HUMINTO ang sasakyan nila Saddie at Maven sa harapan ng English country club golf course na siyang pinagtaka ni Saddie sa binata. Agad siyang napasulyap sa katabing amo. Iniisip-isip pa rin ni Saddie kung anong meeting ba ang pupuntahan nito lalo na’t wala naman siyang nakita sa calendar niya kaya naisip niyang baka emergency meeting ito na si Maven lang ang nakakaalam. “Ang akala ko po ba may meeting po kayo?” Inaayos ni Maven ang gamit niya bago siya bumaba. “Bakit hindi na ba pwedeng makipag-meeting sa golf course? Kung ito ang place na gustong makipagkita ng makakausap ko,” pilosopong sagot nito. Tuluyang nakababa si Maven kaya sumunod si Saddie, hindi naman imposibleng makipag-usap si Maven at maari naman sa kahit saan ngunit nagtataka siya na bago sa kanya ang place na iyon para s