Doon ay napangiti na rin siya. Nahawa na rin yata ang Lola niya sa kaibigang si Fiona. "Ay!" isang malakas na tili iyon ni Fiona habang nanlalaki ang mata ng kaibigang nakamata sa cellphone nito. "Nagreply ni si fafa Delfino, Lola. Ateng may lovelife na ang Lola mo," palatak na wika pa nito. Agad siyang napakunot sa sinabing iyon ng kaibigan niya. "Hep! Hep! Anong love life iyan?" naguguluhang sabad. Ang Lola niya may love life eh, sixty-two na ito. "Ahhhhhh," muling tili ng kaibigan habang tuon pa rin ang mukha sa cellphone nito na walang patid sa pagtunog. "Anong sabi ni Delfino, babe ko?" tila teenager na turan ng Lola niya. Mas lalo siyang napakunot noo. My god, ang Lola niya. Hindi niya alam kung tama ba ang narinig na wika nito. Delfino, babe? "Lola ang sabi ng iyong long l