Chapter 4: Heartache

1651 Words
"Hey, Miss Evangelista, kinakausap kita!” malakas na aniya sa dalagang hindi man lang kumurap habang nakatingin sa kanya. Hindi na siya natutuwa rito dahil hindi siya nito sineseryoso. “Yes, Love… este Doc Vasquez.” Pinigil pa nito na matawa. Siniko na ito ng kaibigan na si Panity dahil sa ginagawa nitong pagtitig sa kanya. “Kung palagi kang ganyan, ibabagsak kita. Seryoso ang usapan natin at ikaw ang mangunguna sa simple hand surgery mamaya. Ayokong pumalpak ka!” muling sabi niya rito. Nasa loob sila ng office niya at ipinapaliwanag niya kina Panity, Clyde at Carmella ang gagawin ng mga ito mamaya. I-a-assist naman niya ang mga ito ngunit ang mga trainee pa rin ang gagawa ng procedure. “Sorry, Doc Vasquez.” Iniyuko nito ang ulo sa kanyang harapan. “Nandito na kayo at last year na ninyo bilang mga estudyante. Iyong gagawin ninyo mamaya simple operation lang, paano na kung ang pinag-uusapan na natin ay buhay? Ano na lang ang gagawin ninyo? Kailangan ninyong mag-focus. Hindi lahat nabibigyan ng ganitong opportunity para makapasok dito sa Saint Paul Hospital. At hindi rin lahat afford ang pag-aaral ng Medicine. Gusto kong pagbutihin ninyo ang inyong pag-aaral dahil nandiyan na kayo… at para na rin sa mga magulang ninyo na nagpapaaral sa inyo,” seryosong aniya sa mga estudyanteng nasa kanyang harapan. “Naiintindihan po namin, Doc Vasquez. Si Love po wala na po siyang parents, namatay ang mother niya five months ago. At ang father niya hindi na bumalik at sunakabilang bahay na. Pasensiya na po sa inaasal ni Love, Doc. Ganyan po siguro kapag sobrang stress na ng kaibigan ko,” malungkot na paliwanag ni Panity sa kanya. Napatingin siya kay Carmella. Hindi mababakas sa mukha ng dalaga ang lungkot. Marahil itinatago lang nito ang bigat na nararamdaman nito kaya siya ang nakitang bigyan ng pansin. Lumabas na ang mga ito sa office niya. Hindi na umimik sa kanya si Carmella. Ngunit panay ang pagsikong ginagawa nito sa kaibigang si Panity. Mamayang 11 am ang schedule ng operation na gagawin ng mga trainees niya. Habang inaayos ang mga papers na nasa kanyang lamesa ay pumasok sa loob si Mike. “Nakasalubong ko si Love, nakasimangot. Huwag mo namang masiyadong pahirapan iyong bata,” pagpapaalala nito sa kanya. Bumuga siya nang malalim at sumandal sa swivel chair na kinauupuan niya. “Kailangan kong gawin dahil attracted siya sa akin. Hindi siya naka-focus sa mga ipinapagawa ko sa kanya. Anyway, bakit ka nga pala nandito?” nagtatakang tanong niya sa kaibigan. “Nasa waiting area si Vanessa at hinahanap ka niya sa akin. Mukhang wala siyang trabaho ngayon. Mas lalo pa siyang gumanda ngayon at hindi ko na halos nakilala.” Marahil may ipinagawa na naman si Vanessa sa katawan nito. Maganda na ito noon, at sexy pa. Ngunit nang magkaroon na ng pera kung ano-ano na ang ginagawa sa sarili. Hindi naman siya tutol doon dahil gusto naman nito ang ginagawa. Tumayo siya at inayos ang stethoscope sa kanyang bulsa. “Pupuntahan ko lang si Vanessa, at ikaw naman bumalik ka na second floor kung saan ka naka-destino.” “Okay. Maaga kang umuwi sa inyo baka may masarap kang dinner,” pang-aasar pa nito sa kanya. “Loko!” natatawang aniya sa kaibigan. Hindi siya nito tinantanan na asarin kahit nasa tapat na sila ng elevator. Nasa second floor kasi silang pareho ni Mike at doon ang office ng kanilang department. PAGDATING ni Wise sa first floor ay kaagad niyang nakita si Vanessa na nakikipag-usap sa mga trainees na naka-assign naman kay Doctora Paula, ang isa sa pinakamagaling na obstetrician at gynecologist ng SPH. Nilapitan niya ito at binati rin siya ng mga trainees. “Good morning…” nakangiting aniya sa kasintahan at ganoon din sa mga trainees na dalawang babae, nasa twenties at ka-edad ni Carmella. Niyakap siya ni Vanessa nang mahigpit. “I miss you, babe.” Niyakap din niya ang kasintahan. “Doon tayo sa malapit na coffee shop mag-usap. Nakakahiya kasi na nandito tayo sa loob ng hospital, babe,”, mahinang aniya rito pagkatapos bumitaw sa pagkakayakap nito sa kanya. “O-Okay… let’s go.” Hinila nito ang kanyang kamay palabas ng hospital. Tumingin siya sa suot na relo at ten o’clock pa lang naman. May isang oras pa bago ang operation. “Babe, hindi mo ba ako na-miss?” may pagtatampong tanong ni Vanessa sa kanya habang naglalakad sila sa katabing coffee shop ng hospital. “Of course I miss you,” nakangiting aniya rito. Pumasok sila sa loob ng coffee shop at saka nag-order ng kanilang favorite drinks. “Hindi ka ba busy, babe?” mahinang tanong nito sa kanya. Magkatabi silang dalawa na nakaupo sa mini sofa. Nakatukod ang siko ni Vanessa sa lamesa at nakatingin sa kanya. “May mga trainees kasi akong inaasikaso, babe. Sila iyong ikinukuwento ko sa iyo na galing sa Medical Institute School.” Nalungkot si Vanessa sa kanyang sinabi. “Kailan naman tayo magkakaroon ng oras para sa isa’t isa?” Hindi muna siya sumagot dahil ibinaba ng waiter ang order nilang dalawang coffee latte. “Babe, sorry kung busy ako. Siguro pagkatapos ng trainings ng mga trainees ko? Kailangan ko rin kasing ayusin ang mga records nila para sa reports na kailangan nila,” paliwanag pa niya rito. “Paano naman tayo? One year na tayo pero hindi ko maramdaman na may boyfriend ako. Madalang tayong magkita at pareho pa tayong busy. Ang sabi mo may aayusin ka lang dito tapos sa America ka na titira. Kaya nag-decide ako na sumama na lang sa iyo sa America.” Nagulat siya sa sinabi nitong iyon. Natuwa siya ngunit bigla siyang nakaramdam ng kalungkutan. “Nariyan naman si Mike para asikasuhin ang mga trainees mo, ‘di ba?” “Pero…” Paano ba niya sasabihin na hindi lang dahil sa trainees niya ang dahilan? “Okay, fine.” Biglang tumayo si Vanessa. “Siguro nga hindi talaga tayo compatible. Naiinis na rin ako sa iyo, Wise. Alam mong kaya kong i-give up ang business ko rito para sa iyo at sumama sa America. Pero sa nakikita ko ngayon nagmumukha na akong tanga. Mahal mo ba talaga ako?” naluluhang tanong nito sa kanya. Natigilan ang mga costumers dahil nakatingin na ang mga ito sa kanila ni Vanessa. Hindi siya sumagot dito. Nahihiya siyang pinagtitinginan sila ng mga tao. Nang hindi siya sumagot ay umalis sa kanyang harapan si Vanessa. Binayaran niya ang in-order nila na hindi pa nila nagagalaw. Mabilis niyang sinundan ang kanyang nobya na sumakay ng kotse nito. Mahal niya si Vanessa pero kailangan niyang makuha ang mga ari-arian ng kanyang ina. Hinarangan niya ng sasakyan nito at saka siya sumakay sa tabi ng driver’s seat. “I’m sorry, babe. Yes, I love you pero hindi mo kailangan iyong itanong sa akin in public places.” Pinahid nito ang luha sa mga mata at saka nito hinawakan ang kanyang magkabilang pisngi. Hinagkan nito ang kanyang mga labi at tinugon naman niya iyon habang nakahinto ang sasakyan ni Vanessa sa gilid ng daan. “SH#TA, ang aga-aga nanatsing ka?” hindi makapaniwalang tanong sa kanya ni Pan. Malungkot na tumago si Love sa kanyang kaibigan. Nakatsansing nga siya kanina pero nasermunan naman siya ng todo! Nasa loob sila ng office nilang tatlo nila Clyde nang tanungin siya ng kaibigan. Nagmemerienda sila ng bananacue na ibinigay sa kanila ni Clyde kanina. “Mali bang yakapin ko siya kaysa naman mapasubsob ako sa hagdan kaninang umaga.” Natawa sa kanya ang kanyang kaibigan. “Ibang klase ka talaga, friend.” Natatawang pinalo pa nito ang balikat niya. “Iyong sinabi mo kanina kay Doc Wise tungkol sa mga parents ko dapat hindi mo na iyon binanggit pa sa kanya. Hindi naman na iyon kasali sa usapan.” Inirapan siya ni Panity. “Kailangan niyang malaman para hindi ka niya pinag-iinitan. Sobra na kasi siya sa iyo. Hindi porket alam niyang crush mo siya papahirapan ka niya ng todo. Unfair naman iyon sa iyo dahil nagpapakat@nga ka diyan,” panenermon sa kanya ng kanyang kaibigan. Habang nag-uusap sila ay pumasok si Clyde. May dala iyong plastic na may lamang iced tea. Mukhang galing pa ito sa labas para bumili. “Salamat sa drinks, Clyde,” nakangiting aniya sa kaibigan habang kinukuha ang iced tea sa plastic bag. Umupo si Clyde sa kanyang tabi at saka uminom ng iced tea. “Maganda pala iyong girlfriend ni Doc Wise, no? Nakita ko sila sa coffee shop kanina na magkasama. Grabe iyong tinignan nila ni Doc Wise para akong nanonood ng Korean Drama,” pagbabalita pa nito sa kanila ni Pan. Napaubo si Love sa kanyang narinig. Ano girlfriend? May nobya na si Doc Wise? “Ayan na nga, e. May girlfriend na si Doc Wise kaya ikaw Maria Carmella Isabella Love Celestine, mag-isip-isip ka na dahil taken na ang kupidong pumana sa puso mo,” panlalabi ni Pan sa kanya. Nawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Hindi na rin siya makakain at makainom ng iced tea. Pakiramdam niya biglang may sumaksak sa kanyang puso at pinipiga ito ng todo. “Magpapahangin lang ako sa labas,” pagpapaalam niya sa kanyang mga kaibigan. Nakatapat sa malaking glass wall ang department office nilang tatlo. Kitang-kita niya mula sa second floor ang mga taong nasa ibaba ng building. Habang nakatingin sa labas ay naagaw ng kanyang atensiyon ang lalaking nakatakilod. Nakahalukipkip pa siya habang nakatingin sa mga ito. Nakayakap ang lalaki sa babaeng nakasuot ng peach na fitted dress. Sumakay ang babae sa kotse nito at saka inilapit ng lalaki ang mukha sa nakabukas na bintana. Mukhang naghalikan pa ang dalawa. Tumaas ang isang kilay ni Love habang nakatingin sa lalaki. At nang humarap ito biglang kinabog ang kanyang puso. Ang lalaking nakatalikod na pinapanood niya kanina ay walang iba kun’di si Doc Wise… ang lalaking itinatangi ng kanyang puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD