"So, ano na umamin na ba si Liyah sa iyo na mahal ka rin niya?" Tanong ni Kristof sa kanya. Ito ang unang araw niya sa trabaho mula nang magtungo sila ng asawa sa isla at heto na agad ang kaibigan niya at nakiki tsismiss na agad. Makahulugang tingin ang pinukol niya kay Kristof at iniling ang kanyang ulo saka naupo sa swivel chair bago ito sinagot. "Hindi pa," amin niya sa kaibigan. Wala pa naman kasi talagang sinasabi sa kanya si Liyah, although nakakaramdam na siya na may feelings na rin ito sa kanya, pero hindi pa ito unaamin sa kanya. Mas marupok yata siya kesa sa asawa niya, siya kase agad niyang inamin rito na mahal niya ito. Iyon na lang naman ang hinihintay niya at ok na ang lahat sa kanila ni Liyah. Masaya naman at maayos ang pagsasama nila nito, na para bang nagmamahalan silan

