September 9, 2029
Omicron
Nang unti-unti kong ibinungad ang mata ko ay agad bumungad sa akin ang mukha ni Chi.
“C—chi? B—bakit ka umiiyak?” unti-onti ko ngang tanong habang nauutal dahil unti-onti ko ring nararamdaman ngayon ang pagsakit ng iba’t ibang parte ng aking katawan.
I don’t have any idea kung anong nangyayari at bakit ako nakahiga ngayon at bakit parang alalang-ala na mukha ni Chi ang sumalubong sa akin.
“Kuya Omicron!” bulalas ni Chi na agad akong niyakap dahilan para mapasigaw ako dahil nga natamaan niya ‘yong likod ko na siyang namilipit nga sa sakit.
“C—chi,” usal ko dahilan para agad naman siyang kumawala sa pagkakayakap.
“S—sorry kuya, naexcite lang talaga ako dahil akala ko ngay may mangyayari na naman sa iyong masama,” saad nga nito na dahilan upang unti-unti ko ngang maalala ang kamuntikan nang pagpatay sa akin ng taga-block j.
“Omicron, mabuti at napunta si miss president kahapon sa opisina ni Heisen. Dahil kung hindi ay baka pinaglalamayan ka na namin ngayon,” saad ni Isko na ngayon ko nga lang napansin na nandito rin pala sa kwarto at mukhang nag-alala rin sa kalagayan ko.
“S—si Helena? Siya ang nagligtas sa akin?” sunod-sunod ngang tanong ko at tumango nga sila bilang sagot.
“Huwag kang mag-alala Omicron dahil pinarusahan na ang tatlong lalaking ‘yon. Dahil ‘diba pinagbawal muna sa buwan na ito ang kahit na na anong pisikalan tapos ganoon ‘yong ginawa nila,” saad nga ni Isko dahilan para mapatango ako.
“Pero kuya, nagtataka kami kung bakit ka nila binugbog? May ginawa ka ba sa kanila ha? May atraso ka ba sa kanila?” baling ngang tanong ni Chi sa akin na siya ngang dahilan upang alalahanin ko saglit ang naging ingkwentro namin ng mga nambugbog sa akin.
“Ako ang talagang pakay nila.”
Ngunit natigilan nga kaming lahat at sabay-sabay na napatingin sa may pintuan kung nasaan naroon ngayon si Heisen at papasok nga rito sa kwarto ko.
“Pero dapat hindi ka na nagpakabayani. Hinayaan mo nalang sana na gawin nila ‘yon sa prototype ko. Hindi ko kailangan ng tulong mo,” sunod-sunod ngang saad ni Heisen dahilan kumunot ang noo ko.
“Excuse me Doctor Heisen? Hindi ka talaga thankful na nagawang iligtas ng kuya ko ang project mo? Imbes na magpasalamat ka ay tila ba iba pa ‘yong dating ng mga sinabi mo. Mahirap ba magpasalamat ha?” sunod-sunod ngang saad ni Chi na dahilan para magulat kami pareho ni Isko dahil ngayon nga lang namin siya nakitang ganito kung magsalita. Kasi usually nga ay mahinahon ito pagdating sa mga conflicts.
“Why would I say thank you? Eh, hindi ko naman siya inutusan para gawin ‘yon. Siya lang naman itong nagpakabayani at nagpahamak sa sarili niya,” sagot nga ni Heisen at halos mapakurap-kurap nga kami ng wala sa oras matapos nga siyang sampalin ni Chi ng pagkalakas-lakas sa pisngi matapos niyang sabihin ang mga ‘yon.
It is indeed the first time na makita namin ulit ni Isko na ganito si Chi.
“Hindi ka pa rin talaga nagbabago,” saad ni Chi na ngayon ngay mabilisang naglakad palabas ng kwarto dahilan para mabaling nga ang tingin namin ni Isko kay Heisen.
“Sinampal ka ba talaga ni Chi? Or nananaginip lang kami ni Isko?”
Hindi nga makapaniwalang tanong ko sa kaniya pero hindi nga lang ako sinagot nito bagkus ay nagmadali nga itong lumabas para sundan si Chi.
“A—ano ‘yon? Ang kapatid mo ba talaga ‘yon Omicron? Si Chi ba talaga ‘yon?” sunod-sunod ngang tanong ni Isko habang dali-dali ngang lumapit sa akin.
“P—parang si Chi nga talaga ‘yon,” unti-unting sagot ko at halos sabay nga kaming natawang dalawa.
“Nakita mo ba ‘yong mukha ng Heisen na ‘yon ha?” natatawang tanong ko nga at tumango nga ito at tumawa na rin dahil sa nasaksihan naming dalawa.
“The old Chi is back!”
Halos sabay nga naming sigaw pero halos mapasigaw nga ako hindi dahil sa saya kundi dahil sa sakit ng braso ko na pinalo nga ni Isko dahil pagkatuwa.
Chi
“Naalala ko na siya. Alalang-alala ko na ang lalaking ‘yon!”
Bakit ba hindi ko naalala noong una pa lang?
“Chi!” tawag sa akin ni Nael na mukhang sinundan nga ako.
Este Heisen nga pala.
Pero nagpatuloy nga pa rin ako sa paglalakad ng mabilis dahil ayaw ko muna siyang harapin dahil baka masampal ko lang ulit siya.
Dahil sa tuwing nakikita ko siya tila ba bumabalik lahat ng nangyari 4 years ago. Noong 15 years old pa nga lang siya at ako naman ay 13 years old pa lamang.
June 26, 2025
Chi
“Kuya Omicron, pupunta kami ngayon sa Cluster 1 ni kuya Isko.”
Paalam ko nga kay Kuya Omicron na ngayon ngay nagdedesenyo ng bagong desenyo para sa mga bagong bahay na ipapatayo.
“Cluster 1? Anong gagawin niyo don?” sunod-sunod ngang tanong niya na napatigil pa nga sa pagdrawdrawing.
“Kasi balita po namin kuya ay bababa raw po ‘yong mga estudyante ng Mendeleev Academia rito at may gagawin nga raw po silang challenge kaya manunuod po kami ni Kuya Isko,” paliwanag ko nga sa kaniya at ngayon ngay nakapikit na ako at nananalangin na sana payagan niya ako dahil gustong-gusto ko talagang mapanuod ang mga taga-Mendeleev at kung sweswertihin nga ay sana makahanap ako ng kaibigan ko dahil balita ko ngay isang linggo rin daw silang mananatili rito sa baba.
“Oh, sige, basta maaga kayong babalik ha? Dahil mahirap kapag gabi dahil hindi niyo makikita agad kung anong lupa ang pasabog na. At sabi pa nga nila tatang Jose ay maliit na nga raw ang natirang safe na daan papunta sa kabilang cluster,” saad nga nito dahilan para mapangiti ako ng tuluyan at yakapin siya ng sobrang higpit.
“Thank you so much kuya!”
“B—bale ilang oras pala kayo roon?” biglang tanong nga nito nang paalis na sana ako.
“168 hours po kuya,” saad ko nga at tiyaka na nga ako tumakbo palabas bago pa man niya marealize na isang week ‘yon.
Omicron
“168 hours?” nagtatakang tanong ko sa sarili at halos magulat nga ako at manlaki ang mata ko ng marealize na isang week nga ang katumbas non.
“One hundred sixty eight hours?!”
“Chi!” sigaw ko nga at halos mabitawan ko nga ang lapis na hawak ko dahil sa gulat nang marealize ko kung gaano katagal sila mananatili sa Cluster 1.
Chi
“Chi!” sigaw ni kuya mula sa kwarto niya na halos rinig ko nga rito sa kwarto ko dahil isang pader lang naman ang pagitan namin.
Wala na siyang magagawa dahil pumayag na siya. At siya na nga mismong nagsabi na isang salita lang dapat.
At dali-dali na nga akong nag-impake ng gamit ko at habang nag-iimpake nga ay kinuha ko ang phone ko at tinawagan agad si Kuya Isko para i-confirm na na sasama ako.
“Hello kuya Isko?”
“Oh, ano Chi? Pumayag ba ang kuya Omicron mo ha?” sunod-sunod ngang tanong ni kuya Isko mula sa telepono at ngumiti nga ako bago pa man siya sagutin.
“Yes kuya Isko, pumayag ang kuya.”
_________________________
Ngayon ngay kasalukuyan na kaming naglalakad sa isang napasikip na daan na siya ngang tanging daan nalang na natira bilang way of transportation namin papunta sa kabilang mga Clusters.
“Kuya Isko, paano pala tayo makakapasok sa mismong venue ng event na ‘yon?” nagtatakang tanong ko nga rito habang naglalakad kami.
“Tsaran!” saad niya sabay hugot ng dalawang card mula sa bulsa nito.
“Staff Card?” basa ko sa nakalagay rito.
“Pinilit ko talaga si Professor na tayo nalang dalawa ‘yong ipadala niya sa Cluster 1 para maging staff dahil nagkukulang nga sila ng tao ngayon doon. At tiyaka kailangan din kasi ang programming skill mo Chi at syempre kailangan din nila ng engineer doon,” paliwanag nga niya dahilan para mapangiti ako at tuluyan ngang kunin ang card ko sa kaniya.
“Sayang nga dahil hindi makakasama ang kuya mo eh masaya pa naman ito,” nanghihinayan na saad nito dahilan para matigilan nga ako at mapatingin sa gilid namin kung saan kita namin ang mga sunod-sunod na pagsabog.
“Hindi pa rin kasi naaalis ang trauma niya sa mga pagsabog eh. Kaya natatakot siyang maglakad dito lalo pa’t ang delikado na kaya ng nilalakaran natin at sunod-sunod nga ang pagsabog sa mga gilid natin ngayon kuya,” malungkot ko ngang sagot.
“Ganoon na lamang ba kalala ang naging trauma niya nong nasugat ‘yong likod niya?” tanong ni Kuya Isko at tumango nga ako bilang sagot.
Pero halos napatigil nga kaming dalawa nang makarinig kami ng sunod-sunod ngang pagbaba ng mga helicopter sa hindi kalayuan.
“Kuya, malapit na tayo sa Cluster 1 at mukhang anduon na ang mga taga-taas,” masayang saad ko nga at halos sabay nga kaming napatakbo papunta sa Cluster 1.
_________________________
“So, kayong dalawa na galing sa Cluster 5 ay ang room 5 at 6 ang inyong lilinisan,” saad ng professor ng Cluster 1 dahilan para tignan ko nga si kuya Isko at bulungan ito.
“Akala ko ba kuya programmer at engineer ang kailangan nila? Bakit mukhang gagawin tayong room service dito?” pabulong na tanong ko nga at napakamot nga ng ulo si Kuya Isko na mukhang hindi rin inexpect na ganito rin lang pala ang ipapatrabaho sa amin dito.
“Akala ko rin Chi eh,” pabulong ngang sagot nito dahilan upang manghinayang ako.
“Sige na, pumunta na kayo sa mga kwartong kailangan niyong linisan dahil mamayang tanghali ay maghahain pa kayo ng mga pagkain nila,” saad nga ng Professor dahilan upang manlaki ang mga mata namin ni Kuya Isko.
“Po!?”
“Bakit may angal ba kayo?” seryosong tanong nong professor dahilan para agad kaming mapailing ni Kuya Isko.
“Oh, sige na, pumunta na kayo,” utos nito na dahilan para tuluyan na kaming tumalikod ni kuya Isko at maglakad.
“Eh, kuya mukhang gagawin pa tayong waiter dito eh,” bulong ko nga habang naglalakad kami.
“Hayaan mo na Chi, atleast 3 times a day naman tayong makakakain ngayong linggo,” sagot nga nito dahilan para mapatingin na nga lang ako sa malayo dahil wala naman na kaming magagawa dahil nandito na kami.
_________________________
“So ano Chi, kamusta linis?” tanong nga ni Kuya Isko habang nagpapahinga kami saglit sa isa sa mga upuan rito sa cafeteria ng venue. Halos pawisan na kaming dalawa ngayon dahil na rin sa paglilinis na sinabayan pa nga ng sobrang init na panahon na mas pinalala pa nga ng mga gases na ibinubuga ng bawat pagsabog.
“Ayos lang naman kuya Isko. Pero kuya, ganito na po talaga tayo buong week? As in?” sunod-sunod ko ngang tanong at umiwas nga ito ng tingin na nasundan ng unti-onti niyang pagtango.
“Akala ko pa naman talaga eh makakausap na natin ang mga taga-taas,” malungkot ko ngang saad sabay baling ng tingin ko sa sahig.
“Eh, makakausap mo pa rin naman sila ha. Chi, darating na sila mamaya at iseserve nga natin sila hindi ba?” saad nga ni kuya Isko dahilan para mapatango ako at mabuhayan.
Tama nga naman, makakausap pa rin namin sila. Kaya hindi pa rin masisira ang plano ko.
“Ano tara na ba Chi? Tulong na tayo sa kusina?” yaya nga ni Kuya Isko pero saglit nga akong natigilan sa pagtayo nang maramdaman nga na naiiihi ako.
“Teka kuya Isko, mauna ka muna siguro sa kusina. Naiiihi na kasi ako eh,” paalam ko nga.
“Sige umihi ka na at antayin nalang kita sa kusina,” pagpayag nito dahilan para dali-dali akong naglakad papunta sa CR na malapit nga lang dito sa cafeteria.
At matapos nga ang ilang minuto ay sa wakas natapos din ang pag-ihi ko.
Pero nang lalabas na nga dapat ako sa CR ng mga babae ay natigilan nga ako at halos mapaupo sa sahig nang makabangga nga ako ng isang lalaki na mas matangkad sa akin at kulay asul ang mata na siyang una kong napansin dahil ito nga ang namumuntawi sa kaniya.
“I—I’m so sorry.”
At pansin ko ngang nagulat din siya sa banggaan namin at halos mataranta nga ako nang bigla niyang iabot sa akin ang kamay niya para tulungan akong tumayo.
“Ayos ka lang po ba?” tanong nga muli niya at tumango nga ako bilang sagot. At nang masiguro nga nitong ayos lang ako ay tumango nga ito at nilagpasan na ako at tuluyan na itong pumasok sa CR.
“Teka, comfort room ito ng mga babae ha? Bakit dito ka pumapasok?” sunod-sunod ko ngang tanong at tiyaka nga siya agarang hinila palabas ng comfort room.
“T—talaga? Comfort room ito ng mga babae?” nalilitong tanong nga nito na ngayon ngay ibinaling ang tingin sa pinto at ilang beses nga kumurap at lumapit pa nga ng sobrang lapit sa pinto na dahilan para mauntog ito ng tuluyan.
“Wait, malabo ba mata mo?” tanong ko nga sa kaniya na ngayon ngay kasalukuyan niyang hinahawakan ang nauntog niyang noo.
“I have Myopia,” sagot nga nito.
“Eh, bakit wala ka man lang glasses?” tanong ko nga ulit rito.
“Naiwan ko kasi sa taas, kaya hirap din talaga akong makakita ngayon,” sagot niya na dahilan upang matigilan ako at unti-unti tignan ang suot nitong uniporme bilang pagkumpirma.
“W—wait, taga-taas ka?” tuwang-tuwang tanong ko nang malaman na mukhang taga-taas nga ito. At tumango nga ito bilang sagot na dahilan para tuluyan na nga akong mapangiti ng pagkalakilaki.
“Alalayan na kita papunta kung saan mo gusto pumunta,” madaliang saad ko at tiyaka nga hinawakan ang kamay nito at inumpisahan na nga siyang alalayan. At nakita ko ngang nabigla ko nga ata ito sa biglaang paghawak ko sa kaniya ngunit hindi nga naging alintala ‘yon para ituloy ko ang pag-alalay sa kaniya.
“T—talaga?” tanong nito na ngayon ay nakangiti na nga. Mukha nga atang kanina pa siya naghahanap ng mag-aalalay sa kaniya eh.
“Oo, basta may kapalit ito ha,” saad ko nga at nagulat nga ako nang biglang tumigil ito sa paglalakad at ibinaling nga ang tingin sa akin habang nakakunot ang noo niya.
“K—kapalit?” nagtatakang tanong niya.
“Basta, mamaya ko na ipapaliwanag. And nga pala, I’m Chi. Ikaw?” sunod-sunod ngang saad ko at tiyaka iniabot ang kamay ko.
“Nael,” sagot nito dahilan upang mapangiti ako.
Mukhang umaayon talaga ang tadhana sa mga plano ko.