Part I: Kabanata 4

1949 Words
September 1, 2029 Omicron "Kuya!" tawag sa akin ni Chi na kakapalit nga lang nga ngayon mula sa gear na isinuot namin for the challenge. And right now, I am currently having my inhaler with me para totally na maka-recover from that traumatic incident. Ngunit inalis ko na rin lang nga ito sa bunganga ko nang lumapit sa akin si Chi at yakapin ako neto ng sobrang higpit. “Hey, what’s wrong?” tanong ko nga rito nang kapwa na kami kumawala sa pagkakayakap. "Akala ko talaga kuya ay mamamatay ka na," saad nito sabay palo ng malakas sa braso ko. "Hoy teka lang Chi”—tigil ko nga rito sabay hawak sa braso ko—“Bakit may kasamang palo ha? Iiyak na sana ako dahil sa concern mo pero—bakit may palo? Chi, bakit may palo ha?” Pabirong mga tanong ko nga sa kaniya na dahilan para ang isang palo ay masundan pa nga ng isa na namang malakas na palo dahilan para mapasigaw na nga ako at magtago sa likuran ni Isko na siyang kasama naming ngayon. "Siraulo ka talaga Omicron. Ako pa talagang pangsasangga mo ha?" reklamo nga ni Isko na nanlaki nga ang mata nang siya na ang napalo ni Chi sa ikatlong pagkakataon. Pero saglit kaming natigilan nang dumating si Heneral at—ang anak nito na kasalukuyan ko ngang nginisian para man lang maipamukha sa kaniya na nalabanan ko ang pangmamaliit niya sa akin bago mag-umpisa ang challenge. "You three did a great job. Lalong-lalong na sa iyo Omicron dahil kahit na nawala ang radar mo ay nakasurvive ka pa rin which is unbelievable," nakangiting bati sa amin ni Heneral Cruz na dahilan para mapangiti ako at ibaling nga ang tingin ko roon sa Helena. "Ganoon po talaga siguro kung may pinanghuhugutan ka”—saad ko nga sabay tingin ng diretso sa mga mata ni Helena na sa hindi ko nga inasahan ang pagtatama ng mata naming nang bigla siyang napatingin sa akin—“at kung may isang tao na humusga sa kahinaan mo.” At ngayon ngay hindi tulad ng inaasahan ko ay hindi nga umiwas ng tingin si Helena at bagkus ay unti-unti pa ngang lumapit sa akin habang nakatingin ng diretso sa aking mga mata. "Kung gayon, you should thank me Mister Omicron for pushing you out of your comfort zone but I think huwag ka muna sigurong magpakasaya ano?,” sarkastikong saad nito na dahilan upang nakakunot ko nga siyang tinignan. “Dahil hindi pa naman dito natatapos ang challenge. Malay natin hindi mo nadetermine ang mga gases right?” "O—oh siya, sunod nalang kayo sa conference hall para malaman natin kung sino ang mga nanalo at tama ang test sa mga gases sa labas," saad ng Heneral. “And you Helen, halika na at mauna tayo sa conference hall.” At dahilan nga ang tawag nito kay Helena upang tuluyan na nga siyang mapairap bago pa man tuluyang umalis sa harapan ko. "Kuya Isko, ako lang ba?"—saad ngayon ni Chi na siya ngang nakangising ibinaling ang tingin kay Isko—“pero parang ramdam na ramdam ko ata ang malaking tension between Doctor Helena and kuya Omicron?” “At ano naman kayang klaseng tension iyon Chi?” sarkastikong saad naman ni Isko gamit nga ang mapang-asar niyang niyang tingin sa akin. They are talking like wala ako ngayon sa gitna nila which piss me out dahilan para mapabuntong hininga nga ako at pisilin ang magkabilaang pisngi ni Chi. “How about this kind of tension Chi?” asar ko nga rito at mas pinalakas ko pa nga ang pisil dito hanggang sa mamula kahit pa na sumigaw na nga ito at panay ang palo sa kamay ko. “Kuya!” At sa pagkakasigaw nga niyang ‘yon ay agad ko ngang binitawan ang pisngi niya at sabay ngang tumakbo paloob na ng Conference Hall habang hindi na nga mapigilang matawa dahil sa ginawa ko kay Chi. “Kuya Omicron!” _________________________ Nandito na kami ngayong lahat sa conference room upang idiscuss 'yong inidentify naming gas. At sigurado akong chlorine, nitrogen dioxide at phosgene, ang mga gases na 'yon. "Ito na ang huling araw ng pagsubok. At ngayong gabi rin ay pipili kami ng tatlong estudyante na nagpamalas ng kakaibang katalinuhan na siyang magiging batayan naming sa pagpapadala sa kanila sa Mendeleev," panimula ng ni Heneral Cruz nang saktong makaupo ako sa upuan. “Kuya Omicron,” tawag nga ni Chi na siyang kakarating nga lang ngayon kasama si Isko habang hawak-hawak ang magkabilaang pisngi niya at nakatingin nga sa akin ng masama. At nagpipigil nga ako ngayon ng tawa dahil sa pamumula ng pisngi niya and I am kinda safe right now dahil nasa conference hall na kami at hindi naman siguro niya magagawang magiskandalo rito para mabawian ako. “I will freaking kill you after this meeting,” bulong nga ni Chi nang makaupo na siya sa tabi ko dahilan upang maalis nga ang ngiti ko sa labi at mapalunok dahil sa sinabi niya. "Ang makakadetermine ng tatlong current gases na nirerelease ng ground ay ang makakakuha ng isa puntos," saan naman nga ngayon ni Helena dahilan para malipat ang atensyon naming ni Chi rito. ”Tatlo? Akala ko isang kind lang na gas 'yon?” “Oo nga. Isa nga rin lang 'yong isinulat ko.” Rinig kong bulungan ng iba na dahilan para unti-unti akong mapangiti dahil tatlo ang nadetect ko at sigurado akong tama ang sagot ko. "So we have here the sample gases na nagmula pa sa labas. We will put them in this detecting machine at bahala na itong mag-determine kung anong mga gases ito," sa ni Heneral Cruz dahilan upang halos lahat kami rito sa cofenrence hall ay matuon nga ang atensyon dito. Ngayon ay isinwitch na ni Helena 'yong machine na siyang naglikha ng malakas na tunog na parang isang sasakyan na kaka-start lamang. At tila may nakadugtong dito na isang vacuum tube na siyang papasukan ng gas. "Bago ko pa man ipasok ang gas ay gusto ko lang ipaalam na lima lang ang nakapasok sa inyo sa round na ito. Dahil ang dalawa sa inyo ay isang gas lang ang nadetermine," paalala ng Heneral at pagkatapos ay inilapit na nga niya ang container kung saan naroon ang gas at kusang hinigop na nga ito ng machine. Kitang-kita namin ngayon ang nangyayari sa loob ng machine at kita rin namin kung paanong mag-discolorate at umapoy ang mga ito. "The first gas is—" panimula ni Helena na ngayon ay nakatingin na doon sa top ng machine na kung saan nga niya makikita ang na-detect nito. Nakapikit naman nga ngayon si Chi at mukhang mas nanenerbyos pa kaysa sa akin eh samantalang alam ko namang makukuha niya ang sagot at tama ang nadetect nito. "Phosgene," patuloy ni Helena na dahilan para manlaki ang mata ko at mapatayo ako dahil sa gulat. "Y—yes," saad ko nga na siyang unti-unti ngang nag-fade nang marealize kong nakatingin na halos lahat ng mga nasa conference hall sa akin. "K—kuya umupo ka nga," saad nga ni Chi na pwersahan na nga akong pinaupo dahilan upang mawala na rin ang atensyon ng lahat sa akin. "Apat nalang ang natitirang estudyante. Ang isa ay nagkamali na agad at wala sa listahan niya ang phosgene gas," patuloy na nga ni Helena na ngayon ay bumalik ulit sa pagtingin sa itaas ng machine. "K—kuya tama mo rin ba?" nauutal na tanong ni Chi dahil siguro sa kaba. "Ako pa ba?" matapang kong saad kaya't muli't muli ay pinalo na naman nga ako nito sa braso. "Kuya"—saad nga nito na siyang nilakihan ako ng mata—“napakayabang mo talaga.” At nginitian ko lamang nga siya sabay taas ng mga braso ko dahilan para irapan niya ako. "At ang pangalawang gas na nadetect ay ang—" panimulang muli ni Heneral Cruz dahilan upang mabaling muli ang tingin ko sa harap. "Nitrogen Dioxide." "Yes!" At halos pagkalaki-laki nga ngayon ng ngiti ko at hindi nga maiwasang mapatayo nang dahil sa saya nang marinig ko ang pangalawang gas na siyang nahulaan ko rin nga. "K—kuya," tawag ni Chi na dahilan upang ma-realize ko kung gaano kalaking kahihiyan ang ginawa kong muli at dahilan nga ito para mapaupo ako ng wala sa oras. "Isang beses pang mag-iingay ka Mr. Rivera ay hinding-hindi na talaga ako magdadalawang isip na palabasin ka rito at idisqualify ka," mariing saad ni Helena na halatadong inis na naman sa akin dahilan upang mapatango ako rito at isang irap nga lang ang natanggap ko mula rito. "Walang nahulog sa apat. Apat pa rin ang natitirang estudyante na maaaring makakuha ng tiyansang makapunta sa taas at mag-aral sa Mendeleev Academia" saad ni Heneral habang may hawak na apat papel. "Tatlo dito ay may magkakaparehas ng sagot. At ang isa ay hindi parehas sa sagot ng tatlo. Maaaring ang tatlo ang tama, ngunit maaari rin naman na ang isa ang tama. Kung sakaling isa lang ang makakuha ng tamang sagot ay isa lang din ang pupunta sa Mendeleev Academia," paliwanag ni Heneral na dahilan para lumakas ngayon at bumilis ang t***k ng puso ko. "Ang pangatlong gas ay ang—" At ngayon ay napapikit na lamang nga ako at napahinga ng malalim. Dalawa lamang ang pupuntahan nito. Maaring ako iyong isa at ako ang mali o hindi naman kaya ay kasama ako sa tatlo na sa lakas ng loob ko ay sila ang tama. "Chlorine." Rinig kong saad ni Helena habang nakapikit ako dahilan para matigilan ang pagtibok ng puso ko mapatalon ako dahil sa saya. At dahil nga sa saya ko ay kinuha ko nga 'yong phone ko para nga i-capture ang pangyayaring ito. "Chi! Nakuha ako!" Sunod-sunod ko ngang sigaw sabay pindot ng record button at sabay tutok kay Chi ng camera ng phone ko. “What the h*ck is happening?” Ngunit halos natigilan nga kaming lahat nang bigla na lamang nag-switch ang fire sprinkler dahilan upanng mabasa kami at magtakbuhan palabas ngunit sa gulat naming nang hindi nga naming mabuksa ang pintuan ng hall. “Kuya, anong ginagawa mo?” tanong nga ni Chi sabay tingin sa hawak kong phone. At tulad ko nga ay basang-basa na nga ito. “I am going to supposedly record this moment with my camera pero bigla na lamang nag-switch itong fire sprinkler,” sagot ko nga rito ngunit nagtaka nga ako nang biglang nanlaki ang mata nito. “Kuya, that is my freaking phone!” At halos natigilan nga ako nang marinig iyon at dahilan para icheck ang phone na siyang nakumpirma ko ngang kay Chi. “Kuya, turn it off,” saad nga ni Chi ngunit hindi ko nga agad ma-off nang dahil sa panginginig ng kamay ko. “Kuya, turn it off!” "Mr. Rivera!" Ngunit halos napatigil na nga ako at mapindot na ang recording button nang marinig ko ang muling pagsigaw ni Chi at ng Professor. Damn it. Helena "Dad, kita mo na ginawa ng lalaking 'yon!? Pinatunayan lang niya na isa siyang tang*. 'Yon ba ang papapasukin natin sa taas at mag-aaral sa Mendeleev?" sunod-sunod ko ngang sambit nang makapasok na nga kami sa room habang kapwa kami basang-basa dahil doon sa pag-on ni Mister Rivera ng fire sprinkler. Nagbabakasali akong makukumbinsi ko pa si dad na hindi tanggapin ang Omicron na 'yon sa taas. Baka kung ano pa ang gawin niya roon at mapapahiya lamang ako at si dad knowing na kami ang mamimili sa cluster na ito. "Anak, he deserve to be sent to Mendeleev. Napatunayan niya ang sarili niya at naipanalo niya ang laban. At tiyaka aksidente lang naman ang nangyari kanina ha? He explained and even Chi explained it too," pangangatwiran nga ni Dad na dahilan upang mapasinghap ako at hindi siya makapaniwalang tinignan. "Dad, can you please explain to me kung bakit parang lagi mo nalang siya kinakampihan?" tanong ko muli rito habang seryoso nga siyang tinignan. “You don’t even know him enough to believe with his stupid explanation of that idiotic action!” "Enough Helen. Bukas na ang alis natin kasama nila. Sa ayaw at sa gusto mo ay kasama siya sa maipapadala sa Mendeleev." saad niya na dahilan para mapabuntong hininga ako at ibagsak nga ang jacket ko sa sofa bago pa man tuluyang pumunta sa kwarto ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD