Part I: Kabanata 26

1922 Words
Omicron At wala pa ngang five minutes ay may narinig na kami agad ni Samuel na nagtutoktok sa pintuan ng opisina namin which means nandito na siguro si Uranus kaya’t dali-dali nga akong tumakbo para buksan ang pinto. “Isang AI na robot? Paano mo naidala ‘yan dito kuya Omicron?” sunod-sunod ngang tanong ni Samuel pero bago ko pa man nga maipaliwanag sa kaniya ang lahat-lahat ay kinuha ko nga muna ang box na inaabot sa akin ni Uranus. “Thank you so much Uranus, maaari ka nang bumalik sa unit,” saad ko nga at tiyaka na isinara ang pinto. “Oo Uranus is an AI. B—bakit parang ngayon ka lang nakakita ng AI robot?” tanong ko nga rito at tiyaka na binuksan ag box na may laman ngang mga gears na same din lang nang ginamit ko nong first day namin dito na kung saan nga ay kamuntikan na nilang pinatay si Chi. “I have seen many AI robots before pero I just didn’t expect na makakagawa ka nito when in fact ang sabi niyo po ay civil engineer kayo,” sagot nga niya. “Bakit porket civil ako ay hindi ko na kayang gumawa ng robot? Ikaw talaga Samuel, masyado mo akong iniismol ha” saad ko nga rito. “Naku hindi po kuya Omicron.” “Si Uranus ang unang AI na nagawa ko at syempre sa tulong ni Chi na tinuruan ako ng programming,” paliwanag ko sa kaniya at tumango nga naman ito nang mapagpaliwanagan ko siya. “Oh, ito gear mo. Mabuti nalang at nakuha ko pa ‘yong gear na ginamit ni Isko nang iligtas namin si Chi at narepair ko nga ito kasi napakaweak naman ng ginamit niyong materials,” saad ko sabay abot sa kaniya nong nirepair kong gear. “Hindi ba ito ‘yong gear na ibinigay namin sa inyo nong first day? Hindi mo talaga tinapon nalang kuya Omicron?” tanong nga ulit nito. “Teka nga, kanina ka pa tanong ng tanong ha. Mabuti pa’t suotin mo na ‘yan nang makababa na tayo’t makahanap ng mga materials,” saad ko nga rito at tiyaka nagsuot na ng gears. “Kuya, ang first muna natin is to check kung anong kalagayan ba ng tower na naassign sa atin. At sa pagkakaalam ko ay nagprovide na sila ng masasakyan natin papunta sa baba at sa tower,” saad ni Samuel dahilan upang mapatango ako. “Mabuti naman, dahil akala ko tayo rin ang gagawa ng masasakyan natin,” pabiro ngang saad ko habang isinusuot na ngayon ang mga gears. Helena “Waldo, may ideya ka na ba kung anong mga materials ang gagamitin natin for the new base ng tower natin?” tanong ko nga ulit. At pang-limang tanong ko na nga ito sa kaniya pero laging parehas lang ang isinasagot niya sa akin. “Ah, Doktor Helena, wala pa po eh,” saad nga niya sabay kamot ng ulo. Sa dinami-dami ba naman ng estudyante sa Mendeleev bakit itong wala pang kwentang ito ang napunta sa akin? “Wala pa rin? Bakit wala pa rin?” sunod-sunod ko ngang tanong gamit ang sarkastikong boses dahil hindi na talaga ako makapagtimpi lalo pa’t nakita kong iba ang inaatupag nito ngayon sa holographic computer niya. “P—po?” tanong nito dahilan para taasan ko na nga siya ng kilay dahil sa inis ko. “Kung wala kang maiaambag sa akin Waldo ay mabuti pa’t ako nalang gumawa ng misyon na ito. Seryoso ako sa mission na ito Waldo at malaki ang mawawala sa akin sa oras na pumalpak ako sa mission na ito,” seryosong saad ko nga rito dahilan upang matigilan siya at makita ko ngang tila nanginginig na ito ngayon dahil sa nerbyos. “Kaya’t gumawa ka na ng prototype ng panibagong base ng tower na gagawin natin at ako na nga ang bahala sa mga materyales nang makababa na tayo’t makahanap ng mga materials,” patuloy ko pa nga at mukhang epektibo naman ang pananakot ko dahil dali-dali na nga nitong ibinack ang nilalaro niyang computer games at nastart na nga itong magsketch ng prototype. “Ang gagamitin natin ay tungsten, lead, concrete at tiyaka lupa,” saad ko at tiyaka kinuha na nga ang metal navigator ko sa bag ko na siyang nilagay ko nga rito nang dumaan kami sa unit kanina. “So that means po dok ay ililayer natin ang mga materials na ito just like a fallout shelter?” tanong nga ni Waldo dahilan upang mapatango ako at mabunutan ng kaonting tinik dahil kahit papaano ay may alam din palang kaonti itong batang ito. “Oo, at both interior at labas nga ng tower ay tungsten para ma-triple pa ang tibay nito,” paliwanag ko rito na siyang tinanguan din naman niya. “While you are doing the prototype of the base ay lalabas muna ako ng Mendeleev upang maghanap ng materials for the gears na gagamitin natin. Huwag na huwag kang sumubok na umalis diyan sa ginagawa mo dahil imomonitor ko pa rin ang bawat galaw mo kahit wala ako dito sa loob ng opisina,” paliwanag ko nga sa kaniya at tiyaka itinuro ang isa sa mga CCTV na nakapalibot sa buong kwarto. “Malinaw ba Waldo?” tanong ko nga muli rito at tumango naman siya ng ilang beses habang halatang natataranta na nga which is a good thing. Dapat lang siyang matakot sa akin because if I am going to treat him like a friend ay walang mangyayari sa mission at hindi niya seseryosohin ang mga sinasabi ko. Chi Nakalabas na nga kami ngayon sa Mendeleev Academia at sobra talaga akong namangha sa mga nakita ko dahil totoo nga ang sabi nila na parang normal talaga ang community nila dito sa taas wherein may mga bahay, buildings at mga mall. Parang normal lang talaga ang lahat at wala ngang pagsabog ang nang-aantala sa mga ginagawa nila “Paano niyo kaya nasisikmurang mabuhay ng payapa dito sa taas? Minsan ba napapatingin din kayo sa baba at nag-alala para sa mga taong naiwan doon na araw-araw ay minumulto ng mga pagsabog?” sunod-sunod ngang tanong ko kay Heisen na ngayon ay nagdadrive ng sinasakyan namin papunta raw sa isang factory kung saan tinatambak ang mga kagamitan na mga napaglumaan na. “Chi, nakita mo naman na hindi naman ganoon kapayapa ang pamumuhay namin sa taas hindi ba? Sa Mendeleev Academia pa lang, wherein halos lahat ng mga estudyante ay nagpapatayan,” sagot nga nito dahilan para mapabuntong hininga ako. “Walang unfair treatment na nangyayari Chi. Pare-pareho lang tayo nilang ginagago.” Paano niya kaya nasisikmura na ang sarili niyang tatay ang siyang may gawa nitong lahat. Na ang sarili nga niyang tatay ang may kontrol ng lahat-lahat. At natigil na nga ang usapan namin nang itigil niya ang sasakyan sa harap ng isang building. “Maaari tayong makahanap ng mga kagamitan sa paggawa ng mga gears dito Chi. At maaari nga nating iimprovised ito or irepair,” saad nito na ngayon ngay lumabas na ng sasakyan kaya’t wala na nga akong nagawa kundi lumabas na rin kahit pa na nais ko pang ipagpatuloy ng pagpapamukha ko sa kaniya ng realidad. “Maghanda ka Chi, dahil mukhang mapapasabak tayo sa pakikipag-agawan,” saad nga nito nang oras na makababa ako dahilan para magulat ako nang sabay-sabay nga ang datingan ng mga sasakyan at sabay-sabay ring lumabas ang mga estudyante ng Mendeleev Academia rito. At nagulat nga ako nang biglang hawakan ni Heisen ang kamay ko at hila-hila ako habang patakbong pumasok sa factory at kasabay nga non ang pagtakbo rin ng ibang mga estudyante paloob ng factory. Omicron “Teka, may gears naman kami ha? Bakit ayaw niyo kaming pababain ha?” reklamo ko nga dahil ngayon ay inistop kami ng mga mga guards para pumasok sa helicopter. “Oo nga naman po, nakasuot naman po kami ng mga gears ha?” tanong nga ni Samuel na ipinakita pa nga sa mga gwardiya na may suot siya. “Ang gears na dapat isuot niyo ay gagawin niyo pa lang hindi ‘yong gawa na,” sagot nong isang gwardiya. “Teka, paano mo naman alam na gawa na ito ha?” tanong ko nga rito at halos napahiya nga ako nang bigla niyang ipakita sa portable hologram na dala niya ang footage na kung saan ngay iniaabot sa akin ni Uranus ang box ng gears at kasunod nga sa footage ang pagkuha ko ng mga gears sa box. “Eh, ako naman ang gumawa ng mga ito ha,” reklamo ko nga ulit pero umiling lang ito bilang tutol. “Kung ako sa inyo ay alisin niyo na ‘yang mga suot niyo at umpisahan niyo ng maghanap ng mga materials niyo at gumawa ng mga bagong gears. Bago pa man makaalis ang panghuling sasakyan,” patuloy pa nga nito na ngayon ngay ipinakita nga sa amin ni totoy ang footage na papasok na si Helena sa kaisa-isang kotse na natira sa parking lot. “Kuya Omicron, bilisan natin. Dahil kung sakaling makaalis na si Ate Helen ay wala na rin tayong sasakyan papuntang factory para pagkuhanan ng mga materyales at sigurado kung mahuhuli tayo sa pagpunta rito ay ubos na sa malamang ang mga materials,” natataranta ngang saad ni Samuel na ngayon ngay mabilisan nang inalis ang suot niyang gears na siya rin namang ginawa ko. At pagkatapos ngay agad-agad at mabilisan talaga kaming tumakbo papasok sa elevator at isinet nga sa full speed ito na wala pa ngang dalawang minuto ay nasa pinakababa na kami kung saan nakapark ang kotseng sasakyan nga ni Helena. Ngayon ngay kakastart lang niya sa pagpapatakbo nito at dahil nga sa desperado na ako ay tumakbo nga ako ng mabilis sa dadaanan nito at napapikit nga ako nang tuluyan at nagbabasakaling itigil niya ang pagpapatakbo. “O—omicron?! Anong ginagawa mo sa dadaanan ko?! Umalis ka nga diyang lalaki ka! Hindi mo ba nakikitang nagmamadali ako ha?” sunod-sunod ngang bulalas nito na sukdulan na nga ang inis dahil sa ginawa ko. “Ate Helen, pwede ba kaming makisabay sa’yo ni kuya Omicron sa pagpunta sa factory?” tanong nga ni Samuel na ngayon ngay nasa tabi ko na. “S—samuel? Bakit wala na bang sasakyan para sumabay kayo sa akin?” nagtatakang tanong nga ni Helena na napakamot nga ng ulo niya nang mapagtanto na ang sinasakyan nga niya ngayon ang siyang kahuli-huliang sasakyan dito sa parking lot dahil halos nakuha na nga ng ibang mga estudyante ang mga sasakyan. “Ate Helen, please,” saad ni Samuel na nakanguso pa nga at nagpapaawa ngayon kay Helena dahilan para magka-idea akong gayahin siya na baka nga makatulong na mapapayag ang babaeng nasa harap ko ngayon. “Helena, please” saad ko nga at ginaya ang expression na ginawa ni Samuel. “Oh, siya siya sumakay na kayo” saad nga nito dahilan para mapatakbo nga kami agad ni Samuel papasok ng kotse. “But what the hell is that for Mister Rivera?” “Pwede ba huwag muna ulit gawin ‘yong ginawa mo kanina,” saad nga ni Helena nang makasakay na kami sa kotse na sobrang sama na nga ng tingin sa akin. “Ano? ‘Yong pagharang ko sa daan mo? Ginawa ko lang naman ‘yon para itigil mo ang pagpapatakbo sa sasakyan,” sagot ko nga rito. “Hindi ‘yon. Ang ibig kong hindi mo na gawin ay ‘yong nakakadiri mong panggagaya kay Samuel. What made you think na makukumbinsi mo ako sa oras na makita ko ‘yong mukha mong ganon?” sagot niya na ngayon ngay tuluyan nang iniandar ang sasakyan At dahilan nga ang sinabi nito para tuluyang manlaki ang mata ko sa gulat at nang tignan ko nga ang katabi kong si Samuel ay nagpipigil na ito ng tawa ngayon dahilan para sikuhin ko siya sa tiyan dahilan para mamimilipit ngayon ito sa sakit pero hindi pa rin ito naging hadlang upang tumigil siya sa pagtawa. “Anong tinatawa-tawa mo diyan ha?” saad ko nga at sisikuhin ko na nga sana siya muli nang matigilan nga ako at maging si Samuel sa kakapigil sa pagtawa nang biglang paandarin ni Helena ng sobrang bilis ang sasakyan dahilan para mapasuot ako agad ng seatbelt ko at mapasigaw dahil sa bilis ng pagpapatakbo nito na ang labas ngay para kaming hinihila patalikod ngayon dahil sa bilis nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD