Part I: Kabanata 27

1862 Words
Omicron Ngayon kakarating lang namin muli dito sa Mendeleev matapos makakuha ng mga kagamitan sa paggawa namin ng mga gears. “Kung minamalas nga naman kuya Omicron at halos sira-sira at mahirap ng irepair ang mga gamit na nakuha natin,” saad ngayon ni Samuel na halos mapailing-iling pa nga nang icheck muli ang mga nakuha naming mga recyclable materials. “Anong minamalas ka diyan? Eh, pwede pa namang marepair ang mga ito eh.” “Paano po kuya Omicron? Eh, halos mga basura na kaya ‘yang mga ‘yan,” saad pa nga nito. “Basta umpisahan nalang natin gawin ang mga gears dahil baka maubusan na naman tayo ng sasakyang eroplano pababa at maunahan na naman tayo ng iba,” saad ko nga at nag-umpisa na nga akong kumuha ng mga tools nang maumpisahan nang gumawa ng mga improvised tools na gagamitin namin. “Habang ako ang gagawa ng mga gears ay try mo na gumawa ng prototype for the base Samuel,” utos ko nga at nag-umpisa na nga akong magpunit ng foam at plastic na siyang ililayer ko sa Kevlar (a heat-resistance and strong synthetic fiber) na siyang magsisilbing pinaka-proteksyon namin sa bomb. “Oh, right. Sige kuya Omicron, I’ll start to design the prototype na,” pagsang-ayon nga nito na binuksan na nga ang holographic tablet niya at nagstart nang magdrawing. Heisen “Mabuti nalang at nakakuha tayo ng mas advance na bomb suit which is made up of Nomex and Kevlar,” panimula ko nga nang makapasok na kami ni Chi sa office namin. “How about sa may helmet anong balak mong gawin doon?” tanong ni Chi na halata ngang pagod na pagod dahil agad itong napaupo sa sofa. “Meron akong nakuhang helmet kanina which is laminated sa acrylic at polycarbonate. Bali mga lima ang kinuha ko dahil nga basag-basag silang lima at sira-sira na nga. Kaya ipagtatagpi-tagpi nalang din natin tulad nong sa suit,” paliwanag ko sabay labas ng mga materials sa box na pinaglagyan namin kanina. “Ako na ang gagawa nong helmet kasama ‘yong mga microphone, speakers and forced air ventilation system niya sa loob,” suhesyon nga niya na tumayo na nga ngayon at pinili na ang mga basag-basag at sira-sirang helmet. “Oh, sige. Ako na ang bahala sa may suit,” saad ko nga. At pumwesto na nga kaming dalawa sa kaniya-kaniya naming workplace at sinimulan nang magpaka-busy sa kaniya-kaniya naming trabaho. September 11, 2029 Heisen Nagising ako nang tumunog ang alarm ng phone ko. At sa pagmulat ko nga ay tumambad agad sa akin ang mukha ni Chi na tulad ko’y nakatulog na rin habang gumagawa ng mga gears. Nasa iisang mesang mahaba kasi kami ngayon at nakaharap nga ngayon ang mukha sa ni Chi dahilan para siya ang una kong makita nang imulat ko ang mga mata ko. “Hindi ko inaasahan na makikita pa kita baling-araw,” panimula ko nga habang kinakausap ang tulog na Chi. Ngayon ngay hindi ko pa rin ibinabangon ang ulo ko at nakatitig pa rin ako sa mukha niya na mahimbing na natutulog ngayon. “Masasabi ko ngang nagbago ka na ng tuluyan ngunit ang mukha mo ay wala pa ring pinagbago. You still have that innocent eyes. Ang pinagkaiba lang ay mas madalas kang ngumiti noon kaysa ngayon,” patuloy ko at halos mapangiti nga ako ng tuluyan nang maalala ang una naming pagkikita noon. Pero nang tignan ko ngang mabuti ang mukha niya ay hindi ko nga maiwasang mapansin ang kaonting marka nito sa noo dahilan nga para maalala ko na naman ang araw na siyang sumira sa pagkakaibigan naming dalawa. June 28, 2025 Nandito ako ngayon sa rooftop ng main building ng cluster 1 kung saan nga kami pansamantalang naninirahan together with the other students of Mendeleev. “Ano?! Gagawin mo akong test subject sa gagawin mong research project? Seryoso ka ba?” gulat ngang tanong ni Chi nang ipaliwanag ko sa kaniya ang kailangan niyang gawin para nga mapasama siya sa taas sa sandaling aalis na kami. At tumango nga ako ng ilang beses bilang sagot sa katanungan niya. “’Yon lang ang naiisip kong paraan upang sa last day nga namin ay maisama kita sa taas,” saad ko nga rito habang umaasa ngang pumayag na ito upang maisagawa ko na ng tuluyan ang misyon ko. “Teka, ano ba kasing research project ‘yan? Eh, ni hindi ko pa nga alam kung saan patungkol ang project mo at kung anong magiging role ko sa project mo? Dahil baka mamaya niyan ay kunin mo ang laman loob ko. Oh, ‘di kaya naman ay sasaksakan mo ako ng virus. Oh, baka naman ay may balak kang pasabugin sa katawan ko,” sunod-suniod na saad nito na halos kita nga sa mukha niya na takot at nenenerbyos siya sa maaaring gawin ko sa kaniya para sa project ko. “Hoy, hindi naman ganon kalala. Ang gagawin ko lang naman sa’yo ay sa iyo ko ipapasuot at ikaw ang magtetest ng ginawa kong Explosive Ordnance Disposal suit or EOD suit at tiyaka nong helmet as a protection for bombing,” paliwanag ko nga rito at tiyaka nga inilabas ang phone sabay pakita sa kaniya ng prototype ko. “So, tama nga ako na papasabugin mo ‘yong katawan ko?” gulat ngang saad nito na ngayon ngay nakakunot na ang noo niya. “Hindi naman kita papasabugin ha. Wala ka bang tiwala sa akin? That suit na ginawa ko ay matibay at sigurado talaga akong hindi ka mapapahamak,” paniniguro ko nga sa kaniya at tiyaka nga ipinakita ang mga materyales kung saan gawa ang mga gears. “Paano naman ako magtitiwala sa’yo kung halos dalawang araw pa lang kaya kitang kilala. At tiyaka para saan ba ang mga gears na ‘yan ha?” sagot at tanong nito dahilan upang mapasinghap ako. “My mission here is to test the durability and resiliency of the EOD na ginawa namin. At hirap nga kami ngayong humanap ng mga taong magtetest ng output namin but when I have met you ay naramdaman ko talagang matapang kang tao at nong niresearch ko ang profile mo ay nalaman ko nga ring isa kang programmer at science minded na tao,” paliwanag ko nga rito at sana nga maconvince ko na siya. I want to win in this mission over Helena. I really want to prove my self kay dad. At ito nga ang nakikita kong opportunity para mangyaring ipagmalaki na rin ako ni dad. “Eh, ano namang kinalaman non sa kahilingan ko na pumunta sa taas?” tanong nga niya na ngayon ay medyo ata nahimasmasan na. At bago ko nga siya sagutin ay inayos ko na nga muna ang glasses ko at huminga muna ako ng malalim. “Sa sandaling maipanalo ko ang mission na ito ay hihilingin ko sa mga advisers na ang maging premyo ko ay ang ipunta ka sa taas. Dahil bawat panalo sa mga mission namin ay binibigyan kami ng rewards na kami mismo ang nagdedecide kung ano,” sagot ko rito at nakita ko ngang napabuntong ito ng malalalim at napangiti sa narinig niya na dahilan para mapangiti na rin ako ng tuluyan dahil mukhang papayag na nga siya na maging test subject ko. “Sige, payag na ako. Pero hindi lang ako ang pupunta sa taas ha. Kundi maging ‘yong kuya ko,” sagot nga niya dahilan para hindi ko na nga mapigilan ang sarili kong mapangiti. “So ano?” tanong ko nga rito at tiyaka iniabot ang kamay ko sa kaniya. “Deal?” “Deal.” June 29, 2025 “Ito na ba ang ginawa mong EOD? Saan naman gawa ito ha?” sunod-sunod ngang tanong ni Chi. Nandito kami ngayon sa loob ng kwartong ibinigay as akin bilang workplace ko. At lahat nga kaming mga estudyante ay may kaniya-kaniya ngayong mga kwarto. “Oo, at ito naman ang helmet na isusuot mo rin. ‘Yong suit ay gawa sa foam at tiyaka plastic,” paliwanag ko nga ngunit nagtaka nga ako nang nanlaki ang mata nito at tila gulat na gulat nga ngayon dahil sa sinabi ko. “Foam at plastic? Seryoso ka ba talagang ipapasuot mo sa akin ‘yan tapos iiwan mo ako sa labas?” sunod-sunod ngang tanong nito na hindi ko nga medyo gets kaya naman ay tumango nga ako ng dahan-dahan bilang sagot. “Eh, papatayin mo naman pala ako eh!” bulalas nga nito dahilan para magtaka ako eh matibay naman ang pagkakagawa ng gears ko ha. At okay naman ang materials ha. “Maraming layered ‘yan ng plastic at foam kaya safe na safe ka riyan,” pangangatwiran ko nga rito. “Hindi ba uso sa’yo ang Kevlar? Kung plastic at foam lang ginamit mo rito sa suit mo ay tiyak talagang mamamatay ako niyan Nael. At ayaw ko pang mamatay dahil marami pa akong pangarap at isa na nga don ang pagpunta sa taas,” tuloy-tuloy ngang saad nito dahilan upang matigilan ako. “K—kevlar?” nagtataka ngang tanong ko. “Kevlar is a heat-resistant and strong synthetic fiber, related to other aramids such as Nomex and Technora. Developed by Stephanie Kwolek at DuPont in 1965, this high-strength material was used first commercially in the early 1970s as a replacement for steel in racing tires. Typically it is spun into ropes or fabric sheets that can be used as an ingredient in composite material components.” mala-wikipedia nga nitong paliwanag dahilan upang matulala ako saglit. “At wala ka rin bang balak lagyan ng mic ang loob ng helmet? Para naman makausap mo ako kapag isasagawa na ang test,” saad pa nga nito dahilan para tuluyan na akong mapakamot ng ulo nang mapagtantong mas marami pa nga ata siyang alam patungkol dito. At hindi ko nga inasahan na makakatulong din pala siya sa mismong improvement ng gears na ginawa ko. “Hindi ko naisip ‘yong mga bagay na ‘yon and I am really thankful na nasabi mo nga ang mga ideas na ito,” saad ko nga rito sabay ngiti. “Pasalamat ka matalino ako at hindi nga lang ang katawan ko ang magagamit mo diyan sa research mo kundi maging ang talino ko,” pabiro nga nitong saad sabay turo sa ulo niya. “Oh, siya tara na nga at umpisahan na nating irepair itong suit at helmet para naman siguradong hindi ako mamatay sa oras ng test,” saad nito. “Huwag kang mag-alala, sisiguraduhin kong magiging safe ka sa oras ng test Chi,” paniniguro ko nga. “But I failed,” sambit ko nga sa natutulog na si Chi at ngayon ngay hinawi ko ang buhok niya sa mukha at tiyaka nga huminga na ng malalim. “I am sorry Chi.” Matapos non ay nagpasya na akong tumayo at mas napabilis nga ang pagtayo ko nang mapansin kong gumalaw si Chi at unti-onti na nga nitong iminumulat ang mga mata niya. “A—anong oras na?” nauutal na tanong nito na ngayon ngay ibinangon na ang ulo mula sa mesa. “6:00 am na,” sagot ko nga rito at tiyaka nga nagkunwaring nagtatype sa holographic computer. “Okay na ba ‘yong suit? At nga pala, naglagay na rin pala ako ng sensors sa helmet at kasama na nga don ‘yong sensor na makakapagdetect kung may malapit sa’yo na lupa na pasabog na,” saad nito at tumango nga ako. “Oo, tapos ko na ‘yong suit. Kaya pwede na rin tayong magstart sa mission sa paghahanap ng materials sa baba mamaya,” sagot ko rito. “Mauna muna siguro ako at magbreabreakfast muna ako kasama sila kuya,” paalam niya na tumayo na nga at kinuha ang bag niya. At tumango nga ako muli’t muli bilang sagot sa paalam niya. “H—how about you? Hindi ka pa ba magbreabreakfast? Sabay ka na kaya sa amin?” At halos matigilan nga ako at magulat nang bigla niya akong tanungin nang palabas na siya ng room. “A—ako? Pwede akong sumabay sa inyo?” tanong ko nga dahil halos hindi nga ako makapaniwala sa invitation nito. “Bakit hindi?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD