"Ok naman na ang mga sugat mo, hindi naman ganun kalala nilagyan ko na ng gamot at ilang araw lang ok na iyan. And also iyung sa may paa mo, gagaling din agad iyan, mabuti na lang at hindi ka napilayan ng husto," saad sa kanya ng doctora na sumuri sa kanya. "Salamat po Doc," pasalamat niya. Mag isa lang siya sa loob at naghihintay sa kanya ang asawa sa labas. Hindi mangyayari ang lahat ng ito sa kanya kung nanlaban siya kanina at hindi masyadong nagkampante. Buong akala kasi niya sina Jade at Evie lang ang kakausap sa kanya sa rooftop, may kasama pa palang dalawang taga frat ang mga ito na siyang nanakit talaga sa kanya, dahil inutos ng mga dati niyang kaibigan. Ngayon alam na niya hindi na siya magtitiwala pa sa dalawa kahit kailan. Ang parusa ng mga ito ay si Mikel na ang bahala, hindi

