Chapter 2: Annoying

1402 Words
PANAY ang sulyap ni Wise kay Carmella Isabella Love Celestine dahil sa pagiging clumsy nito. Nasapo na lamang ni Wise ang panga niya kapag may nagagawa itong hindi maganda. Mabilis itong mataranta at hindi rin nagagawa ng tama ang kanyang mga ipinapagawa rito. Sadyang pinapahirapan niya ang dalaga dahil nakikita niya ang potential nito bilang isang doctor. Iyon nga lang naka-focus ito sa kanya at hindi sa mga ipinapagawa niya rito. Isang linggo pa lamang siya sa hospital pero gusto na niyang umalis dahil naasiwa siya rito lalo na sa pagbanggit ng mga kaibigan nito ng Love. At hindi niya iyon kayang gawin dahil sigurado niyang araw-araw siya nitong magiging flavor of the month. Pababa na siya ng hagdan nang makasalubong niya si Doc Mike. Hindi na siya gumamit ng elevator dahil gusto niyang makapag-exercise. Kaibigan niya itong matalik at pinsan sa malayong kamag-anak. Pinipilit nito na magkamukha sila kahit hindi naman dahil mas guwapo naman siya ng isang dipa dito. "Kamusta mga trainees mo, mukhang nagkakasundo na kayo ni Love, ah." Bumuntong hininga siya. "Mahirap pakisamahan ang isang 'yon parang may diperensiya sa utak. Hindi niya p’wedeng palitan iyong nickname niya nakakainis lang kasi.” Tinawanan siya nito ng malakas. "Bata pa kasi 'yon twenty one yata siya tapos tayo lampas kalendaryo na. Hindi ka lang talaga maka-relate sa mga millennials ngayon dahil batang 90’s ka. Mahaba ang pangalan niya kapag naman iyon na lang ang itinawag niya sa kanyang sarili. Okay naman iyon, ‘di ba? Isipin mo na lang na kahit na wala kang nobya, basta natawag mo si Love para ka na ring may syota.” Sumandal pa ito sa may hawakan ng hagdan. Napangiwi siya at masama itong tinignan. “Kung ganoon maaga pala siyang nag-aral ng medicine at last year na niya ngayong taon. Noong kapanahunan ko at the age of twenty one third year college pa lang ako dahil dalawang beses akong bumagsak sa anatomy class ko." Malakas siya nitong tinawanan dahil pareho lamang sila nito. "Matalino naman si Love, 'yon nga lang minsan hindi nakikinig dahil may malalim na iniisip." Tinapik nito sa braso niya. “Maiba nga pala ako, for good ka na ba rito o babalik ka ulit sa America?” “Pagkatapos ng libing ni Mom last month, plano ko na talagang mag-stay sa America. Maraming mga offer sa akin doon at mas mataas ang sahod kumpara rito. Kaso nga lang hindi ko kayang tanggihan si Senator Milan, at ang mga head doctors dahil kailangan pa nila ako rito,” malungkot na sabi ni Wise sa kaibigan. “Mukhang may mas malalim pa na reason?” Tinignan siya nito pailalim. Bumuga siya nang malalim at isinadal ang likod sa hawakan ng hagdan. May mga dumaraan din na doctors at nurses na bumabati sa kanila. “Sa dying last wish ni mommy nakalagay doon na kailangan kong hanapin ang nag-iisang anak na babae ng best friend nito at kailangan ko siyang pakasalan para makuha ko ang mga ari-arian ni Mommy na iniwan niya sa akin. At kasama sa ari-arian ang coffee shop na unang pinangarap kong maging trabaho. Mahal na mahal ko ang coffee shop ni Daddy.” “Kilala mo na ba ang future wife mo?” usisa ni Mike sa kanya. Mabilis siyang umiling dito. “Hindi pa. Naka-schedule ang meet up namin ni Attorney Oliver next month dahil marami pa akong inaasikaso dito sa hospital at naroon naman siya ngayon sa France at may vacation trip kasama ang buo nitong pamilya.” Nginitian siya ni Mike at saka napailing. “What if… sobrang sexy pala ng magiging future wife mo, Wise.” Hindi siya natuwa sa sinabi ni Mike. May girlfriend na siya ngayon at tiyak na masasaktan ito kapag nalaman nito ang dying last wish ni Mom. One year na silang magkasintahan ni Doctora Micu, isang dermatologist. May sarili na itong clinic dito sa Tarlac, once a week lang sila kung magkita dahil pareho silang busy sa trabaho. “Halika na at kumain tayo.” Hinatak ni Mike ang kanyang kamay paakyat ng hagdan. “Sabay na tayo. Gusto kong ituloy mo sa cafeteria ang kuwento mo dahil hindi ko na mapigilan ang tiyan ko na kanina pa nag-aalburoto.” Nauna itong lumakad at sumunod naman siya. "May canteen na ba dito?" "Oo meron na, nasa taas para sa mga doctors at nurses lang. Sa baba naman ang mga pagkain ng pasyente natin dito, napag-usapan ng board na gawing libre ang pagkain ng mga pasyente. Ang gusto ni Senador Milan, maibigay sa mga tao ang buong pusong serbisyo bago siya mawala sa mundo.” Ang hospital kasi na ito ay ipinatayo ni Senator Milan, ten years ago. Noong una naging private clinic lang hanggang sa gawin na itong hospital noong 2020, may limang taon na ang nakakaraan. Hinikayat ni Senator Milan ang mga doctors at nurses na magtrabaho sa hospital na ipinatayo nito upang makatulong sa mga kababayan. Nakiisa naman sa plano ni Senator Milan ang mga doctors sa iba’t ibang dako ng bansa. Ang misyon nila ay makatulong at hindi dumagdag sa paghihirap ng mga mahihirap na mamamayan, may fees mang binabayaran ngunit lahat ng gamot libre ay sa Saint Paul Hospital o SPH. Sa mga dialysis at chemotherapy lang hindi kayang ibaba sa fees dahil sa ibang bansa pa nila kinukuha ang mga gamot na ginagamit nila. Iyong mga gamot lang na kaya nilang ibigay ang nababawas sa gastos ng mga cancer patient. "Sanctuary Menu" Basa niya sa nakalagay na karatola sa itaas. Pula at itim ang kulay ng dingding. May mga nakasabit na DIY posters at cards na nakahalintulad sa mga nakalagay na signage sa bawat floor area. Nagmumukha na horror room ang cafeteria. Dahil may mga nakasabit pang mga syringe na ginawang palamuti, lumang oxygen tanks na nilagyan ng mga flower basket ang mga lumang hospital beds ginawang lamesa. "Paano naman ako makakain nito?" tanong sa kanyang sarili habang tinitingala ang paligid. “Ano ang gusto mong ulam, Wise? May dinuguan, bopis, adobong atay at balunbalunan ng manok at chopsuey,” nakangiting ani Mike habang nakaharap sa estanteng lagayan ng mga ulam. Nawalan siya ng gana sa mga pangalan ng ulam na sinabi ni Mike. Maliban na lang sa chopsuey na mukhang masarap pero hindi naman siya nag-uulam. Libre ang pagkain nila sa hospital mula umaga, merienda, tanghalian at hapunan. Ngunit nasa minimum lang ang sinasahod nila dahil gusto nilang makatulong sa mga mahihirap. Libre ang consultation fees nila at kahit na sobrang pagod, worth it naman. Lalo na kapag may mga pasyente silang hindi sila makalimutan. “Chopsuey na lang sa akin, Mike. At isang coke zero in can,” nakangiting aniya sa kaibigan. Habang hinihintay ito ay nakipag-usap muna siya sa ibang mga doctors na kumakain ng lunch. Mayamaya pa ay narinig niya ang malakas na boses ni Love habang papasok ito ng cafeteria. Kasunod nito ang dalawang kaibigan na si Panity at Clyde. "Hi, Doc Mike!” Nakangiting bati ni Love na naka-akbay pa kay Clyde. "Umayos nga kayo," seryosong sermon niya sa mga ito. Nilampasan lang siya nito at hindi pinansin. "Attention, please kayong lahat na nandito sa Sanctuary Menu, sagot ko na lahat ng pagkain ninyo mamayang dinner dahil nakita ko na ang future husband ko," ngumiti ito sa kanya. Loko-loka na talaga ang babaeng ito. "Sino naman, Love?” tanong ng lahat sa paligid nila maliban sa kanya na umiinom ng coke zero in can. "Tsaka n’yo na malalaman kapag kami na," tumawa pa ito at inabutan ng plato si Clyde. Nagkamot na lamang siya ng batok habang tinatawanan ni Doc Mike. "Ayieeee!" sigaw na naman nila parang mga t@nga lang. Hindi napansin ni Wise na nilapitan siya ni Love. Nagulat siya dahil nakayuko ito sa kanyang harapan. "Ano gusto mo, Doc Wise na dinner mamaya? Take out or take me?” mahina pang tanong nito sa kanya. Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi nito. "Tumigil ka nga, Miss Evangelista!" "Joke lang naman iyon Doc Wise. Nag-blush ka pa tuloy," pang-aasar nito sa kanya bago siya nito iwan. “Ang lakas talaga ng tama ni Love sa iyo, bro. Maganda siya at sexy. Iyon nga lang hindi siya pang-model na katulad ni Micu,”, mahinang ani Mike sa kanya. Masama niyang binalingan ang kaibigan. Hindi niya type si Maria Carmella Isabella Love Celestine, iniisip pa lang niya kung hahalikan niya ito mababalian na siya ng spinal cord.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD