Chapter 6

1760 Words
ALAM ni Saddie kung saang lugar niya hahanapin ang taong kailangan niya ngayon, dinadaga at ilang beses na niyang kinakagat ang kanyang labi. Kahit pa desidido na siya sa kanyang plano hindi pa rin mawala sa kanyang sarili ang hiya, sekretarya siya ni Maven alam din niya ang schedule kung aalis ba ng bansa ang mga pamilya nito lalo na't may sariling schedule list ng mga plano ng kadaisa sa buong taon. Biglaan din ang pag-ulan na para bang nakikiramay ang panahon sa kanyang nararamdaman ngayon, nakatayo lang siya sa gusali ng isang sikat at kilalang condominium sa Ayala Makati na Hestia Tower, hinayaan lang niya ang sariling mabasa ng ulan, para siyang pulubi sa iba, nakasuot pa rin siya ng kanyang pantulog at walang saplot ang mga paa. Pagkatapos niyang asikasuhin ang ina agad siyang umalis para makita si Mrs. Ildefonso. 'Baka magbago na ang isip niya, pagbibigyan niya kaya ako uli? Kakausapin ka niya kaya ako?' hindi mawala sa isip ni Saddie ang mga posibilidad na baka hindi na siya tanggapin ng ginang sa oras na magpakita uli siya. Nanginginig na si Saddie sa lamig at nanghihina na sa gutom, wala na siyang pakealam kung ilang beses niyang naramdamang kumulo ang sikmura sa pagtitiis. Huminga siya ng malalim, maglalakad sana siya papasok sa loob kahit pa may ilang nagmamadaling pumasok doon dahil sa lakas ng ulan ngunit natigil siya ng makita niyang palabas ang ginang sa loob ng lobby habang pinapayungan ng bodyguard nito gamit ang itim na payong, walang pakialam ang bodyguard nito kahit mabasa basta hindi mabasa ang ginang. Napasulyap sa gawi niya kaya natigilan din siya, nagkatitigan sila, may kung anong awa ang nakita niya sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya, nilunok na ni Saddie ang pride niya at pag-aalala niya sa iisipin ni Maven sa kanya basta mailigtas niya ang ina niya, ang importante sa kanya ngayon ay ang kanyang ina, saka niya problemahin ang iba, hinubad ng ginang ang nude prada coat nito saka inabot sa bodyguard dito, bumulong ang ginang sa bodyguard niya at nagmadaling pumasok sa loob muli. Nag-alala si Saddie na baka iniiwasan na siya ng ginang ngunit nakakunot-noo ang dalaga hanggang sa lumapit ang bodyguard ng ginang para payungan siya. "Suotin mo raw ito at dalhin daw kita sa loob," seryosong wika ng bodyguard. Hindi na nagreklamo pa si Saddie, agad na sinuot ang coat ng ginang na bahagyang maluwag at mahaba dahil hindi ito sukat sa kanya. Ayaw niya sanang masira ang mamahalin nitong coat ngunit mas mamamatay siya sa lamig kung sakali, sumunod siya sa lalaki hanggang sa makapasok sila sa loob at agad siyang napansin ng ilang naroon sa lobby dahil sa kanyang itsura kaya yumuko na lamang siya sa hiya. Pakiramdam niya pinag-uusapan at kinukutsa siya ng mga tao sa paligid. Nanliliit siya sa mga oras na iyon hanggang sa makapasok sila sa loob ng elevator kaya nabawasan ang hiya niya. Ilang sandali lang nang huminto ang elevator sa maluwag na floor, pumasok sila roon at may nag-iisang pinto ang meron doon. Habang tumatagal mas nakikita niya ganu'n talaga kayaman ang Ildefonso dahil kayang bilhin ng ginang ang buong floor para lang sa kanya. May passcode bago tuluyang makapasok, sinalubong sila ng magagarang kagamitan at kakaibang hugis ng furniture. Nagkalat ang silver and gold na kulay sa mga kagamitan, nakakalula---ni isa roon ay ayaw lapitan ni Saddie na baka masira niya at wala siyang maibayad dito. Napansin na lamang niya ang paghinto ng bodyguard na sinusunod niya sa harapan ng isang modern type u-shape kitchen sa loob naman nito'y halos nangingibabaw ang kulay itim, gray at puti na kulay nito. May mga nakahandang pagkain na hinanda ng tatlong katulong saka nagpakita ang ginang. "Iwan na muna ninyo kami," utos ng ginang saka umalis ang guard at katulong. Hindi maiwasan ni Saddie na tumingin ang nakakatakam na pagkain sa harapan niya sa counter. Pagkaing agahan na hindi pa niya naranasang kainin noon dahil simple lamang ang almusal nila sa bahay. Nag-aalangan man lumapit ay nagawa ni Saddie na lumakad patung roon at naupo sa metal tall chair sa harapan ng counter, para siyang batang nagpapaalam sa ginang kaya ngumiti ito sa kanya para sabihing ayos lang. "Kumain ka na muna, alam kong malayo ang binayahe mo papunta rito, huwag kang mahihiya at para sa 'yo lahat yan," wika ng ginang. Lumunok siya at pakiramdam niya nanunuyot na ang lalamunan niya. Una niyang kinuha ang french toast, nang maubos niya ito'y sinunod niya ang sopas at bacon doon. Hindi niya gustong magtagal o kumain ng marami kahit gusto niyang maubos ang lahat ng nakahanda para sa kanya lalo na't lahat ay gusto niyang matikman. Kumain siya na tama lang na maibsan ang gutom niya ngunit hindi pa rin nawawala ang pag-aalala sa kanyang ina. Lumingon siya sa ginang na seryosong nakatingin lang sa kanya pagkatapos niyang ubusin ang isang basong tubig. "Mrs. Ildefonso, paumanhin kung narito ako hindi ko naman sinasadyang istorbihin kayo---" Hindi siya pinatapos ng ginang nang magsalita ito. "Naiintindihan ko at alam ko kung anong pakay mo, ibig sabihin lang na binisita mo ko ay pumayag ka, diba?" Hindi nakaimik si Saddie at nakatingin lang sa ginang. Lumapit ito sa kanya saka hinawakan ang malambot niyang kamay dahil sa lamig at pagkabasa ng tubig ulan. Walang pakialam ang ginang kung basang sisiw na siya. "I can cancel all my important meetings basta sa anak ko, alam kong pumunta ka rito para tulungan ako at tulungan din kita," wika ng sincere na boses ng ginang. Hindi mo makikitaan na mapagmataas ito. May gumugulo pa rin sa isip ni Saddie hanggang ngayon. "Bakit---bakit ako po ang napili ninyo? Maraming pwedeng magpanggap o magbantay sa kanya, bakit ako?" Huminga ng malalim ang ginang bago ito sumagot. "Bakit nga hindi ikaw? Simple lang, sa lahat ng empleyado ni Maven ikaw ang malapit sa kanya, alam kong may mas matagal pa sa 'yo roon pero ikaw ang madalas niyang nakakasama at nakakausap ng anak ko. I know na familiar ka na sa aming lahat na mga Ildefonso, imposibleng hindi, and you know how Maven how much he loves Carmina…" Sandaling tumahimik ang ginang saka napatitig sa maamong mukha ni Saddie. "You know what, you look innocent just like Carmina but she's more confidence and sophisticated than you no offense, Ms. Villegas. If you like us, papasa kang fiance ng anak ko." Hindi naman nasaktan si Saddie sa sinabi ng ginang patungkol sa itsura niya at status niya sa buhay lalo na nong maalala niya ang sinabi sa kanya ni Maven noon na magkahawig ang boses nila nitong kasintahan na si Carmina. "Alam mo na mong paano papaamuhin ang anak ko, nakita mo na ang ilang downfall niya sa buhay at ilang win statuation niya. Alam mo rin kung paano nabuo ang relasyon nilang dalawa, alam mo kung paano sila kumilos sa isa't isa, nagmamakaawa ako sa 'yo, pagbigyan mo ko para mo lang siyang babantayan habang nagpapangap ka ayoko lang na mawala siya sa akin hindi ko kakayanin, mahal ko ang anak ko, gagawin ko ang lahat para sa kanya…" animoy maiiyak na naman ang nagtutubig na mga mata ng ginang. "I can give you 2 million, 5 or whatever you want basta tulungan mo ko." 'Pag importante sa 'yo ang isang tao lahat gagawin mo mapabuti sila o mapalayo sila sa kapahamakan, siya para sa anak niyang si Maven, at ako para sa ina ko. Magkaiba man kami ng sitwasyon pero iisa lang ang dahilan namin kung bakit kami lumalaban, para sa mga mahal namin sa buhay, na may importanteng parte sa buhay namin,' bulong ni Saddie sa kanyang isipan. "Na saan po ba si sir Maven?" Nagtaka at bahagyang nabigla ang ginang sa tanong ni Saddie sa kanya, umalis ito sa upuan at inayos ang sarili. "Sumunod ka sa akin," sagot ng ginang bago naglakad. Sumunod naman si Saddie sa utos ng ginang saka sila pumasok sa isang pasilyo na halos puro painting lang ang nakasabit sa white wall, may pintong brown sa dulo para sa isa pang silid. Pagkarating nila sa dulo'y huminto sila. "Kahahatid lang kay Maven dito sa condo, wala siyang ibang pupuntahan kundi rito na muna lalo na't wala namang pakialam sa kanyang ang ama niya," wika ng ginang. Bigla tuloy naalala ni Saddie kung ano ba ang relasyon ni Maven sa ama nito ngunit naiwagli ito nang magsalita muli ang ginang. "Hinatid na rin ang labi ni Carmina sa kanila, wala pa ring nakakaalam kung ano ba talaga ang tunay na nangyari lalo na't ayaw ilabas ng magulang ang totoo dahil sa malamang parehas na makakasira sa dalawang kompanya ang balita, sabi ko na nga ba hindi magiging maganda ito pero hindi ko masisisi ang anak ko at si Carmina dahil nagmamahalan sila…" saka binuksan ng ginang ang double door. Siya ang unang pinapasok nito sa loob, may mga animong mahogany pool na harang sa kabilang side ng silid kung na saan ang isang king size bed, dahan-dahan na naglalakad si Saddie papalapit doon nang mapansin niya ang paa ng isang lalaki na lagpas na kumot nito hanggang sa tuluyang nakita ni Saddie ang binata na may takip pa rin sa mga mata nitong benda, may sariwa pang sugat sa braso at galos sa mukha. Tuluyang lumapit si Saddie sa kama na hindi niya namamalayan, gusto niyang maiyak at maawa sa kalagayan ng boss ngunit paano niya mararamdaman iyon lalo na't papayag siya sa kagustuhan ng ina nito na magpanggap. Gusto niyang lapitan ang binata sa kama na nahihimbing ang tulong ngunit pinigilan niya ang sarili. Huminga siya ng malalim para tatagan ang sarili. Hindi mapigilan ni Saddie at nagmadali silang lumabas diretso hanggang sala sumunod naman ang ginang sa kanya. Baka umiyak siya at magising niya si Maven sa kanyang hagulgol. "Sinisisi ng mga Altavano ang pagkamatay ng anak nila kay Maven, I know they finding their way para makaganti sa anak ko, gusto nilang makitang malamig na bangkay ang anak ko kaya siya narito pero mas ligtas siya kung nasa malayo siyang lugar...Ms. Villegas, pumapayag ka na ba?" Naikuyom ni Saddie ang mga palad sa magkabila niyang gilid. 'Sir, alam ko mali 'tong gagawin ko pero kailangan ko ng tulong, kailangan kong iligtas ang ina ko, baka wala nang saysay ang buhay ko kung mawala ang mama ko sa akin,' puno ng alanganin si Saddie sa kanyang puso. Humarap siya sa ginang na lumuluha. "Pumapayag na po ako, para sa operasyon ng ina ko pumapayag na po ako," matapang na pagtanggap ni Saddie sa animoy hamon sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD