Motana POV. Lumabas ako ng kotse ni Gregor na mainit ang ulo. Nagtatampo ako ng lubos sa ginawa ni Katana. Hindi niya dapat iyon ginawa. "Motana..sinabi ko na ang totoo sa iyong-" "Manahimik ka!" sinundan pala ako ni Katana. "Motana bakit? Bakit ikaw ay nagagalit? Si Gregor ay pinaalis ko muna dahil gusto pa kitang makausap-" "At kailan mo lang siyang tinawag nang Gregor Katana? Bakit ginawa mo iyon ng walang pahintulot ko? Masaya ka ba sa iyong ginawa?" "Nagseselos ka Motana. Wala kang dapat ikaselos." "Sana nga ay wala Katana.. sana nga mali ang aking nararamdaman. Dahil kailanman ay hindi nagkamali ang aking sapantaha sa aking kambal. Batid mo iyon." malamig kong sinabi at tumalikod papasok sa aking silid. Katana POV. Natulala ako sa sapantaha ng aking kambal. Bakit ganon