“s**t! ANG hirap magbanat ng buto!” Zyren stretched out her body and looked at her wristwatch. “Anak ng pusang kinalbo! Ang sakit na ng balakang ko!”
Hindi niya akalaing ganito ang sasapitin ng katawan niya nang magpanggap siyang katulong sa mansyon na iyon. Akala niya, since aircondioned naman ang kuwarto ay wala na siya gaanong lilinisin. Pero ang topakin niyang amore, pinag-trip-an siya.
“Hindi bale, para rin naman ito kay Konrad bebeh ko.” Nilingon niya ang nakasarado pa ring pinto ng banyo. “Bakit kaya hindi pa rin siya lumalabas? Mag-iisang oras na rin halos mula nang pumasok siya roon, ah.”
Hindi kaya nalunod na ito? Napasinghap siya at mabilis na tinungo ang banyo. Kakatok na lang siya nang marinig ang ingay na likha ng tubig mula sa shower. Nakahinga siya nang maluwag. Marahil ay nagpakasawa muna ito sa bathtub. Nakita kasi niya kanina ang nakahandang bubblebath nang mapasok niya iyon kanina. Napangisi siya habang ini-imagine si Konrad, with all those bubble dripping down his magnificent body. Napahagikgik siya.
“Sayang hindi ko iyon nakita! Hindi na bale, may next time pa naman.”
Kahit siya ay gustong mapailing sa itinatakbo ng utak niya. Ngayon lang kasi siya naging ganito ka-manyak sa buong buhay niya. It must be her hormone working overtime. Hmm, hindi na nga talaga siya bumabata. Her biological clock was ticking. But it was nice that someone like Konrad made her ticked. Ay, tama ba?
Whatever. Konrad is Konrad. Kahit ano pa ang maging papel niya sa buhay ko, masaya pa rin ako.
May kung ano siyang natapakan habang pinipilit niyang ayusin ang kama. Dinampot niya iyon. A small teddy bear. Halos isang dangkal lang ang laki niyon.
“Hmm, what are you doing underneath this bed, ha?” tanong niya rito. “May masama kang binabalak kay Konrad, ‘no? Pero…maganda ba ang view diyan sa ilalim?”
Humagikgik siya. Naglakbay na naman kasi ang isip niya kung saan ang lahat ay x-rated na ang tanging may kinalaman ay si Konrad. Bumalik lang siya sa katinuan nang bigla na lang may humablot sa teddy bear at sumunod ang dumadagundong na boses ng binata.
“What the hell do you think you’re doing?”
Napatayo siya nang wala sa oras. Nagulat kasi siya sa galit na nakita niya sa guwapong mukha nito.
“Naglilinis lang naman ako—“
“Oo nga! Naglilinis ka at iyon lang dapat ang ginagawa mo! Wala kang ibang gagawin kundi ang maglinis at wala kang pakialam sa iba pang gamit dito sa mansyon! Lalong-lalo na sa mga gamit ko!”
Napapaurong siya sa pinto sa bawat salita nito. “Iyon nga lang ang ginagawa ko—“
“Get out of my room!” Then he slammed the door in her face.
Napamaang na lang siya habang nakatitig sa pinto. Walang anomang idea na pumapasok sa isip niya dahil umaalingawngaw pa sa tenga niya ang ingay na hatid ng pabalagbag na pagsasara ng pinto.
“Zyrena, anong nangyari?” humahangos na tanong ni Manang Sara. Kasunod nito ang ilang katulong. “Narinig namin ang sigaw ni Sir Konrad.”
“Sinigawan niya ako…” Tila wala pa rin siya sa kanyang sarili. “At pinagbagsakan ng pinto…sa ikalawang pagkakataon…”
“Hay naku naman, bata ka! Ilang beses ko ng sinabi sa iyong huwag na huwag mong gagalitin si Sir Konrad. Ano ka ba? Amo natin iyon kaya hindi ka dapat gumagawa ng mga bagay na makakapagpainit ng kanyang ulo…”
Patuloy sa pagsesermon ang mayordoma at ang walang patid marahil nitong pagsasalita ang unti-unting nagpabalik sa katinuan.
“Wala akong ginagawang mali!” sigaw niya saka sunod-sunod na binayo ang saradong pinto.
“Susmaryosep!”
“Zyren, naku, tigilan mo iyan!”
“Lalo lang magagalit si Sir Konrad!”
“Malilintikan na tayong lahat talaga!”
Hindi siya nakinig. Kinalampag niya ang pinto hanggang sa pagbuksan uli siya ng galit pa ring binata.
“Didn’t I tell you to get lost—“
“Huwag mo akong sisigawan!” Mas mataas na rin ang boses niya rito. Hindi na rin niya ito hinayaang makapagsalita pa. “At wala kang karapatang pagalitan ako! Mas lalo ang pagbagsakan ako ng pinto ng dalawang beses!”
Naramdaman niyang may humawak sa kanyang braso. “Zyrena, tama na iyan. Sir Konrad, pasensiya na. Hindi ko yata naipaliwanag sa kanya nang maayos ang mga regulasyon dito sa mansyon—“
“Huwag kayong humingi ng paumanhin sa kanya!” aniya sa mayordoma bago muling hinarap ang lalaki na ngayon ay tahimik na lang na nakamasid sa kanya. “Wala tayong kasalanan! Lalo na ako! Reklamo ka ng reklamo na marumi ang kuwarto mo. Nilinisan ko na nga, galit ka pa! Daig mo pa ang galising aso ng kapitbahay namin na pinakain na nga at lahat, nangangagat pa! Ikaw, kung ayaw mong nililinis ang kuwarto mo, huwag kang magkakalat! O kaya naman, huwag kang mag-uutos! Bad trip ka, ha!”
Ang sumunod na segundo ay medyo nakakabinging katahimikan na. Medyo dahil naririnig pa niya ang bawat paghinga niya pati na rin ang malakas na t***k ng kanyang puso. She’d been insulted. At siya ang tipo ng taong hindi pumapayag na sigaw-sigawan ng walang dahilan. O kahit nga may dahilan pa. Lalo na at malinaw sa kanya na wala naman siyang ginagawang masama. Terror ang naging professor niya noong college sa Political Science. Kaya naman hanggang ngayon ay kabisado pa rin niya ang lahat ng batas at karapatang pantao na nakasaad sa Civil Code of the Philippines.
Kumilos ang isang kamay ni Konrad. Akala niya ay susuntukin siya nito kaya napapikit na lang siya. Subalit imbes na suntok sa panga ay isang nangggigigil na kurot lang ang naramdaman niya sa kanyang pisngi. Napadilat siya.
“Point taken,” wika nito.
Wala ni anino ng galit sa guwapong mukha nito. Natural lang na medyo maguluhan siya sa inasal nito.
“Huh?”
“Pero ipinagbabawal ko pa rin ang sinoman na pagtaasan ako ng boses sa sarili kong pamamahay.” He looked at her with interest. “Masyado kang matapang para sa isang taong sumasalo lang ng mga ibinabatong plantsa ng dating amo.”
“Alam ko lang kung ano ang mga karapatan ko.”
“Hmm.” Isinara na nito ang pinto bago pa siya makahirit.
Hilo pa rin siya sa ibinigay na reaksyon ni Konrad nang balingan niya ang mga kapwa katulong. Nakamasid lang ang mga ito sa kanya.
“Akala ko ba minamaltrato ka ng dati mong amo?” tanong ni Rosita. Ito ang katulong na nakausap niya sa labas ng gate nang araw na maisipan niyang magpanggap na katulong. “Bakit kung magsalita ka, para kang lider ng unyon?”
Nagkbit lang siya ng balikat. “Simple lang. Nagsawa na lang ako na laging may nang-aapi sa akin.”
“Maganda sana ang mga sinabi mo. Kaya lang, siguradong hindi iyon palalagpasin ni Sir Konrad.”
“Oo nga. Ngayon lang may sumagot-sagot sa kanya ng ganon.”
“Pero hindi ba, ngayon lang din nagalit nang ganon si Sir?”
“Tama na iyan,” saway ni Manang Sara. “Bumalik na kayo sa mga trabaho ninyo. Hindi tamang pinag-uusapan ninyo ng ganyan ang amo natin. Zyrena, sumunod ka sa akin.”
For sure, sisante na siya. Oh, well. At least she had the chance to be with the man of her dreams, who was also a nightmare with the kind of temper he had. Still, nanghihinayang pa rin siya sa kinalabasan ng lahat. Akala pa naman niya, kahit hindi magtatagal ang panahon na magkasama sila ni Konrad, hindi naman ganito ka-iksi ang inaasahan niya. She still likes him no matter how bad his temper was. Siguro nga may nagawa siyang mali kanina dahil gaya ng sinabi ng katulong, ngayon lang daw ito nagalit ng ganon. Pero hindi pa rin siya hihingi ng paumanhin.
Hay, paalam na, aking irog.
“Saan ka pupunta?” Napalingon silang lahat nang muling marinig ang boses ni Konrad.
“Hindi ba’t pinapaalis—“
“At sino ang inaasahan mong maglilinis ng kuwartong ito? Ako?” He opened the door wider. “Tapusin mo ang trabaho mo. Pag balik ko, dapat ay malinis na iyan. Kung hindi, itatapon kita pabalik sa amo mong trigger-happy.”
Lumabas ito ng silid nito at nang matapat sa kanya ay huminto ito sandali upang muli siyang tingnan. And then he once again surprised her when he patted the top of her head. Nakasunod na lang ang tingin niya rito nang maglakad na ito pababa ng hagdan.
Did he just…patted her head?
“Zyren, sa tingin ko, natuwa sa iyo si Sir Konrad.”