidila-dila pa sa akin, bwesit! Nagsisitayuan ang balahibo ko! Pagkatapos makatikim, sandaling nahimasmasan ang bobita. Pero hindi rin nagtagal, ayon, bumalik sa pag-iinom. Naririto pa rin kami sa resort na pagmamay-ari nina Chase. Napagpasyahan nang lahat, ay hindi, sila lang pala na mag-inuman muna. Kasi syempre, ito raw ang una't huling araw na magkakasaya-saya ang lahat dahil paniguradong next week babalik na sa kanya-kan