“Makikita na namin ang prof namin sa math. Haist! Sabi istrikto daw iyon, ano kayang mangyayari sa amin? Kamusta naman kaya grade namin in the future?” Kausap ni Keizha sa sarili.
“Bestie!” sigaw ng isang babaeng tumatakbo patungo sa kanyang direksiyon. Si Alliyah lang pala. Pasunggab siya nitong niyakap na parang batang sabik sa ina.
Malakas niyang itong tinapik sa puwet. “Aray naman! Bakit ka namamalo?” reklamo nito sa kanya.
“Kaharutan mo, muntik na tayong mabaldog! Pasalamat ka nagkataon nakakapit ako ng mahigpit sa railings ng bintana. Naku! Hospital ang tungo nating dalawa kung sakali.” Reklamo niya sa babaeng kakakilala pa lang niya kahapon pero nakita na niya ang ugali. Likas itong jolly na person at may pagkamaharot.
“Eh! Wag ka na magalit!” Nakangusong sabi nito sa kanya. Napatitig siya sa suot nitong kuwintas. Nang mapansin nito ang tinitignan niya ay agad nito itong itinago sa loob ng damit ang kuwintas. Halatang mamahalin ang kuwintas na iyon, alam din naman niya ang ganoong itsura. Pero nagtataka siya, kung pumorma ito ay simpleng simple at sinabi rin nito sa kanyang hindi ito mayaman. Bakit may ganoon itong alahas? Di kaya may tinatago ito sa kanya. Inalis naman niya ito sa kanyang isipan. Siguro ay wala naman itong inililihim sa kanya, saka mayaman lang ba may ganun? Baka namana lang ito kaya iniingatan, grabe lang talaga imahinasyon niya. Inakay niya itong papasok sa loob ng room kahit wala pang bell. Nagkwentuhan muna silang dalawa. Pero ang simpleng kwentuhan ay nauwi sa interview-han. Kung anu-ano ang tinatanong sa kanya ni Alliyah at kapag ito naman ang tatanungin ay iniiba ang topic. Yung totoo?
Isang nakangiting Ellijah ang pumasok. Nginitian nila rin ito.
“Hi, Keizha!” bati nito kay Keizha.
“Hi din, Jah!” nakangiting bati niya dito.
“Hi, Alliyah!” bati din ni Ellijah kay Alliyah. Ang iniexpect niyang sasagot din ito ng masaya ay hindi nangyari kaya napalingon si Keizha dito.
Isang tila nahihiyang ngiti ang binigay ni Alliyah kay Ellijah saka tila parang namumulang yumuko.
“Problema mo bestie? Why are you so different to him now? 'Di katulad kahapon.” bulong niya dito para ‘di marinig ni Ellijah.
“Iyon nga! Nahihiya kasi ako sa inasal ko kahapon, saka nalaman kong kayo pa lang dalawa. Naiilang na tuloy ako, saka nakakahiya naman kung maging close kami ng boyfriend mo.” bulong nito kay Keizha. Nanlaki ang mata niya dito.
“Gaga!” Sigaw niya dito sabay hatak ng buhok nito na tila gusto niya itong gisingin sa pinagsasabi nito. “Di ba sabi ko sa iyo na magbestfriend lang kame. Nagpapanggap lang siyang boyfriend ko para walang manligaw sa akin dito, kasi bawal pa akong magboyfriend. Saka puro mahahangin ‘yong mga nanliligaw sa akin dito, puro kasi mga richkid at bullies. Ayokong ngang magpaligaw sa kanila.” Pinanlalakihan niya ito ng matang paliwanag dito.
“Talaga?!” Malakas na sigaw nito na tila batang tuwang tuwa na kinalingon ng mga ilang kaklase naroon na rin sa kuwarto pati ni ni Ellijah na ngayon ay nakakuno't noo sa kanilang dalawa. Kaya't agad tinakpan ni Keizha ang bibig nito bago pa itong may masabing iba.
“Oo nga! Pero wag ka naman maingay at baka mabuko kami” Kinakabahang sabi ni Keizha dito. Napatango naman si Alliyah ay inalis na ni Keizha ang pagkakatakip ng palad sa bibig nito.
“Wow! May pag-asa pa pala ako. Hahaha!” Tuwang bulong ni Alliyah at tila sadyang ‘di iparinig kung kanino man, pero malakas ang pandinig at pakiramdam ni Keizha.
“May sinasabi ka?” Tanong ni Keizha sa babaeng kaibigan.
“Wala!” sagot nito pero tila may kilig na ngiti sa mukha. Napansin ito ni Keizha at kinabahan siya para sa babaeng kaibigan.
“Naku naman itong bata na ito! Na-type-an pa ang beshy kong berde ang dugo. Huwag kang pabubulag.Naku! Paktay tayo diyan.” Bulong ni Keizha sa sarili habang nakangiting alanganin kay Alliyah.
Nanahimik na lang si Keizha ng mga ilang saglit ay yumukyok sa patungan ng upuan. Ayaw niyang magkomento ng kahit ano.
Ang maingay niyang classmate ay biglang natahimik na pinagtataka ni Keizha mula sa pagkakayuko. Nag-iisip kasi siya ng paraan kung paano maiiwas ang nabubuong feelings ni Alliyah kay Ellijah. Ayaw niya itong masaktan kapag nalaman ang totoong katauhan ng isang kaibigan, kaya need niyang gumawa ng paraan.
Singhapan ng mga kaklase niyang babae ang narinig niya dahil nakahawak pa rin siya sa sintido habang nag-iisip. Anong problema ng mga ito?
Isang malakas na tikhim ng isang lalaki ang narinig niya mula sa harapan ng klase.
Pagtingala niya ay isang gwapong nilalang ang kanyang nakikita, na buong pusong nakatingin sa kanya ng masama.
“Ano, Ms. Alonte?! Tapos mo na bang isipin ang kung sino mang iniisip mo? Can you please pay attention to me now? Gusto ko, pag ako ang nasa harap mo sa akin lang ang atensiyon mo! Naintindihan mo ba?” tila galit na sabi nito sa kanya.
Napakurap-kurap muna at saka isang tango ang binigay ni Keizha dito. Punong-puno siya ngayon ng pagtataka. Anong ginagawa ng lalaking ito sa loob ng kanilang classroom at ngayon ay pinapangaralan siya. Dahil ang lalaking nasa harapan ng kanilang klase ngayon ay ang lalaking nadisgrasya niya ang sasakyan kahapon at ang lalaking nakabunggo rin niya. Ano ba talagang ginagawa nito sa klase nila, and how did he already knew her name? Don't tell me siya ang prof namin? Napalaki ang mata ni Keizha sa naisip.
Isang matinding buntong hininga ang binigay ni Alliyah sa tabi niya. Mukhang pinagpapawisan ito kahit sobrang lamig naman ang dating ng aircon sa kanila. “Anong namang problema ng isang ito?” nagtatakang tanong ni Keizha sa sarili. Pinipilit kasi ni Alliyah ang panyong hawak at tila gusto nang tumayo sa kinauupuan nito.
“All of you! I want you all to pay on attention! Only on me! Ang mahuli ko lagot talaga sa akin, lalo ka na!” tukoy nito kay Keizha . Istriktong tinitigan ng lalaki ang lahat ng estudyante at binalik muli ang tingin kay Keizha. Nadaanan nito ng tingin si Alliyah at binigyan din ng masamang tingin. Napayuko naman si Alliyah at tila lalong pinagpawisan at nataranta.
“Of all people! Why him? This cant be happening.” Mahinang bulong ni Alliyah na bahagyang naririnig ni Keizha.Lalong namuo ang pagtataka niya sa isip.
“Now! I’m going to introduce myself! I Am Richard Aaden Carson, your Math Professor! I am strict! Well, maybe I don’t need to say so. Just follow me and do everything I’m gonna ask you to do and you will pass. Ayoko ng laging Absent! Gusto ko lagi ko kayong nakikita.” Sabi nito sabay tingin ulit kay Keizha. Nanlaki ang mata na naman ni Keizha.
“Bakit ba pakiramdam ko lahat ng sabihin nito laging may huling patama sa akin? Ako ba ay pinagtiripan nito?” Kinakabahang sambit ni Keizha sa sarili.
“Mukhang strict talaga siya beshie! Mukhang patay tayo diyan.” Malanding bulong ni Ellijah in a gay way. Na napansin ng matinding laser eyes ni Prof Aaden.
“Isang bulungan pa and you two will receive great punishment. I do give hard punishments for boys,while..... I do give not that much hard punishment for girls, but a different type of punishment for the special ones.” Nakangising sabi nito sabay tingin ulit kay Keizha. Napaupo ng diretso si Ellijah sa narinig at napayuko naman si Keizha.
“Sa tingin pa lang niya alam ko na. I’m in a big trouble right now! Hindi pa ba ako nito napapatawad sa kasalanan ko sa kanya? Nag-sorry naman ako ah?! Kahinaan ko pa naman ang subject na ituturo niya. Jusme! Anong punishment kaya ‘yon? Eh, parang sa akin lang niya tinutukoy Paktay talaga ako nito!” Kinakabahang sambit ulit ni Keizha sa sarili. Parang gusto na niyang magunaw sa mundo ng mga oras na iyon.
“Earth! Kainin mo na ako, now na!” sigaw ni Keizha sa kanyang isip at parang gusto nang maiyak.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N: Dahil sa inyong request ayan na po nag next chapter. Salamat! Hindi ko po sadyang gawin ang story na ito, sadyang nabubuwang lang ako ng time na ginawa ko yung chapter one. Hahaha! Pero nandiyan na eh. Gora na to! Comment lang kayo kung gusto nyo pa ng next chapter para alam ko kung need ko pang mag-update. Love you guys! Mwah!