Chapter Two

1237 Words
SINALUBONG si Carmina ng madilim at tahimik na paligid nang humakbang siya mula sa pinagkukublihang pulang kurtina paakyat sa ibabaw ng stage. Tinungo niya ang gitnang parte ng entablado at agad na tumalikod sa mga tao. Nirinig pa niya ang ilang bulong-bulungan at mahihinang tawanan sa paligid. May ilan pang sinisipulan siya at tila ba sinasabing, sexy! Nagbuga siya ng malalim na hangin bago pumikit nang mariin. "Para kay nanay, Carmina! Gawin mo ito para kay nanay!" paulit-ulit niyang binulong sa sarili. Makalipas lamang ang ilang sandali ay bumukas na ang bilugang ilaw mula sa itaas at tumutok sa kinatatayuan niya. Kasabay nito ang pagsalang ng maharot na tugtog na maririnig sa buong paligid. Hudyat iyon para magsimula na siya. Inumpisahan niyang igalaw ang katawan. Sumabay sa bawat bagsak ng maharot na musika ang kaniyang puwetan. Nag-umpisa na rin ang malakas na hiyawan ng mga kalalakihan. Dahan-dahan siyang gumiling habang nakahawak ang dalawang kamay sa pagitan ng mga hita, naging dahilan iyon upang lalong lumakas ang hiyawan ng mga lalaki sa loob ng Dos Por Dos Nightclub. Tila hindi isang ordinaryong babae ang nasa itaas ng entablado at nagsasayaw, iyon ang iniisip ng ilan sa mga lalaking nakatitig sa magandang dilag. Napakaganda nito kung ikukumpara sa ibang dancer at bayarang babae sa club na iyon kahit pa nga sabihing nakatalikod pa rin ito mula sa kanila at hindi pa nakikita ang mukha. Nasisiguro nilang mala-diyosa ang ganda ng dalaga. Ang ilan pa sa mga laaki ay tila mga asong-ulol na halos maglaway na habang nakatitig sa babaeng nasa entablado. Malamlam ang ilaw ng paligid, mausok at maingay, ngunit hindi niyon nabawasan ang kagandahang taglay ng babaeng nagsasayaw. Marahang humakbang si Carmina sa kahabaan ng stage at nang marating ang dulo'y muli siyang tumalikod sa mga tao. Buong oras ay nakasunod lamang sa kaniya ang bilog na ilaw. Nakaramdamann naman ng pagkadismaya ang mga lalaki nang mapansing nakasuot ng pulang maskara ang babae. Ngunit agad iyong napawi nang unti-unti niyang hubarin ang suot na malaki at kulay puting kamiseta. Tumambad sa lahat ng naroon ang maganda niyang kurba, ang makinis at mapuputi niyang kutis na tila isang porselana. Hanggang sa dahan-dahan siyang humarap sa lahat. Pinilit niyang ibaling sa kawalan ang tingin dahil naaasiwa siya sa ginagawang pagsasayaw sa harap ng maraming lalaki habang nakasuot lamang ng kulay pulang lace bra at pulang thong. Inisip na lamang niya na mas malala pa ang gagawin niya mamaya oras na nakahanap na siya ng lalaking magbibigay sa kaniya ng malaking halaga. Nilunok na lamang niya ang kahihiyan at mas pinag-igi pa ang pagsasayaw. Pasalamat na lang din siya dahil pinayagan siya ng manager ng club na magsuot ng maskara. Pinagbigyan nito ang hiling ng Ninang Betla niya sa kadahilanang masiyado pa raw siyang bata para ipakita sa lahat ang kaniyang mukha. Isang mariin na paglunok ang kaniyang ginawa bago humugot ng malalim na hangin. Pagkatapos ay dahan-dahang hinagod ang malulusog na dibdib, pababa sa bilugan niyangg balakang hanggang sa pagitan ng kaniyang mga binti. Lalo pang lumakas ang palakpakan ng mga tao at ganoon na lang ang gulat niya nang paulanan siya ng mga ito ng pera. Lumipad ang tig-iisang libo sa entablado. Sandali pa siyang natigilan sa labis na gulat, ngunit agad ring nakabawi at nagpatuloy sa pagsasayaw. LUMUNOK si Carmina bago muling tinitigan ang sarili sa malaking salamin ng dressing room kung nasaan siya. Niyakap niya ang sarili nang maramdaman ang lamig na nanunuot sa balat niya. Nakasuot siya ng playboy bunny uniform, ang uniporme ng mga babaeng waitress sa club na iyon. Dahil sa pagsasayaw, nakalikom siya ng halos sampung libong piso. Ngunit hindi naman sasapat iyon sa halagang kailangan niya para sa pagpapagamot sa nanay niya. Malayong-malayo pa sa tunay na halagang kailangan niya. At para makuha ang sampung libo na iyon, kailangan pa niyang mag-serve ng drinks sa mga lalaking nasa labas. Balak na rin niyang gawin ang plano mamaya. Palihim siyang maghahanap ng lalaking makapagbibigay sa kaniya ng malaking pera, at dapat hindi iyon malaman ng Ninang Betla niya. Paniguradong magagalit ito at baka isumbong pa siya sa ina. Natigilan siya sa malalim na pag-iisip nang biglang bumukas ang pinto ng dressing room at iniluwa niyon ang babaeng may balingkinitan ang katawan at katamtaman ang taas, si Miss Teresse, ang manager ng Dos Por Dos nightclub. Mula sa sariling repleksiyon sa salamin ay mabilis siyang humarap sa babae upang salubungin ito. "Ano pang hinihintay mo riyan? Pasko? Walang mangyayari sa iyo kung tutunganga ka lang! Tandaan mo, kung hindi ka magpapa-table, pagsilbihan mo ang mga customer nang maayos!" mariing uto nito nang mapansing nakatulala siya. Naniningkit ang mga mata at magkasalubong ang mga kilay habang nakatitig sa kaniya. Mabilis siyang tumango sa babaeng sa tantiya niya ay nasa tatlumpu ang edad. Agad rin siyang lumabas ng dressing room upang makaiwas sa matalim nitong mga titig. Dali-daling niyang tinungo ang bar counter upang kunin ang mga inuming kailangan niyang i-serve. Pagdating doon ay mabilis siyang binigyan ng drinks ng bartender. Huminga siya nang malalim at kinuha ang black tray na pinaglalagyan ng mga alak. Maagap niya itong hinawakan at may pag-iingat na dinala sa dalawang kamay. Naalala niya ang sinabi ng babaeng manager bago siya nito tinanggap kanina. Mariin siyang binilinan nito na ingatan ang mga baso at alak dahil kukulangin ang buong gabing suweldo nila sa presiyo ng alak na sini-serve ng club sa mga high end customers nito. Ganoon kamahal ang mga alak na hawak niya kaya ingat na ingat siya sa pagdadala ng mga ito. Muli siyang lumunok at iginala ang paningin sa buong paligid. Iba't ibang klase ng mga lalaki ang nakikita niya. May mga nakasuot ng business attires and suits, may ilan namang naka-pants at leather jacket lamang, ngunit mahahalata mo sa kilos at pananalita ng mga ito na mayayaman sila. Karamihan sa mga lalaking naroon ay matatanda na habang ang iilan naman ay parang mga goon na nakikita lang niya sa mga pelikula. "Ano ba, Carmina? Hindi ito ang oras para dagain iyang dibdib mo! Umayos ka!" pabulong niyang sermon sa sarili. Nagbuga siya ng malalim na hangin upang kahit papaano ay mabawasan ang bigat ng sariling dibdib. Luminga-linga muna siya sa paligid upang hanapin ang Ninang Betla niya, nang masiguradong wala ito ay pilit siyang ngumiti sa mga lalaking nakatingin sa kaniya at nagpapakita ng interest. Pagkatapos niyon ay nagsimula na siyang humakbang. Hindi kalayuan mula sa kung nasaan siya ay natanaw niya ang isang lalaking mariin ang pagkakatitig sa kaniya. Agad na nagtagpo ang mga mata nila at sumilay ang isang ngiti mula sa mga labi nito. Sa palagay niya ay nasa early forties ang lalaki, mukhang mayaman, base na rin sa suot nitong dark green suit na halatang mahal ang pagkakabili. Marami ring babae ang nakapaligid rito. Sandali siyang nag-isip kung ano ang gagawin. Nang makabuo ng desisiyon sa isip ay pilit siyang ngumiti sa lalaki. Lalapitan niya ito at aalukin ng maiinom upang makausap. Kapag nagpakita ito ng interest na maikama siya, agad niyang sasabihin dito ang kasunduan niya. Hahakbang na sana siya para lapitan ang lalaki nang bigla siyang mawalan ng balanse dahil natapilok ang isa niyang paa. Naging dahilan iyon upang matapon ang dala niyang mga alak at sumubsob siya sa dibdib ng lalaking nakaupo sa mesa malapit sa kinatatayuan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD