Chapter Three

1479 Words
"ANAK ng tokwa naman, o!" mahina niyang mura habang nakadantay ang dalawang palad sa malapad na dibdib ng lalaking maagap na nakahawak sa mga braso niya. Mabuti na lamang dahil mabilis siya nitong nasalo kaya hindi siya tuluyang sumadsad sa semento. Ngunit nang maalala niya ang mga alak na hawak kanina ay mabilis na nanlaki ang mga mata niya. Natapon na ang lahat ng iyon! Biglang sumagi sa isip niya ang galit na mukha ng manager nila. Dahil doon ay mabilis siyang nag-angat ng tingin ngunit agad ring natigila nang makita ang suot ng lalaki sa harap niya. Bumungad sa kaniya ang white dress shirt nitong natapunan din ng alak at ngayo'y basang-basa na. Nakaramdam siya ng matinding pag-aalala. Ang malas naman niya! Paano na lang kung pagbayarin pa siya nito? "P-pasensiya na po! Pasensiya na po talaga, sir!" paghingi niya ng tawad at paulit-ulit na nagyuko ng ulo. Pinilit niyang tumayo at inalalayan naman siya ng lalaki. Dahan-dahan siyang nag-angat ng mukha rito at kahit na sa malamlam na ilaw ng paligid, hindi niya naiwasang hindi humanga sa nanghihipnotismong kulay tsokolateng mga mata ng lalaki. Napalunok pa siya nang makita ang pagtaas ng isang sulok ng mamula-mula nitong mga labi. Bigla niyang naramdaman ang pagbilis ng t***k ng kaniyang puso. Napansin niya ang biglang pagsilay ng ngiti mula sa mga labi nito. Tila nasisiyahan sa nakikitang reaksiyon niya. Paano ba naman, natameme siya na parang isang loka-loka! "Are you okay?" tanong nito mula sa malamig at malalim na boses. Sh*t! Kahit ang boses nito ay parang musika sa kaniyang pandinig. Tila na-estatwa siya sa kinatatayuan habang nakatitig sa guwapong mukha ng lalaki. Pakiramdam niya ay nakaharap siya sa telebisyon at nanonood ng palabas sa Hollywood na may mala-adonis na bidang lalaki. Nakatulala siya at bahagyang nakaawang ang bibig nang tanguan niya ang tanong ng binata. Patuloy siya sa pagtitig sa magaganda nitong mga mata na may mahahabang pilit-mata. Pagdating sa pagandahan ay tinalo pa siya nito. Naisip niyang may lahi siguro ang lalaking nasa harap niya nang mga sandaling iyon. Ang mga mata nito ay hindi tulad sa mata ng mga tambay na lalaki sa lugar nila, pati ang makakapal nitong mga kilay. Hula tuloy niya ay may lahi itong arabo, pero hindi nga lang mukhang arabo. Ang gaganda kasi ng mga mata nito. Bumagay rin sa guwapo nitong mukha ang ilang balbas na tila nagsisimula pa lang tumubo. "S-sir, pasensiya na kayo... i-iyong damit n'yo," nagawa niyang sabihin kahit na nakatuon pa rin ang paningin niya sa mukha ng lalaki. Kahit ang mga natapong alak ay nawala na rin sa isip niya. Masiyadong inuukyupa ng guwapo nitong mukha ang isipan niya. Lumapad naman ang ngiti sa mga labi ng binata at sumilay ang dalawang dimples sa magkabila nitong pisngi. Sh*t! May dimples din ito! Gusto niyang mailing sa kaguwapuhan nito. Nakita niya ang pagbuka ng bibig ng lalaki tanda na may sasabihin ito, ngunit bago pa man ito makapagsalita ay bigla nilang narinig ang galit na boses ni Teresse. Napalingon siya sa pinanggagalingan ng babae at nakita itong papalapit sa kanila habang mariin na magkasalubong ang dalawang kilay. "Ano'ng ginawa mo, Luningning? Diyos ko naman! Ang mahal-mahal ng mga alak na iyan at pati na ang mga baso! Hindi ka man lang nag-ingat! Tatanga-tanga ka kasi!" galit nitong sermon bago siya inirapan at binaling sa lalaki ang atensiyon. "I'm very sorry, Master Arellano. Bago lang siya at wala pang proper training. Please, order whatever drink you want. It's on the club, master." Kumunot ang noo niya sa narinig. Nagtataka siya kung bakit master ang tawag ng babaeng manager sa lalaki, pero nang muli siyang sulyapan ng babae na may nakapapasong mga tingin ay mabilis siyang nagyuko ng ulo. Mahinang tumawa ang binata. "It's okay," saad nito bago binaling ang tingin sa kaniya. Napakurap-kurap naman siya nang muling magtaas ng tingin at magtagpo ang mga mga mata nila. Nginitian siya nito, bagay na nagpabilis ng t***k sa kaniyang puso. "Charge everything on me, Terrese. The alcohol, the snifter glasses, and a whole night with... Luningning?" Namilog ang mga mata niya sa huling parte ng sinabi nito. Mabilis siyang bumaling sa manager nila na ngayon ay tulala rin habang nakatitig sa lalaki. Napakurap ito ng ilang beses bago binaling ang tingin sa kaniya. "M-Master Arellano, I-I'm so sorry but she's just a dancer. Hindi siya lumalabas—" "I'll triple the price." Halos mahulog ang panga niya sa narinig. Ganoon na rin ang manager nilang si Terrese na nakatingin pa rin sa mukha ng lalaking isa sa tatlong negosiyante na malakas magpasok ng malaking pera sa club nila. Mabilis siyang nilingon ni Teresse. Ang Ninang Betla niya na matalik nitong kaibigan ang nagpasok sa kaniya kaya kahit na wala siyang proper training para maging dancer or hostess sa club ay napilitan itong papasukin siya. Kaya naman nagdadalawang-isip ito ngayon sa gagawin. Bago siya sumayaw sa entablado ay nakiusap muli rito ang Ninang Betla niya na huwag siyang ipagalaw sa mga lalaki. Paniguradong magagalit si Betla kapag pinayagan siya nitong lumabas. Inaamin ni Teresse na maganda siya at nasisiguro nitong marami ang mga lalaking magkaiinteres sa kaniya kaya pumayag na rin itong tanggapin siya, pero hindi nito inaasahan na isa sa tatlong Trios ang mabibighani ng ganda niya. Binabalak ni Teresse na kausapin siya o pilitin na pumayag na sumama sa lalaki. Once in a blue moon lang ang Trios kung maglabas ng babae at hindi bibiro ang binabayad ng mga ito sa club sa tuwing gagawin iyon. Pero heto ang isa sa tatlo at nag-aalok na magbayad ng triple—malabas lamang ang isang dancer. Malaking pera na iyon para sa club nila. Ibubuka na sana ni Teresse ang bibig upang kausapin ang siya nang bigla siyang magsalita. "Pumapayag ako!" diretso niyang pahayag. Napalunok siya nang makita ang pagsilay ng ngiti mula sa mga labi ng binata. Sandali itong may kinuha sa sariling bulsa at inilabas ang isang kulay itim na leathered wallet. Matapos kunin sa loob ang isang black card ay inabot nito iyon sa babaeng manager. Narinig naman niyang nagpasalamat si Teresse rito bago nito tinanggap ang card. Naiwan silang dalawa ng lalaki nang sandaling magpaalam si Teresse. Muli siyang nagbaba ng tingin habang hinihintay ang susunod na mangyayari. Hindi niya alam kung ano ang gagawin o ano ang sasabihin. Wala siya ideya kung paano maging pokpok at unang beses niya iyong gagawin kaya mas pinili na lamang niya ang manahimik habang hinihintay ang pagbalik ni Teresse. Muli siyang lumunok at piniling luminga sa paligid upang iwasan ang mga tingin ng lalaki. Hindi niya kayang salubungin ang nakapapasong titig nito dahil iba ang dulot niyon sa kaniya. Ganoon na lang ang pagtataka niya nang makitang nasa kanilang dalawa ang atensiyon ng halos lahat ng taong naroon. Malikot ang iba't ibang kulay ng ilaw sa paligid, ngunit malinaw niyang nakikita ang ilang mga taong nagbubulungang habang sa kanila ang tingin. Particular na ang mga babaeng kagaya niya, dancer, hostess, at mga prostitute. Nagsimulang lumitaw ang mga gitla sa noo niya habang yakap ang sarili. Mali ba ang desisiyon niya? Maling tao ba ang napili niya? Alam niyang walang maganda sa mga nangyayari, ngunit kahit papaano ay gusto niyang magpasalamat dahil hindi siya babagsak sa mukhang goon o kaya ay sa matandang hukluban. At least, kahit pa sabihing ibinenta niya ang p********e, ay masasabi niyang sa maayos na lalaki niya ito ibinigay. Ngunit bakit parang may kakaiba sa tingin ng mga tao sa paligid niya? Napaisip siya, hindi kaya mamamatay tao ang lalaking nasa kaniyang tabi? Natigil lamang siya sa malalim na pag-iisip nang muling magbalik si Teresse. "Here, Master," anito at inabot sa lalaki ang black card nito. "Master Arellano, I just want to warn you. Bago lang siya sa amin, hindi namin napa-test kung mayroon ba o wala siyang sakit. Hindi namin alam ang background niya at—" "It's fine, Teresse," putol ng lalaki sa sinasabi nito. Hindi inaalis ang tingin sa kaniya. Bahagya naman siyang nakaramdam ng insulto. Iniisip ba ng manager nila na may nakahahawa siyang sakit o kaya naman ay may ketong kaya ganoon na lamang ito kung magsalita? Sinamaan niya ng tingin ang babae. Gusto niya itong sagutin. Kung wala lang talaga siya sa sitwasiyon na kailangang-kailangan niya ng pera ay hindi niya ito pagtitiisan. Tumango naman ang lalaki sa babaeng manager bago hinubad ang suot nitong suit jacket at ipinasuot sa kaniya. Napaigtad pa siya nang lumapat ang palad nito sa kaniyang balat. Parang siyang napapaso na ewan. Mataman ang tinging pinanood sila ni Teresse. Nang mag-umpisa silang humakbang at nadaanan niya ang babae ay narinig pa niya ang bulong nito. "Serve him well," mariin nitong utos bago siya tuluyang iginiya ng lalaki patungo sa exit ng club.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD