September 8, 2029
Chi
“Chi, anong gusto mo ha? Adobo or Sinigang?” tanong ni kuya Isko na hawak na nga ngayon ang pansandok sa may adobo.
“Adobo nalang kuya Isko,” walang gana kong sagot dahil nga gusto ko nalang makakain na agad nang makabalik na kami sa lab dahil marami pa akong errors na aayusin.
“Here’s your adobo,” saad nito na inilagay na nga ang adobo sa plato kong may kanin na.
At matapos nga kaming makakuha ng pagkain ay naupo na nga kami at agad-agad ko na ngang nilamon ang mga pagkain sa plato ko.
“Hoy Chi, maghunos dili ka nga, baka mabulunan ka niyan eh,” tigil nga sa akin ni kuya Isko pero hindi ko nga lang ito pinansin at patuloy ko pa rin ngang kinargahan ng pagkain ang bunganga ko kahit pa na punong-puno na ito.
“Hey Sasha, baka naman mamatay ka niyan sa kakalamon mo,” saad ni Samuel na nakiupo nga na naman sa tabi ni kuya Isko kaya’t katapat ko na nga siya ngayon.
“—kit? –ala –pa –man –mamatay sa kakalamon ha,” saad ko nga pero natigilan nga ako nang naramdaman kong may bumara sa lalamunan ko na siyang dahila upang mapaubo ako tuluyan nga akong natigilan nang marealize ko na punong-puno na ngayon ng butil ng kanin ang pagmumukha ni Samuel.
Nanlaki nga ang mata ko at agad nga akong nataranta na siyang dahilan upang agad akong kumuha ng tissue para iabot sa kaniya.
“No, it’s fine,” saad nito pero nahihiya pa rin nga ako sa nagawa ko.
“Do not talk kasi when your mouth is full,” saad ni Enrile na kakarating nga lang at umupo sa tabi ko.
“A—ayos ka na ba?” nahihiyang tanong ko nga ulit kay Samuel na ngayon ngay halos naalis na nga niya ang mga butil ng kanin sa mukha.
“Okay na ako Sasha,” natatawang saad nito.
“Talaga ba? Paamoy nga ng mukha mo kambal,” saad nga ni Enrile na nagpipigil nga ngayon ng tawa.
“P—pupunta nalang muna ako sa cr,” paalam nga ni Samuel na dahilan para tumango ako agad at makonsenya nang dahil sa nagawa ko.
“Iyan kasi, sabing maghunos dili ka,” pang-aasar pa nga ni kuya Isko na halos maubos na nga ang pagkain niya.
“At bakit ba nagmamadali kang kumain Chi?” baling ngang tanong ni Enrile.
“Kailangan ko nang bumalik sa lab para ayusin ‘yong codes ko,” simpleng sagot ko nga at sumubo na nga muli ng pagkain at tiyaka na nga tumayo.
“Hoy teka, saan ka pupunta?” tanong pa nga ni kuya Isko nang akmang aalis na ako.
“Mauna na ako kuya Isko dahil marami pa akong gagawin,” madaliang saad ko nga at tiyaka na nga tumakbo dahil alam kong gagawa nga lang ‘yon ng paraan para pigilan ako at dahil nga sa pagmamadali ko ay natigilan ako nang may nakabanggaan akong isang lalaki at nang tignan ko nga kung sino ito ay namukhaan ko na nga siya agad.
“I—I’m so sorry,” agad na saad ko rito at halos mataranta nga ako nahihiyang tignan siya.
Ngunit nagtaka ako nang hindi niya ako sinagot bagkus ay tinititigan lang ako dahilan para mapakunot ako ng noo.
“M—mauna na po ako and again I’m sorry,” saad ko nga at akmang aalis na nga sana ako nang bigla nga siyang humarang sa dadaanan ko sana.
“You are Chi Rivera right?” tanong niya dahilan para mas lalong kumunot ang noo ko at unti-unti nga akong tumango.
“It is nice meeting you again Chi,” nakangiting saad niya na dahilan para matigilan ako at mas lalo ngang magtaka.
“P—po?”
“Oh, Heisen nandyan ka na pala. Halika ka na rito at kanina ka pa nila inaantay!”
At hindi na nga niya ako nasagot nang bigla siyang tawagin ng isang lalaki mula sa cafeteria na siya nga niyang pinuntahan agad at nilagpasan na ako.
It is nice meeting you again? What does he even mean? Eh, ngayon ko pa nga lang ata siya nakaharap.
Omicron
Ngayon ngay halos patapos na ako sa ginagawa kong bomb resilience car na kung saan ngay magagamit ng mga tao sa baba as their medium of transportation.
Madali lang naman na ito dahil pinapolish ko nalang naman na ‘yong interior design ng kotse.
Pero natigilan nga ako sa pagdedesenyo nang bigla ngang may kumatok sa pintuan dahilan para mapatayo ako at buksan ito.
Ngunit natigilan nga ako nang tumambad sa akin ang grupo ng mga estudyanteng lalaki na punong-puno ng tattoo ang katawan at halos mas matanda nga ata silang lahat sa akin.
At unti-unti ko ngang naalala na galing sila sa block j na siya ngang kilala doon na nag-uubos ng mga buhay ng mga estudyante. Ang sabi pa nga ni Helena ay mga repeater daw ang mga ito at mga nasa edad na nga silang late 20’s.
“Nandiyan ba si Mister President?” tanong nong mukhang lider nila na ngayon ngay nakatingin sa loob ng opisina ni Heisen.
“W—wala siya dito eh,” sagot ko nga at dali-dali ko na ngang isasara na sana ang pintuan pero sa laki nga ng katawan nong leader nila ay halos tumilapon nga ako nang itulak niya ‘yong pintuan.
“Mabuti at wala siya dahil oras na para bawian namin ang siraulong batang ‘yon,” saad niya nga at tuloy-tuloy nga silang pumasok ng mga kasamahan niya dahilan para magulat ako at mataranta.
“A—anong gagawin niyo rito ha? At anong bawi-bawi ang pinagsasasabi ninyo?” sunod-sunod ko ngang tanong habang napapaatras na nga ako nang sunod-sunod pumasok ng mga kasamahan niya.
“Malaki ang atraso sa amin ng Heisen na ‘yan. At hindi kami papayag na siya ang manalo sa monthly evaluation,” sagot ng isang kasamahan nila at nagulat nga ko nang bigla nilang ibalibag ang mesa ni Heisen dahilan para tumilapon ang mga gamit nito at maging ang laptop nito.
At nang akmang kukunin na nga ng lider nila ‘yong prototype na robot ni Heisen ay agad ko ngang kinuha ito at inilayo agad sa kaniya.
Dahil ilang araw rin kaya itong pinaghirapan ni Heisen at kahit na naiinis ako sa ugali ng lalaking ‘yon ay maaawa at maaawa pa rin ako kung sakaling sirain nila ang pinaghirapan niya.
“Ibalik mo na sa akin ‘yan totoy para hindi ka na madamay pa,” saad nong lider nila ngunit umiling nga ako bilang sagot dahilan para samaan ako nito ng tingin at nagulat nga ako nang mabilisan niya akong lapitan at suntukin sa mukha na dahilan para magdugo agad ang ilong ko.
“Sabi kasing ibigay mo na ‘yan eh!” bulalas nito na sinuntok nga muli ako dahilan para mapaupo ako sa sahig at tumilapon ang hawak kong prototype.
At ngayon ngay halos mapasigaw ako sa sakit nang tuloy-tuloy nga nila akong pinagsisisipa na dahilan para tuluyan na akong mapahiga’t magdilim ng unti-unti ang paningin ko.
At bago nga ako tuluyang mawalan ng malay ay nakarinig ako ng sunod-sunod na putok ng baril at kasabay nito ang unti-unti ring pagtigil ng paninipa nila sa akin.
~10 minutes ago~
Helena
Medyo napaharsh ba ako sa sinabi ko kay Heisen?
Hindi naman siguro. Mas harsh pa nga siya sa akin noon eh.
Pero parang ang harsh ko talaga kanina.
At dahil nga kanina pa talaga ako nakokonsenya dahil sa mga nasabi ko kay Heisen ay napabuntong hininga nalang ako at tuluyan nang nagdecide na tumayo at puntahan siya sa opisina niya.
Makaraan nga ang ilang minuto ay tuluyan na akong nakarating sa pintuan ng opisina niya ngunit sa sandaling katapat ko na nga ito ay natigilan nga ako sa paghawak sa doorknob at nagdadalawang isip nga ako ngayon kung itutuloy ko ba ang balak kong pagsosorry.
“Ano namang sasabihin ko sa kaniya?”
Ngunit napahinga nga ako ng malalim nang maalala ang masasakit na sinabi niya sa akin nang araw ng kaarawan niya na siyang dahilan upang tumalikod nga ako at magpasyang umali na sa harap ng pintuan ng opisina niya.
“Sabi kasing ibigay mo na ‘yan eh!”
Pero halos napatigil nga ako sa paglakad palayo sa opisina ni Heisen nang marinig ko ang sigaw ng isang lalaki mula sa loob nito. At mas nagulat pa nga ako nang makarinig ako nang sunod-sunod na sigaw mula sa loob na dahilan para dali-dali kong buksan ang pinto.
At halos manlaki ang mata ko nang madatnan si Omicron na pinapalibutan at sunod-sunod ngang pinagsisisipa ng mga grupo ni Jacob mula sa block j.
Agad ko ngang kinuha ang baril ko na may bala ng tranquilizer at itong pinaputok ito na siyang naglabas ng tatlong bala na sakto ngang tumama sa tatlong lalaking nakapalibot kay Omicron.
“Omicron!”
Dali-dali ko nga siyang nilapitan at chineck kung may pulso pa ito.
At halos nabunutan nga ako ng tinik sa dibdib nang malaman na buhay pa ito ngunit duguan na nga ang mukha at namumula na nga pati kamay niya dahil sa paninipa nila sa kaniya.
Dahilan para agad kong kunin ang phone ko at tinawagan agad si Samuel para matulungan akong idala si Omicron sa clinic.