September 5, 2029
Helena
“Mikrodunia is a microscopic world. And the size of it is exactly like the size of an atom and I know that you all know that it is impossible for a human being to fit there. But we’ve already prepared a microbiological process that can be used to convert humans into a microorganism and can make them fit in the microscopic world,” patuloy pa nga ni Director na siyang dahilan para mamangha lahat lalo na nga nong i-flash kung paano gagawin ang microbiological process na ito.
So they are basically planning to shrink the top 5 students na mananalo sa evaluation and eventually nga ay makakapasok na sila sa Mikrodunia which is like a size of a single atom.
But why? Bakit kailangang makapasok sa loob ng mundong iyon?
“Director Yano, may I ask kung bakit kailangang pasukin ang Mikrodunia? What is the problem with that microscopic organism?” tanong ko nga dahilan para mabaling ang atensyon sa akin ng lahat maging ang hologram nga ng president.
“Good question Miss Garcia. We need to enter in that world no matter what happened because Mikrodunia is not only a treat to the whole microscopic world but also to our world. Nangangambang sumabog ang Mikrodunia and once ngang sumabog ito ay pati ang macroscopic world ay sasabog din ng tuluyan at mabubura ng parang bula. At kamakailan nga lang ay natagpuan ang elementong ito sa ating bansa. Kaya’t kailangan ko ng limang magagaling na estudyante na siyang pipigil sa pagsabog nito,” paliwanag ng Director.
“And this opportunity will serve as key for those five students to claim their main rewards,” patuloy pa nga nito dahilan upang matigilan ako at mapakunot ng noo.
“Which is the fame and position.” saad ng Director na siyang saglit natigilan at napangisi nga ngayon. “Hindi lang sa ating bansa kundi sa buong mundo. Dahil maipapadala ang limang ito sa ISTO or the International Science and Technology Organization. Na kung saan ay maaatasan sila sa pinakamatataas na position ng organizasyong ito,”
Dahilan nga ang panghuling sinabi ng Director para tuluyan na ngang mapasigaw sa tuwa ang mga estudyante at gayon din nga si Omicron.
At maski nga ako ay hindi ko rin maiwasang mapangiti nang malaman ko kung ano ang premyo kaakibat sa oras na mapagtagumpayan ang mission.
At ang premyo ngang ‘yon ay isa nga sa mga pangarap na inaasam-asam ko noon pa lamang.
September 8, 2029
Chi
Tatlong araw na ang nakakalipas simula noong iniannounce ng Director na magkakaroon ng individual evaluation ngayong month. At kinabukasan nga pagkatapos ng araw rin na ‘yon ay halos biglang nag-ihip ng sobra ang hangin at halos lahat ng mga estudyante ay naging mas focus ngayon sa pag-aaral kaysa sa p*****n.
At kasalukuyan ngang nandito ngayon ang buong block c sa research laboratories para gawin ang kaniya-kaniyang researches na ilalaban namin sa monthly evaluation.
Nasabi nga sa aming mga bagong estudyante na 5 stages ang mangyayari. At ang first stage nga ay paglalabanin ang mga researches namin which is related to Artificial Intelligence. At dahil nga puno na ang computer lab ngayon ay dito na kami pumwesto sa research lab at may mga kaniya-kaniya nga kami ngayong mga holographic laptop at halos babad ang mga mukha ng karamihan sa amin dito ngayon.
“Chi,” tawag sa akin ni kuya Isko na ngayon ngay ang laki-laki na ng eyebags dahil kapareho ko ay halos tatlong araw na rin ngang walang tulog ito.
Dahil nga programming ang naging major ko at siya nga ay kapareha ni kuya Omicron na Civil Engineer ay medyo hirap kaming mag-adjust sa mga medical subjects like biochemistry, genetics, pharmacology, pathology, and anatomy.
Kaya sa tuwing gabi ngay sagsag ang review naming dalawa kasama si kuya Omicron na gabi lang namin nakakasama dahil kailangan nga niyang maging assistant ni Heisen at bukas pa ang last niya para sa punishment na ‘yon.
“Ano ‘yon kuya Isko?” tanong ko habang tuloy-tuloy pa rin ang pagtype ko ng mga java codes sa laptop ko at hindi nga ibinabaling ang tingin sa kaniya.
“Wala ba tayong balak maglunch Chi? Gutom na ako at hindi pa tayo nagbreakfast kanina,” saad nito pero tutok pa rin nga ako sa holographic screen at hindi pa rin siya tinitignan magpahanggang ngayon.
“Eh, kuya Isko parang hindi ka naman sanay hindi kumain eh halos hindi nga tayo nakakakain sa baba noon eh,” sagot ko nga rito pero pinandilatan nga lang ako nito.
“Chi, doon sa baba nakakatulog pa naman tayo pero dito eh halos tatlong araw na kayang nakaopen ang mga mata natin at babad sa holographic screen na ito,” saad niya na akmang haharapin ko na nga sana sa pagkakataon na ito ngunit nabaling ang atensyon ko sa nagka-error na part sa kinocode ko dahilan para tuluyan ko ngang ibagsak ang ulo ko sa mesa.
“Hoy, Chi, anong problema? Tignan mo, nagcocollapse ka na ng wala sa oras nang dahil sa gutom. Sign na ito Chi na kailangan na nating kumain kahit na saglit lang,” saad nga ni kuya Isko na naramdaman ko ngang hawak na ang ulo ko ngayon at tiyaka nga marahang iniangat ito.
“Kuya Isko, error na naman,” reklamo ko habang punong-puno nga ngayon ng pagkadismaya ang utak ko.
“Chi, sign na kasi ‘yan na kumain na tayo,” ulit pa nga niya na siya nang nagsara ng laptop na gamit ko at hinila na nga ako patayo kaya’t wala na akong nagawa kundi sumunod na sa gusto nitong kumain na kami.
Omicron
“Omicron, paki-abot nga sa akin ‘yong microprocessor,” utos nga na naman ni Senyorito Heisen na halos tatlong araw na nga akong minu-minutong inuutusan kaya tuloy lagi akong naantala sa pagdedesign ng artificial robot kong si Luigi.
“Omicron,” tawag nga niya ulit dahilan para wala na nga akong magawa kasi nga assistant nga pala ako niya. Kaya naman tumayo na muli ako at pumunta sa isang malaking aparador na punong-puno ng mga pintuan kaya hindi ko tuloy madetermine kung saan ko ba hahanapin ‘yong pinapaphanap niya.
“Saan dito?” walang gana ko ngang tanong.
“Nasa pang 67 na door Omicron,” sagot nito na mukha ngang focus na focus sa pagcocode sa holographic laptop niya.
At nang buksan ko nga ang pang 67 na door ay laking gulat ko nang makitang may apat na maliliit na door sa loob nito dahilan nga para magtaka ako at isara at ibukas ko ng paulit-ulit ang pinto.
“Nasa pangatlong door,” saad niya kaya naman ay tinigilan ko na nga ang pagbukas sara sa main door at binuksan na nga pangatlong door na nasa loob nito at halos lumaki nga ang mata ko ng may mga aparador na naman ito ng apat na maliliit.
Dahilan nga ito upang mapakunot ako ng noo at hindi nga makapaniwalang ibinaling ang tingin ko sa kaniya.
“Pinaglololoko mo ba ako? Or sadyang may infinity doors lang itong aparador na ito?” sarkastiko ngang tanong dito.
“Huwag kang mag-alala dahil last na ‘yan. Nasa may unang door,” saad niya dahilan para mapasinghap ako at buksan na nga ang first door nang masigurong last na nga ito.
At halos napahinga nga ako ng malalim ng maconfirm na nga na last na ito sa wakas ay nakita ko na nga ang microprocessor na pinapakuha niya.
“Ito ba?” tanong ko sabay abot sa kaniya nito na dali-dali nga niyang kinuha habang tutok pa rin ang mata sa holographic screen.
“Thank you,” saad niya kaya naman agad na rin akong naupo sa upuan ko at itinuloy na nga ang pagdrawdrawing sa robot ko.
“Hindi ka pa rin ba tapos diyan?” tanong nga ni Heisen sa kawalan.
“Malapit-lapit na rin,” sagot ko rito habang patuloy pa rin nga sa paagkulay na ng robot ko.
“Eh, tatlong araw ka na halos nagdedesign ng prototype mo ha. Kung ako sa’yo ay sa coding ka magfocus at sa locomotor ng robot mo dahil kung hindi ako nagkakamali ay tila ba humanoid robot ang gagawin mo,” patuloy niya dahilan para mapatigil ako sa pagdrawdrawing at ibaling ang tingin ko rito.
“Eh, matagal pa naman ang evaluation ha? Bakit ko naman mamadalihin ang design ko eh importante rin naman ‘yon ha,” pangangatwiran ko nga sabay paikot ng pen na hawak ko.
“So, ilang days mo balak tapusin ang prototype mo? One week? Two weeks?” sunod-sunod ngang tanong nito dahilan upang matigilan ako sa pagpapaikot na pen ko. Iniinsulto ba niya ako?
“Kung magfofocus ka diyan ay baka maubusan ka ng oras sa pagsosolve sa magiging problems ng project mo.”
Mukhang tama nga ang mga nahalgilap kong detalye na talaga nga namang boy version nga siya ni Helena kung maituturing.
“Mga one week—oo, one week at matatapos ko rin ito,” sagot ko nga at nagpatuloy na muli sa pagbura ng ibang parte ng drawing ko.
“Don’t be so perfectionist,” saad niya na ngayon ngay nakatayo na pala at nagsstretch na ng kamay niya.
Me? Perfectionist? Eh, halos tatlong araw ko pa lang naman ginagawa ang prototype ha?
“Mauna na muna ako at maglalunch pa ako with Doctor Zild. Baka gusto mong sumabay?” patuloy nga na siya ko ngang inilingan.
“Hindi, tatapusin ko muna itong—”
“Huwag mong sabihin na sabay na naman kayo kakain ni Helen?” tanong niya na dahilan para mapakunot ako ng noo dahil halos tatlong araw ko na ngang hindi nahahagilap ang babaeng ‘yon dahil nga halos gabi lang talaga ako pumupunta sa cafeteria para kumain ng proper meal kasama sila Chi.
“Ano? Eh, halos tatlong araw ko na ngang hindi nakikita ‘yong babaeng ‘yon eh,” saad ko nga at nagtaka nga ako nang makitang parang nagtataka ito ngayon at tila ba hindi makapaniwala.
“T—tatlong araw? Really?” paniniguro pa nga ulit niya at tumango nga ako bilang sagot.
Helena
“Helena, hindi ka ba maglalunch muna?” tanong ni Kiana na ngayon ngay kasama na si Irene na ready na ngang lumabas sa office ko para maglunch.
Sila nga ang kasama ko rito ngayon para gumawa ng research project dahil sila lang naman ang close at pinagkakatiwalaan kong mga babae sa buong block a.
“Sige na mauna na kayo. Hindi pa naman ako gutom eh,” sagot ko rito.
“Are you sure? Kung gusto mo ay dalhan ka nalang namin ng makakain dito sa office mo?” tanong nga ni Irene pero umiling nga lang ako bilang sagot sa tanong niya.
“Ayos lang ako rito. Okay na ako sa kape at ensaymada for lunch,” paniniguro ko pa nga sabay taas ng kape ko.
“Sige, mauna na kami,” saad nga ni Kiana na siya ko ngang tinanguan na dahilan upang tuluyan na nga silang maglakad palabas ni Irene.
Hindi ako pwedeng magsayang ng oras sa project na ito. Dahil pangarap ko ang nakasalalay rito. At isa pa, isang great experience din ang mapasama sa isang mission na makakapagligtas sa buong mundo.
Ngayon ngay kasalukuyan kong inaayos ang methodology ng paper ko dahil nga may binago akong mga procedures dahil fail ang una kong mga trials.
At habang focus na focus nga ako sa pagtatype ay natigilan ako nang may kumatok sa pintuan at inasahan ko na nga kung sino ang mga ito bago pa man sila magtuktok sa kwarto.
At wala na nga akong nagawa kundi tumayo at buksan ang pinto dahil alam ko namang hindi ‘yon titigil hangga’t hindi ko binubuksan ang pinto para tanggihan siya.
“I’m sorry Heisen pero kasama—“
“Kasama na si Omicron na pupunta ng cafeteria mamaya,” pagputol nga nito sa sasabihin ko dahilan para mapakunot ako ng noo at kalaunan ay unti-unti nga akong napatango.
“Yes, exactly. Kaya sorry at mukhang hindi ko kayo masasamahan eh,” saad ko nga at akmang isasara ko na nga sana ang pinto nang—
“Huwag mong sabihin na sabay na naman kayo kakain ni Helen?”
“Ano? Eh, halos tatlong araw ko na ngang hindi nakikita ‘yong babaeng ‘yon eh.”
Rinig ko ngang recorded audio ng usapan nila ni Omicron dahilan para tuluyan akong matigilan at mapaiwas ng tingin sa kaniya.
“Helen, please don’t make excuses. Nag-aalala lang naman ako sa health mo eh. Bumabalik ka na naman sa pagbababad sa mga researches. Ayaw kong magkasakit ka Helen dahil ginugutom mo ang sarili mo,” saad nga ni Heisen dahilan para mapahinga ako ng malalim at tignan ko na nga siya ngayon ng diretso.
“Hindi ko naman ginugutom ang sarili ko eh. Marami namang pagkain dito sa office ko na pwede kong kainin,” pangangatwiran ko nga nang matauhan ako na hindi nga dapat mahiya sa kaniya dahil wala naman akong ginawang mali eh. And in fact, wala naman siyang obligasyon kasi na mag-alala para sa akin.
“Helen, what I mean is real food. Paano kung magkasakit ka?” patuloy nga niya dahilan upang mapasinghap ako.
“Edi problema ko na ‘yon. Bakit ba pinoproblema mo ako ha?” sarkastikong saad ko na siyang nagpatahimik sa kaniya na dahilan din para dali-dali ko na ngang isara ang pinto bago ko pa man mabawi ang sinabi ko dahil sa pagkakonsensya.
Bakit ba kasi ganiyan siya simula nong bumalik ako?
Eh, halos ipagtabuyan kaya niya ako noon.
December 25, 2029
Helena
“Happy Birthday Heisen,” bati ko kay Heisen sabay abot ng gift ko sa kaniya na noong January ko pa nga pinag-isipan.
“Helen, hindi ka na dapat nag-abala pa,” tipid ngang sagot nito na mukhang hindi nga ata naappreciate ang gift ko dahil parang ang tamlay nga nito sa tuwing kaharap ako at napansin ko ngang sa mga nakaraang araw ay ang cold-cold niya na sa akin simula noong nagconfess ako ng feelings ko sa kaniya.
“H—hindi mo ba nagustuhan ‘yang regalo ko?” nauutal ko ngang tanong sa kaniya.
“Helen, ni hindi ko pa nga nabubuksan eh. Sige na Helen mauna na ako,” matamlay ngang sagot niya na akmang lalagpasan na nga sana ako pero hinawakan ko ang wrist niya para mapigilan ito.
“Eh, ano? Bakit ba parang iniiwasan mo ako Heisen? Dahil ba ito sa pagcoconfess ko? Ha, Heisen?” sunod-sunod ko ngang tanong pero nagulat nga ako nang biglaan niyang inalis ang kamay ko.
“Pwede ba Helen pagod ako! At doon sa tanong mo kung dahil ba ito sa confession mo? Oo Helen, dahil ito doon! Kaibigan lang ang turing ko sa’yo Helen at hanggang doon lang ‘yon. Kaya please, paalisin mo na ako? I just want to go to my unit and rest okay?” sunod-sunod nga niyang sigaw at saad na dahilan para manlaki ang mata ko nang dahil sa gulat.
Ngayon ko lamang siya nakitang ganito. At ngayon lang din niya ako sinigawan ng ganito. At tiyaka ko na lamang nga namalayan na patuloy na pala ang pagtulo ng mga luha ko sa mata dahilan upang magtigil ako at agarang punasan ang mga ito bago pa man ako tumalikod at tuluyan na ngang tumakbo palayo sa kaniya.
“H—helen! T—teka lang Helen—“