September 5, 2029
~10:00 pm~
Omicron
“Kuya, napakatagal naman!” sigaw nga ni Chi na kanina pa nga nag-aantay sa labas ng kwarto ko kasama si Isko.
“Ito na patapos na,” saad ko nga at tiyaka na binuksan ang pinto pero nagulat nga ako nang bigla nga silang sabay na tumawa na tila ba hinuhusgahan ang suot ko ngayon.
“Kuya, ano ba naman ‘yang suot mo? Party ang pupuntuhan natin hindi lang kung saan-saan. At tiyaka nanduon din ang Director at ine-expect mo talagang casual lang ang kasuotan?” sunod-sunod ngang saad at tanong ni Chi sa suot kong casual lang dahilan upang mapakuonot ako ngayon ng noo at unti-unti ngang pinagmasdan ang suot ko mula paa hanggang sa suot kong casual lang na polo shirt.
“At naka-white shoes ka pa talaga tol ha,” saad nga ni Isko na tinapakan pa ‘yong sapatos ko na halos limang taon ko ring iningatan at ngayon ko lang nga isinuot ito dahil sa wakas ay kasya ko na siya.
Pero nang tapakan nga ito ay tila bumagsak ngayon ang mundo ko at sinamaan ko nga siya ng tingin nang dahil sa ginawa niya.
“Ano bang masama ha? Eh, ayos naman itong suot ko ha? ‘Yang suot niyo kaya ‘yang problemahin niyo? Bakit tila ang pormal ata nang mga kasuotan niyong dalawa?” baling ko ngang tanong sa kanila dahilan para nga mapatingin sila sa mga kaniya-kaniya nilang suot.
“Eh, eto naman ang sinusuot nila sa mga Netflix movies ha,” saad nga ni Chi na sinang-ayunan din naman ni Isko dahilan upang mapakamot na lamang ako ng aking ulo.
“Mabuti pa’t halika na kayong dalawa dahil halos 30 minutes na tayong late oh,” saad nga ni Chi na inunahan na kaming maglakad palabas ng aming unit.
_________________________
“Oh, kuya Isko at Sasha? Ano ‘yang suot niyo?” bungad ngang tanong ni Samuel dahil sa aming tatlo ay ako nga lang ang nakatama sa amin ng proper attire para sa party dahil lahat nga ng mga estudyante ngayon sa loob ng party area ay naka-casual lang halos. At sa katunayan nga ay may mga naka-shirt lamang ang mga suot pero samantalang ngang sila Chi at Isko ay ayos na ayos na tila ba pupunta nga sa isang corporate meeting.
Hindi ko nga maiwasang magpigil ng tawa ngayon dahil halos nasa kanilang dalawa ngayon ang atensyon ng mga tao.
Chi
“Ah, eh, akala ba namin party ang pupuntahan at meron ang Director?” pabulong ko ngang tanong ngayon kay Samuel at napansin ko ngang nagpipigil din ito ngayon ng tawa dahil sa suot namin ni kuya Isko.
Bakit hindi man lang niya kami ininform na parang normal na teenage party nga lang ang pupuntahan namin.
“Oo,” sagot nito dahilan upang lakihan ko siya ng mata nang dahil sa pagtataka.
“Pero bakit ganyan ang mga suot niyo? Eh, hindi ba may mga government officials na makikisalo sa atin?” tanong ko nga rito pero mangiti-ngiti nga ako nitong sinagot na magpahanggang ngayon ay nagpipigil pa rin ito tawa nang dahil sa suot kong mala-long gown na pinarisan ko pa nga ng heels na siyang hindi ko sanay ilakad.
“Sasha, hindi naman kasi formal na party ito. Porket ba nandito lang ang Director sa tingin niyo ay ganito na ka-formal ang party at kailangan niyo pang bonggahan ang mga kasuotan niyo?” sagot nga nito dahilan upang saglit nga akong matahimik.
“Eh, ano? Anong klaseng party ito?”
Pero bago pa man niya ako masagot ay biglang tumugtog na ng pagkalakas-lakas ang mga speaker na nakapalibot sa amin ngayon at halos magsigawan na rin nga ang mga estudyante at panay na nga ang talon at sayawan ang iba.
“It is just a normal party Sasha,” sigaw nga ni Samuel na halos hindi ko na marinig nang dahil sa lakas ng tugtog.
Teka, asan na ba ‘yong dalawa kong kasama at bigla nalang ata silang nawala?
“Nakita mo ba sila kuya Omicron?” pasigaw ngang tanong ko ngayon kay Samuel at tumango nga ito bilang sagot at tiyaka itinuro ang dalawa kong kuya na kasalukuyang nasa dance floor na ngayon at makaagaw pansin nga ang mga sayawan ng dalawa na ngayon ay halos pinagkukumpulan na ng ibang mga estudyante.
“Ano Sasha tara?” yaya nga ni Samuel sa akin pero agad nga akong tumanggi at inilingan siya.
“No, no, no, I will never dance and do that,” tanggi ko nga habang bwesit na bwesit na nakatingin ngayon kina kuya Omicron.
“A—are you sure? Ayaw mong makiparty?” paniniguro pa nga ni Samuel na siyang tinanguan ko nga at tiyaka na nga ako paika-ikang naglakad papunta sa malapit na upuan.
Kaya naman pala sobrang excited ang mga kaklase namin kanina at tila nga iba ang mga awra ng mga ito dahil ganito naman palang party ang ibig sabihin nila Samuel.
Habang pinagmamasdan ko silang lahat na nagsasayang lahat ay hindi ko nga maiwasang maisip na kinubukasan nito ay balik na muli sa nakagisnang normal ang paaralan.
Helena
“Helen, you are a bit late,” bungad na sa akin ni Heisen nang kakataas ko pa nga lang sa VIP area.
“Napadaan lang ako saglit sa lab,” tipid ko ngang sagot dahilan para mapaiwas siya ng tingin sa akin na mukhang naiintindihan naman na nga niya na wala ako sa mood makipag-small talk ngayon nang dahil sa walang kabuhay-buhay kong sagot sa kaniya.
“S—si Omicron nasaan na siya?” tanong nito dahilan para tumingin nga ako sa ibaba kung saan kitang-kita ko siya ngayon dito na sobrang hyper na sumayaw kasama ang iba pa ngang estudyante.
Kitang-kita namin sila ngayon dahil gawa sa two way mirror na sound-proof ang sahig na tinatapakan namin dito sa VIP Area.
“Wala ba siyang balak pumunta rito? Akala ko ba he is your date tonight?” sunod-sunod pa ngang tanong ni Heisen ngunit hindi ko nga lang ito pinansin at hanggang ngayon ngay nakatingin pa rin ako sa baba at pinapanuod kung gaano kasaya ngayon ang mga kapwa naming mga estudyante.
“It is nice seeing them like this,” usal ko.
“You know Helen na ngayong araw lang ‘yan dahil kinabukasan niyan ay siguradong nagpapatayan na naman sila. They are just being plastics tonight,” saad ni Heisen dahilan para tignan ko siya ng seryoso.
“No, I don’t think they are faking it at all. It’s too genuine to be called fake,” diretsahang saad ko na mukhang naintindihan naman niya ang ibig kong ipahiwatig.
“Maybe, it is the system after all, who is forcing them to act like animals,” pabulong ngang saad ko bago siya iwanan sa kinatatayuan niya ngayon.
“Kuya Ismael!” tawag ko kay Kuya Ismael na ngayon ay kausap nga sila Zild at Enrile malapit sa door. Mukhang kakarating lang nilang magkakapatid.
“Helen,” tawag nito at tiyaka nga tinanggap ang yakap ko. Ang tagal ko na rin siyang hindi nakikita dahil simula nang nagraduate na siya Mendeleev Academia ay naging abala na ito sa naging trabaho niyang pag-iinspect ng mga sumasabog na parte ng lupa sa baba.
“How are you Helen? It is nice seeing you again,” tanong at saad nito nang kumawala na kaming dalawa sa pagkakayakap.
“I should be the one who is asking you that question kuya.” nakangiting baling ko sa kaniya. “How are you na kuya Ismael?”
“As usual Helen, alam mo na ‘yon,” sagot nito na itinawa pa ang sagot niya.
“My kuya is fine ate Helen, at buti nga at naisipan pa nitong bumisita rito sa taas eh mukhang na-enjoy na nga ata ang pagsstay sa baba,” saad ni Enrile dahilan para matawa kaming lahat.
“I’m just here for some business na iaannounce ni President Yano mamaya.” saad nga ni kuya Ismael na pinangunahan na nga kami dahil alam na talaga niya agad na macucurious kami about sa business na ‘yon at susubukan nga siyang pilitin na sabihin ito sa amin pero in the end ngay hindi rin lang namin siya mapipilit. “Huwag niyo na ngang asahan na sasabihin ko sa inyo ito dahil isang malaki pa itong sekreto ng institusyon.”
“Just any hints kuya Ismael?” pagsusubok pa nga ni Zild pero umiling lang ito na itinawa nga lang naming apat kasi hinding-hindi mo nga kasi talaga mapipilit ang isang Ismael Mendoza.
“Wait, nasaan pala si Samuel at kanina ko pa siya hindi nakikita simula ng pagdating ko rito?” nagtatakang tanong nito at itinuro nga ni Enrile ang sahig na katapat ngayon ni Zild kung saan nga makikita mong nanduon din ngayon baba si Samuel at nakikiparty sa mga ibang students.
“Ang batang ‘yon talaga manang-mana sa akin. You guys, do you want to join him there?” nakangiting yaya nga ni kuya Ismael na dahilan para mapangiti ako dahil ito talaga ang namiss ko sa kaniya.
_________________________
At narito na nga kami ngayon sa baba ni Kuya Ismael at ako nga lang ang tanging pumayag na sumama sa kaniya rito na dahilan para tuluyang magtaka si kuya.
“Mukhang tama nga ang sinabi mo sa akin Helen na they have truly changed a lot,” saad ni kuya Ismael.
At ang tinutukoy niya nga ay sina Zild, Enrile at isama mo na rin si Heisen na siyang tunay ngang malaki ang ipinagbago.
“Ano bang meron sa itaas?” baling ngang tanong sa akin ni kuya Ismael dahilan para mapangiti ako.
“Eh, ang boring kaya don,” sabay naming saad dahilan para sabay nga kaming matawa.
“Sige Helen, enjoy yourself dahil makikipaginteract lang muna ako sa mga estudyanteng ito na mukhang marami ngang bagong mukha na ngayon ko lang nakita,” paalam ni kuya Ismael na siyang tinanguan ko.
At nang tumingin nga ako sa kanan ko’y agad kong nakita si Omicron na pinagkakaguluhan ngayon ng mga estudyante nang dahil mukhang timang nga itong sumasayaw ngayon. Akala mo naman kinagwapo niya ito eh halos mukha kaya siyang tanga sa ginagawa nila ng kasama niya ngayon.
Pagkalipas nga ng ilang minuto ay tuluyang nagtama ang mga mata naming dalawa dahilan para taasan ko siya ng kilay at nang dahil nga rito ay agad siyang tumigil sa pagsasayaw at lumapit sa akin.
“Ah, papunta na talaga dapat ako sa VIP area pero hinila-hila lang talaga ako nitong si Isko diyan sa dance floor eh,” dahilan nga nito na itinuro pa ang kaibigan niyang walang humpay pa rin sa pagsayaw hanggang ngayon.
“Bakit ka nagpapaliwanag?” sarkastikong tanong ko dahilan para mapakunot ang noo niya.
“I am not here para kaladkarin ka pataas,” patuloy ko dahilan para mapatango-tango siya ngayon.
“So, pwede na ako bumalik sa pagsasayaw?” tanong niya na dahilan para lakihan ko siya ng mata.
“No,” tuwirang sagot ko rito.
“You are my date tonight right? Kaya sasamahan mo ako rito sa party,” saad ko at tiyaka na nga siya hinila papunta sa isang table na may wine at whiskey.
“Iinom ka?” tanong niya at bago ko nga siya sinagot ay binuksan ko na nga muna ang isang bote ng wine at nilagyan ang dalawang baso.
“Iinom tayo,” sagot ko at tiyaka ibinigay sa kaniya ang isang baso ngunit nagulat nga ako nang tanggihan niya ito.
“Hindi ako umiinom eh. Masakit sa ulo,” paliwanag nito dahilan para tumango nalang ako at tiyaka na nga ininom ang wine ko.
“Ano ‘to iinom ka lang talaga? Wala ka bang balak makiparty at makisayaw sa kanila?” tanong nito na sinabayan pa niya ng mukhang timang niyang dance move dahilan para muntikan na akong mabilaukan sa iniinom kong wine.
“Yes, iinom lang ako at manunuod,” sagot ko dahilan para pandilatan niya ako.
“Really? Eh, hindi naman party ‘yang ginagawa mo eh. At tiyaka may wine naman siguro doon sa VIP area pero bakit pumunta ka pa rito sa baba para lang uminom?” nagtatakang tanong na niya dahilan para ibaba ko nga ang basong pinaginoman ko bago ko pa man siya sagutin.
“I just love the vibes here kaysa sa taas—“
Pero natigilan nga kami sa pag-uusap nang biglang tumigil ang music at maging nga ang iba ay medyo nainis din at nagtaka nang mawala ito.
“I am glad to see you again students of Mendeleev Academia.”
At bigla ngang natauhan at natahimik ang lahat nang biglang nagpakita ang hologram ng Director sa gitna naming lahat. At may pa-hologram pa talaga siyang nalalaman eh pwede naman siyang bumaba nalang dito at harapin kami.
“I have something to tell you all at sigurado akong matutuwa ang karamihan sa inyo nang dahil isa big news na ito,” patuloy ng director dahilan para mapukaw ang atensyon ko at mapatingin ng diretso sa hologram niya kasi mukhang ito na nga ata ang tinutukoy ni Kuya Ismael kanina.
“The monthly evaluation for this month will be totally different. Dahil, it will be an individual evaluation,” saad ni Director Yano dahilan para manlaki ang mata ko sa gulat at maging nga ang ibang estudyante ngayon ay nagbubulungan na at takang-taka sa naging pagbabago ng monthly evaluation ngayong buwan.
What the heck does he even mean? Bakit napaka-sudden naman ata ng pagpapalit nila ng structure ng Monthly Evaluation?
“The good news ay wala munang mangyayaring p*****n sa buwan na ito and talino muna ang tanging magiging batayan natin. And another good news is magkakaroon ng rewards ang top 5 students na makakakuha ng highest scores for the monthly evaluation,” patuloy pa nga ng director na dahilan para matuwa ng todo ang bawat estudyante at mas lumakas pa nga ang bulong-bulungan nila.
“First time ba itong mangyayari sa Mendeleev?” nagtatakang tanong ni Omicron na ngayon ay tulad ng iba ay tuwang-tuwa na rin nga. At tinanguan ko nga siya bilang sagot habang naka-focus pa rin ang tingin ko ngayon sa hologram ni Director Yano.
But I am really curious kung bakit nga bigla nalang nila binago ang system?
“At ang reward ng limang ‘yon ay maipapadala sila isang prestihiyosong misyon,” patuloy pa nga ng Director dahilan para tuluyan akong mapaisip kung anong misyon ba ito.
“The Mikrodunia Mission.”
At dahilan nga ang sinabi ngayon ng Director upang matigilan ako ng tuluyan dahil sa pag-resonate ng sinabi nito sa tenga ko.
M—mikrodunia?
I—i just think I have heard about that unknown word before.