SAMANTALA, malalim na nag-usap sina Samantha at Glen sa isang restaurant. Sinabi ni Glen kay Samantha ang lahat ng nangyari, na tulad ng sinabi ni Jade, set-up lang ang lahat ng ito at wala siyang alam doon.
“Naniniwala ka na ba ngayon, Sam?” pakiusap ni Glen sa dalaga.
Hinawakan ni Glen ang kamay ni Sam. Tiningnan ni Samantha ang kamay ni Glen, hindi na niya nararamdaman ang pagmamahal na nasa puso niya noon, tuluyan na nga talagang nawala ang pag-ibig niya sa binata.
Marahang binawi ni Samantha ang kamay niya, saka mapait na ngumiti.
“Naniniwala na ako, Glen,” sinserong tugon ni Samantha.
“Kung ganoon. Bibigyan mo ako ng isa pang chance? ‘Yung kasama mo kagabi, ‘yung CEO ng TP Corporation, pinagpanggap mo lang siya para pagselosin ako, hindi ba?” nakangiting wika ni Glen na animoy nagkaroon ng lakas ng loob.
“Marahil nga ay totoo ang sinabi mo, Glen. Noong una ay nagpanggap nga lang kami, pero kasi…”
“Pero ano?”
“Mahal ko na siya.”
Natigilan si Glen sa sinabi ni Samantha. Nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa gulat. Buong akala niya ay mahal pa rin siya ng dalaga, ngunit hindi niya akalaing, may ibang laman na pala ang puso nito.
“K-Kung ganoon, hindi na ako?” malungkot na tanong ni Glen.
Yumuko si Samantha at hindi makatingin nang diretso.
“I’m soryy, Glen,” saad ni Samantha.
“I-It’s okay, ano ka ba? Masaya ako para sa ‘yo, Sam. Alam kong mahal ka rin ng taong ‘yon. Sigurado ako diyan.” mapait na ngiti ni Glen.
Matapos ang pag-uusap na iyon, hinatid ni Glen si Samantha sa kanilang bahay. Sinigurado ng binata na ito na ang huli niyang pagkikita. Mabigat man sa loob niya, ang mahalaga ay nagawa na niyang linisin ang pangalan at napatawad na rin siya ng dating nobya.
KINABUKASAN, dahil tinanghali ng gising, na-late pumasok si Samantha sa opisina. Nang makarating siya sa gusali ng kompanya, agad siyang sumakay sa elevator at dumiretso sa opisina.
“Sir, sorry late ako—“ Natigilan si Samantha nang makitang walang tao sa loob ng opisina. Alas-nueve na ngunit wala pa rin si Erol. “Nasaan ang lalaking ‘yon?” wika ni Samantha sa kawalan. Kumunot ang kanyang noo nang mapansing wala rin doon ang laptop.
Binaba ni Samantha ang bag niya at binalewala lang ang paligid, bakakasi late lang ang boss niya. Maya-maya lang, bumukas ang pinto ng opisina.
“Sir, Erol!” masiglang pagbati ni Samantha. Subalit unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang labi nang makitang hindi ito si Erol.
“Disappointed?” saad ni Marvin na ngayon ay kapapasok lang sa loob.
“H-Hindi po. Kasi…”
“Akala mo ako si Erol? Ako nga pala si Marvin, friend niya,” pakilala ni Marvin. Lumakad ito ang umupo sa sofa. Nilibot ng binata ang kanyang paningin bago muling bumalik kay Samantha ang tingin na iyon.
“Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo, Sir Marvin?” alok ni Samantha.
“Ah! Wala naman. Nandito kasi ako para itanong sa ‘yo kung may gusto k aba sa kaibigan ko?” diretsong tanong ni Marvin.
“H-Ho?”
“I mean. Ayokong makialam pero ito kasing kaibigan ko, medyo tanga ‘yan, eh. Gusto ko lang makatulong,” paliwang niya.
Tila hindi mahanap ni Samantha ang isasagot sa binata. Nilaro niya ang daliri at yumuko.
“K-Kasi… I guessed so?” hindi tiyak na tugon ni Samantha.
“Huwag ka nan gang pabebe. Okay, Erol likes you so much. Inamin niya iyon sa akin. At kaya wala siya ngayon dito ay dahil nasa airport siya ngayon. Nagpalipat siya ng branch dahil gusto niyang umiwas sa ‘yo. He thought that you still like your ex, so he decided to move away, gets?” sunod-sunod na paliwanag ni Marvin.
Nanlaki ang mga mata ni Samantha nang malaman ang bagay na ito. Erol love’s her but he didn’t know that Samantha loves him too. Lahat ng bagay na ito ay misunderstanding at ang tunay na nagmamahalan ay silang dalawa.
Agad na kinuha ni Samantha ang bag niya, saka akmang lalabas ng office.
“Saan ka pupunta?” natatawang tanong ni Marvin.
“Kailangan ko siyang mapigilan. Kailangan kong sabihin na mahal ko siya!” sigaw ni Samantha.
“Oh! Eh ‘di, lumabas din ang totoo,” sarkastikong wika ng lalaki. “Ayan, sumabay ka na sa ‘kin.”
Isang helmet ang binigay ni Marvin kay Samantha. Agad na lumabas ang dalawa. Sumakay si Samantha sa motor ni Marvin dahil ito ang mas mabilis na paraan upang makarating sila sa airport.
Makalipas ang ilang minuto, nakarating sila sa paroroonan. Mabilis na tinanggal ni Samantha ang helmet na suot niya. Kahit magulo pa ang buhok, agad siyang tumakbo papasok sa loob.
“Ma’am, passengers area nap o ito,” pagpigil ng guard sa kanya.
“Boss, kailangan ko lang pong makita ‘yung boyfriend ko,” sambit ni Samantha kahit na ang totoo, hindi naman niya boyfriend si Erol.
“Paensya na talaga, ma’am… Ma’am!” Malakas na sumigaw ang guard nang magpumilit na pumasok si Samantha sa loob.
Agad na tumakbo ang dalaga. Lumingon-lingon siya sa paligid ngunit dahil sa malawak ito, hindi niya makita si Erol. Nagsimulang pumatak ang luha sa kanyang mga mata. Pakiramdam niya ay wala nang pag-asang masabi niya kay Erol ang nararamdaman.
“Erol, mahal kita!” Kahit walang katiyakan, malakas na sumigaw si Samantha. Pinagtitinginan man siya ng mga tao, wala na siyang pakialam. “Please, huwag kang umalis! Ayoko nang maiwan ulit! Ayoko nang masaktan ulit. Please, ‘wag mo kong iwan…”
Sunod-sunod ang pagluha ni Samantha. Tila nawalan ng lakas ag tuhod niya matapos isigaw ang mga bagay na iyon. Unti-unti siyang napaluhod sa sakit. Iniisip niya na marahil ay wala na talaga, wala na talagang chance na masabi niya kay Erol ang nararamdaman niya.
“Totoo ba ‘yan?”
Nanlaki ang mga mata ni Samantha nang marinig ang isang tinig mula sa kanyang likuran.
“E-Erol?” nasambit ng dalaga.
Agad siyang lumingon at nakita si Erol na naglalakad palapit sa kanya. Tila nag-slowmotion ang paligid. Wala siyang nakikitang tao kung hindi ang lalaking ito lang. Maya-maya lang, tuluyang nakalapit sa kanya si Erol. Lumuhod nito sa harapan ng dalaga at nagbigay ng matamis na ngiti.
“Mahal din kita, Samantha,” tugon ni Erol sa lahat ng sinabi ng dalaga.
Agad na yumakap nang mahigpit si Samantha kay Erol. Nagpalakpakan naman ang mga taong tila nanood ng teleserye dahil sa eksena ng dalawa.
Dahil sa pangyayaring iyon, hindi na natuloy sa pag-alis si Erol at pumasok ang dalawa sa isang relasyon. King minsan, hindi naiiwasan na magkaroon sila ng alitan, ngunit mas madalas silang masaya sa piling ng isa’t isa.
Makalipas ang dalawang taon, nagdesiyon silang magpakasal at bumuo ng pamilya.