Galit Katana POV. Nagpasalamat ako ng makabalik sa aking silid na walang nakakakita at wala akong nasasaktan na tauhan. Tahimik ako na natulog sa gabing iyon. Nabulabog lamang ako sa maingay na nagsisigawan. Umayos ako sa pagkakatayo at walang ayos na lumabas sa aking silid. Bumaba ako sa bulwagan ng tahanan ni Lord Jones ay nakita kong nakahilera ang mga tauhan niya. Ang iba ay nakaupo. Hindi ko mabilang kung ilan sila. May pinagpupulungan yata silang importanteng bagay hanggang sa napadpad ang kanilang mga mata sa akin. Natigil ang kanilang usapan at nagsi iwas ang iilan imbes na tingnan ako. Nangunot ang noo ni Lord Jones at nilapitan ako. "P-Pasensya kung ako ay nakakaabala-" "Damn! Why you went out like that?" Hindi ko mawari ang kanyang salita sa akin. Hinawakan niya ang