Chapter 3: Hug

1211 Words
Maaga siyang gumising kinabukasan dahil alam niyang maaga ang pagpasok ni Doc Vasquez ngayong araw. Kailangan niya itong maunahan para hindi siya nito masermunan. Ilang beses siya nitong pinagalitan kahapon at talagang ipinaalala nito sa kanya ang kailangan niyang gawin para sa pangungunahan niyang simple hand surgery. Kahapon marami itong ipinagawa sa kanya at talagang pinahirapan siya nito. Hindi lang siya naglista ng mga patients na nasa pedia ward, inilipat din niya ang listahan sa files ng hospital records at pagkatapos isinulat niya ulit sa tag-iisang papel. Ngunit okay lang basta nakikita niya si Doc Wise sa bawat segundo, minuto at oras. Pakanta-kanta pa siya habang papasok sa banyo at iwinawagayway niya ang kanyang puting towel. Nakita niya ang isang bulaklak na nakalagay sa vase ibinigay sa kanya 'yon ni Doctor Mike kahapon dahil naka-score na daw siya ng 0.1 percent sa puso ni Doc Wise. Guwapo naman si Doc Mike kaso may kayabangan. Mabuti pa si Clyde na kahit kamukha ni Aladdin mas maganda pa ang ugali nito at napaka-down to earth. Pumasok siya sa loob ng banyo at itinapat sa shower ang kanyang hubad na katawan. "Ano kaya kong i-seduce ko si Doc Wise, o kaya naman gayumahin ko," napahagikhik siya sa kanyang naiisip. Sinimulan na niyang maligo at itinodo ang pagkuskos ng sabon sa kanyang balat. Kailangan niyang magmukhang fresh sa paningin ng kanyang mahal. Nang matapos siyang maligo ay nagbihis na siya at isinuot ang kanyang plantsadong uniporme na kulay puti at skirt na kulay gray. Naglagay siya ng manipis na make-up at lip tint ‘tsaka sinuklay ang kanyang basang buhok. Nakangiti siya sa salamin habang pinagmamasdan ang kanyang sarili. Maganda naman siya, maputi at sexy. Hindi nga lang siya matangkad. Ipinagkait yata iyon sa kanya ng langit. Nagmana siya sa height ng kanyang namayapang Ina. Wala na siyang balita sa kanyang ama na may bago ng pamilya. Hindi na rin naman siya nito kinakamusta. May iniwan namang kaunting halaga ang kanyang Ina. Sapat iyon para may gagastusin siya sa kanyang graduation at pagkuha ng Physician Licensure Examination. Bayad na rin ang renta ng apartment niya ng isang taon, dahil binayaran iyon ng kaibigang matalik ng kanyang Ina na nakatira sa America. Sayang nga lang at hindi na sila nakapag-usap nito dahil naging busy na siya sa kanyang pag-aaral at nagsimula na rin ang training niya sa SPH. Napangiti si Love habang inaayos ang kanyang mga gamit. Makikita niya mamaya si Doc Wise dahil siya ang assistant nito sa gagawin nitong simple surgical. Humigop siya ng kape na tinampla niya bago maligo kanina. Pinasadahan niya ng tingin ang notes na pinagpuyatan niyang aralin kagabi. Tungkol iyon sa surgical procedures na ginagawa sa kamay ng isang pasyente na nahiwa ng matalim na bagay. Nag-spray siya ng breath freshener para hindi maamoy ang kape na ininom niya. Ngumuya na rin siya ng pepper mint na bubble gum bago niya isinukbit ang bag sa kanyang kili-kili. Mabilis na rin niyang isinuot ang sandals niyang may two inches na heels. Nagmumukha siyang 5’5 kapag suot niya iyon. Hindi siya nagmumukhang maliit sa paningin ng kanyang future husband. Nasapo niya ang noo nang buksan niya ang kanyang pitaka. Wala na pala siyang allowance ngayong linggo dahil ipinanlibre niya kahapon sa mga head doctors at trainees na kagaya niya. "Nga-nga na lang muna tayo, self. Tiisin natin para sa future husband natin,” nakangiting aniya sa sarili kahit na problemado siya. Kailangan muna niyang humiram sa kanyang kaibigan na si Pan mamaya ng pangkain niya. Babawasan na lang muna niya ang pera na gagamitin niya sa pagbabayad ng graduation fees. Kailangan niyang makahanap ng pagkakakitaan dahil kapag palagi siyang nagpapapansin sa future husband niya.... mamumulubi na siya. "NASA EDSA ba tayo, Manong?” naiinip niyang tanong sa matandang lalaki na nagmamaneho ng tricycle. Mahigit isang oras na silang naka-stock sa gitna ng highway dahil usad-pagong ang mga sasakyan. One way pa naman ang kalsada dahil hanggang ngayon hindi pa rin natatapos ang construction. Tumingin sa kanya ang driver ng tricyvle at nagkamot ito ng ulo. Wala itong magawa kahit panay siya nang reklamo. "Miss, malapit na ang Saint Paul Hospital dito kaya pwede mo nang lakarin," sabi nito. Wala siyang choice kun’di mali-late siya at baka masermunan pa ni Wise. Tumingin siya sa kanyang paligid at tama si Manong natatanaw na niya ang building ng hospital na nasa kabilang lane. "Salamat manong, hulog ka talaga ng langit," natutuwa niyang sambit dito. "Suking-suki ka na sa akin, Doctora Carmella.” Bumaba na siya sa tricycle at patawid na siya sa kabilang kalsada. May mga traffic enforcer na nakakita sa kanya. Nagtakip na lang siya ng mukha at mabilis na tumawid. Baka mahuli pa siya sa ginawa niyang jaywalking. "Jusmiyo Marimar Santisima Barabas Hestas!" mabilis na aniya at malakas na sumigaw dahil muntik na siyang masagasaan sa ginawa niyang iyon. May isang itim na Navarra na muntik nang makabangga sa kanya. Kahit kasalanan niya na nag-jaywalking siya, kasalanan din naman ng driver na iyon kapag nasagasahan siya nito. Patakbo siyang tumungo sa harap ng building ng hospital hinihintay ang may-ari ng itim na Navarra. Nakapamewang siya habang kinakatok ang bintana ng sasakyan ng kung sinong poncho pilato na may-ari. Lumabas mula sa loob ng sasakyan si... Doc Vasquez. Gosh! Inayos niya ang kanyang doctors suit at nawala ang inis na kanyang nararamdaman dito. "Wala akong kasalanan sa uyo, Miss Evangelista! Ikaw itong biglang tumawid!Kung gusto mong magpakam@tay, please lang. Huwag kang mandadamay!” Bakas ang inis sa boses ni Wise habang nakaharap sa kanya. Kinagat niya ang ibabang labi at yumuko sa harapan nito. Nilampasan siya ni Wise at patungo na ito sa hagdan harap ng building ng hospital. "Grabe naman 'tong lalaking ito parang hindi kami close," mahinang aniya habang sinusundan ito papasok ng hospital. Sa paghakbang niya na-out of balance siya, mabuti na lamang at nasa harapan pa niya ito kaya naman nayakap niya ito. Hindi na baleng makatsansing siya, huwag lang siya ang matsansingan ng hagdan. "Miss Evangelista, get off!" bulyaw pa nito sa kanya. Hindi niya ito pinakinggan, niyakap niya lang ito nang mahigpit. At dinama ang tigas ng katawan ng binata. Habang yakap niya ito hindi tuloy niya mapigilan na mapangiti. At isipin ang nakakatuwang bagay. Ilang abs kaya mayroon si Doc Vasquez? Bumitaw lamang siya sa pagkakayakap sa guwapong doctor nang makita sila ni Doc Mike. “Nilalamig ka ba, Miss Evangelista?” mahinang tanong sa kanya ni Doc Mike. Ngumiti ito sa kanya bago nito balingan si Doc Wise na hindi maipinta ang mukha. Naunang naglakad ang mga ito papasok sa loob ng hospital. Hindi naman mawala sa mga labi niya ang malapad na ngiti. Ang bango ni Doc Wise, ang lapad ng likod at matigas ang abs. “Hoy, saan ka pupunta?” untag sa kanya ng kaibigan na si Clyde. Hindi niya ito napansin. “Ha?” gulat niyang sambit. At tumingin sa paligid. Nasapo niya ang kanyang noo dahil patungo na siya sa comfort room. “Okay ka lang ba, Love?” Sinadya nitong palambingin ang boses. “Doctora Evangelista nga, Doc Clyde. Ang future husband ko lang ang may karapatan na tawagin akong Love,” nakangiting aniya sa kaibigan. Hinawi niya ang nakalugay na buhok at saka siya pumihit patungo sa nurse station.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD