Kasuotan Valentina POV. Doon ko nakita ang isang babaeng nakahandusay sa sahig at ginagahasa ng mga lalaki. Ang mga tao nga naman, kapwa tao rin ang pinaglalampastanganan. Sumiklab bigla ang galit. Naalala ko kung bakit ako galit sa mga tao. "Bitawan niyo siya...." sabi ko habang papalapit sa kanila. Bigla silang tumigil. Nakita kong maraming pasa at dugo ang kawawang babaeng pulubi. "Sino ka?! Bakit ka nandito sa teritoryo nami ?! Hindi ka ba natatakot?!" aniya ng isa at papalapit ng papalapit. Tumawa pa ang iba tila minamaliit ako. "Bakit ako matatakot sainyo? Bakit hindi ako ang inyong subukan?" ngumisi ako sa kanila. "Aba! Lumalaban!" "Baka gusto niya rin!" "Ang ganda oh! Tirahin na yan! Naiinggit e!" Ngumisi ako at palapit ng palapit sa kanila hanggang tumama sa akin