Sumpa Motana POV. "Gumagawa ako ng paraan upang makita si ina. Si Lord Jones..kilala niya ang mga armadong kumuha kay ina at kakausapin niya raw si Gregor." bigay paalam sa akin ni Katana. "Magkakilala si Gregor at Lord Jones?" takang tanong ko. "Malamang Motana. Kanina ay pumunta kami dito ngunit nakita kitang nasa mangga kaya umatras ako. Hindi pa ako handa sa mga maaaring mangyari kapag malaman nila na may kambal ako.Ayokong ipahamak ka." Ramdam ko ang pag iingat ni Katana maging sa akin. Napaisip ako. "Nag aalala ako sayo Katana. Iniisip ko palang ang hirap mo sa tuwing ikaw ay bumabalik sa totoong pagkatao mo tuwing hating gabi ay naiiyak na ako. " Walang gabi na hindi ko naiisip kung ano ang ginagawa ni Katana tuwing bumabalik siya sa kanyang tunay na anyo. Huminga siya