Chapter 02

1336 Words
“HINDI ka ba marunong tumingin nang maayos sa dinaraanan mo?” anang lalaking hindi sinasadyang nabunggo ni Krizette bago siya nito tuluyang pinakawalan buhat sa pagkakahawak nito sa kaniyang baywang. Sa isang iglap, natapos ang pagsusuri ni Krizette sa mukha ng guwapong lalaki dahil sa paninita nito sa kaniya. Ramdam mo sa boses nito ang malamig na pakikitungo. Na para bang wala itong panahon sa pagpapa-cute ng sino man dito. Guwapo ito. Pero mapanganib ang dating. Napakaseryoso rin ng guwapo nitong mukha. Tipong hindi mo gugustuhing galitin. Kahit si Krizette, ramdam na ramdam niya iyong pagdaloy ng kilabot sa kaniyang katawan ng dahil lang sa presensiya nito. “Sorry po,” hingi niya nang paumanhin. “Ano’ng ginawa mo, Zette?!” gigil namang wika ng bading na manager na kaagad nakilala ang lalaking dumating. Hinila pa siya nito palayo sa lalaki. “I’m sorry, Mr. Salvana.” Nang panglakihan siya ng mga mata ng manager ay senyales na iyon para umalis na siya at maglaho sa paningin nito. Nagyuko siya ng ulo. Kapagkuwan ay nagmamadali ng naglakad palayo sa mga ito. Ni hindi na lumingon pa si Krizette. Nang makabalik sa kitchen, mariin pa niyang nakagat ang kaniyang ibabang-labi. Kay bilis ng kabog sa kaniyang dibdib. Paano kung sesantehin siya ng manager? Bigla, nanlambot ang kaniyang pakiramdam. Kaya nang puntahan siya ng manager sa kitchen humingi kaagad siya ng pasensiya rito. “Hindi ko po talaga sinasadya, Sir Ron.” Ikinumpas nito ang isa nitong kamay. “Ayusin mo ang trabaho mo at ‘wag na ‘wag mo ng uulitin ‘yon, Zette. Dahil oras na pumangalawa ka pa, you’re fired. Tandaan mo rin ang pagmumukha ng lalaking nabunggo mo kanina. Hindi natin afford na ma-offend ang taong ‘yon. He’s a billionaire for Pete’s sake, Zette. Baka itaob niya ‘tong Little Cuttie dahil lang sa inis sa iyo. Ryzen Salvana ang pangalan niya, tandaan mo ‘yan,” mariin pa nitong paalala sa kaniya. “Yes, Sir. Tatandaan ko po.” “Move!” Halos mapaiktad pa si Krizette nang magsalita nang malakas ang manager. Dahilan para kumilos na siya. Ikinundisyon din muna ni Krizette ang kaniyang sarili bago muling ipinagpatuloy ang pag-de-deliver ng mga order. “Krizette, biglang sumakit ang tiyan ko, ikaw na lang ang mag-deliver nitong wine sa VIP Room number ten,” ani Hazel na hindi maipinta ang mukha. “Kailangan na ‘yan doon. Sige na. Sa iyo na ang tip para diyan.” Napatingin si Krizette sa mamahaling red wine na ibinigay sa kaniya ni Hazel. Milyon ang halaga niyon kung hindi siya nagkakamali. At malaki nga ang tip niyon. Napatingin siya kay Hazel na nawala na sa kaniyang harapan. Wala na siyang nagawa kung ‘di ang hayunin ang papunta sa VIP Room number ten. Hindi na siya kumatok. Minsan kasi, sinasanay na rin niya ang sarili na pagbukas niya ng pinto ng VIP Room ay mayroon siyang hindi kaaya-ayang makikita na mga eksena. Kung hindi naglalaplapan ang costumer at babaeng puwedeng i-table sa high end bar na iyon, minsan, mas malala pa ang ginagawa ng mga iyon. Nagbubulag-bulagan na lang talaga siya upang hindi masesante sa trabaho. Doon kasi, kahit paano, mayroon siyang maiipon. Lalo na iyong mga galing sa tip. Kaya nagtitiyaga rin talaga siya roon. Ngunit sa pagbukas ni Krizette ng pinto ay malayo sa inaasahan niya ang maaabutan sa VIP Room na kaniyang pakay. Tahimik sa loob niyon. Soundproof din ang lugar na iyon oras na maisara na ang pinto. Mayroon siyang nakitang lalaki na nakaupo sa mamahaling lounge na nasa mismong gitna ng VIP Room. Pabilog ang style niyon at sa gitna ay ang pinaka-center table. Mag-isa lang ang lalaki roon habang mayroong kausap sa cellphone nito. “How many more times do I have to repeat or tell you that I’m not interested in anyone right now?” anang lalaki na sandali pang huminto sa pagsasalita. Pinakikinggan ang sinasabi ng kausap nito. “Lola, just stop it. Mapapahiya lang sila dahil hindi ko naman sila para pansinin.” Nabosesan ni Krizette kung sino ang lalaki. Walang iba kung ‘di ang lalaking nabunggo niya kanina nang hindi sinasadya. Si Ryzen Salvana. Nag-aalangan tuloy siyang lapitan ito. Paano kung maalala nito ang nangyari kanina? Humigpit ang hawak niya sa bote ng mamahaling red wine. “Lola—” Bumuntong-hininga ang lalaki na hindi naituloy ang sinasabi. “Wala ho akong panahon para sa blind date na ‘yan. Girlfriend? I’m not interested. Please, ‘La, spare me. Sa susunod na lang ho ako dadalaw riyan. Nah. Not this weekend. Alright. Next weekend. I promise. Pupunta po ako. Alright. Bye.” Marahas na bumuntong-hininga ang lalaki matapos ang pakikipag-usap nito sa lola nito. Bakit parang namomoroblema ito? At sa pagkakaunawa niya, parang pinipilit itong makipag-date ng lola nito para magkaroon ng girlfriend. Kung ganoon, single ito? Sa guwapo nito, wala itong karelasyon man lang? Parang hindi niya maiwasan na hindi makapaniwala sa bagay na iyon. “Hindi mo pa ba ‘yan dadalhin dito?” Saka lang nakabawi si Krizette nang bahagya siyang lingunin ng lalaking Ryzen ang pangalan. Alam pala nito na naroon siya. “Sorry, Sir,” magalang niyang wika bago lumapit sa kinaroroonan nito at buong ingat na inilapag sa lamesa ang bote ng red wine. Ang halaga ng alak na iyon, sobra-sobra pa sa kaniyang naiwang utang sa probinsiya. Mabuti pa ang alak na iyon, sobrang laki ng value. Iniwasan niyang tingnan ang lalaki. “Open it.” Dahil sa sinabing iyon ng lalaki kaya napatingin dito si Krizette. “Don’t tell me, hindi ka marunong?” Pero hindi niya iyon trabaho. Naalala niya iyong kalakip na tip sa nabentang alak. Sa huli ay hindi na siya nagreklamo pa. “Marunong po,” magalang niyang tugon bago binuksan ang bote ng red wine gamit ang wine opener. Mabuti na lang at marunong siyang magbukas ng bote ng red wine. Nang mabuksan niya ang bote ng red wine, akmang tatayo na siya nang tuwid nang iumang pa ng lalaki ang wine glass nito. Parte rin siguro iyon ng trabaho sana ni Hazel. Buong ingat na sinalinan niya ng red wine ang wine glass ng lalaki. Libo ang katumbas ng bawat patak ng red wine na iyon. Wala dapat masayang. “May kailangan pa po ba kayo, Sir? Kung wala na, maiwan ko na po muna kayo,” magalang na tanong ni Krizette, nang tumayo na siya, hindi pa rin siya nangahas na tingnan ang lalaki sa mga mata nito. “Iiwan mo ako rito?” kaswal na tanong ng lalaki matapos nitong sumimsim ng alak buhat sa wine glass nito. Umangat pa ang tingin nito kay Krizette. “Hindi ba at kasama sa babayaran kong alak ang serbisyo mo?” Serbisyo niya? “H-ho?” gulat pa niyang bulalas. “Waitress lang po ako rito, Sir. Kung… kung inaasahan ho ninyo na baka t-um-able pa ako sa inyo, nagkakamali po kayo. Hindi ho ‘yon parte ng trabaho ko. Isa pa, pinakisuyuan lang ho ako ng katrabaho ko na siyang magdadala talaga sa inyo nitong alak. Sumakit lang po ang tiyan niya.” Matapos iyong sabihin ni Krizette ay saka lang niya naalala ang sinabi ni Sir Ron na hindi nila dapat ma-offend ang kaharap niyang lalaki ngayon. Ah, Krizette! Patay ka na talaga sa manager mo! Paano kung magsumbong ang VIP costumer ninyo dahil na-offend mo?! hiyaw ng isang bahagi ng kaniyang isipan sa kaniya. Kinabahan bigla si Krizette. “What are you talking about?” salubong ang kilay na wika ng lalaki kay Krizette. “You will pour the wine into my wine glass. That’s all. Also, hindi ako kumukuha ng babae para lang i-table.” “I-I’m sorry po,” aniya na nagbaba ng mukha. Biglang nag-init ang mukha niya dahil sa kahihiyan. “Maupo ka,” utos pa sa kaniya ng lalaki na agad niyang sinunod. Buong akala niya, i-ti-table siya nito. Mabuti na lang at hindi. Mukhang wala rin naman sa hitsura nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD