LIMANG taon na rin ang nakakalipas na ang dami na ring nangyari sa buhay ni Saddie, hindi pa rin siya naaalis bilang secretary ni McKenzie simula nang malipat siya sa team nito at mas sunod-sunod ang project na binigay sa kanya simula nang nong una niyang grape juice na pinangalanan nilang C grape juice, nakabili na rin si Saddie ng lupa at sariling bahay niya. Ngunit kahit ganu’n pa man hinihintay pa rin niya ang pag-uwi ni Maven, pinagdadasal niya na magkita muli sila at kahit din si McKenzie ay walang binabalita sa kanya na kahit na ano tungkol sa dating amo, nakakaramdam pa rin siya ng lungkot at pagka-miss minsan. Naging abala ang lahat hanggang sa dumating ang pinakahihintay ni Saddie, ang unang taong anibersaryo ng C grape juice, maraming nagbigyan ng bagong trabaho sa proyekto n