BIGLA kong nabitawan ang kapit-kapit kong plastic bag habang rinig na rinig ko kung paano napa-singhap si Anghelita sa aking likuran. Naramdaman ko na lang na parang nang manhid ang buong katawan ko at napa-tulala habang iniisip kung totoo ba ‘tong narinig ko. “Melen... ‘yong kapatid mo...” Nanginginig kong inangat ang aking braso sabay kinapitan ng mariin ang mag kabilang balikat ni Manang Helda para ikalas ang pagkakayakap n’ya sa ‘kin. Doon ko nakita ng malinaw na basang-basa ang mukha n’ya ng luha. “A-Anong pinagsasabi n’yo? Kung biro ito, p’wes hindi ako natutuwa!” ‘di ko napigilang sumigaw habang tumataas baba ang aking dibdib sa bigat ng aking paghinga. Napansin kong napa-hinto ang mga tao sa kani-kanilang ginagawa at naka-pako ang mga mata sa kinaroroonan ko na may namumuong bulun