SUMAPIT ang araw ng party, nagdesisyon si Erol na samahan si Samantha sa isang salon, dahil para sa kanya, ang pananamit ng babaeng ito ay hindi nararapat pumareha sa binata.
"Turn around," saad ng binata habang nakaupo sa isang cushion sa loob clothes shop.
Umikot naman si Samantha tulad ng utos ni Erol. Umiling ang binata nang hindi magustuhan ang damit. Muling pumasok si Samantha sa loob ng dressing room at sinubukan naman ang iba pang damit.
Sa paglabas ni Samantha, nanlaki ang mga mata ni Erol dahil sa nakita. Nagsimulang mamula ang kanyang pisngi at mariing napalunok.
"Okay na po ba ito, Sir?" tanong ni Samantha.
Hindi makatingin nang diretso si Erol. Hindi niya inakala na magiging ganito kaganda ang babaeng ito. Bumagay kasi sa kanya ang suot na cocktail dress.
"Yes, It's beautiful. Let's go," pag-aya ng binata saka tumayo.
Hindi maintindihan ni Erol kung bakit ganoon ang kinilos niya sa harap ng dalaga. Madalas naman siyang nakakikita ng magagandang babae, ngunit iba ang isang ito para sa kanya. Para bang, mina-magnet ang buo niyang katawan.
Sa paglabas ni Samantha mula sa clothing store, kumunot ang kanyang noo dahil hindi niya nakita ang kotse ni Erol.
“Nasaan ang kotse mo?” tanong niya sa binata na ngayon ay nakahalukipkip.
Tumango lang ang binata at animoy may tinuturo ang mga mata niya. Sinundan naman ni Samantha ang direksyon ng tingin niya. Laking gulat ng dalaga nang makita ang isang luxury car patungo sa kanilang direksyon. Hanggang sa maya-maya lang, tumigil ito sa kanilang harapan.
“Sir, we’re here,” saad ng driver.
Binuksan nito ang pinto at pumasok si Erol sa loob. Nanatiling nakatayo si Samantha dahil hindi pa rin siya makapaniwala sa bagay na nakikita.
“Hindi ka ba papasok?” kunot-noong tanong ni Erol.
“H-Ha? S-Sige,” nauutal namang tugon ni Samantha.
Sa pag-upo ni Samantha sa loob, umikot ang kanyang paningin ssa paligid.
“Bakit naman ditto pa tayo sasakya?” tanong ng dalaga.
“Kailangan kasi nating ipakita sa ex-boyfriend mo na hindi basta-basta ang bago mong boyfriend.”
Natulala si Samantha sa sinabing iyon ni Erol. Pakiramdam niya ay uminit ang kanyang tainga nang marinig ang salitang boyfriend. In her entire life, hindi niya na-imagine na sasakay siya sa isang luxury car kasama ang boyfriend niya.
“Bakit? Hindi mo ba nagustuhan, Sam?” pilyong tanong ni Erol.
Lalong hindi mahanap ni Samantha ang itutugon sa lalaking kaharap niya. Nang makita kasi niya ang matamis na ngiti sa labi ni Erol, pakiramdam niya ay huminto sandal ang t***k ng kanyang puso.
“G-Gusto,” nauutal na tugon ni Samantha, saka umiwas ng tingin sa binata.
MAKALIPAS ang ilang sandal, dumating ang dalawa sa birthday party. Ang mga bisita ay lumingon sa kanila at napahinto sa pagkukuwentuhan. Tila ba, sila pa ang naging star of the night. Binuksan ng driver ang pinto ng kotse, lumabas mula roon si Samantha na siyang nagpagulat sa mga bisita. Nandoon din ang dati niyang kaibigan na si Jade.
“Ate Sam!’ sigaw ni Camile, ang kapatid ni Glen. Agad itong tumakbo patungo sa kinaroroonan ni Samantha.
“Camile, na miss kita,” tugon ni Samantha saka mahigpit na niyakap ang kaibigan.
Sumama si Samantha kay Camile at naglakad papasok sa loob ng restaurant, doon kasi gaganapin ang kaarawan niya.
“Ikaw pala ang bagong boyfriend ni Sam.”
Kumunot ang noo ni Erol nang makarinig siya ng tinig mula sa likuran. Nakita niya ang isang lalaki at sa tingin niya, iyon ang ex-boyfriend ni Samantha.
“Oo. Ako nga,” malamig na tugon ni Erol, saka naglakad papasok at sinundan si Samantha.
Napabuntonghininga na lang si Glen nang makilala na niya ang bagong nobyo ni Samantha. Pakiramdam niya, hindi na talaga sila magkakabalikan pa ng dalaga. Maya-maya lang, isang kamay ang umangkla sa braso ni Glen, dahilan upang mapatingin siya rito.
“What are you doing here?” inis na wika ni Glen nang tapunan niya ng masamang tingin si Jade.
“Nandito ako para maging muse mo,” nakangiting wika ni Jade. Marahas na tinanggal ni Glen ang pagkakahawak sa kanya.
“Shut up, Jade! I didn’t even invite you in this party. Ang kapal din talaga ng mukha mo!”
“Shh… Ingat ka sa pagsasalita, honey. Baka nakakalimutan mong mangyari sa ‘tin.”
“Wala akong pakialam,” inis niyang wika saka nagsimulang lumakad.
“Bakit? Si Samantha pa rin ba ang mahal mo? Si Samantha pa rin ba?”
Dahil sa narinig, tumigil sa paghakbang si Glen, saka muling humarap sa dalaga. Seryoso ang mukha ng binata habang nakatingin ka Jade.
“Oo. Si Samantha pa rin at si Samantha lang.” Pagbibigay diin ni Glen sa mga salitang iyon bago tuluyang lumayo.
Naiwang nakatayo si Jade sa labas ng venue. Sunod-sunod ang pagpatak ng kanyang luha at tuluyan na siyang nawalan ng pag-asa.
“Nagmahal lang ako, hindi ba?” wala sa sariling sambit ni Jade.
Mariin niyang pinunasan ang mga mata, saka huminga nang malalim. Doon niya napagtanto na kahit ginawa na niya ang lahat, wala pa ring nagbago.
NAGSIMULA ang party para sa kaarawan ni Camile. Ang lahat ay nagsaya at sayawan sa gitna ng dancefloor. Dahil kailangang ipakita nina Erol at Samantha na magkasindahan sila, madalas silang magkasama sa dance-floor. Maya-maya lang, nagsimulang magbago ang pinapatugtog na musika. Naging sweet at genre nito, dahilan upang ipakita ng dalawa na sweet sila sa isa’t isa.
“Shall we?” pag-aya ni Erol kay Samantha.
Isang matamis na ngiti ang binigay ni Samantha, saka tinanggap ang kamay ni Erol at sumayaw sila sa gitna. Hinawakan ni Erol ang baywang ni Samantha. Inangkla naman ni Samantha ang kanyang kamay sa batok ni Erol.
Maya-maya lang, dahil sa siksikan ang dance-floor, aksidenteng naitulak ang dalawa, dahilan upang magkalapit ang kanilang katawan.
“Ayos ka lang?” pag-aalalang sambit ni Erol.
“O-Okay lang ako,” tugon naman ng dalaga na halos hindi makatingin nang diretso sa binata.
Nanlaki ang mga mata ni Samantha nang kabigin ni Erol ang kanyang katawan. Ngayon, mas malapit na sila sa isa’t isa.
“Huwag ka nang lumayo sa ‘kin,” bulong ni Erol sa tainga ni Samantha.
Ramdam nila ang init ng hininga ng bawat isa. Maging ang mabilis na t***k ng kanilang puso ay halos naririnig na nila. Bagamat malakas ang musika, pakiramdam ng dalawa ay walang tao sa paligid. Tanging tunog lang ng puso nila ang naririnig.
Ngayon ko lang naramdaman ang bagay na ito. Parang lumulutang ako sa alapaap, saad ni Samantha sa kanyang isip.
Sinandal ni Samantha ang kanyang ulo sa dibdib ni Erol. Marahan niyang pinikit ang mga mata at dinama ang sandaling iyon.
Alam kong nagpapanggap lang kami. Pero… mali ba na sabihin kong, sana totoo na lang ito?
MATAPOS ang isang mahabang gabi sa party, halos hindi nag-uusap ang dalawa sa loob ng sasakyan.
“Dito na lang ako, Sir,” pagpapaalam ni Samantha nang makita na niya ang street kung saan siya bababa.
“Sige, mag-iingat ka,” wika ni Erol.
Halos hindi maputol ang titig ng dalawa sa isa’t isa. Animoy isang oras na silang nagtititigan at walang gusting magpatalo.
“Ms. Samantha, baka matunaw nap o si sir katititig mo,” pagsingit ng driver sa dalawa. Noon lang bumalik sa reyalidad ang isid ng dalaga, saka binawi ang tingin kay Erol.
“S-Sorry po,” napangiwing wika ng dalaga.
Agad na tumakbo si Samantha hanggang sa tuluyan na siyang hindi makita ni Erol. Nang makarating siya sa bahay, mabilis niyang binuksan ang pinto.
“Ay! Diyos ko!” gulat na wika ng nanay niya habang nanonood ng TV. “Anak, bakit naman nanggugulat ka? May humahabol ba sa ‘yo?”
Mabilis na sinara ni Samantha ang pinto, saka sinandal ang likod niya rito. Hinawakan niya ang kanyang puso, dama pa rin niya ang mabilis na t***k nito.
“Anak, naririnig mo ba ko?” muling wika ng nanay ni Samantha.
Ngunit tila walang naririnig si Samantha, tulala itong habang nakangiti. Wala siyang naririnig kung hindi ang sarili at kilig lamang. Naglakad siya patungo sa kwarto.
“Tingnan mo itong batang to, hindi man lang nagsalita. Nabaliw na yata,” iiling-iling na wika na lang ng nanay ni Samantha.
Sa buong gabi na iyon, halos hindi makatulog si Samantha dahil sa nararamdaman. Ang hindi niya alam, maging si Erol ay ganito rin ang nararanasan.
KINABUKASAN, nakangiting pumasok sa opisina ang dalaga.
“Manong bayad po,” saad niya sa taxi driver.
Sa kanyang pagharap, kumunot ang kanyang noo at ang ngiti sa labi niya ay unti-unting nawala. Nakatayo sa harapan niya ang babaeng si Jade – ang kinamumuhian niya.
“Hi, good morning. Pwede ba kitang makausap?” tanong ni Jade.
“Kung sabihin kong hindi? May magagawa ka ba?” inis na wika ni Samantha. “Tabi nga d’yan. Baka ma-late pa ko dahil sa ‘yo.” Binangga ni Samantha ang balikat niya kay Jade, saka naglakad.
“Tungkol sana to sa nangyari sa amin ni Glen. Ang totoo, wala siyang alam doon.”
Natigilan sa paghakbang si Samantha. Kumunot ang kanyang noo nang marinig ang bagay na ito, saka siya marahang humarap.
“Maniwala ka, Sam. Ako, ako ang nagplano ng lahat ng iyon. Ginawa ko ‘yon kasi mahal ko si Glen. Ginawa ko ‘yon kasi akala ko mamahalin niya rin ako. Pero nagkamali ako,” sunod-sunod na paliwanag ni Jade.
“Bakit sinasabi mo sa ‘kin ngayon ang mga bagay na ‘yan?”
“Dahil gusto kong maging masaya si Glen at sa tingin ko, sa ‘yo niya lang mararamdaman ang kasiyahang iyon,” naiiyak na saad ni Jade.
Hindi malaman ni Samantha kung ano ang gagawin. Nakatingin lamang siya kay Jade habang nababakas ang pagkalito sa kanyang mukha.
“Stop it! Huwag mo akong pinagloloko,” ini na wika ni Samantha, saka dumiretso ng lakad papasok sa gusali.
Hindi na siya muling lumingon pa. Subalit may kung ano sa loob niya ang nais malaman ang panig ng ex-boyfriend niya. Hindi dahil mahal pa rin niya si Glen, kung hindi dahil nais na niyang mag-move on sa mga ito.
“Good morning.”
Nagulat si Samantha nang makita niya si Erol sa pagbukas niya ng pinto.
“S-Sir, ang aga nyo,” pagtatakang tanong ni Samantha.
“Yes. Gusto ko kasing sumabay mag-breakfast sa ‘yo,” masayang pag-aya ni Erol.
Hindi naman mapigilan ni Samantha ang pagngiti. Kahit may baon na pagkain ang dalaga, nagdesisyon pa rin siyang sumabay kay Erol at nagtungo sa excecutive lounge. Nag-order si Erol ng pagkain para sa kanila, ngunit tila napasobra pa ito.
“Erol, ang dami naman ng breakfast na to.”
Napapakamot na lang ng ulo si Samantha dahil sa nakikita.
“It’s okay, It’s all for you.”
“For me? Hindi ko yata kayang ubusin to. Kape at tinapay nga lang ayos na sa ‘kin.”
Yumuko si Erol na animoy nalungkot. Agad naman itong napansin ng dalaga.
“Naku! Sabi ko nga, eh. Kulang pa to. Dagdagan mo pa kaya?” natatawang wika ni Samantha.
Sa kalagitnaan ng kanilang pagkain, hindi maiwasan ni Erol na mgatanong sa dalaga.
“Sam, nakita kita kanina at may kausap kang babae. If I’m not mistaken, is that the gir—“
“Oo. Tama ka ng iniisip,” pagputol ni Samantha sa sasabihin ni Erol, saka sumubo ng pancake.
“If you don’t mind, a-anong sinabi niya?”
Natigilan si Samantha sa pagsubo. Marahan niyang binaba ang tinidor at tumingin kay Erol.
“Sabi ng babaeng ‘yon, wala raw kasalanan si Glen sa mga nangyari.”
“And you believe?”
Hindi makatugon si Samantha, may kung ano kasi sa kanyang puso ang tila nagsasabing nais niyang paniwalaan ang dating kaibigan. Mariing kinuyom ni Erol ang kanyang kamay sa hawak niyang kutsara.
“Do you still love him?” out of topic na pagsingit ni Erol.
“It’s not that I still love him. Pero kasi—“
“Busog na ko.”
Mabilis na tumayo si Erol. Hindi na nito tinapos ang pagkain at iniwan si Samantha sa loob ng executive lounge.
“Tingnan mo ‘yong lalaking ‘yon. Parang babae, ang lakas ng topak.”
Sa pagbalik ni Samantha sa opisina, naabutan niya roon si Erol. Tahimik lang ang binata habang abala sa trabaho. Hindi malaman ni Samantha kung ano ang nagawa niya at naging badmood ang boss niya. Hanggang sa maya-maya lang, tumunog ang kanyang cellphone at agad niya itong tiningnan. Kumunot ang noo ni Samantha nang makita angb pangalan ni Glen. Huminga siya nang malalim bago ito sagutin.
“Hello, Glen?” wika ni Samantha na siya namang narinig ni Erol, kaya nagpanting ang tainga nito.
Napansin ni Samantha na wala sa mood ang boss niya kaya lumabas siya ng opisina. Doon niya sinagot ang tawag.
“Hello? Bakit napatawag ka?”
“Sam, sinabi sa ‘kin ni Jade ang ginawa niya. Pinagtapat na raw niya sa ‘yo ang lahat?” sunod-sunod na tanong ni Glen kay Samantha.
“Listen, Glen. Sige, bibigyan kita ng chance upang sabihin sa akin ang lahat. But don’t expect anything in return,” matapang na wika ni Samantha.
Nagdesisyon si Samantha na makipagkita kay Glen after office. Lingid sa kanyang kaalaman, narinig pala ni Erol ang usapan nilang dalawa.
Pakiramdam ni Erol ay mahal pa ni Samantha ang dating nobya at siya naman, unti-unti nang nahuhulog sa dalaga. Hindi gusto ng binata ang kanyang nararamdaman. Alam niyang masasaktan lang siya dahil heto na naman ang puso niya, muli na namang tumibok sa babaeng hindi sa kanya.
MATAPOS ang mahabang araw sa opisina, walang ganang binagsak ni Erol ang kanyang katawan sa swivel chair niya. Nagpaalam na kasi si Samantha na may pupuntahan. Hindi na ito tinanong ni Erol dahil alam naman na niya.
Marahang kinuha ni Erol ang cellphone sa kanyang bulsa, saka tinawagan ang kaibigang si Marvin.
“Bro, pumunta ka rito. Ngayon na.”
“Batas k aba, bro? Alam mong may—“
Hindi na tinapos ni Erol ang sasabihin ng kaibigan, agad na niya itong pinatayan ng telepono. Sinandal niyang muli ang likod sa swivelchair saka hinilot ang sentido.
Ilang minute lang ang nakalipas, dumating si Marvin sa opisina. Napangisi si Erol dahil tulad ng dati, hindi naman tagala siya nahihindian ng kaibigan niyang iyon.
“Ano na namang problema mo, Erol? Kung tungkol na naman sa panty ang sasabihin mo, pwes! hindi ako interesado,” sarkastikong wika ng kaibigan, saka umupo sa upuan na nasa harapan ng table ni Erol.
“It’s not about that.”
“Oh! Ano nga ang sasabihin mo?”
“Gusto kong magpalipat ng branch. I want to be deploy in Europe,” diretsong saad ni Erol.
“Ha? Europe? Alam mob a kung gaano kalayo iyon?” gulat na tanong ni Marvin.
“Oo, alam ko. Kasi kung mananatili pa ko rito sa Pilipinas, masasaktan lang akong muli.”
Sandaling natahimik si Marvin. Tila may ideya na siya kung ano ang pinupunto ng kaibigan.
“Sinasabi ko na nga ba, eh. Kahit anong gawin mong paikot-ikot sa kuwento, tungkol pa rin to sa panty.”
Kumunot ang noo ni Erol dahil sa sinabing iyon ng kaibigan.
“Ha? What are you talking about?” naiinis na wika ni Erol.
“Yung may-ari ng panty, type mo na, ano?” Mariing napalunok si Erol at hindi nakapagsalita. “Sabi ko na, eh. Nagayuma ka na ng panty na ‘yun. Inamoy mob a nang ilang beses ‘yun kaya ka na fall?”
Malakas na binatukan ni Erol ang kaibigan dahil sa matabil nitong dila.
“Aray!” reklamo ng kaibigan.
“Siraulo! Bakit ko naman gagawin ‘yon? Pero at some point, you’re right.”
“What? So inamoy mo nga?” gulat na gulat na sambit ni Marvin. “Aray!.” Muling pagdaing niya nang batukan siyang muli ni Erol.
“Hindi ‘yon! I guessed I’ve fallen for her,” seryosong saad ni Erol.
“Oh! ‘yun naman pala, eh. Bakit kailangan mo pang mag-abroad?” sabat naman ni Marvin habang hawak ang ulo niyang sumasakit.
“It’s because, she love someone else,” malungkot na wika ni Erol.
“Ay! Ayon lanng. Malaking problema nga iyan, brad.”
“So, what do you think?”
“I think you’re right. If that is the situation, kailangan mo ngang umiwas. Pero sandal, nasabi mo na ba sa kanya?”
Mapait na ngumiti si Erol, saka impit na natawa.
“Para saan pa? Para mailto siya? Para maging awkward kami sa isa’t isa?”
“Kung sa bagay, may point ka,” pagsang-ayon na lang ng kaibigan.
Sabay na napabuntonghininga ang dalawa. Maya-maya lang, walang sinayang na sandal si Erol. Agad siyang nag-book ng flight patungo sa Europe. May branch kasi ng TP Corporation doon. Nagpaalam na rin siya sa presidente ng kompanya at napatawad na rin niya si Clarise dahil sa panloloko nito.
Sa ngayon, walang ibang nais si Erol kung hindi ang lumayo.