HALOS ma-late na naman nang pagpasok si Saddie dahil inuwi niya ang ilang trabaho galing sa kompanya para maipasa niya ang pinapagawang mga reports ni Maven sa kanya, kahit anong gawin niya hindi makakalahati ang pinapagawa sa kanya. Pagkarating niya sa kompanya na puno ng mga bisita ang looby doon lang niya napagtanto na may investors meeting si Maven, ang mga Japanese investors. Habang nasa elevator siya agad siyang tumawag sa Japanese restaurant na pwede niyang kuhaan ng pagkain para sa mga bisita. “Hello, I would like to order 20 sets of bento, one set of of sushi, sashimi, unagi, tempura, soba, onigiri rice balls and red iced tea, asap, for deliver po siya---” "Excuse me, madam, pero our deliver mode is not available for this moment.” Sandaling napatigil si Saddie at agad na nag-a