‘What he mean about that?’ kanina pa paulit-ulit na umiikot sa kanyang sa isipan ang tanong na iyon. ‘Bumalik nga siya pero parang naging malala naman siya kesa rati…alam na kaya niya na wala si Carmina kaya siya nagkakaganu’n?’ nanlaki ang mga mata ni Saddie sa ideya na iyon. ‘Paano kung alam nga niya so ibig sabihin alam niyang may nagpapangap lang noong nasa Irosin siya? My god!’ “Andito na po tayo, madam,” wika ng driver ni McKenzie na sinundo pa talaga siya mula sa opisina para lang pumunta ng anniversary after party. Wala sana siyang balak kung hindi lang talaga siya naawa sa manong driver na naghihintay sa kanya. Hindi na rin siya nakapagpalit kaya sumama na lamang siya. “Salamat po,” wika niya bago siya bumaba. Bumungad ang cruise ship na sasakyan na maglilibot hanggang sa ma