"Kailan po ba ako mag-uumpisa?" alanganin na tanong ni Saddie sa ginang.
"As soon as possible, Ms. Villegas…" umalis sa harapan ni Saddie si Mrs. Ildefonso ay kinuha anh cheque sa bag nito. Muling bumalik sa Saddie na dala ito at inabot sa dalaga.
Binasa ni Saddie ang amount na nakasulat nagkakahalaga ng 1.5 million pesos, dumagundong ang dibdib niya sa kaba at hindi makapaniwalang makakahawak siya ng ganu'n kalaking halaga para sa gagawin niyang pagpapanggap.
"Ipapadala ko sa 'yo ang kontrata para pirmahan mo ang kasunduan na ito, sa oras na lumabag ka sa kahit na anong bawal doon ay ibabalik mo ang pera na ibinigay ko sa 'yo…"
Agad siyang na napasulyap ang dalaga sa ginang na bahagyang gulat na gulat. 'Hindi ako maaring magkamali, kailangang matapos ko ito,' sa isip-isip ni Saddie habang nakatingin sa ginang. "O-opo naiintindihan ko po, pero maari po bang makapagpaalam ako sa mama ko at sa kaibigan ko. Gusto kong masiguradong maayos ang operasyon at okay siya bago ako umalis. Para rin po hindi sila maghinala sa akin kasi kayo na po ang nagsabi na wala dapat magkaalam nito maliban sa ating dalawa."
Tumango-tango ang ginang. "Sige, pumapayag ako pero sana kontakin mo ako agad pag maayos na at handa ka nang umalis. Ipapasundo kita sa driver ko para dalhin ka niya sa hacienda namin sa Irosin at doon na tayo magkita. Pag napirmahan mo na ang kontrata saka ko ibibigay ang kalahati ng bayad ko sa 'yo, I trust you, Ms. Villegas, kaya inaasahan kong darating ka at sisipot ka sa usapan natin."
"Paano po yung maiiwan kong trabaho sa kompanya?" nag-aalala si Saddie na baka hindi siya makabalik, ngunit makabalik man siya o hindi kaya na niyang buhayin ang ina niya lalo na kung gagamitin niya ang perang matitira sa business na gusto niyang itayo.
"Ako na ang bahala roon at huwag kang mag-alala makakabalik ka pa rin pagkatapos nito," sagot ng ginang.
Two days na ang nakakalipas simula nang magkausap si Saddie at si Mrs. Ildefonso na ina ni Maven sa isang kasunduan. Malaki nga ang tiwala nito sa kanya na ibinigay ang kalahati ng bayad bago ang kontrata.
Nasa labas siya ng operating room habang hinihintay ang ina na matapos ang operasyon, nang makuha niya ang pera agad siyang nagbigay ng notice na mag-undergo ang sa heart surgery nito na agad naman siyang pinagbigyan pagkatapos ng ilang test. Wala pa siyang nakukuhang balita mula sa ginang pero pinadala na sa kanya ang kontrata at ilang beses niya itong binasa. Ang dami niyang inaalala at hindi niya alam kung ano ang uunahin niya.
Ilang beses siyang nagpapasalamat at ilang beses din siyang humihingi ng tawad para sa kay Maven sa gabi-gabi niyang pagdarasal na sana'y kung sakaling malaman ng binata'y mapatawad siya nito sa ginawa niya.
LIMANG araw ang nakakalipas ng maging successful ang operation ng heart transplant ng ina niya at bumabalik na ng paunti-unti ang lakas nito pero nasa ospital pa rin. Nakikita na niyang ngumingiti ang ina at naririnig na niya ang mga mahihinang tawa nito. Nasa ospital pa rin sila at kailangan pa rin maghintay ng notice ng doctor kung kailan maaring makalabas ang ina niya para maiuwi sa bahay.
"Maraming salamat, anak, ang dami ko nang utang sa 'yo," nahihiyang wika nito habang magkahawak ang isang kamay nila.
"Hindi naman po utang iyon gusto ko lang kayong mapabuti, ma, mag-iingat kayo palagi lalo na't aalis ako ng matagal…"
Agad na bumitaw sa pagkakahawak ang ina niya sa kanya kaya may kung anong kirot sa puso niya ang kanyang naramdaman. Hindi man niya gustong humiwalay sa maikling panahon ngunit wala siyang magagawa, hindi nga alam ni Saddie kung paano siya napaalam ng ginang lalo na sa management na kailan niyang sumama sa farm inspection ng mga Ildefonso sa loob ng isang buwan mahigit at kailangan niyang mag-leave. 'Baka ganu'n nga lalo na kung may kapangyarihan kang gawin ang lahat,' sa isip-isip ni Saddie.
"Kailangan ko pong umalis, tungkol po ito sa trabaho mawawala po ako ng isang buwan o mahigit, hindi ko po alam...alam naman po ninyo na ginagawa ko ang lahat para sa atin, para sa pangarap natin, kailangan ko pong sumama sa farm inspection sa Casa Ildefonso na nakatayo sa Irosin, Sorsogon," pinakunot ni Saddie ang ilong niya at saka ngumiti ng bahagya sa ina. "Malayo po, ano? Pero kailangan ko pong tangapin kasi trabaho. May iiwanan naman po akong magbabantay sa inyo, pwede rin naman po kayong bantayan ni Mia minsan kung sakaling libre siya at kung maaring matapos uuwi rin po ako agad."
Sandaling katahimikan pagkatapos ipaliwanag ni Saddie sa ina ang pag-alis, hindi alam ni Saddie kung natutuwa ang kanyang ina, niya gustong malungkot ito o maghatid ng malungkot na balita ngunit sino ba ang magsasabi sa kanyang ina kundi siya lang din, ayaw na niyang padagalin pa kung ano pa ang mga inaalala niya.
"Mag-iingat ka roon, kung maari araw-araw kang tumawag para malaman ko ang kalagayan mo roon," wika ng kanyang ina maluha-luha ang mata.
Ngumiti na lamang si Saddie at nakahinga ng maluwag. "Opo, maraming salamat, yung mga bilin ko po gawin ninyo habang wala ako, ma-miss ko po kayo," saka pumatak ang luha sa isang mata ni Saddie saka yumakap sa kanyang ina na sobrang higpit na akala mo'y batang paslit. Yinakap din siya pabalik ng ina. Hinalikan siya nito sa noo bago siya tuluyang bitawan.
DALAWANG araw bago tuluyang nakalabas ang ina ni Saddie sa ospital, agad silang umuwi ng bahay at doon makapagpahinga ang kanyang ina.
Bumili siya ng groceries supplies at hindi na siya nahirapan bumili ng kompletong resita ng gamot para sa tuluyang pagpapagaling ng ina dahil sa hawak na pera. Pinirmahan din ni Saddie ang kontrata at agad din siyang komuntak kay Mrs. Ildefonso na handa na siyang umalis, kaya ang magsusundo na lamang ang hinihintay niya.
Kahit na anong pigil sa ina'y hindi niya masaway sa pagtulong sa kanyang mag-ayos ng gamit na dadalhin niya. Isang maleta lamang ang gagamitin niya at tamang mga gamit lamang ang binaon.
"Gusto kong pinagsisilbihan pa rin kita kahit na malaki ka na," wika ng ina nito habang nagtutupi ng damit na dadalhin niya.
Habang nakatingin sa ina inaalala niya ang mga bilin sa kontrata, kailangan niyang umakting na parang si Carmina, kumilos at magsalita lalo na sa harapan ni Maven kahit pa bulag ito.
Kinakabahan pa rin si Saddie kahit pa maraming alam ito sa buhay ni Maven alam niyang may pribadong bagay na sila lang ang nakakaalam ni Carmina. Walang dapat makakaalam sa kasunduan kaya hanggang sa hukay ni Saddie dadalhin niya ang sikretong iyon, kung sakaling lumabas man ang sikreto niya sa iba lalo na kay Maven magpapakalayo-layo kasama ang ina, iyon ang plano niya.
Ilang sandali lang ang nakalipas nang dumating ang sundo ni Saddie na driver ni Mrs. Ildefonso, agad na bumaba ang driver at binati siya at ang kanyang ina. Kinuha ng driver ang maleta niya saka isinakay sa likod ng van. Humarap naman si Saddie sa ina na para bang ayaw siyang paalisin. Nakikita ng ilang usiserong kapit-bahay ang biglang pagdating ng van para sa magsusundo sa kanya.
"Aalis na po ako, mag-iingat kayo rito," saka inabot ang bagong atm card para sa ina. "Magagamit ninyo ito sa pangangailangan ninyo o kung may gusto kayong bilhin gamitin ninyo, maglibang kayo kahit kunti lang."
Nag-aalangan man ang ina niya'y tinanggap na lamang nito ang bigay niya. "Salamat, anak, mag-iingat ka," niyakap siyang muli ng ina bago siya tuluyang bitawan nito at makasakay sa loob.
Umandar na ang makina ng sasakyan at nagmaneho ang driver paalis sa lugar na iyon. Nakatingin lang si Saddie sa ina mula sa bintana at ganu'n din ang ina sa kanyang nakatanaw sa kanyang pag-alis. Ipinikit na lamang ang mga mata para hindi makita ang nalulungkot na ina sa pag-alis niya.
MAY walong oras ang biyahe ni Saddie bago sila tuluyang nakarating sa Irosin sa Bicol. Walang naging problema si Saddie sa biyahe dahil pati ang pagkain niya sa biyahe ay libre ngunit sumakit lamang ang likod at puwetan niya sa ilang oras na pagkakaupo. Naging sulit ang biyahe nang masaksihan niya ang makulay at masayang lugar ng probinsya. Maingay at masigla ang pamilihan ng bayan. Ilang sandali lang ng mawala na sila sa bayan ng Irosin halos mga puno at mga halaman ang kanyang nakikita, bahagyang nanibago si Saddie dahil ngayon lang siya makakatungtong sa isang probinsya.
Ilang minuto nang mapadaan sila sa grapes farm at may nakalagay sa isang arc sa daanan na 'Welcome to Casa Ildefonso' hindi niya maiwasang hindi mamangha sa napakalawak na hacienda ng mga Ildefonso ng ubas para sa kanilang produktong alak, nangingibabaw ang kulay berde ng mga dahon, berde at pulang bunga ng ubas.
Binuksan niya ang bintana sa side niya at agad na bumungad ang mahalimuyak na amoy ng mga ubas sa hangin. "Wow!" naibsan ang pagod ni Saddie sa biyahe sa kanyang nakikita.
Napalingon siya sa di kalayuan nang makita niya ang two storey modern ancestral house ng mga Ildefonso, nangingibabaw ang cream color nito lalo na't napapalibutan siya ng mga halaman. 'Napakaganda sigurong manirahan dito, sariwa ang hangin, malayo sa problema sa siyudad,' sa isip-isip ni Saddie.
Tuluyan silang pumasok sa maliit na gate nang may magbukas sa kanilang dalawang nagbabantay sa hacienda na nakasuot ng long sleeve na puti at parehas din nakamaong short. Binati siya ng buo ang ngiti kaya binalik din ito ng dalaga.
Huminto ang sasakyan sa harapan ng ancestral house saka bumaba si Saddie, pagtingin niya sa pintong bukas ay may ilang katulong na naghihintay sa kanya.
"Magandang umaga po, kayo po ba si Ms. Carmina?" tanong ng isa sa mga ito.
Bahagyang nabigla si Saddie, sasagot sana siya na baka nagkakamali sila ngunit bago pa man niya aksidenteng masabi ang totoo niyang pagkatao biglang lumabas si Mrs. Ildefonso na nakasuot pa ng robang puti, ngumiti ito kay Saddie at saka lang naalala ng dalaga ang misyon niya. Bigla na lang siyang kinabahan.
"Good morning, iha, tuloy ka," alok nito sa kanya. "Kumain ka na ba? Gusto mo na ba magpahinga alam mo bang---"
"Carmina!"
Parehas silang napalingon sa binata na kalalabas lamang sa may dining area. Nanginginig ang tuhod ni Saddie, napakagat siya sa kanyang ibabang labi at napalunok nang maramdaman niyang biglang nanuyot ang lalamunan niya. Dumagundong ang dibdib niya, wala na ang benda sa mga mata ni Maven at napalitan ito ng itim na salamin. Ngayon lang niya nakitang nakapambahay ang binata pero kahit ganu'n pa man nangingibabaw pa rin ang kagwapuhan nito.
'Nakikita niya kaya ako?' tanong ni Saddie sa kanyang sarili.
Humakbang si Maven sa pagmamadali na malapitan siya ngunit natalisod ito, instinct niya bilang secretary na tulungan ang amo kaya nagmadali siyang lumapit dito at inalalayan para makatayo.
"O-okay ka lang, si---Maven?" kamuntik pa niya itong matawag na sir.
Hindi sila agad nakatayo nang mahawakan ni Maven ang kamay niya ay hinila siya nito at yinakap na talagang kinagulat niya. Namimilog ang mga mata at nasa eri lang ang mga kamay. Naestatwa ay hindi maigalaw ang sarili sa biglang napunta siya sa sitwasyon na iyon. Napansin na lang niya ang panginginig ng katawan ng binata habang yakap siya, unti-unting nabasa ang damit niya sa may balikat dahil sa mga luha ng binata.
"Ang akala ko iiwan muna ako, ang akala ko hindi mo na ako bibisitahin dahil bulag na ako…"
Hindi nakaimik si Saddie habang dahan-dahan na hinaplos nito ang likod ng binata para patahanin. May kung anong kumukurot sa kanyang puso nang makitang ganito ang binata, walang sino man ang lumalapit habang nakasalampak pa rin sila sa sahig na dalawa.
"Patawarin mo ko sa nangyari, hindi ko sinasadya," bulong ng binata.
'Paano ko itutuloy ito kung gayong ganito siya nasasaktan sa nangyari? Paano pa kaya kung malaman niya ang totoo?' mga tanong ni Saddie sa kanyang isipan. 'Patawad, pero kailangan kong gawin ito.'
Kumalas sa pagkakayakap ang binata kaya nakita niya ang luha sa pisngi nito. Naawa siya para kay Maven, kailangan niyang maibsan ang lungkot nito sa pagpapanggap niya.
Nakita niya ang pilit na pag-abot ng kamay ni Maven sa pisngi niya hanggang sa magdikit ang balat nila, naramdaman niya ang mainit na palad nito sa pisngi niya at hindi niya maiwasang hindi mapatitig ng ganito kalapit sa binata, nag-aalangan siya lalo na't ngayon lang siya nahawakan ng lalaki.
May kung anong kuryente ang gumigising sa kanyang puso, halo-halo ang emosyong nadarama niya. May kung ano sa kanya na gustong-gusto niya alalagan ang binata at alisin ang kalungkutan dito
"I am thankful na andito ka na sa tabi ko, Carmina," pagsusumamo ni Maven.