Part I: Kabanata 3

1678 Words
August 31, 2029 Omicron "Welcome to the last test. Ang panghuling test na susubok sa talino at diskarte niyo," panimula ni General sabay pindot ng button na nagbukas sa pader na siyang nakaharang sa Rupert Glass. At dahilan nga ito para mapaiwas ako agad ng tingin dahil nakaharap kami ngayon dito at kita namin ang sunod-sunod na pagsabog sa labas which is not good for my trauma. "Ang inyong huling pagsubok ay ang lumabas dito upang inspeksyunin ang nangyayari sa labas," paliwanag ni General na siya ngang may hawak na ngayong head gear sa kaniyang kanang kamay na dahilan para mapakunot ako ng ulo at magulat. There is no way na lalabas ako at titignan harap-harapan ang mga pagsabog na ‘yan! Ngunit natigilan nga ako ngayon nang hawakan ni Chi ang kaliwang kamay ko na siyang hindi ko man lang namalayan na nanginginig nap ala. "Sa pagpasok niyo sa Mendeleev ay maraming mission ang ipapagawa sa inyo na katulad nito. Lalabas kayo at iiwasan niyo ang mga sunod-sunod na pagsabog. At kung ikokonsidera natin ang ilang taon nang pananatili niyo rito sa baba ay alam kong alam niyo na kung paano maiiwasan ang mga pagsabog na ito," patuloy niya ngayon na dahilan para mapasinghap ako dahil kung para sa ibang kasama ko ay sana na silang lumabas ngunit ako? Lagi kong iniiwasang magtrabaho sa labas simula noong— "Bakit Mister Rivera? Takot ka ba sa pagsabog?" Agad nga akong napaharap sa likod ko na siyang dahilan upang makita ko si Helena na kasalukuyang nakangisi ngayon sa akin na tila nga napansin niya ang pagpapawis at panginginig ko ngayon dahil sa susunod na mission which involve us going outside. "Bakit hindi ka makatingin ng diretso"—patuloy pa nga niya ngayon sabay turo sa labas—“roon?” At dahilan nga ito para mapapikit ako ngayon at mapasinghap dahil sa inis. Naaasar man ako sa ngayon ay hindi ko siya dapat na patulan because I need to be serious about this mission to avoid disappointing my sister. _________________________ "Let us now start this mission. Lahat kayo, isuot niyo na ang mga equipments na nasa tapat ninyo," utos ni General pero nag-aalangan pa akong kunin ito noong una ngunit si Chi na nga ang mismong kumuha nito para sa akin at tiyaka na nga niya inabot ito. "Kuya, do it for me," sambit niya na dahilan para mapahinga ako ng malalim at tuluyan nan gang kunin ito mula sa kaniya. Tinignan ko ng diretso ang nangyayaring pagsabog sa labas at pilit na inaalis sa isipan ko ang mga pangyayaring bumabalik sa isipan ko. “I’ll try Chi.” Helena Kita kong tila may trauma si Mister Rivera sa mga pagsabog which is seemingly so fun to watch. Kung takot pala siya rito ay hindi siya bagay na makapasok sa Mendeleev dahil halos araw-araw kaming gumagawa ng mission sa labas. Dapat kasi habang maaga pa ay nagback-out na lamang siya. "Itong device na ito ay ang gagamitin niyo para madetect kung pasabog na ang lupang kinatatayuan niyo. Kung tumunog ito ay ibig sabihin non kailangan niyo nang makaalis within 10 seconds sa lugar na kinatatayuan niyo," paliwanag ko ngayon sa mga natirang pagpipilian habang hawak ang detector na siyang magagamit nila sa sandaling lumabas sila sa safe zone. "Your mission is to inspect the new toxic gases na ibinubuga ng pagsabog. Tukuyin niyo kung ano ito gamit ang inyong sariling kaalaman at bibigyan ko nga kayo ngayon ng 10 seconds para mag-unahan sa pagkuha ng gas detector na nasa 10 meters away from the safe zone. And of course kung sinong unang makakakuha nito ay maswerte at wala na siyang iisipin pa para ma-identify kung anong toxic gases yaon," paliwanag kong muli at sinenyasan ko na ngayon si Professor na siyang may hawak ng remote control ng pintuan ng building kung saan kami ngayon. “And ready or not, magsisimula na ang inyong pagsubok.” At dahilan nga ang cue ko para maglakad na nga ngayon ang mga remaining game survivors patungo sa tapat ng pintuan na siyang kasalukuyang unti-unti na ngayong nagbubukas. Bago pa man nga tuluyang magbukas ang pintuan ay nagpasya nga akong lumakad papunta sa likuran ni Mister Rivera just to diss him again which I consider pretty fun. "Pustahan tayo, mamamatay ka na ngayong araw Mister Rivera," bulong ko nga rito na dahilan para ngayon ay samaan niya ako ng tingin pero nginisian ko lamang nga ito habang nagpipigil ako ng tawa dahil nakapikit nga siya ngayon at pinagpapawisan. Maybe it is pretty bad for me to diss him for his trauma which is also a maybe. Pero wala na tayong magagawa dahil siya ang unang nambwesit sa akin at gusto ko lamang siyang turuan ng leksyon that no one else can ever disrespect me. At tuluyan ko nan gang hindi napigilan ang tawa ko nang makita ngayong maglakad na ang mga contenders pero itong si Mister Rivera ay nanatili pa ring nakapikit habang naglalakad na palabas ng safe zone. At habang naglalakad nga ito ay napatigil ang kapatid niyang si Chi para tuktukin ang nakaharang na equipment sa mukha niya. Mukhang napansin niya rin ang katangahang ginagawa ngayon ng kuya niya. Good for him may sense ang kapatid niya. At nang makalabas na nga ang mga ito ay agad din naman nan gang isinara ni Professor ang harang o pituan na siyang hudyat na umpisa na ang pagsubok. _________________________ Lumipas na nga ang ilang minuto at ang nakakuha nga ng gas detector ay yaong si Isko Pineda nga na siyang isa sa mga hindi nakapasok sa top 5 noong unang pagsubok. Good for him dahil mukhang malaki na nga ang tiyansa niya ngayong mapabilang sa isa sa mga dadalhin sa Mendeleev. Nandito kami ngayon sa isang room wherein may mga monitors nga na kung saan nakikita namin ngayon ang nangyayari sa bawat contenders. "Naku namang Rivera ka. Nagpapatawa ka ba?" saad nga ngayon ni Professor Mando na ngayon ay tawang-tawa sa nangyayari kay Omicron dahil halos mukhang tanga siya ngayong tumatalon sa tuwing may sumasabog sa tabi niya. Ang iba naman ay patuloy lang sa paglakad at pag-iinspect sa gas na ibinubuga ng pagsabog. Samantalang si Omicron ay magpahanggang ngayon hindi pa rin nakakalayo at tarantang-taranta. Omicron "Ano bang klaseng lupa ito!?" “Like come on!” “Bakit ka ba sabog ng sabog ha!?" "Kuya, bilisan mo," suway ni Chi which is like 15 meters away from me na ngayon ay nakahanap na ng pwesto. Samantalang ako ay patuloy pa rin na naghahanap. "Kuya!" At halos manlaki nga ngayon ang mata ko sa gulat at halos manginig ang buo kong katawan nang biglang may sumabog ang parte ng lupa malapit sa akin na siyang dahilan para tumilapon ako at bumagsak ang buo kong katawan sa lupa. “Pasensya na iho ngunit kailangang bawasan ang lugar na ito.” “Ano bang problema mo at nagsisisigaw ka?” “Takbo!” “H--- huwag--- h--- huwag mong ihuhulog ang kapatid ko parangawa mo na.” “Oo, papatayin talaga kitang hayop ka!” Tuluyan nga akong napahawak sa aking ulo nang sunod-sunod nga ngayong bumalik sa ala-ala ko ang mga bagay na pilit ko na ngang gusting kalimutan ngunit patuloy at patuloy pa rin nila akong binabalikan. “Kuya Omicron!” At ang sigaw nga ngayon ni Chi sa hindi kalayuan ang siyang nagging dahilan para tuluyan ko ngang imulat ang mga mata ko ngayon at unti-unting snubukang tumayo ngunit halo manlumo nga ako nang mapagtanto na hindi ko na hawak ngayon ang bomb detector na hawak ko kanina. What the h*ck? Napakatanga mo talaga Omicron! At ang mas nakakatanga ay hindi ko na rin makita si Chi dahil sa kapal ng usok na ibinuga ng pagsabog. What am I going to do? What am I going to do? Paano ko na malalaman kung sasabog ba itong lugar na kinauupuan ko ngayon? Pero natigilan nga ako at mapatingin sa harap ko at tinignang mabuti ang parte ng lupang medyo malayo sa akin. Napansin kong tila lumulubo at nagkacrack na ito. Binilang ko kung ilang segundo bago ito sumabog. At wala pang dalawang segundo ay sumabog na ito. Dalawang segundo. Tama, dalawang Segundo bago sumabog ang lupang nagkacrack na. At halos nasa 9 meters ang pagitan ng bawat parteng sumasabog. Helena Sabi ko nga, mukhang mamamatay ka na ngayon Mister Rivera. Sa dinami-rami ba naman ng pwedeng mawala, eh 'yong detector mo pa talaga? "Anak, hindi ba natin bibigyan ng panibagong detector si Mister Rivera?" tanong ngayon ni papa na dahilan para mapakunot ako ng noo at nagtataka nga siyang tinignan. "P—parte ‘yon ng competition pa. Kung may mamatay edi mamatay. Bakit ba concern na concern ka sa magkapatid na Rivera pa?" saad at tanong ko rito na dahilan para saglit siyang matigilan at kalaunan ay diretso nga akong tinignan. "Alam kong matalino ang dalawang batang iyan Helen. And I have that strong feeling na isa sila sa makakatulong sa atin sa itaas." "Matalino naman pala eh. Kung talagang naniniwala kang matalino sila ay dapat atang magtiwala ka rin na mapagtatagumpayan nila ang pagsubok pa?" sarkastikong tanong ko nga rito na dahilan para matahimik ito at mapaiwas ng tingin. _________________________ "Ano nang nangyayari?" tanong ni Professor na ngayon may dala ng mga pagkain. "Tumilapon si Rivera boss at hindi na namin siya mahagilap," sagot nong gwadiya niya na dahilan para tumawa ito ng pagkalakas-lakas. "Maaari bang tumahimik ka professor?" naiinis na suway sa kaniya ni papa na dahilan para para matahimik ito at mapasinghap ng ako ngayon. "Boss si Rivera!" sigaw ng gwardiya na dahilan para mapatingin kaming lahat sa itinuturo nitong monitor kung saan kita nga naming si Mister Rivera na kasalukuyang tumatalon-talon ngayon habang palabas sa isang makapal na usok. At halos mainis pa nga ako nang bigla itong humarap sa camera habang nakangisi. "Hello Miss Garcia," saad niya sa walkie talkie na dahilan para manlaki ang mata ko dahil sa gulat. Naka-on din ang mga walkie talkie nila papa kaya rinig din nila ang mga pinagsasasabi ngayon ni Mister Rivera. "Look at me, look at me”—patuloy niya na ngayon ay itinuro pa nga ang sarili niya—“I have survived miss." At sinabayan pa nga niya ito ng sunod-sunod na tawa na siyang dahilan para mapapikit ako nang dahil sa inis at hindi ko na nga napigilan pa ang sarili kong ibato ang walkie talkie na hawak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD