ZYREN FILLED her lungs with Konrad’s familiar mascular scent the moment she closed the door.
“Heaven ito!” Iminulat niya ang kanyang mga mata at napangiti nang tumambad sa kanay ang may kadilimang kuwarto ng lalaki. “Ito ang tinatawag na kapalaran.”
Kahit sa hinagap niya ay hindi niya akalaing darating ang ganitong pambihirang pangyayari sa kanyang buhay. Kung saan matatagpuan niya ang lalaking matagal na niyang hinihintay. Although, walang amor sa kanya si Konrad, sa ngayon, binigyan naman siya ng tadhana ng pagkakataong maipakita sa binata na pinagtagpo na nga ang kanilang kapalaran. Masipag naman siya kaya gagawin niya ang lahat para ma-realize nito ang bagay na iyon. At wala na siyang pakialam kung maiksing oras na lang ang nalalabi sa kanya. Susulitin niya ang panahong iyon.
Nahiga siya sa kama at ibinalot sa katawan niya ang kumot. Sininghot-singhot niya iyon. “Oh, Konrad, my bebeh!”
Tinawanan na lang ang kanyang kagagahan. Maybe her cousin was right about her. She was insane. Pero hindi pa siya tapos sa kabaliwan niya ang mga gamit naman ni Konrad ang pinag-interesan niya. Sa tokador ay isang kulay at botelya ng perfume lang ang naroon. Polo Blue. Iyon ang guwapong amoy ni Konrad. Naglagay din siya sa sarili. Ngayon ay lagi na niyang maaamoy ang binata.
Nang magsawa ay tiningnan niya ang kabuuan ng silid. “Ano naman kaya ang kailangang linisin dito? E, malinis naman ang lahat.”
Isang pinto ang binuksan niya. It was Konrad’s closet. Doon maayos na nakasabit ang mga polo nito at amerikana pati na mga pantalon at slacks. Sa ilalim niyon ay nakahilera ang mga sapatos nito. kumuha siya ng isang coat at isinuot iyon. Pareho rin ng amoy gaya ng coat na ibinigay nito sa kanya. Pagkatapos ay ang sapatos naman ang isinuot niya. Humarap siya sa salamin at pumorma.
“Bakit ganyan ka kung makatingin?” pinalalim niya ang boses. “Ang angas mo, ah. Kaya mo na ba’ng buto mo? Baka gusto mong pulbusin ko’ng dibdib mo? Ha? Ha?”
Naglakad siya upang lumipat sa kabilang panig at makita ang isa pa niyang anggulo. Ang problema, nakalimutan naman niyang isintas ng isinuot na sapatos kaya natapakan niya iyon at nadapa.
“Arayyy…” Someone picked her up, though. At ang guwapo ngunit seryosong mukha ni Konrad ang sumalubong sa kanya. Mabilis niyang hinubad ang coat at sapatos. “K-kanina ka pa ba riyan, Sir? Pasensiya na. Medyo…medyo nawala lang ho ako sa konsentrasyon ko sa ginagawa ko.”
“Wala ka pa pala sa konsentrasyon ng lagay na iyan.”
Alanganin na lang siyang ngumiti. Nakita kaya nito ang kanyang mga ginawa? Obviously, with the kind of reaction he had now. Ibabalik na lang niya sa closet ang mga gamit nang kunin nito ang mga iyon sa kanya.
“I don’t wear dirty clothes.” Inihagis nito ang coat sa laundry basket. “Ano ba ang pinasukan mong trabaho rito?”
Masama yata ang gising ng irog ko. “Katulong ho.”
“Anong trabaho ang nakatoka sa iyo?”
“Maglinis ng mga guestrooms at room mo.” Parang gusto na rin niyang mapakunot ang noo nang magsalubong ang mga kilay nito. “E, Sir…pasensiya na. Hindi na ito mauulit. Ilalabas ko na lang ho ang maruruming damit—“
“At anong gagawin ko sa maruming kuwartong ito?”
“Sir, malinis naman—“
“Marumi iyan.”
“Sige. Ahm…alin diyan?”
“Lahat.”
Tila itinulos siya sa kinatatayuan nang basta na lang ito magtanggal ng t-shirt pagbaling nito sa closet. Parang gusto niyang maglaway. Ang macho! Whatta body! Parang ang sarap-sarap yakapin. Haplusin…halikan… Mabilis niyang inalis ang t-shirt nitong nag-landing sa kanyang mukha nang basta na lang nito iyon ihagis sa kanya.
“Pagkatapos mong maglinis dito, puntahan mo na si Manang Sara at kunin ang suweldo mo,” wika nito. “Puwede ka ng umalis ng mansyon.”
Umalis? That sounded like he was firing her. Pansamantala niyang kinalimutan ang kamunduhan at nag-isip ng bagong gimik. Hindi siya puwedeng umalis ngayon pang nakita na niya ang katawan nito! Walang kuneksyon pero matibay na motivation na iyon para sa kanya na kailangan niyang manatili roon. Manatili sa tabi nito.
“Sir! Huwag ninyo akong paalisin. Parang awa na ho ninyo. Kapag umalis ho ako dito, baka makita ako ng dati kong amo. Ayoko na hong maging taga-salo ng plantsa kapag napapraning siya. O maging praktisan niya ng dart.” Hinarang niya ito. s**t! Ang macho talaga! Ipinilig niya ang ulo upang hindi ma-distract sa katawan nito. “Sir, magpapakabait na ho ako. Hindi na ho ako makikialam ng gamit ninyo. Patawarin na ho ninyo ako. Hinding-hindi ko na ho uulitin ang ginawa ko.”
“Umalis ka sa harap ko.”
“Pinapatawad na ho ninyo ako?”
“Hindi.”
“Pero, Sir—“
“I said get out of my way.”
Naitikom niya nang wala sa oras ang kanyang bibig. Hindi kasi niya akalaing may katigasan din pala ang kalooban nito minsan. Malungkot. Pero kailangan niyang hayaan na muna ito. Baka sakaling pagkatapos nitong maligo ay babalik na uli ang kabaitan nito.
“Don’t give me that look.”
“Sir?”
“Hindi ako naaawa sa isang taong natututo lang gumalang sa kanyang amo kapag nagigipit.”
“Opo.” Yumuko siya. Para lang maitago ang ngisi sa kanyang mga labi.
“Oh, please. Hindi mo ako madadala sa mga ganyang drama.”
“Nawalan na ho kasi ako ng respeto dahil sa dati kong amo. Masyado kasi siyang malupit. Kaya pasensiya na ho kayo na pati sa inyo ay nadala ko ang nakasanayan kong ugaling iyon. Pasensiya na po talaga kayo.” She was biting her tongue to keep herself from grinning as she started for the door. “Babalik na lang siguro ho ako sa dati kong amo. Kapag tumatagal-tagal pa ako sa kanya, baka makasanayan ko na rin ang maging kabayo ng plantsa. O maging dartboard. O kumain ng sabon. Ng walang panulak. Sige ho, Sir.”
Binati niya ang sarili nang muling marinig ang boses nito. “Kung talagang totoo iyang mga sinabi mo, nasaan ang mga peklat mo sa katawan?”
Uuuyy! Kung ganon napapansin na nito ang kanyang mga legs. “Magaling ng lahat iyon, Sir. Pero emotional scars, Sir, marami po ako. Emotionally damaged na po kasi ako.”
“Emotionally damage, huh.”
“Iyon po ang sabi sa mga tv shows na napapanood ko kapag wala ang amo ko. Nasa akin po ang lahat ng signs na malapit ng bumigay ang katinuan ko dahil sa mga pang-aabuso sa akin ng dati kong amo.”
“And let me guess, sa tv mo rin nakuha ang dramang iyan.”
“Hindi ho. Totoo ho ang lahat ng iyon.” She turned her back on him and stuck out her tongue. “Aalis na ako, Sir.”
“Sandali.” Ayos! Wagi ang drama niya! “Linisan mo muna itong silid bago ka umalis.”
Ganon? Hindi mo man lang ako pipigilan?
“Pagkatapos mong maglinis dito, isunod mo ang study room. Ang music hall, linisin mo rin dahil gagamitin ko iyon mamaya.”
Nilingon niya ito. “Pero, Sir, aalis na ho ako, eh.”
“Akala ko ba ayaw mo ng maging taga-salo ng plantsang ibinabato ng dati mong amo?” Bitbit ang tuwalya, dumiretso na ito sa banyo. “Ayusin mo ang trabaho mo kung gusto mong magkasundo tayo.”
Nilapitan niya ang pinto ng banyo nang sumara iyon at niyakap iyon. Oh, Konrad, my bebeh! Sabi na nga ba at may lihim ka ring pagnanasa sa akin—
“Ay, kabayo!” Bumukas kasing muli ang pinto at diretsong sumalpok ang mukha niya sa matipunong dibdib ng binata. Kinuskos niya agad ng apron ang pinto. “Sir, ang kapal pala ng alikabok nitong pinto ng banyo ninyo. Wala ho bang naglilinis nito?”
“Unahin mo ang kama.”
“Yes, Sir.”
“Isunod mo ang carpet at ang mga kurtina.”
“Yes, Sir. Yes, Sir.” Nakakagigil talaga ang katawan nito. Wala ni katiting na anino ng taba. And those abs…whaarrrrr!
“Zyren.”
“Yes, Sir?”
He pushed her out of the bathroom. “Start working,” then slammed the door to her face.
“Sir, yes, Sir!” Niyakap niya ang sarili. Hindi ako maliligo ng isang linggo!