bc

Doc, I'm in Love

book_age18+
6
FOLLOW
1K
READ
HE
age gap
fated
opposites attract
badboy
neighbor
doctor
bxg
brilliant
office/work place
small town
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Para kay Maria Carmella Isabella Love Celestine aka Love, si Doc Wise na ang pinakaguwapong doctor na nakilala niya.

Ngunit ang binatang doctor ay inisnab ang taglay niyang kagandahan. At palagi nitong sinasabi sa kanya na... "Hinding-hindi kita kailanman magugustuhan dahil ang liit mo at mukha kang sakitin.”

Ngunit isang araw biglang lilitaw si Wise sa kanyang harapan dahil sa isang kasunduan ng namayapa nilang mga magulang.

Ang nakalagay sa dying last wish ay ibibigay lamang ang naiwang ari-arian sa kanila kung magpakasal silang dalawa. Isang kasunduan na nagpabago sa takbo ng buhay nilang dalawa.

Ang akala ni Love, matutunan siyang mahalin ni Wise kapag naikasal na sila ngunit nagkamali siya dahil mas malamig pa ito sa yelo.

Nagdesisyon si Love na kalimutan na lamang ang pag-ibig niya kay Doc Wise. Iniwan niya ang binata at pinirmahan ang annulment papers na ibinigay nito sa kanya.

Sa tindi ng sakit na dinanas ng puso ni Love, nagbago ang lahat.

Sa nakalipas na tatlong taon... ang dating doctor na kinababaliwan niya, hindi na niya gusto ngayon. At ang doctor na nagsabing hindi siya nito magugustuhan kahit kailan ay humahabol ngayon sa kanya.

May second chance pa kaya? O tuluyang tutuldukan ni Love ang nakaraan nila ni Wise?

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Kupido
"Panity! Halika rito dali may sobrang guwapong lalaki na nakasalubong ko sa entrance nitong hospital kanina!" malakas na sabi ni Love habang sinasabayan ito nang paghampas sa balikat ng kaniyang kaibigan. May nakita kasi siyang guardian angel na bumaba sa langit. At sa puntong iyon pinana siya ni kupido. "Lahat naman yata ng lalaki na nakikita mo ay guwapo, Love," sagot ni Panity na abala sa paglalagay ng mga record ng pasyente sa computer na kaharap nito. Nasa may pediatric station sila sa first floor at busy dahil maraming pasyente. Nangalumbaba si Love sa harapan ng kaibigan niya. "Iba siya, Panity. Alam mo iyong tipo ng isang lalaki na sa isang tingin niya pa lang na-inlove na ako, 'yon bang tinamaan na agad ako ni kupido," nagnining ang mga matang paliwanag ni Love sa kaibigan njya. "Ituon mo nga ang sarili mo sa trabaho natin, Love!” pagalit na sabi nito sa kanya at saka siya inirapan. Hindi ito pinansin ng dalaga sa halip ay ipinikit niya ang kaniyang mga mata at muling nagbalik-tanaw sa itsura ng lalaking nakita niya kanina. Magtangkad ito na nasa 6feet ang taas, singkit ang mga mata, matangos ang ilong, nay dimple at may mapupungay na mga mata. Maganda ang shape ng mukha nito ay may nakakabighaning mga labi. Idagdag pa ang adams apple nito na nakakaakit tignan. Para siyang nakakita ng Korean Superstar. Bago pa lang sila dito sa Saint Paul Hospital ni Pan bilang mga trainees dahil last year na nila sa medical school. At ngayon pa lang siya nakakita ng guwapong doktor. Siya na siguro si Mister Right. "Panity, my friend, wala na yata akong puso," muling sambit ni Love sa naiinis na niyang kaibigan. "Hoy, Carmella Isabella Love Celestine, tawagin mo nga akong Pan! Baka mamaya iba ang dating sa tenga ng makakarinig ang pangalan ko, e” reklamo naman nito sa akin. “Okay, Pan! Basta ako hindi ko na ma-feel na may puso ako… pakiramdam ko na-snatch na,” nangangarap na gising na sabi ni Love sa kaibigan. “Mamat@y ka na kung ganoon. Maraming salamat naman nang mabawasan ang mga b@liw dito sa mundo." Tinawanan ni Love ang kaniyang kaibigan at kinuha ang ibang record ng pasyente sa lamesa nito. Medisina ang kurso nilang dalawa ni Pan at under sila ni Doctor Timothy Alarcon isa sa pinakamagaling na surgeon sa hospital na pinasukan nila. May apat na palapag ang hospital at public hospital ito dito sa kanilang probinsiya sa Vargas Tarlac. May tag-sampung kuwarto ang bawat palapag. At may capacity ito na 300 patients. Nasa first floor ang pediatric, check up ng buntis at mga bagong panganganak pa lamang. Nasa second floor naman ang ward ng mga adults na may hindi malubhang karamdaman, habang sa third floor naroon ang mga cancer patients. May mga rooms din na ginagamit para sa chemotherapy. At ang fourth floor ay ang cafeteria ng mga medical employees. Naroon na rin ang storage room ng mga gamit dito sa hospital. Tinawag na Sanctuary Menu ang pangalan ng cafeteria sa itaas. Natatanaw ang malawak na kabukiran sa paligid ng Vargas Tarlac. Ginamitan ng elevator ang SPH at may emergency back doors din bawat floors ng hospital. Nakahiwalay ang mga office departments ng mga nurses, staffs, assistant doctors at mga professional doctors. Iba rin ang office department ng mga medical team gaya ng assistant helpers, mga canteen supervisors. At Utility workers. May libreng food packs na ibinibigay ang SPH para sa mga pasyente na wala talagang pambili at kapos sa pera. Noong nakaraang buwan lamang ay inumpisahan na ni Doc Trias ang pagbubukas ng hospital pharmacy para sa mura at dekalidad na gamot. Ang SPH ang pinakamalapit na hospital sa bayan ng Vargas Tarlac na pagmamay-ari ng isang Senador sa kanilang lugar na nagkaroon ng matinding maramdaman. "Saan kayang lupalop nakatira ang guwapong lalaki na 'yon?” tanong ni Love sa kaniyang sarili habang tumitipa sa keyboard ng computer. Inirapan siya ni Pan na nasa kanyang tabi. "Malay ko sa iyo, Love, baka naman si Doc Trias lang iyong nakita mo kanina.” Inirapan niya ito at saka umiling. "Senior citizen na si Doc Trias, hello, hindi ako pumapatol sa matatanda, no." Eksakto ang pagdaan ni Doc Trias sa harapan nila ni Pan. Tumigil ito sa tapat nila. "Doctora Carmella Isabella Love Celestine, narinig ko yata ang pangalan ko?" tanong nito na may himig ng galit sa tinig nito. Hindi sila nakaimik ni Pan. At dinedma ang senior citizen na doctor na nasa kanilang harapan. KINABUKASAN maagang pumasok si Love sa hospital dahil gusto niyang maglibot-libot sa paligid, nagbabakasakali siyang makita ang guwapong doctor na nakita niya kahapon. Nakasalubong niya si Doc. Trias na nakasuot ng tattered jeans at t-shirt na kulay pink. Ibang klase din itong si Doc. Trias palibhasa matandang binata. "Carmella Isabella Love Celestine," nakangiti nitong bati sa kanya. Nilampasan niya ang binatang doctor ngunit sinundan siya nito "Aba, may hinahanap ka yata?" "Alam mo doc, may hinahanap akong guwapong lalaki," nakasimangot na sagot niya. Pakiramdam niya ang liit niya dahil kaharap niya si Doc Trias na may height yatang 5'10 samantalang siya, e, 5’3 lang. "Hinahanap mo pala ako," nakangiting sabi ni Doc Trias sa kanya. Humarap pa ito sa kanya at isinuklay ang kamay sa buhok nito. "Ang hangin Doc, kapit ka baka mamaya liparin ka niyan!" Nilampasan ni Love si Doc Trias habang tumatawa ito ng malakas. Malungkot na pumasok si Love sa Department nila hindi kasi niya nahanap ang guwapong doctor. Baka bumisita lang iyon kahapon o hindi kaya namalikmata lamang siya dahil mula noong isang araw wala pa siyang matinong tulog. Nakatira siya ngayon sa apartment na inuupahan nila ng namayapa niyang ina. Mabuti na lang at dito sila ni Pan nakuha bilang mga trainees dahil malapit sa Medical Institute School na pinapasukan nila. Hindi hassle sa kanya dahil hindi na niya kailangan pang lumayo dito sa Tarlac, iyon nga lang sasakay pa rin siya ng tricycle kapag pumapasok sa hospital dahil may kalayuan ito sa apartment na tinitirahan niya. Kinusot-kusot niya ang kaniyang mga mata. Kadarating lang din ni Pan sa kanilang department. Niyakap niya nang mahigpit ang kaibigan niya habang nakasimangot. "Sinapian ka na naman, Love?" sarkastiko nitong tanong. Kumalas siya sa pagkakayakap kay Pan at umupo sa lamesa. "Wala yatang kupido ngayong araw," nakasimangot na sabk niya sa kaibigan. "Hay naku, hindi ka pa ba tapos diyan sa kaka-kupido mo? Hello, Love, hindi siguro kupido iyon kun'di multo... isang guwapong multo na dumaan at nagtago dahil natakot sa iyo." "Wow naman, hiyang-hiya ako sa ganda mo, Pan!" Bulalas niya habang tinitignan ito mula ulo hanggang paa. May katabaan si Pan at maliit din na kagaya niya kaya siguro sila magkasundo dahil doon. Sumilip si Clyde Torio sa office nilang dalawa. "Pan at Carmella kailangan kayong makausap ni Doctor Sebastian mukhang pinapalipat kayo para maging under ni Doctor Vasquez." Balita ni Clyde sa kanila, isa din itong trainee dito sa hospital at taga-Bulacan naman ito. "Susunod na kami, Clyde," sagot niya. "Kung mas malupit si Doc Trias tiyak mas malupit na naman ang magiging head natin." Tinapik-tapik ni Pan ang balikat niya. "Ako na naman ang nakita mo, Pan," kinakabahang aniya dahil palagi siyang lutang ngayong nakaraang buwan. "Magpakabait ka kasi, Love, tignan mo nang dahil sa'yo napapahamak ako," reklamo ni Pan. "Ay, grabe siya!" SUMUNOD silang dalawa kay Doc Clyde na nagkakamot ng batok. Kinakain naman niya ang hinlalaki niya dahil kinakabahan na siya. Hays, kainis naman oo, bakit kaya siya kinakabahan at parang may mga nagkakarerahang daga sa dibdib niya. Pagbukas ng department ni Doc Sebastian agad na nagtaas ito ng kanang kilay. Hala, p@tay na naman silang dalawa ni Pan. "May sasabihin ako sa inyong dalawa dahil malapit na kayong grumadweyt kailangan muna ninyong dumaan kay Doctor Vasquez isa siyang pinakamagaling na Orthopedic Surgeon, siya ang may pinakamataas na doctoral mark sa kaniyang batch. Matagal na siyang doctor dito sa SPH kaya lang pabalik-balik siya ng America for some private reasons," paliwanag ni Doctor Sebastian habang nakatingin ito sa kanilang dalawa ni Pan. "Doc, si Doc Trias po ba hindi na namin under?" hindi niya mapigilan ang sarili na mag-usisa rito. "Hindi na dahil ikakasal na si Doc Trias next week kaya papalitan na siya ni Doc Vasquez." "Mabuti naman," wala sa sariling aniya. Ilang saglit pa ay pumasok ang isang lalaki na naka-maong pants at naka-doctors coat, kumikintab pa ang black shoes nito at may nakasukbit na stethoscope sa kanyang suot na coat. Malakas na pinalo niya ang balikat ni Pan. Tumingin si Pan sa kaniya nang matalim. "Siya, 'yong sinasabi ko, Pan" masayang sabi niya na napalakas ang boses. Tumingin ito sa gawi niya, agad niya itong nginitian ngunit tinanguhan lamang siya nito. "Miss Carmella, quiet!" ani Doc Sebastian. "Sila ba ang mga under ni Doc Trias, Doc?" tanong ng lalaki na tinitigan niya. Tumango ito. "Ikaw na bahala sa dalawang pasaway na ito, Doctor Vasquez," pagpapaalam ni Doc Sebastian. "Kapag naging pasaway sila ibagsak mo na lang lalo na itong si Miss Carmella." Turo ni Doc Sebastian sa kaniya. "Mapagbiro ka naman, Doc Sebastian." Ngumiti siya dito kahit na sa loob niya gusto na niya itong sakalin. "So, kayo ang magiging assistant ko?" seryosong tanong ni Doc Vasquez na inisnab lang ang ganda niya. "Doc, nakita kita ka---" "You are?" putol nito sa sinasabi niya na nakatingin kay Pan. "Panity "Pan" Bautista." Pagpapakilala ng kaibigan niya. Dumako ang tingin sa kanya ni Doc Vasquez. "I'm Carmella Isabella Love Celestine Vas--- Evangelista, pala Doc. But you can call me Love, Doc." Kinagat niya ang labi pagkatapos magsalita. Tumawa si Pan sa inasal niya. "Ano'ng alam mo sa medicines, Miss Evangelista. Except from being a joker or comedian?" Sarkastiko nitong tanong sa kaniya habang nakahalukipkip. "Yes, I admit that I'm a joker, Doc. Pero magaling akong nurse!" panggiit pa niya rito. "Lets proceed," anito na wala man lang reaksyon sa sinabi niya. “Kunwari ka pa Doc crush mo yata ako, e” kinikilig na sabi ni Love sa kanyang sarili. "I'm Doctor Wise Felix Vasquez or you can call me Doc Wise. I'm a junior orthopedic surgeon. I'm also a college professor in International College Tarlac but I left my job there to become a doctor. Since ako ang magiging head ninyo, I have rules that you must follow or else, humanap na lamang kayo ng ibang hospital para doon kayo mag-intern ... first ayoko ng assistant na mabagal kumilos, lalo na kapag emergency at kailangan agad ng first aid ng pasyente. Bawat segundo bilang doctor ay mahalaga at hindi dapat sinasayang para magpa-impress... you know what I mean." Masama siya nitong tinignan. "Second, ayoko ng assistant na palaging late... gusto ko siya ang nauunang pumapasok kaysa sa akin, to remind me on my schedules and to remind me on my appointments. Patients needs time and assistance, hindi natin sila dapat pabayaan. Nandito sila para mabuhay at hindi para ma-stress dahil sa kapabayaan natin... understood!" mariing saad nito. Iniisip nita ang p'wede niyang itawag kay Doc Wise habang ipinapakilala nito ang sarili sa kanya este sa kanila. Hmm... p'wedeng boyfie o mahal kaya? O baka p'wedeng Love, oh Em gee! "Miss Evangelista? Are you with us!" Untag nito sa kaniya. "Mahal este... yes, Doc." Umiling ito. "First warning ko ito sa iyo Miss Evangelista dahil tatawagin kitang Manang dahil hindi mo yata deserve na tawaging Doctora." Napahiya siya sa sinabi nito. "Sorry, Doc." Nauna itong lumabas at tinignan lamang niya. Wala naman sa sarili na pumihit siya pakanan. "Aray!" impit niyang daing dahil tumama ang legs niya sa upuang nasa gilid. Nilingon siya ni Doc Wise at sandali itong lumapit sa kaniya. Tumingin ito sa kanyang hita lalo na at wala siyang suot na stockings. "Pasa lang 'yan, malayo sa bituka at hindi nakam@m@tay," sabi nito at muling lumayo sa kanya. Ang sungit naman ni future boyfriend s***h future husband niya. Dinaig pa ang babaeng may buwanang dalaw sa sobrang kasungitan. Nilapitan siya ni Pan. "Huwag ka kasing pa-fall." Inirapan siya nito at lumabas na rin ng pintuan kasunod ni Doc Wise. "Clyde, alalayan mo nga ako," aniya na nakaangat ang kamay sa harapan ni Clyde. Wala naman itong reklamo at sinunod ang kanyang utos. Nililigawan siya noon ni Clyde ngunit binasted niya dahil hindi talaga siya mahilig sa mukhang Italiano. "Miss, Evang---" Tawag ni Doctor Wise sa kanya. "Evangelisa, Doc!" Pagtatama naman niya. Umikot ang mata nito. "Ilista mo lahat ng mga pasyente dito sa ward habang naglilibot kami ni Doc Pan. "Pero doc," pagrereklamo niya. "Walang pero-pero gusto mong bigyan kita ng mataas na mark bilang doctor hindi ba?" tanong nito habang nakasuksok ang magkabilang kamay sa bulsa ng suot nitong doctors coat. "Okay, doc." Tumalikod ito kasama ni Pan na nakangisi sa kaniya. Si Clyde ang kasama niyang naiwan. "Mainit yata dugo ni Doc, sa'yo?" usisa ni Clyde habang inilalagay ang stethoscope sa leeg nito. "Clyde, ganyan talaga kapag may M.U. Iniintindi ko na lang si Doctor Wise dahil boyfriend ko siya," nakangiting aniya sa kaibigan. "Kayo na agad!" Lumaki pa ang mga mata nito ngunit tumawa rin. Ipinalo niya ang record book sa balikat nito at saka ito tinalikuran. "Ang sama mo naman, Love." Natatawang sumunod ito sa kanya sa Pediatric Ward. Nilingon niya ito at sinimangutan. "Tawagin mo nga akong Miss Evangelista, baka mamaya sabihin pa ni Doctor Wise na ipinagpalit ko na siya sa iyo na mukhang Italiano." Lalong lumakas ang pagtawa ni Clyde habang nakasunod sa kanya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.9K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
32.2K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
105.0K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
113.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook