Buong oras ng klase ay halos pagpawisan ng butil-butil si Keizha dahil sa isang taong kanina pa sa kanya nakatitig ng malalim.
At kapag biglang bubulong sa kanya si Elijah ay ramdam niya ang tiim nang titig nito kaya naman pasimple niyang sisikuhin ang bading sa tabi niya.
Ilang saglit lang ay biglang tumunog ang school bell. Hudyat na break time na.
"Yes class bell! Means time na at makakahinga na rin ng maluwag! Haist!" Nagdidiwang ang kalooban na sambit ni Keizha sa sarili..
"Ano kakainin natin, Beshy?!" Kalabit sa kanya ni Elijah sabay tanong.
"I want some drinks to freshen up!" Nakangiting sagot niya habang nagliligpit ng gamit.
"What?!!" sigaw ni Elijah. Na kinalingon ng lahat pati ng strict nilang prof at kinalaki ng mata ni Keizha.
" Bakit ka ba sumisigaw?!" nanggigigil na pabulong na tanong ni Keizha dito.
"Eh kasi naman! Ang aga aga gusto mo ng lumaklak! Hindi ko akalaing ganyan ka, Besh!" tila nanghihilakbot na sambit ni Elijah sa kanya.
"Gaga! Ibig kong sabihin juice hindi alak!" Naiinis na sambit ni Keizha sabay kurot dito. Nakakunot noo naman si Alliyah habang pinanonood ang pagtatalo ng dalawa.
"Hey you two! May balak pa ba kayong lumabas ng classroom o maglalandian pa kayo?!" Galit na sigaw ni Aaden habang nakatingin ng matalim sa kanila.
"Sorry po sir!" lalaking-lalaki na sagot ni Elijah na kinagulat ni Keizha sa biglang pagbabago ng boses ng kaibigan. Animo'y lalaking lalaki talaga ito. Pinipigil ni Keizha ang matawa kaya kagat-kagat niya ang labi niya para pigilan ang kagustuhang tumawa.
" What are you smiling at, Ms. Alonte?!" nagulat si Keizha kaya biglang napatayo ng tuwid.
"Nothing, Sir! Sorry po!" dahil sa sobrang kaba at tensiyon ng paligid hindi napigilan ni Keizha ang mapakagat labi ulit. Mannerism niya talaga yun kapag kinakabahan.
"Stop biting your lips! You two get out!" tukoy ng prof kela Elijah at Alliyah.
"How about me sir?!" nanlalaking matang tanong ni Keizha.
"Follow me at my office! Now!" seryosong sambit nito pero ng pagtagilid nito para tunguhin ang pinto ay kita niya ang pagsilay ng isang ngisi sa labi nito.
Dahil doon ay parang nanigas ang mga paa ni Keizha at pakiramdam niya ay hindi maiangat kanyang mga paa.
Napansin ito ng prof niya.
"Hey! Aren't you going to follow?" inis na sabi nito sa kanya. Dahil dito ay parang biglang nabuhay ang dugo niya at saka kinuha ang gamit at sumunod dito.
Ilang lakaran at narating nila ang likod ng school. Isang nakahiwalay na magandang bahay sa loob ng school campus ang naroon. Bahay iyon ng may-ari ng school at tuwing naroon lamang ito na-okupa base sa kanyang naririnig. Alam din niyang mahigpit na pinagbabawal ang pumunta doon. Kaya ng oras na iyon ay nagtataka siya at kinakabahan.
"Sir, bawal po dito! Nasaan po ba ang office ninyo?" kinakabahang paalala at tanong ni Keizha.
" What do you mean na bawal?" takang tanong ni Aaden.
"Dito po sa lugar at bahay na ito ay bawal po pumunta ang iba dahil magagalit po ang may-ari ng school. Naku! Malalagot po tayo.Saka sabi po ninyo sa office niyo tayo pupunta. Bakit po tayo pumunta dito?" Nanlalaki ang mata na pinapaalam sa kasamang prof na sadyang bawal sa lugar na iyon at kung bakit sila naroon.
Nakangiting iginiya siya nito sa pintuan ng bahay at tila robot na napasunod siya dito.
Nakangiting itinap ni Aaden ang isang daliri sa fingerprint door lock at rinig na rinig ni Keizha ang pagtunog ng lock ng pinto na naghuhudyat na hindi na ito nakalock. Nanlalaki ang mata ni Keizha dahil sa naisip.
"Wag niyang sabihing siya ang....." gulat na tanong ni Keizha sa sarili niya.
"Yes, Sweetie! You're thinking it right! I'm the owner of this school. And now! Welcome to my private place! And everything that's get's inside this house becomes my property! My damn property!" Nakangising sambit nito sa kanya.
"Huh?" tila natulala si Keizha at di makagalaw. Parang alam niya na ang susunod na mangyayari kaya't tila siya nafreeze sa kanyang kinatatayuan.
"Get inside, Sweetie." malanding bulong nito sa kanyang tenga na nagpatayo sa lahat ng balahibo ng dalaga.
Isang iling ang sagot ni Keizha na kinasama ng mukha ng kasama pero biglang nagbago rin ang expression at biglang ngumisi.
"Looks like your stuck there, Sweetie.Here! Let me carry you!" nakangising sambit Aaden at saka tila wala lang na kinarga ang dalaga na tila bagong kasal.
Nilapag siya nito sa sofa.
"What do you want, Sweetie? Juice? Water? Food? Or me?" Nakakalokong tanong ni Aaden sa dalaga sabay ngisi.
Nakatanga lang si Keizha dito at tulala pa rin sa nangyayari.
"Looks like you lost your tounge, Sweetie. That you can't say anything." nakakalokong ngising sambit pa rin sa kanya ng lalaki.
Pahalang ang ginawang paglapag sa kanya ni Aaden sa sofa kaya naman nakadiretso ang kanyang mga hita sa kahabaan ng sofa.
Nakangising umupo sa sofa si Aaden sa may bandang binti niya at ginitgit nito ang sarili. Nakangising tnitigan siya nito.
"I still can't forget the first time we've met! Your face.... Your eyes... skin... and everything about you." sambit nito habang pinagagapang ang daliri na parang gagamba sa tuhod ni Keizha paitaas hanggang makarating ito braso at paakyat ulit hanggang sa leeg ng dalaga.
Gusto nang pumalag ni Keizha ngunit tila siya naistatwa. Ayaw man ng kanyang utak pero ang kanyang puso at katawan ay nasisiyahan sa ginagawa nito sa kanya.
" I now own you, Sweetie! And you can't escape from my grip. I am damn obsessive and possessive sweetie. I'm warning you! So don't you dare do anything that's against my will. Did you understand?" nakangising sambit nito kay Keizha pero naroon sa boses nito ang awtoridad at hindi maaring baliin ang inutos.
Hindi maintindihan ni Keizha pero napatango siya.
"Ano bang ginagawa nito sa akin at napapasunod ako?" tanong ni Keizha sa kanyang isip.
Ganoon din ang panlalaki ng mata ni Keizha ng maghubad ng polo ang lalaki sa kanyang harapan. Namilog ang mga mata ni Keizha sa ginagawa nito sa kanyang harapan, pero nagulat siya ng tumawa ito ng nakakaloko.
"Relax, Sweetie! I'm just trying to change clothes. Ok! Diyan ka lang at sa room na ako magpapalit para di ka maiskandalo. Hahaha!" natatawang sambit ito at lumakad pero bigla ring tumigil at lumingon kay Keizha.
"We have something more to talk about us, Sweetie. So don't you dare leave this place. You can't escape sweetie! Dahil kahit saang sulok ka magtago hahanapin kita. Remember that!" banta nito ng nakangisi kay Keizha at tuluyang tinungo ang room nito. Naiwang nakanganga sa sofa ang dalaga.
Naalala pa niya ang sinabi nito bago sila pumasok ng bahay na iyon..
"Yes, Sweetie! You're thinking it right! I'm the owner of this school. And now! Welcome to my private place! And everything that's get's inside this house becomes my property! My damn property!" Ang tumakbo sa isip ni Keizha, lalo na ang huling linya.
"And everything that's get's inside this house becomes my property! My damn property!" tila sirang plakang paulit ulit na bumabalik sa utak ni Keizha.
"And I am damn....here! Lagot ka na Keizha!" nanginginig na naiisip niya iyon at parang maiihi tuloy siya sa kaba.
"Shi! Saan ba ang c.r nawiwiwi na ako!" tayo niya at hinanap ang banyo.
Nahanap naman niya agad at nagtagal siya dito, pinipilit niyang i-relax ang sarili para makapag-isip ng tama. Pero narinig niya bigla ang pagtawag ng lalaki sa kanyang pangalan at dahil nasa banyo siya ay 'di niya ito inintindi. Ngunit saglit pa lang ay parang natataranta na ang pagtawag ni Aaden sa pangalan niya. Lalabas na sana siya ng banyo ng makarinig siya ng sunod-sunod na kalabog.
Kinabahan siya kaya natigil ang kanyang paghakbang.
" Ano iyon?" natatarantang tanong niya sa sarili.
Dahan-dahan niyang pinihit ang pinto at nashock sa nasaksihan. Ang maayos na gamit kanina lamang ngayon ay wasak lahat at namataan niya ang malaking tv na basag-basag, sa tabi nito ay ang lalaking kanina pa tinatawag ang pangalan niya. Ang mga kamay nito ay puro dugo dahil sa ginawa nitong pagsuntok sa t.v.
"Susme! Anong ginawa niya?!" nanlalaking matang tanong ulit sa isip ni Keizha.
Si Aaden na masama ang mukha at 'di iniinda ang pagdurugo kamay. Ngunit ng mapansin ang presensiya ni Keizha sa tapat ng pinto ng banyo ay bigla itong napangiti. Agad nitong tinakbo ang pagitan ng dalaga at naiiyak na niyakap ang dalaga.
"I thought you leave me!" naiiyak nitong sambit ni Aaden.
"No! I won't... leave you." tila alo na lang ni Keizha rito.
"Shete! Ano bang meron at biglang nagkaroon ng ganitong ganap?" takang tanong ni Keizha.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------A/N: Ayan na po.....hahaha! Kamustasa kalabasa, Readers? Hahaha! Comment kayo kung gusto nyo pa ng next chapter at para knows ko kung kailangan ko ng mag -update. Yun lang po. Salamat! Don't Forget to vote at pafollow na rin po ang inyong lingkod kung pupwede lang pati na rin po itong story. Hahaha! Goodnight!